You are on page 1of 4

Banghay Aralin Baitang VI

8:00 - 8:50 1:30 - 2:20


9:50 - 10:40 2:20 - 3:10

I. Layunin:
- Pagbabalik aral sa mga uri ng pangngalan ayon sa tungkulin, at
- Nasasagot nang buong husay ang mga katanungan,
- Nabibigyan halaga ang uri ng pangngalan ayon sa tungkulin.

II. Paksang Gawain:


- Paksa: Uri ng pangngalan ayon sa tungkulin
- Kagamitan: laptop, smart tv, hdmi, powerpoint presentation,manila
paper at pentelpen
- Sanggunian:

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawiin
1. Panalangin
2. Pagtetsek sa liban o hindi liban, pagsasaayos sa silid-aralan.
3. Pagbati
4. Pagkolekta sa takdang aralin

B. Balik-aral
- Ano ang tinalakay natin noong nakaraang araw?
- Ano ang pangngalan?
- Ano ang dalawang uri ng pangalangan?

C. Pagganyak
- Magpapakita ng mga laarawan nang;
- Perlas, pagkain, batalyon
- Sa inyong nakita na mga larawan ano- ano ang mga tawag sa mga
iyon?

D. Paglalahad
- Perlas
- pag-asa
- lahi
- pagkain
- kapayapaan
- batalyon
Anong mga uri ng pangngalan ito?
Ito ay uri ng pangngalang pambalana.
Anon nga ba ang Pangngalang Pambalana?
Ang Pangngalan Pambalana ay karaniwang pangalan ng tao, hayop,
bagay at pangyayari. Ang mga salita na inyong nabasa ay mga
pangngalang pambalana.

Ang unang uri ng pangngalang pambalana ay ang Tahas o Kongkreto.


- Mga pangkaraniwang pangngalang nakikita at nahahawakan.
Sa madaling salita ito ginagamitan mo ng iyong pangdama tulad nang
nakikita, nahahawakan, nalalasahan at naaamoy.
Halimbawa
- Ginto, aso, bulaklak, rambutan

Ang ika dalawang uri ng pangngalang pambalana at Basal o Di –


Kongkreto.
Mga pangngalang di – nakikita o nahahawakan pero nadarama,
naiisip, nagugunita o napapangarap. Ito ay nagsasaad ng kalagayan o
kondisyon.
Halimbawa
- Ganda, kasayahan, pag-asa

Ang huling uri ng pangngalang pamabalana ay lansakan. Tumutukoy


sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.
Halimbawa
- Tiklis, tumpok, batalyon, lahi

E. Paglalapat
- Ating balikan ang mga salitang ating nilahad na hinanay natin sa tatlo
Tahas o Kongreto
Perlas
Pagkain

Basal o Di – Kongkreto
Pag – asa
kapayapaan

Lansakan
Batalyon
lahi

Gawain 1.
Panuto: Hatiin sa Apat na grupo ang mga mag-aaral. Hanapin ang mga
salitang pambalana. Isulat ang mga ito sa wastong hanay.

P E R L A S Y Y Y G U N I G U N I Q W E
A F F D A Y G H G T Y U O P I L M N G K
P L T L S H E R T A B C D E F G H I A A
A A E A A U I J K L M N O P Q R S T N P
G P L P N K U V W X Y Z Y X W V U T D A
- I E T D B S R Q P O N M L K J I H A Y
I S P O A O R A S G F E D C D A B C H A
B F O P T P Z D E F G H I J K L M N J P
I G N G A S O O P Q R S T U V W X Y K A
G H O P H X C A B C D E F G H I J K L A
Y I P Q A B V V U T S R Q P O N M L O N
R K L W N M Q W X Y Z A C E A E O U P J
F F D A L A S D G R U P O B X Z Y T U K
H X G A H Z X K A R A N G A L A N P I Z

Tahas Basal Lansakan


Perlas kapayapaan Ganda

Lapis Pag -ibig Lahi

Telepono Oras Sandatahan

Laptop Guniguni Hukbo

Aso karangalan Grupo

F. Paglalahat
- Ano ang tatlong uri ng pangngalan ayon sa tungkulin o pangngalang
pambalana?
- Bakit mahalagang pag -aralan pa ang tungkol sa pangngalan?
IV. Pagtataya:
Basahin ang mga salita at tukuyin kung anong uri ng pangngalang
pambalana ang mga ito.
1. Oras 6. Kalungkutan
2. Hukbo 7. Koponan
3. Pusa 8. Pagmamahal
4. Tubig 9. Kalayaan
5. Bungkos 10. Mabait
V. Takdang Aralin:
- Pag-aral ninyo ang tungkol sa mga pang – abay?

Date: March, 28,2023

Inihanda ni: Victor Barte Iniwasto ni: Emmanuel F.Gloria


Student Teaching Teacher/Mentor

You might also like