You are on page 1of 26

YUNIT 1: HEOGRAPIYA AT SINAUNANG KASAYSAYAN NG DAIGDIG

Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig

Modyul 2: Mga Unang Tao sa Daigdig

Modyul 3: Mga Sinaunang Kabihasnan at Imperyo sa Asya

Modyul 4: Sinaunang Kabihasnan at Imperyo sa Africa at America

YUNIT 2: PANAHON NG TRANSISYON

Modyul 1: Kabihasnang Greek

Modyul 2: Kabihasnang Roman

Modyul 3: Kristiyanismo sa Imperyong Roman

Modyul 4: Imperyong Byzantine

Modyul 5: Gitnang Panahon sa Europa

YUNIT 3: PANAHON NG TRANSPORMASYON

Modyul 1: Mga Salik sa Paglakas ng Europe

Modyul 2: Renaissance

Modyul 3: Repormasyn at Kontra Repormasyon

Modyul 4: Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Modyul 5: Rebolusyong Siyantipiko at ang Enlightenment

Modyul 6: Rebolusyong Pampolitika at Panlipunan

Modyul 7: Rebolusyong Industriyal

Modyul 8: Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Modyul 9: Unang Digmaang Pandaigdig

Modyul 10: Ikalawang Digmaang Pandaigdig


YUNIT 4: UGNAYAN AT PAGKILOS

Modyul 1: Mga Pangunahing Ideolohiyang Politikal at Ekonomiko

Modyul 2: Ang Cold War

Modyul 3: Neokolonyalismo

Modyul 4: Mga Isyu at Suliraning Pandaigdig


YUNIT 1: HEOGRAPIYA AT SINAUNANG KASAYSAYAN NG DAIGDIG

Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig

Objectives:

 Natatalakay ang katuturan ng heograpiya at ang limang temang heograpikal bilang


kasangkapan sa pag-unawa ng daigdig
 Natataya ang katangiang pisikal ng daigdig
 Nasusuri ang pangunahing katangian ng kultural na heograpiya ng daigdig
 Napahahalagahan ang kaugnayan ng heograpiya at kasaysayan

“Paano nakatutulong sa pag-aaral ng kasaysayan at kultura ng tao ang kaalaman sa


heograpiya ng daigdig?”

ANG KONSEPTO NG HEOGRAPIYA

 Ang heograpiya ay nagmula sa salitang Griyego na “Geo” daigdig at “Graphia” Pag-


aaral nangangahulugang “pag-aaral ng daigdig. Ito ay ang siyentipikong pag-aaral ng
katangiang pisikal ng daigidig. Tinatalakay rin ditto ang distribusyon at interaksyon ng
samo’t saring pisikal, biolohikal, at kultural na katangian ng mga bagay sa ibabaw ng
daigdig.

 Heograpo ang tawag sa mga nagpapakadalubhasa sa pag-aaral ng heograpiya. Sinusuri ng


isang heograpo ang mga pagbabago sa daigdig at ang kaugnayan at interaksiyon nito sa
mga taong naninirahan ditto.

 Eratosthenes- ay isang Greek Scientist, Mathematician, at Astronomer. Kinikilala siya


bilang “Ama ng Heograpiya” dahil siya ang ipinapalagay na unang gumamit ng salitang
“Heograpiya”

 Maiuugnay ang pag-aaral ng heograpiya sa iba pang asignatura. Ipinapakikita sa talahanayan


anf kaugnayan ng heograpiya sa kasaysayan, agram politika,sosyolohiya at ekonomiks

Asignatura Kaugnayan sa Heograpiya Halimbawa

Kasaysayan Nakaapekto ang heograpikal Dahil sa malamig na klima


na kalagayan sa kung paano kung kaya nalagas ang
naganap ang mga pangyayar hukbong French ni Napoleon
sa kasaysayan Bonaparte at bigong masakop
ang Russia noong 1812

Agham Pampolitika Ang pagtatakda ng Sa naganap na armistice sa


hangganang political ng isang Korean War noong 1953 ay
bansa ay saklaw ng nahati sa pamamagitan ng 38th
heograpiya paralle ang Korean peninsula
sa dalawang political na yunit-
ang North Korea at South
Korea

Sosyolohiya Ang pagbuo at pag-unlad ng Ang pagiging kapuluan ng


mga pamayanan ay Pilipinas ay isang salik sa
nakasalalay rin sa lagay ng pagkakaroon nito ng iba’t
kapaligiran nito ibang pangkat
etnolingguwistiko na may
iba’t ibang kaugalian at
tradisyon

Ekonomiks Mahalagang salik ang likas na Ang lokasyon ng


yaman, vegetation, klima, at Constantinople sa pagitan ng
topograpiya ng isang teritoryo mga rutang pangkalakalan ng
sa kabuhayan ng mga Europe at Asya ay salik sa
nainirahan ditto. pag-unlad ng Imperyong
Byzantine.

 Limang Tema sa Pag-aaral ng Heograpiya

1. Lokasyon sumasagot sa tanong na “nasaan ito?”

Tiyak na lokasyon-.o eksaktong kinaroroonan ng tao o lugar ay natutukoy sa


pamamagitan ng paglandas ng line of latitude at line of longitues

Sistemang Grid- ang tawag sa sistemang ito ng pagtukoy sa lokasyon batay sa


pinagkrus na line of latitude at line of longitude

Relatibong lokasyon- sa pagtukoy ng kinaroroonan ng isang tao o lugar sa


pamamagitan ng mga nakapaligid ditto

2. Lugar

sumasagot sa tanong na “Anong mayroon ditto?”


Pisikal na katangian- tumutukoy sa likas na kapaligiran ng isang lugar tulad ng
kalupaan, katubigan, vegetation, klima at likas yaman.

Katangiang pantao- may kinalaman sa idea at gawi at kultura ng tao, tulad ng


ideya at gawi at kultura ng tao, kabuhayan.

3. Rehiyon

sumasagot sa tanong na “Paano nagkakaiba o nagkakatulad ang mga lugar”


Rehiyon- ay tumutukoy sa isang bahagi ng daigdig na may magkatulad na
katangian. Ang bawat rehiyon ay pinagbubuklod ng higit sa isang pagkakatulad sa
aspektong pisikal, political, ekonomiko, at kultural. Halimbawa ng rehiyon ay ang
ng tao sa kaniyang kapaligiran? Gamit ang temang ito sapagtalakay o pag-
aaral kung paano umaasa sa nililinang ang, at umaangkop sa kapaligiran ng
tao

4. Paggalaw- sumasagot sa tanong na “Bakit at paano nagkakaugnay ang mga lugar


sa isa’t isa? Sa temang ito tinatalakay kung paano ang paglipat ng kinaroroonan
ng tao, ideya, bagay at iba pang pisikal tulad ng hangin ay nakaapekto sa ugnayan
ng mga tao sa magkakaibang lugar

Sinusuri ng gma heograpo ang galwa ng tao, idea, o bagay sa pamamagitan ng tatlong uri
ng distansya:

1. Distansyang linear- sumasagot sa tanong na “Gaano kalayo”

2. Distansya sa oras- sumasagot sa tanong na “Gaano katagal ang paglalakbay?”

3. Distansyang sikolohikal- tumutukoy sa pananaw ng tao tungkol sa distansya

Mga Sangay ng Heograpiya

-Heograpiyang Pisikal- ay ang sangay na nakatuon sa pag-aaral ng iba’t ibang katangian at


proseso ng pisikal na daigdig tulad ng paggalaw ng hangin at tubig

-Heograpiyang Pantao- sa kabilang banda, ay ang sangay ng heograpiya na nakatuon sa pag-


aaral kung paano namumuhay ang tao sa kniyang pisikal at kultural na kapaligiran

ANG PISIKAL NA DAIGDIG

Ang Daigdig ay matatagpuan sa Solar System. Ikatlo ito sa walong planeta mula sa araw.
Mayroon itong isang natural na satellite, ang buwan. Isang bahagadan lamang ang laki ng
daigdig ang buwan. Gayunpaman ay nakaaapekto ito sa mga karagatan ng daigdig.

Diyemetro 12,756 Kilometro

Tinatayang layo mula sa araw 149.6 milyong (km)

Tagal ng pag-ikot sa axis 23 oras, 56 minuto at apat na Segundo

Tagal ng pag-ikot sa araw 365.26 na araw

Temperatura sa ibabaw ng daigdig 70 hanggang 55 degree Celsius

Estruktura ng Daigdig

May tatlong pangunahing bahagi ang daigdi. Ito ay ang crust, mantle, at core

- Crust pinkamanipis at pinakalabas na bahagi ng daigdig may tatlo hanggang 60 km ang


kapal. Binubo ito ng lahat ng kalupaan at ocean basin

- Mantle- makapal at mainit na layer ng semi-solid na bato may 2900 km ang kapal

- Core- may dalawang bahagi ang core: ang outer core na 2200 km ang kapal at binubuo
ng tunaw na bato, ang inner core na solido at may kapal na 1250 km

Patuloy na nagbabago ang daigdig. Malaking dahil sa pagbabagong ito ang paggalaw ng
mga tectonic plate. Ang mga tectonic plate ay naglalakihang tipak ng batong bumubuo sa
crust ng daigdig

Mga Karagatan ng Daigdig

Binubuo ng naglalakihang karagatan ang daigdig. Sumasaklaw ito sa halos 71% na kabuoang ibabaw ng
daigdig.

Karagatan Kabuuang Sukat (sa kilometro kuwadrado)

Pacific Ocean 155 557 000

Atlantic Ocean 76 762 000

Indian Ocean 68 556 000

Southern Ocean 20 327 000

Arctic Ocean 14 056 000


Mga Kontinenente ng Daigdig

Tinatawag na Kontinente ang pinakamalaking masa ng lupa sa ibabaw ng daigidig. Karaniwang itong
napaliligiran ng mgalalaking bahagi ng anyong tubig. Mayroong pitong tradisyonal na kontinente ang
daigdig: Asya, Africa, North America, South America, Antarctica, Europe, at Australia

Kontinente Kabuoang Pinakamataas Pinkamababang Klima


(mula sa Sukat na Bahagi Bahagi
pinakamalaki) (Kilometro
Kuwadrado)

Asya 43 608 000 Mount Everest sa Dead Sea sa Matatagpuan sa


China at Nepal Israel, Jordan hilagang bahagi
ng Asya ang
pinakamalamig
na lugar sa
daigdig. Nasa
kanlurang bahagi
naman nito ang
pinakamainit na
rehiyon. Ang
timog at timof
silangang bahagi
ng kontinenete ay
may mainit na
basing panahon

Africa 30 335 000 Mount Lac’Assel sa Malaking bahagi


Kilimanjaro sa Djibouti ng hilagang
Tanzania Africa ay
binubuo ng gma
disyerto.
Samantala, ang
timog na bahagi
nito ay may
klimang disyerto,
steppe, tropical
savannah,at
tropical
rainforest.

N. America 24 238 000 Mount McKinley Death Valley Nakakaranas ng


sa US malamig na
Klima ang North
America
particular sa
Alaska at
Greenland;
mainit na
disyerto sa timog
kanlurang bahagi
nito; at klimang
tropical sa timog-
silangang
kontinente,
gitnang America
at Caribbean

S. America 17 835 000 Cerro Aconcagua Peninsula Valdes Mayroong


sa Argentina sa Argentina Klimang tropical
ang malaking
bahagi ng South
America,
particular sa
Amazon Basin.
Ang Colombia,
Venezuela,
Brazil, Bolivia, at
Paraguay ay may
klimang tropical
savannah. May
klimang steppe at
highland naman
ang kanlurang
bahagi ng South
America tulad ng
Andes

Antarctica 14 245 Vinson Massif Bentley Ang Antarctica


Subglacial ang
Trench pinakamalamig
at pinaka
mayelong
rehiyon sa
daigdig.
Itunuturing na
disyerto ang
Antarctica
sapagkat 0.20
metro lamang
ang karaniwang
ulan nito sa
buong taon

Europe 10 498 000 Mount Elbrus sa Caspian Mayroong


Russia Depression sa Klimang marine
Russia west coast o
katamtamang
temperature
tuwing tag-init at
taglamig, ang
hilagang-
kanlurang
Europe.
Malaking bahagi
ng timog Europe
ay may klimang
Mediterranean

Australia 7 682 000 Mount Lake Eyre Mainit at


Kosciuszko karaniwang
tagtuyot ang
panahon sa
gitnang bahagi
ng Australia. Mas
malamig at mas
basa ang panahon
sa mga
baybaying lugar
ditto.

Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig

Dulot ng iba’t ibang prosesong heograpikal, tulad ng paggalaw ng mga tectonic plate at erosion,
nahuhubog ang iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig sa daigdig.
Anyong Lupa Everest sa Nepal at China Sa taas na 8850 metro, ang Mount Everest ang
pinkamataas na bundok sa daigdig

Andes sa South America Sa habang 8900 km, ang Andes ang pinakamahabng
hanay ng mga bundok sa daigdig

Tambora sa Indonesia Ang Tambora ang itinuturing na pinakamapinsalang


bulkan sa daigdig. May 92,000 buhay ang nasawi sa
pagsabog nito noong 1815

Sahara sa Africa Ang Sahara sa Africa ang pinakamalawak at


pinakatuyong disyerto sa daigdig na may lawak na
8,600,00 km2
Anyong Tubig

Nile sa Africa Sa habang 6695 km, ang Nile ang pinakamahabang ilog
sa daigdig

Caspian Sea sa Asya-Europe Sa sukat na 3111,000 km2, ang Caspian Sea ang
pinakamalawak na lawa sa daigdig

Angel Falls sa Venezuela Sa taas na 979 metro, ang Angel Falls ang pinakamataas
na talon sa daigdig

ANG KULTURAL NA DAIGDIG

Maliban sa Pisikal na katangian nauna nang tinalakay, mayroon din heograpiya pantao ang
daigdig. Mailalarawan ito sa apat na pangunahing aspekto- pamahalaan, ekonomiya, relihiyon at
wika.

Modyul 2: Mga Unang Tao sa Daigdig

Objectives

1. Natatalakay ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig

2. Nailalarawan ang kondisyon heograpikal sa panahon ng unang tao

3. Nailalahad ang yugto ng pag-unlad ng kultura mula Paleolitiko hanggang Neolitiko


4. Nasusuri ang kaugnayan ng pisikal na heograpiya sa pagbuo at pag-unald ng kultura ng
mga unang tao

5. Napahahalagahan ang impluwensiya ng pisikal na heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng


kultura ng mga unang tao

Ebolusyong Kultural- ay tumutukoy sa proseso ng pag-unald sa paraan ng pamumuhay


ng mga unang tao dulot ng pakikiayon sa mga pagbabagong naganap sa kanilang
kapaligiran. Masasalamin ito sa paraan ng kanilang paggawa ng kasangkapan, panirahan,
at sa uri ng kanilang kabuhayan.

Ang ebolusyong kultural ay karaniwang nahahati sa dalawang malawak na


kulturaPanahong Paleolitiko (Panahon ng Lumang Bato) at Panahon ng Neolitiko
(Panahon ng Bagong Bato). Samantala may ilang bansa sa Asya, tulad ng Japan, na
dumaan sa Panahong Mesolitiko, o transisyonal na panahon sa pagitan ng Panahong
Paleolitiko at Panahong Neolitiko

PANAHONG PALEOLITIKO

Tinatayang nagsimula ang Panahong Paleolitiko may 2.5 milyong taon na ang nakakalipas at
tumagal hanggang noong 8000 B.C.E.

Paleolitiko sa pinagsamang salitang Greeek na “Palaois” na nangangahulugang “Luma” at lithos


na nangangahulugang “bato”

Paraan ng Pamumuhay

 Lubusang umasa sa kanilang kapaligiran ang mga unang tao noong panahong Paleolitiko.
Nakuha nila mula sa kapaligiran ang lahat ng kanilang pangangailangan.

 Pangangaso at pangangalap ng pagkain ang mga pangunahing pangkabuhayan ng mga


tao noong panahong iyon

 Ang pangkat ng kalalakihan ang karaniwang nangangaso, samantalang ang mga


kababaihan ang nangangalap ng pagkain at kumakalinga sa kanilang anak

 Bumubuo ng gma tribo ang mga unang tao. Karaniwang may 50 hanggang 100 kasapi
ang bawat tribo

 Lagalag o walang permanenteng tirahan ang mga sinaunang tao

Mga Kasangkapan Noong Kulturang Paleolitiko


Gumamit ng mga kagamitang bato ang unang tao. Inilarawan ito bilang “Magaspang na bato”
saapgkat hindi pulido o makinis ang pagkakagawa ng kagamitan. Ginawa ang mga kagamitang
ito sa pamamagitan ng pagtapyas ng bahagi ng malaking bato.

Pagtuklas ng Apoy

Itinuturing na isa sa pinakamahalagang tuklas ng unang tao ang apoy. Sa isang teorya.
Natuklasan ng unang tao ang apoy sa pagtama ng kidlat sa isang punong kahoy. Nagliyab ito at
nabuwal sa isang mabangis na hayop. Nang matikman ng mga sinaunang tao ang lasa ng lutong
karne ay nagutuhan nila ito at nagsimulang gumawa ng gumawa ng apoy sa pamamagitan ng
pagkiskis ng kahoy.

PANAHONG NEOLITIKO

Tinatayang nagsimula ang Panahong Neolitiko noong 8000 B.C.E at nagtapos noong 3000 B.C.E
Nagsimula ang salitang “Neolitiko” sa pinagsamang salitang Greek na ‘Naois” na
nangangahulugang Bago at “Lithos” na nangangahulugang “Bato”

Mga Kasangkapan Noong Panahong Neolitiko

Noong Panahong Neolitiko , napaghusay ng mga unang tao ang kanilang kasangkapan.
Gumagamit na sila ng makinis na kagamitang bato. Gamit sa paggawa ng mga kasangkapang ito
ang matigas na bato tulad ng jade. Sa panahong ding ito, ginamitan na rin ng iba pang materyales
ang mga kasangkapan upang higit na mapaghusay ang paggamit ng mga ito.

Pagsisimula ng Agrikultura

Sa pag-init ng temperature ng daigdig, natunaw ang yelo na bumabalot sa daigdig, nalantad ang
lupang dating nababalutan ng yelo, at nabuo ang mga ilog at batis. Nagging angkop din ang
temperature ng daigdig para sa pagtatanim.

Ang Neolithic Revolution

Karaniwang nagsaka ang mga unang tao sa pamamagitan ng pagkainging. Natutuhan din nilang
magpaamo ng mga hayop tulad ng tupa, kambing, kamelyo, baka, manok, at baboy. Ito ang
napagkunanan nila ng iba’t ibang produkto tulad ng gatas, itlogm at karne

Ang Urban Revolution


Dulot ng mga pagbabago sa kanilang kabuhayan ay nagsimulang magtayo ng permanenteng
tirahan ang mga tao. Urband Revolution ang tawag sa prosesong ito.

Modyul 3: Mga Sinaunang Kabihasnan at Imperyo sa Asya

Sa Pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang matatamo ang sumusunod na kakayahan:

 Naipaliliwanag ang kahulugan at mga batayan ng kabihasnan

 Natataya ang katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya

 Nasusuri ang impluwensiya ng pisikal na heograpiya sa pag-usbong at pag-unlad ng mga


sinausang kabihasnan sa Asya

 Nasisiyasat ang mga paraan at mekanismo na ipinatutupad ng mga sinaunang Asyano


bilang pakikiayon at pagkontrol sa kanilang pisikal heograpiya

 Naipagmamalaki ang gma teknolohiya na bumagi sa pisikal na heograpiya at pamumuhay


ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya

 Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan at imperyo sa


Asya at daigdig.

KAHULUGAN AT MGA BATAYAN NG KABIHASNAN

Ang Kabihasnan ay isang lipunan na may mataas na antas ng pamumuhay, organisadong


pamahalaan, relihiyon, sistema ng paggawa, at antas ng lipunan.

Roger Osborne- isang Amerikanong Historyador, ang kabihasnan ay repleksiyon ng tao at ng


kaniyang mga pinahahalagahan

Pamahalaan

Karaniwang may 5000-10000 katao ang naninirahan sa isang lungsod noong unang panahon.
Bunga nito, kinailangang magkaroon ng pinuno ang mga lungsod upang mapangasiwaan ang
iba’t ibang Gawain tulad ng pagtatanim, paggawa ng kasangkapan, at pakikipagkalakalan.
Ang pamahalaan din ang nagtatakda ng mga batas upang mapanatili ang kaayusan.
Tungkulin din nitong ipagtanggol ang mga nasasakupan mula sab anta ng ibang tribong nais
sumakop sa kanila.

Ekonomiya
Sa pagkakaroon ng lipunan ng kakayahang matugunan nang sapat ang pangangailangan sa
pagkain ng mga nasasakupan nito ay nagkaroon ng espesyalisasyon, o iba’t ibang uri ng
kasanayang ekonomiko, ang mga tao. Maliban sa mga magsasaka, mangangaso,
mangangalap ng pagkain, at mangingisda, nagkaroon din halimbawa ng mga mangangalakal,
mandirigma at artisano.

Relihiyon

Naniniwala ang mga sinaunang tao sa makapangyarihang nilalang na siyang may likha ng
lahat. Ang paniniwalang ito ang nagging sentro ng lahat ng kanilang mga Gawain noong
sinaunang panahon. Mayroon silang Diyos sa iba’t ibang Gawain tulad ng pagtatanim,
pakikidigma, pag-ibig, at panganganak. Kalimitang ang hari ang nagsisilbing pari o
tagapamagitan ng tao at ng diyos. Sumasamba rin sil sa mga diyos ng ilog sa pagkat ang ilog
ang nagging sentro ng kanilang pamumuhay

Sisteman ng Pagsulat

Pictogragh- simbulo o imaheng kumakatawan sa mga salita sa pagsulat.

Mataas na Antas ng Teknolohiya

Ang teknolohiya ay tumutukoy sa mga kasangkapan at paraang ginamit ng mga tao upang
mapabilis aat mapadali ang kaniyang mga Gawain.

SINAUNANG KABIHASNAN NG MESOPOTAMIA

Itinuturing ang kabihasnanag umusbong sa Mesopotamia bilang kauna-unahan sa daigdig.


Itinatag ito ng mga Sumerian noon 3500 B.C.E

 Lupain sa pagitan ng dalawang ilog (ilog Tigris at Euphrates)

Sisteman ng Pagsulat

Unang ginamit ng mga sinaunang tao ang mga pictograph, o simbolo o imaheng
kumakatawan sa mga salita sa pagsulat. Mula rito, naimbento ang sinaunang alpabeto

Cuneiform- isang sistema ng pagsulat sa Sumerian ginagamit sa pagtala ng kanilang mga


transaksiyon

Relihiyon at Pamahalaan

 Sapagkat umikot ang buhay ng mga Sumerian sa biyayang dulot ng ilog, naniniwala
at sumasamba sila sa mga diyos ng kalikasan

 Polytheist- o sumasamba sa maraming diyos ang mga Sumerian.


 Si Enlil, na diyos ng ulap at hangin, ang itinuturing nilang pinakamakapangyarihang
diyos

 Naniniwala rin sila sa mga udag, o diyos na lumilikha ng sakit, kamalasan at iba pang
masamang pangyayari sa buhay ng tao.

 Ang Ziggurat ay itinayos para sa pangunahing diyos ng isang lungsod- estado.


Tanging ang mga pari lamang ang maaring pumasok sa dambana sa tuktok ng
naturang temple

Pagbagsak ng kabihasnang Summerian

Naging bahagi nan g pamumuhay ng mga Sumerian ang pakikipaglaban sa mga ibang tribo
sa paligid ng Mesopotamia. Subalit noong 2350 B.C.E., sa pamumuno ni Sargon, ay sinakop
at tuluyang napabagsak ng mga Akkadian ang lungsod-estado ng Sumer. Ito ang nagsimula sa
pagbuo ng imperyo sa Mesopotamia. Bukod sa mga Akkadian, nag tatag rin ng imperyong
Mesopotamia ang mga Babylonian, Assyrian at Chaldean

Kabihasnan Ambag Dahilan ng Pagbagsak

Hebrew sa timog na bahagi Itinatag ang Judaism ang Diaspora ng mga Jew
ng Kaharian ng Phoencia relihiyong Islam at
Kristyanismo

Hittite sa Asia Minor Paggamit ng Chariot at Sinalakay ng mga dayuhang


(Kasalukuyang Turkey) sandatang gawa sa bakal mula sa hilagang bahagi ng
Asia Minor
1700 B.C.E.

Aramean sa gitnang Syria Wikang Aramaic na ginamit Pagkakaroon ng mahinang


ng karamihan sa mga pinuno
1200 B.C.e nanirahan sa Kanlurang Asya
hanggang noong 800 B.C.E.

Gamit ang wikang Aramaic


sa ilang Akda sa Bibliya
Phoenician sa hilagang Kahusayan sa paglalayag at Sinako ng gma Assyrian
baybayin ng Fertile Cresent pakikipagkalakalan

1100 B.C.E. Alpabetong may 22 katinig


na nagging batayan ng
alpabetong greek, na nagging
batayna naman ng
makabagong alpabeto

Nakaimbento ng kulay na lila


mula sa kabibe ng murex

Lydian sa dulong kanluran Kauna-unahang gumamit ng Sinakop at pinamahalaan ng


ng fertile cresent at silangan barya sa pakikipagkalakalan. mga Persia
ng Mediterranean Gawa ang barya sa
pinaghalong ginto at pilak

IBA PANG KABIHASNAN SA KANLURANG ASYA

KABIHASNANG INDUS

Mula sa mga modernong bansa ng Pakistan, Bangladeh, at India,umusbong ang isang


sinaung kabihasnan sa Timog Asya, particular sa lambak ilog ng Indus bandang 2500 B.C.E
ang kabihasnang Indus

 Dalawa sa pinakatanyag na lungsod ng kabihasnang Indus ang Harrapa at Mohenjo-


Daro.

Pagbagsak ng Mohenjo-daro

Bandang 1500 B.C.E. tinatayang simulang bumagsak ang kabihasnang Indus. Ayon sa mga
Historyador, maaring dulot ito ng:

a) Isang malaking sakuna na lumipol sa mga taga Indus tulad ng lindol

b) Ang pagbabago sa daloy ng ilog, dahilan upang hindi na madiligan ang mga tanim sa
lambak ng Indus; o

c) Pananalakay ng mga Aryan

Pandarayuhan at Pananakop ng mga Aryan


Bandang 1500 B.C.E tinatayang tumawid ang isang pangkat ng mga taong lagalag mula sa
hilagang kanluran at nagdaan sa Khyber Pass, tungo sa lambak ng Indus. Sila ang tinagurian
Aryan. Sa pagdating ng mga Aryan, sumiklab ang digmaan sa pagitan nila at ng mga taong
una nang nanirahan sa lambak

Impluwensiyang Aryan sa mga Taga India

Aspekto Impluwensiya

Pamahalaan Pinamunuan ang mga Aryan ng isang raja

Taglay ng raja ang kakayahang ipagtanggol


ang pinamumunuan. Hindi lubos ang
kaniyang kapangyarihan sapagkat
kinakailangan din niyang sumunod sa mga
batas sa pinamumunuan. Katulong ng raja sa
pagbuo at pagpapatupad ng mga batas ang
isang tribal council, na binubuo ng
pinakamahusay na mandirigma

Lipunan Sa pananakop ng mga Aryan sa India ay


pinairal ang pagpapangkat-pangkat ng mga
taong tinawag na sistemang caste

Ekonomiya Nakipagkalakalan ang mga Indian sa iba’t


iabng bansa sa Timog-silangang Asya tulad
ng Burma (Kasalukuyang Myanmar),
Thailand, at Indonesia, gayundin sa
Silangang Asya tulad ng Chin, Japan at Korea

Relihiyon Sa pagdating ng mga Aryan sa India,


umosbong at naipalaganap ang mga relihiyon
ng Hinduism, Buddhism, at Janism

Sistema ng Pagsulat Ginamit at pinalaganap ng mga Aryan ang


Sanskrit. Sa wikang ito naitala nila ang
mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay
sa pagitan ng 1500 at 400 B.C.E tinawag sa
kasayansayan ng India bilang “Panahong
Vedic” Mababasa ito sa lipunan ng mga banal
na aklat ng Hinduism, ang Vedas. Nagsimula
rin sa India ilang kilalang epiko tulad ng
Mahabharata at Ramayana
MGA IMPERYO SA INDIA

 Nasakop ng Persia ang India sa pamumuno ni Cyrus the Great at Darius I noong 600
B.C. ngunit hindi direktang pinamahalaan ito ng Persia. May mga katutubing hari na
patuloy na namuno sa kanilang mga nasasakupan bagamat nagbabayad ang kanilang
mga nasasakupan ng buwis sa mga dayuhan.

 Makalipas ang 200 taon ay napasok naman ng Imperyong Macedonian ang India sa
pamumuno ni Alexander the Great.Nakontrol ng Imperyong Macedonianan ang
bahagi ng Indus Valley subalit bigong nasakop ang kapatagan ng Ganges

 Mula sa magkakatunggaling katutubong kaharian naman sa India, ilang pinuno ang


nagging makapangyarihan at nakapagtatag ng kanilang sariling Imperyo.

Imperyo Tanyag na Pinuno Mahalagang Ambag Dahilan ng


Pagbagsak

Chandragupta Hinati ni Chandragupta Walang humaliling


Maurya Maurya ang kaharian sa mahusay na pinuno
Imperyong Maurya mga lalawigan at distrito matapos ang
321-232 B.C.E upang madaling pamumuno ni Asoko
mapamahalaan; nag
pagawa ng mga kalsada at
pinaunlad ang sistema ng
koreo at kalakalan

Asoka Sa panahon ni Asoka


narrating ng kabihasnang
Indian ang kabantugan
nito. Pinaunlad niya ang
kalakan at komersiyo.
Pinaghusay ang sistema ng
transportasyon at
kominikasyon; at
itinaguyod ang
pagpapahalaga sa bawat
mamamayan.
Imperyong Gupta Chandra Gupta 1 Pinalakas ni Chandra Humina ang imperyo
Gupta ang imperyo sa dulot ng pananalakay
320-550 BC pamamagitan ng pakikipag ng mga Hun, isang
alyansa sa mga pamilyang tribong lagalag mula
namumuno sa lambak ng sa Hilagang
Ganges Kanlurang ng India

Sumudra Gupta Pinalawak ni Sumadra


Gupta ang imperyo sa
pamamagitan ng pakikipag
digma

Chandra Gupta Naganap sa panahon ni


Chandra Gupta II ang
“Gintuang Panahon sa
India” na tumagal ng 200
taon

Higit niyang pinalawak


ang imperyo, nagging
tanyag ito dahil sa
malawak na minahan ng
ginto at pilak

Imperyong Mughal Babur Sinakop ni Babur ang Humina at tuluyang


hilagang Indi bumagsak ang
1526-1621 imperyo dulot ng
Akbar Higit na pinalawak ni
rebelyon laban sa
Akbar ang imperyo na
hindi makatarungang
umabot mula sa Himalayas
patakaran at ng alitan
hanggang sa Ilog Godavari
sa pamilya ni
at mula sa Kashmir
Aurangzeb
hanggang sa Ilog Ganes at
BrahmaputraPinahintulutan
niyang mamuno ang mga
hindi Muslim at binigyan
niya ng kalayaan sa
relihiyon ang mga
mamayan
Shah Jahan Sinakop ni Sha Jahan anf
Deccan Plateau at ang
Samarkand at ipinatayo
ang Taj Mahal

Aurangzeb Ipinagbawal ni Aurang zeb


ang pagtatayo ng templong
Hindu at pagsasagawa ng
suttee, o pagsunog sa balo
ng yumaong Hindu

Sapilitan niyang ginawang


Muslim ang may ibang
pananampalataya.
Pinatawan niya rin ng
mataas na buwis ang mga
hindi Muslim

KABIHASNANG TSINO

Sa silangang Asya umusbong ang is pang sinaunang kabihasna malapit sa ilog bandang 2000
BCE- ang kabihasnang Tsino. May dalawang ilog ba gumanap ng mahalagang gampanin sa
pag usbong ng naturang kabihasnan- ang Ilog Yangtze at Ilog Huang Ho. Tinuring ang ilog
bilang “Lunduyan ng Kabihasnang Tsino at “Pighati ng China”
Nagtatag ang sinaunang Tsino ng mga pamayanan sa lambak ilog hindi lang dahil sa
pagiging mataba ng lupa rito, kung hindi dahil na rin sa hindi pagiging angkop ng mga
nakapalibot na disyerto at kabundukan sa pagsasaka

Ang Kabihasnang Shang ang kauna-unhang Dinastiyang naitala sa kasaysayan gn China. Namayagpag
ito mula 1532 hanggnang 1027 BCE. Isa ang Anyang sa pinakamahalagang lungsod nito

Dinastiya Tanyag na Pinuno Mahalagang Ambag Dahilan ng


Pagbagsak

Shang (1532- Pamilyang Shang Mula sa natagpuang mga Pananakop ng Zhou


1027 BCE) Oracle Bone, o butong gamit
sa panghuhula, natunton ang
isang sinaunang sistema ng
pagsulat- mga pictograph na
nagging batayan naman ng
maraming modernong Chinese
Character

Zhou (1024- Ito ang pinakamtagal na Sa pagsiklab ng


256 BCE) dinastiya sa China na namuna digmaang sibi noong
sa loobg 900 taon. Warring States
Pinasimulan nito ang Period (475-221
paniniwala sa Mandate of BCE) nagwagi ang
Heaven at ang dynastic cycle. Qin laban sa Zhou at
Nagging tanyag ang China lima pang estado
dahil sa produktong sedan a
nakarating sa gitnang Asya at
Europe. Mula sa panahong ito
rin nagmula ang Confucianism
at Taoism
Qin (221-206 Shi Huangdi Si Shi Huangdi batay sa
BCE) Legalism o mahigpit na
pagpapatupad o pagsunod sa
batas.

Itinatag niya ang isang


matibay at sentralisadong
pamahalaan na may maliit na
distrito upang mas madaling
mapamahalaan.

Ipinag-utos niya ang


pagkakaroon ng iisang wika,
sistema ng pagsulat,
pananalapi, timbangan at
sukatan. Pinasimulan din niya
ang pagtatayo ng Great Wall
upang mapigilan ang
pananalakay ng gma taong
lagala mula sa timog ng Gobi
Desert

Nagpagawa ng 600 estatwang


sundalo, tinaguriang terracotta
warriors na kasinglaki ng tao
at 1400 chariot upang
magsilbing bantay sa kaniyang
libingan.

Han (202-221 Liu Bang (Gaozu) Muling nakamit ang kauyusan Ang pagkakaroon ng
BCE) sa ilalim ng pamamahala ni tiwali at mahhihnang
Liu Bang. Pinagsma ang pinuno ay nagbunsod
kaisipang Legalism at sa muling pagsiklab
COnfuciansim sa pamumuno ng digmaan sibil sa
at ipinahinto ang malupit na China
pagpapataw ng parusa

Wudi Pinalawak nu Wudi ang


Dinastiyang Jan gamit agn
300,000 mandirigma at
nagpasimula ng civil service
examination. Sa ilalim ng
kaniyang pamumuno nakamit
ng China ang Pax Sinica o
Panahon ng Kapayapaang
Tsino at nagging tanyag ang
Silk Road, isang rutang
pangkalakalan kung saan
idinaan ng mga mangangalakal
na Tsino ang seda

Sui Sui Yangdi Ipinagawa ni Sui Yangdi ang Bunga ng sapilitang


Grand Canal na nagdugtong sa paggawa at
Ilog Huang Ho at Yangtze, at pagpapataw ng
nagpabilis sa pagdadala ng mataas na buwis,
produkto patungong hilaga nagrebelde ang mga
mamayan

Tang Itinuturing bilang isang Bumagsak ang


dakilang dinastiya ang dinastiya dahil sa
Dinastiyang Tan. Pinalawak kaguluhang panloon
nito ang sakop na teritoryo at pagsalakay ng mga
muling pinaunlad ang dayuhan
Chang’an at nagpatayo ng
malalaking palasyo at templo

Song Pinaunalad ng Dinastiyang Pinabagsak ang


Song ang mga impraestruktura dinastiyang Song ng
tulad ng kanal, patubig, mga Mongol
kalsada at ang sining at
panitikan, tulad ng landscape
painting. Naimbento rin sa
dinastiyang ito ang compass at
pulbura
Yuan Ang Dinastiyang Yuan ang Sa pamumuno ni
unang dayuhang imperyo sa Yuan Zheng,
China. Pinaunlad nito ang narebelde ang mga
transportasyon at Tsino dahil sa
komunikasyon at nagptayo ng matinding katiwalian
mga himpilan upang may at laganap na
matuluyan ang mga dayuhan. kahirapan sa China
Tinaggap ni Kublai Khansi
Marco Polo, isang manlalayag
na Italiano may akda ng The
Travels of Marco Polo na
naglalarawan sa kagandahan at
karangyaan ng China.

Ming Zheng He Pinamunuan ni Zheng He ang Sinakop ng mga


mga paglalayag sa Timog- dayuhang Manchu
silangang Asya mula 1405
hanggang 1433. Ipinatupad din
niya sa China ang patakarang
Isolationism o pagputol ng ano
mang pakikipag-ugnayan sa
mga dayuhan. Tumagal ito sa
loob ng 250 taon

Modyul 4: Sinaunang Kabihasnan at Imperyo sa Africa at America

Sa Pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang matatamo ang sumusunod na kakayahan:

 Natataya ang katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan at imperyo sa Africa at


America

 Nasusuri ang impluwensiya ng pisikal na heograpiya sa pag-usbong at pag-unlad ng mga


sinaunang kabihasnan at imperyo sa Africa at America

 Nasisiyasat ang mga paraan at mekanismo na ipinatupat ng mga sinaunang kabihasnan sa


Africa at America
 Naipagmamalaki ang mga teknolohiyang bumago sa pisikal na heograpiya at pamumuhay
sa mga sinaunang kabihasnan at imperyo sa Africa at America

 Napahahalagahan ang mga kontribusyon sa sangkatauhan ng mga sinaunang kabihasnan


at imperyo sa Africa at America

HEOGRAPIYA AT MGA SINAUNANG EGYPTIAN

Ang Egypt ay matatagpuan sa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Napaligiran ito ng


mga dusyerto at madalang ding makatanggap ng ulan. Sa ganitong kalikasan umusbong
ang isang pinakamayaman at kahanga-hanggang kabihasnan sa daigdig ang kabihasnang
Egyptian.

 Nagtatag ng mga sinaunang pamayanan asng mga Egyptian sa tabi ng Ilog Nile. Umasa
sila sa taunang pagbaha ng ilog. Ang tubig ng ilog ay mula sa natunaw na yelo sa
silangang Africa sa malakas na pag-ulan sa kagubatan ng gitnang Africa.

LUMANG KAHARIAN

Nagtagal ang Lumang Kahariang Mula 2686 hanggang 2181 BCE sa simula nagkaroon
ng magkaibang pagkaka-kilanlan ang pinag-isang Egypt sa pamumuno ni Menes. Subalit
kalaunan ay naitatag nila ang isang sentralisadong pamahalaan

Pamahalaang Egyptian

Pharaoh ang tawag sa pinakamataas na pinuno ng Egypt. Pinaniniwalaan siyang anak ng


diyos ng araw na si Ra at itinuturing ding isang diyos

Vizier ang tawag sa katuwang ng Pharaoh o pinunong tagapamahala.

GITNANG KAHARIAN

BAGONG KAHARIAN

BUHAY AT PAMANA NG MGA SINAUNANG EGYPTIAN

IBA PANG KAHARIAN AT IMPERYO SA AFRICA

MGA KAHARIAN SA KANLURANG AFRICA

KABIHASNANG AMERIKANO

KABIHASNANG OLMEC

KABIHASNANG MAYAN
IMPERYONG AZTEC

You might also like