You are on page 1of 36

8

Araling Panlipunan
Kwarter 1 - Modyul 1: Linggo 1
Katangiang Pisikal ng Daigdig
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Kwarter 1 – Modyul 1: Linggo 1: Katangiang Pisikal ng Daigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lyra R. Riomalos


Editor: Eduard V. Cepeda
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat: Paul Genesis H. Diana
Tagapamahala: Felisa B. Beriong, CESO VI
Corazon C. Tingson
Gaudencio C. Riego PhD
Schubert Anthony Sialongo
Eleanore M. Dagala PhD
Phoenix Alianah Zandria Q. Salcedo-Tordesillas
Marian Rose B. Sarmiento

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon VI - Sangay ng Antique

Office Address: Binirayan hills, San Jose, Antique


Telefax: (036) 540-9837
E-mail Address: antique@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Kwarter 1 – Modyul 1: Week 1
Katangiang Pisikal ng Daigdig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Katangiang Pisikal ng Daigdig!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Katangiang Pisikal ng Daigdig!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
Pagyamanin ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Isagawa bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

ii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

ii
Alamin

Ang Modyul na ito ay dinesenyo at isinulat para sa mga mag-aaral na gaya


mo. Ang layon nito ay matulungan kang maunawaan ang mga konsepto kaugnay
sa Katangiang Pisikal ng Daigdig. Susuriin mo ang mga katangiang pisikal na ito at
ang kaugnayan ng mga ito sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan. Marahil ay
handang handa ka na.

Ang Modyul 1: Katangiang Pisikal ng Daigdig ay binubuo ng mga sumusunod


na paksa:
● Limang Tema ng Heograpiya
● Estruktura ng Daigdig at Mga Imahinasyong Guhit sa Globo o Mapa
● Klima
● Anyong Lupa at Anyong Tubig
● Ang Pitong Kontinente ng Daigdig

Sa Modyul na ito, ay inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na


kasanayan:
1. Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig;
1.1. Natutukoy ang limang tema ng heograpiya batay sa paglalarawan sa
katangiang pisikal ng daigdig.
1.2. Naipaliliwanag ang kaugnayan ng mga katangiang pisikal ng daigdig
sa uri ng pamumuhay ng mga taong naninirahan dito.
1.3. Nakakalikha ng malikhaing gawain bilang pagmamalaki sa
katangiang pisikal/kapaligiran ng kinabibilangang lugar sa daigdig.
1.4. Naipamamalas ang pagpapahalaga sa pangangalaga sa pisikal na
kapaligiran bilang nilalang na naninirahan sa daigdig

3
Subukin

Subukang sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan at alamin kung


gaano mo kaalam ang mga katangiang pisikal ng daigdig.
Panuto: Basahin ng may pag-unawa ang bawat aytem. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang guhit sa globo na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng


Timog at Hilagang hemispero.
a. Ekwador
b. Prime Meridian
c. International Dateline
d. Tropiko ng Kanser

2. Pinakamalaking kontinente sa mundo kung saan naroon din ang may


pinakamalaking bilang ng populasyon.
a. Antarktika
b. Aprika
c. Asya
d. Europa

3. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking karagatan sa mundo?


a. Arktiko
b. Atlantika
c. Indian
d. Pasipiko

4. Ang bahagi ng daigdig na siyang nagsisilbing panirahan ng tao at iba pang


may buhay.
a. core
b. crust
c. mantle
d. plate

5. Sinasabing ang kasalukuyang mga kontinente ay dating nagmula sa isang


Super continent na Pangaea, ngunit naghiwa-hiwalay dahil sa patuloy na
paggalaw ng mga plates. Ito ay ayon sa teoryang____________.
a. Big Bang
b. Continental Drift
c. Nebular
d. Panrelihiyon

4
6. Saang kontinente makikita ang pinakamataas na Bundok Everest?
a. Aprika
b. Asya
c. Hilagang Amerika
d. Timog Amerika

7. Tumutukoy ito sa kalagayan o kondisyon ng atmospera ng isang lugar sa


matagal na panahon.
a. Klima
b. Panahon
c. Temperatura
d. Presipitasyon

8. Ang kalupaan, mga halaman, hayop, klima at panahon ay bumubuo sa


_____ ng daigdig.
a. Kabihasnan
b. Kasaysayan
c. Kayamanan
d. Katangiang Pisikal

9. Ito ay itinuturing na modelo ng mundo.


a. Globo
b. Google Maps
c. Compass
d. Atlas

10. Ano ang tawag sa sa isa sa limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa


paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar tungo sa iba pang lugar?
a. Lugar
b. Rehiyon
c. Paggalaw
d. Lokasyon

11. Ang Pilipinas, Taiwan at Japan ay nasa bungad ng karagatang Pasipiko,


kaya madalas na ang mga bansang ito ay nakararanas ng anong
kalamidad?
a. Bagyo
b. Lindol
c. Tsunami
d. Sunog

12. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng makapal na yelo na bumabalot sa


kalupaan ng Antarktika?
a. Dahil sa direkta itong nasisikatan ng araw.
b. Dahil sa makikita ito sa mababang latitud.
c. Dahil hindi ito direktang nasisikatan ng araw.
d. Dahil madalas ang pag-ulan dito.

5
13. Paano matitiyak ang lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa?
a. Sa pamamagitan ng pag-alam sa direksyon nito
b. Sa pamamagitan ng pagtukoy sa latitud at longhitud ng lugar
c. Sa pamamagitan ng paggamit ng compass
d. Sa pamamagitan ng mga nakapaligid na anyong tubig dito

14. Alin sa mga pangungusap ang HINDI kasama sa mga patunay na ang
katangiang pisikal ay may malaking bahagi sa pamumuhay ng mga tao?
a. Dahil ang isla ng Batbatan sa Culasi ay isang pulo, pangingisda ang
kabuhayan ng mga tao.
b. Madalas ay apektado ang mga pananim ng mga magsasaka sa
Antique tuwing panahon ng hanging habagat.
c. Nakakaranas ng paglindol ang ating probinsya kaya’t ang mga
mamamayan ay natutong maging handa sa mga kalamidad.
d. Ipinagdiriwang ng mga taga-Antique ang Binirayan Festival bilang
pag-alala sa kanilang kasaysayan.

15. Katungkulan ng tao sa daigdig na pangalagaan ang kalikasan upang:


a. Magamit ang mga likas na yaman ng lubusan.
b. Huwag mabulok ang kalikasan.
c. Maging maligaya ang buhay sa mundo.
d. Magamit ang mga likas na yaman nang maayos para sa pagpapatuloy
ng buhay ng mga naninirahan dito.

6
Aralin
Katangiang Pisikal ng
1 Daigdig

Nagmula ang salitang heograpiya sa wikang Griyego na geo o daigdig at


graphia o paglalarawan. Samakatwid, ang heograpiya ay tumutukoy sa
siyentipikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig. Saklaw ng katangiang
pisikal ang iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig, likas na yaman, mga halaman
at hayop, klima at panahon, gayundin ang interaksyon ng tao sa kaniyang
kapaligiran. Ang pagkakaroon ng buhay sa Daigdig ay masasabing bunga ng tiyak
na posisyon nito sa solar system. Halina at simulang tuklasin ang pisikal na
katangian ng ating daigdig.

Balikan

Sa bahaging ito, ipapakita ang iyong dati nang alam tungkol sa katangiang
pisikal ng Asya na iyong napag-aralan sa nakaraang baitang. Simulan mo na.

Gawain 1. Word Hunt


Hanapin ang mga terminong may kaugnayan sa heograpiya o katangiang
pisikal ng Asya. Gamitin ang una at huling titik ng salita bilang gabay sa
paghahanap ng bawat salita.Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

S A V A N N A

T N T O S U G

E I U R A L I

P H N A S Y A

P C D S E A T

E T R E S E D

P R A I R I E

7
1. A _ _ A - Ang pinakamalaking kontinente sa mundo na
kinaroroonan ng Pilipinas.

2. S _ _ _ _ _ A - Uri ng vegetation cover na pinaghalong damuhan


at mga puno.

3. D _ _ _ _ T - Anyo ng lupa sa mga mainit at tuyong lugar na


halos walang tumutubong halaman (Ingles)

4. T _ _ _ _ A - Lupaing binabalot ng yelo na halos matatagpuan


sa mga rehiyong polar.

5. P _ _ _ _ _ E - Lupaing may mahahaba at makakapal na


damuhan gaya ng talahiban.

6. C _ _ _ A - Dito makikita ang Ilog Huang Ho at Yangtze.

7. U _ _ L - Hanay ng kabundukang naghihiwalay sa Europa


at Asya.

8. S _ _ _ _ E - Malalawak na damuhan sa mga lugar na may


bahagyang tuyong klima

9. T _ _ _ A - Kagubatang mabato at coniferous.

10. S _ A - Bahaging tubig na mas maliit sa karagatan


(Ingles)

Mga Tala para sa Guro

Matapos ang pagbabalik-tanaw sa heograpiya ng Asya, simulan na


ang paglalakbay at tuklasin ang katangiang pisikal ng daigdig bilang
unang aralin sa Kasaysayan ng Daigdig. Ang mga gawaing inihanda ay
ginawang simple, makabuluhan at upang magganyak ang isang mag-
aaral.

Pinaalalahanan ang sinumang tagapagdaloy na gabayan ang mga


mag-aaral sa kaniyang paglalakbay sa modyul na ito. Mahagalang
isagawa ang bawat gawain at ipabatid na kailangang basahing mabuti ang
mga panuto upang higit na maunawaan ang mga gawain at araling
inihanda.

8
Tuklasin

Gawain 2: Banwa ko, Alam Ko!

Pamilyar ka ba sa mga tanawin o katangiang pisikal ng ating lalawigan?


Kung gayon, tiyak na magiging madali sa iyo ang susunod na gawain.
Suriing mabuti ang mga larawan. Tukuyin ang bayang kinaroroonan ng mga
tanawing ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Malalison Island

1. ______________________

Malumpati Cold Spring Umaverde

2. ______________________ 3. ______________________

Aningalan High land


Igpasungaw Falls Strawberry farm

4. ______________________ 5. ______________________

Sira-an Hot Spring Pinagkunan ng mga larawan:


https://www.pinterest.ph/pin/
https://www.tripadvisor.com.ph/
6. ______________________

Madali mo bang nasagot kung saang bayan makikita ang mga nasa
itaas? Ilan lamang ang mga ito sa mga katangiang pisikal ng ating lalawigan.
Ngayon, suriin naman natin ang katangiang pisikal ng ating daigdig!

9
Suriin

Limang Tema ng Heograpiya

Upang mas gawing madali at simple ang pag-aaral ng heograpiya,


binalangkas ang limang magkakaugnay na temang heograpikal sa pangunguna ng
National Council for Geographic Education at ng Association of American
Geographers. Sa tulong nito mas madaling maunawaan ng tao ang daigdig na
kaniyang ginagalawan. Suriin ang kasunod na tsart.

Talahanayan 1.1 Limang Tema ng Heograpiya


Tema ng
Kahulugan/ Paglalarawan Uri/Halimbawa
Heograpiya
Lokasyon Kinaroroonan ng mga 1. Lokasyong absolute na gamit ang
lugar o pook sa daigdig imahinasyong guhit na latitud at
longhitud.
2. Relatibong Lokasyon na batay sa
mga lugar at bagay na nasa
paligid ng inilalarawang pook.
Lugar Mga katangiang natatangi 1. Katangian ng pook (klima,
sa isang pook anyong lupa at tubig, likas na
yaman)
2. Katangian ng mga taong
naninirahan (wika, relihiyon,
dami ng tao, kultura at pulitika)
Rehiyon Bahagi ng daigdig na 1. Mga rehiyon
pinagbuklod ng 2. Kasama sa mga Samahang
magkatulad na katangiang Panrehiyon
pisikal o kultural
Interaksyon Kaugnayan ng tao sa 1. Pagkuha ng tao ng
ng tao at pisikal na katangiang pangangailangan at pakikiayon
Kapaligiran taglay ng kaniyang lugar sa kapaligiran
Paggalaw Paglipat ng tao mula sa May 3 uri ng distansya ang isang
isang lugar patungo sa iba lugar
pang lugar o paglipat ng ● Linear-Gaano kalayo ang
bagay at likas na isang lugar
pangyayari, tulad ng ulan ● Time-Gaano katagal ang
at hangin. paglalakbay
● Psychological-Paano
tiningnan ang layo ng lugar
Pinagkunan: Modyul ng Mga Mag-aaral Araling Panlipunan. Kasaysayan ng Daigdig, Edisyon 2014 p.13

Malinaw na ba sa iyo ang limang tema ng heograpiya? Kung


hindi pa, suriin ang sumusunod na diyagram.

10
Diyagram 1.1. Limang Tema ng Heograpiya (Antique)

Lokasyon: Rehiyon:
1. Makikita sa kanlurang Kabilang sa Rehiyon
bahagi ng Panay. VI- Kanlurang
2. Nasa Hilagang-Silangan Visayas
nito ang Aklan, sa
Paggalaw:
silangan ang Capiz, sa
Timog-Silangan ang Iloilo Tuwing buwan ng
A
at sa kanluran ang Mayo marami ang
Dagat Sulu at hilagang N bumabalik sa
bahagi ng Palawan. probinsya upang
T magbakasyon mula
I sa Metro Manila.
Lugar:
Q Interaksyon ng tao at
Klima-Tropikal kapaligiran:
U
Anyong Lupa- Mt. Madjaas Pagsasaka at
ang pinakamataas na E Pangingisda ang
bundok. pangunahing
kabuhayan ng tao.
Anyong Tubig- Pinagkunan: https://www.pinterest.ph/pin/
489836896941559456/
Pinakamalinis na ilog sa
Panay ang Bugang River.

Estruktura ng Daigdig
Diyagram 1.2 Ang Estruktura ng Daigdig.

Crust

Mantle

Outer Core

Inner Core

Pinagkunan: https://o.quizlet.com/K1H68iWU6HEq7EuDPW3VJg_b.png

● Crust – Ang matigas at mabatong bahagi ng planetang daigdig. Umaabot ang


kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente at
may kapal lamang na 5-7 km mula sa mga karagatan. Nagsisilbi itong
panirahan ng mga tao, hayop at iba pang bagay na may buhay.
● Mantle – Isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at
natutunaw ang ilang bahagi.
● Core – Ang tawag sa kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga
metal tulad ng iron at nickel. Nahahati sa outer core at inner core.

11
Source: http://www.geography.learnontheinternet.co.uk/topics/structureofearth.html

● Plate – Malalaking masa ng solidong bato na gumagalaw na parang balsang


inaanod sa mantle. Mabagal na gumagalaw ang mga plate subalit, ang pag-
uumpugan ng mga ito ay napakalakas at nagdudulot ng paglindol, pagputok
ng mga bulkan at pagbuo ng mga kabundukan. Gayundin, ang pagbabago-
bago ng mga posisyon ng kontinente sa daigdig sa loob ng milyon-milyong
taon.

http://myschoolhouse.com/courses/T/3/9.asp

● Ang daigdig ay may apat na hating-globo (hemisphere): Ang Northern


Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng Ekwador, at ang
Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian.

Mga Imahinasyong Guhit


Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo at mapa, mahalagang
mabatid ang mga imahinasyong guhit na may malaking kaugnayan dito.
Diyagram 1.3 Mga Mahahalagang Imahinasyong Guhit na Matatagpuan sa
Globo o Mapa.

Parallels ang tawag sa mga


linyang pahalang o paikot
kaagapay ng ekwador.
Meridians naman ang mga
guhit patimog at pahilaga.

Latitud (latitude) ang tawag sa


mga distansyang angular sa
pagitan ng dalawang parallel https://slideplayer.com/amp/7952971/

patungo sa hilaga o timog.


Longhitud (longitude) ang tawag sa
Halaw mula sa Modyul ng Mga Mag-aaral Araling
Panlipunan. Kasaysayan ng Daigdig, Edisyon 2014 mga distansyang angular na nasa
p.19
pagitan ng mga meridian.

12
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng latitud at longhitud
ng isang lugar, matitiyak ang lokasyon nito sa globo o
mapa sa paraang absolute, astronomical, o tiyak.
Halaw mula sa Modyul ng Mga Mag-aaral. Araling Panlipunan
. Kasaysayan ng Daigdig, Edisyon 2014 p. 18

Ang International Date


Line ay matatagpuan sa 180
degrees longhitud mula sa
Prime Meridian, pakanluran
man o pasilangan.

Nagbabago ang pagtatakda


ng petsa alinsunod sa
pagtawid sa linyang ito,
pasilangan o pakanluran.
https://geoworld.fandom.com/wiki/The_International_Dateline
Halaw mula sa Modyul ng mga Mag-aaral. Araling
Panlipunan. Kasaysayan ng Daigdig, 2014 p. 18

Ang Ekwador Ang Prime


ay nasa zero Meridian ay
degree (0°) makikita sa
latitude. Ito ang zero degree
humahati sa (0°) longitude.
globo sa hilaga Ito ang
at timog humahati sa
hemispero. globo sa
Napakainit ang silangan at
temperatura sa kanlurang
mga lugar na hemispero.
malapit dito
dahil sa
direktang sikat
ng araw.
https://www.infoplease.com/world/world-geography/world-geography-glossary

13
Ang Tropiko ng Kanser (Tropic of Cancer) ang pinakadulong bahagi
ng Hilagang Hemispero na direktang sinisikatan ng araw.
Matatagpuan ito sa 23.5° hilaga ng ekwador.

Ang Tropiko ng Kaprikorniyo (Tropic of Capricorn) ay ang


pinakadulong bahagi ng Timog Hemispero na direktang sinisikatan ng
araw. Makikita ito sa 23.5° timog ekwador.
Halaw mula sa Modyul ng mga Mag-aaral. Araling Panlipunan. Kasaysayan ng Daigdig. Edisyon 2014 p. 19

Ang Bilog Arktiko (Arctic Circle) ay matatagpuan sa 66.5° ng Hilaga


ng Ekwador. Napakalamig ng klima sa sonang ito.
Ang Bilog Antarktiko (Antarctic Circle) ay makikita sa 66.5° Timog
ng Ekwador. Dito makikita ang kontinente ng Antarktika.

Bakit mahalaga ang mga imahinasyong guhit sa globo o mapa?


_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

Klima
Ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa
matagal na panahon ay tinatawag na klima. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba
ng mga klima sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende
sa latitud at gayon din sa panahon, distansya mula sa karagatan, at taas mula sa
sea level.

Mahalaga ang papel ng klima. Iniaangkop ng tao ang uri ng kaniyang


pamumuhay sa uri ng klima at likas na kapaligiran na mayroon siya. Ang mga
lugar na malapit sa ekwador ang nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at
ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming nabubuhay na iba’t
ibang species ng halaman at hayop ang matatagpuan sa lugar na ito. Kapag bihira
naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto,
kakaunti ang maaaring mabuhay na mga halaman at hayop. Ganito rin ang
maaaring asahan sa mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon.

Anyong Lupa at Anyong Tubig


Topograpiya ang tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon, gaya
ng mga anyong lupa at anyong tubig. May malaking kinalaman sa likas na
kayamanan at pamumuhay ng mga tao ang pisikal na anyo ng lupa (mga bundok,
burol, bulkan at kapatagan) at anyo ng tubig (mga karagatan, ilog, dagat, talon, at

14
bukal). Ang pisikal na kapaligiran ng isang lugar ay naging batayan ng tao upang
iangkop ang kaniyang pamumuhay. Mula sa kapaligirang ito, natutugunan ng tao
ang kaniyang araw-araw na mga pangangailangan.

Sa kasaysayan ng sangkatauhan, umusbong malapit sa mga lambak-ilog ang


mga kauna-unahang kabihasnan ng daigdig. Kabilang dito ang mga lambak-ilog ng
Tigris -Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Aprika.

Kadalasang nagtataglay naman ang mga bulubunduking lugar ng maliit na


populasyon. Sa Asya, ang pinakamataas na bundok ay ang Everest (29,028
talampakan 0 8,848 metro). Sa Aprika, ang Kilimanjaro (19, 340 talampakan o
5,895 metro) at sa Europa, ang Elbrus sa Russia (18, 510 talampakan o 5, 642
metro).

Mayroong limang karagatan sa daigdig, ito ang mga sumusunod: Pacific,


Atlantic, Indian, Arctic at Southern Ocean. Maliban rito, marami ring dagat at iba
pang anyong tubig ang matatagpuan sa ating daigdig na may malaking bahaging
ginagampanan sa buhay ng tao.

Ang Pitong Kontinente

Ang kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.


May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan ng
katubigan.

Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift


Theory, dati nang magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super continent na
Pangaea. Dahil sa paggalaw ng mga continental plate o malalaking bloke ng bato
kung saan nakapatong ang mga lupain, unti-unting nagkahiwa-hiwalay ang
Pangaea at nabuo ang kasalukuyang pitong kontinente ng daigdig. Ang mga ito ay
ang Asya, Aprika, Antarktika, Europa, Hilagang Amerika, Timog Amerika at
Australia.

Diyagram 1.4 Mapa at Mahahalagang Datos ng mga Kontinente ng Daigdig.

Ang Antarktika ang tanging kontinente na walang


naninirahang tao maliban sa mga siyentistang
nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito. Natatakpan ito
ng makapal na yelo at makikita sa bahaging Timog Polo.
Sagana ang kontinenteng ito sa mga isda at mammal.

Sa Aprika makikita ang pinakamahabang Ilog sa


mundo, ang Ilog Nile at ang pinakamalaking disyerto,
ang Sahara Desert. Pangalawa ito sa pinakamalaking
kontinente. Dito nanggagaling ang malaking suplay ng
ginto at diyamante.

15
Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig.
Taglay nito ang iba’t ibang uri ng klima. Makikita dito
ang Bundok Everest na pinakamataas na bundok sa
mundo. Matatagpuan rin ang Ilog Huang Ho at Ilog
Yangtze.

Ang Australia ang kontinenteng kilala rin bilang


bansa at pinakamaliit sa daidig. Nagtataglay ito ng mga
bukod tanging species ng hayop at halaman. Kabilang
dito ang kangaroo, wombat, koala, Tasmanian devil, at
platypus.

Ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig


ang Europa. Sumasakop lamang ito sa sangkapat (¼) na
bahagi ng kalupaan ng Asya. Dito makikita ang kilalang
Vatican City sa Italy, gayundin ang Balkan at Iberian
Peninsula.

Ang Hilagang Amerika ang tahanan ng mga


bansang United States of America, Canada at Mexico
kasama ang iba pang maliliit na mga bansang pulo.
Makikita dito ang Hudson Bay, Golpo ng Mexico, at ang
dalawang mahabang kabundukan ng Appalachian at
Rocky Mountain.

Ang Timog Amerika ay hugis tatsulok na


unti-unting nagiging patulis mula sa bahaging ekwador
hanggang sa Cape Horn sa katimugan. Sumasakop sa
kabuuang baybayin nito ang kabundukan ng Andes.
Dito makikita ang mga Ilog ng Amazon at Rio de Janeiro.

Pinagkunan: https://en.m.wikipedia.org

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang inyong masasabi sa planetang daigdig batay sa taglay nitong


katangiang pisikal?
2. Ano-ano ang mga halimbawa ng katangiang pisikal ng ating daigdig batay sa
iyong nabasa?
3. Mahalaga bang pag-aralan ang mga katangiang pisikal ng ating daigdig?
Bakit?
4. Paano kaya nakaaapekto ang mga katangiang pisikal na ito sa pamumuhay
ng tao sa isang lugar?
5. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang bahaging ginagampanan ng iba’t ibang
katangiang pisikal ng daigdig sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao mula noon
hanggang ngayon.

16
Pagyamanin

Gawain 3. Tukoy-Tema
Basahin at unawain ang sumusunod na impormasyon na may kinalaman sa
lokasyon, lugar, rehiyon, paggalaw at interaksyon ng tao at kapaligiran. Tukuyin
ang tema ng heograpiya na inilalarawan sa bawat pangungusap.Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

Lokasyon Rehiyon

Lugar Paggalaw

Interaksyon ng tao at kapaligiran

1. May tropikal na klima ang Indonesia.


2. Ang Japan ay isa sa bansa na kabilang sa Silangang Asya.
3. Maraming dumadayong turista mula sa ibang bansa sa Maldives dahil sa
magagandang baybayin nito.
4. Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing pamumuhay sa mga bansang
may malawak na lupain at katubigan.
5. Ang Canada ay nasa 60° 00’ hilagang latitud, at 95° 00’ kanlurang
longhitud.
6. Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya.
7. Ang South America ay matatagpuan mula sa bahaging ekwador hanggang sa
Cape Horn sa katimugan.
8. Libo-libong manggagawa ang nangingibang bansa sa Hongkong at UAE
upang magtrabaho.
9. Nagtataglay ang Aprika ng malaking suplay ng ginto at diyamante.
10. Kasapi ang Pilipinas sa Samahan ng mga Bansa sa Timog- Silangang Asya.

Gawain 4. GeoChart Completion


Kumpletuhin ang GeoChart na may kaugnayan sa katangiang pisikal ng
Daigdig. Isulat sa unang bahagi ng GeoChart ang mga salita na nasa ibaba. Sa
ikalawang bahagi, isulat ang kahulugan ng nakatalang salita. Sa ikatlong bahagi,
itala ang kabuluhan o kahalagahan ng naturang salita sa pamamagitan ng
pagsagot sa tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

Mga Salita:
1. Planetang Daigdig 4. Klima
2. Crust 5. Anyong Lupa at Anyong Tubig
3. Latitud at longhitud

17
Kabuluhan/ Kahalagahan:
Paano nakaaapekto ang naturang mga konsepto sa buhay ng tao at iba
pang nabubuhay na organismo sa daigdig sa kasalukuyan?

G E O C H A R T

KAHALAGAHAN/
SALITA KAHULUGAN
KABULUHAN

Gawain 5. Tara, Magbugtungan Tayo!


Anong kontinente ang nagtataglay ng mga pook/hayop/anyong-lupa at tubig,
at katangian na inilalarawan sa bugtong sa bawat bilang? Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. 2.

Ako’y pinakamalaking Disyertong Sahara,


kontinente, Taglay ko’y Mt. matatagpuan
Everest na mala-higante Mt. Kilimanjaro, dito
Maging Ilog Huang Ho at masisilayan Suplay ng ginto
saka Yangtze at diyamante, marami dito
At disyertong tawag nila’y yan
Gobi! Umpisahan mo nang ako’y
hulaan!

18
3. 4.

Sa aki’y walang taong France, Italy, UK at


nakatira Maliban sa mga Espanya
nag-aaral na siyentista, Nariyan ang Balkan at
Makapal na yelo, bumabalot Iberian Peninsula,
sa lupa Mt. Elbrus at Vatican City
Sagana ako sa malalaking makikita
isda! Ano, nahulaan mo na ba?

5. 6.

Ako’y kontinenteng Patulis na tatsulok itong


pinakamaliit sa daigdig, aking hugis
Taglay ko’y bukod-tanging Mula ekwador hanggang
species Kangaroo, koala, at Cape Horn namamalisbis
Tasmanian devils Matatagpuan rin
O, nahulaan mo ba ako ng kabundukang Andes
mabilis? Hulaan niyo na, mga mister
at miss!

7.
Ako’y matatagpuan sa bahaging
norte,
Ilang bansa ko’y Canada, Mexico
at USA
Hanay ng kabundukang
Appalachians at Rocky
Hula na! Ako’y anong kontinente?

19
Isaisip

1. Ang heograpiya ay siyentipikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig.


2. Mayroong limang tema ng heograpiya upang madaling maunawaan ang
pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig- lokasyon, lugar, paggalaw,
rehiyon, at interaksyon ng tao sa kapaligiran.
3. Ang Daigdig ay nagtataglay ng kakaibang estruktura na nagpapabukod-
tangi sa kaniya sa ibang planeta sa solar system.
4. Ang daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core.
5. Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang
makapagpanatili ng buhay.
6. Nagtataglay ang daigdig ng mga plates na may malaking epekto sa
pagbabago ng hitsura ng ibabaw ng mundo.
7. Nahahati sa apat na hemispero ang daigdig- Hilagang Hemispero, Timog
Hemispero, Kanlurang Hemispero at Silangang Hemispero.
8. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng mga imahinasyong guhit sa
globo at mapa upang maunawaan ang tiyak na lokasyon, oras, uri ng
klima, uri ng kapaligiran at pamaumuhay ng tao sa isang lugar o sona.
9. Ang klima ay ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o
lugar sa matagal na panahon.
10. Maraming salik ang dahilan sa pagkakaiba-iba ng klima sa daigdig.
11. Natutunang iangkop ng tao ang kaniyang pamumuhay ayon sa taglay na
klima at kapaligiran ng kaniyang lugar.
12. Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o
rehiyon.
13. Nagtataglay ang daigdig ng 5 malalaking karagatan- Pasipiko, Atlantiko,
Arktiko, Indian at Southern Ocean.
14. Kontinente ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng
daigdig.
15. Mayroong pitong (7) kontinente ang daigdig- Antarktika, Aprika, Australia,
Asya, Europa, Hilagang Amerika at Timog Amerika.

20
Isagawa

Gawain 6. My T-log (Travel log)


Sumulat ng iyong isang hindi malilimutang paglalakbay sa isang lugar na
napuntahan. Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawaing ito. Gawin ito sa
sagutang papel.

1. Tiyaking nakapaloob sa iyong travel log ang mahahalagang konsepto o


kaalaman kaugnay sa pisikal na katangian ng daigdig na ating natalakay.
2. Subukang isama sa iyong kuwento ang hinihingi ng mga katanungan sa
ibaba.

______________________________________________

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________________.

Mga Gabay na tanong.


1. Anong pisikal na katangian ng lugar ang higit mong hinangaan, na-enjoy o
nakapagbigay ng inspirasyon sa iyo? Bakit?
2. Mahalaga ba ang mga pisikal na katangian ng lugar na napuntahan mo sa
katulad mong manlalakbay at sa mga naninirahan dito? Paano kaya ito
naging makabuluhan para sa katulad mo at sa kanila?

Gawain 7. Mundo ko’y ipinagmamalaki ko!


Sa pamamagitan ng iyong talento, ipagmalaki mo ang katangiang pisikal ng
mundong mayroon ka at ang impluwensya nito sa iyong buhay. Maaari kang
gumawa ng tula, awitin, poster, slogan, editorial cartoon, at iba pa ayon sa iyong
kakayahan o interes. Pumili ng isang paraan lamang. Maaari kang lumikha ng
video clip , documentary, Infomercial at Vlog kung mayroon kang access sa internet.

21
Tayahin Natin

Pagpipili. Basahin ng may pag-unawa ang bawat aytem. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa kinaroroonan o
kinalalagyan ng isang pook?
a. Lokasyon
b. Lugar
c. Paggalaw
d. Rehiyon

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng rehiyon bilang tema ng


heograpiya?
a. Islam ang relihiyon sa Iran.
b. Kasapi ang Pilipinas sa Samahan ng mga Bansa sa Timog Silangang
Asya.
c. Tropikal ang klima sa Indonesia.
d. Pangingisda ang aktibong kabuhayan sa Malaysia.

3. Ang Antique ay isang lalawigan na may mga magagandang isla at tanawin.


Ito ay naglalarawan sa anong tema ng heograpiya?
a. Lokasyon
b. Lugar
c. Paggalaw
d. Rehiyon

4. Ang daigdig ay may malalaking masa ng solidong bato na gumagalaw at


hindi nananatili sa posisyon. Ito ay ang
a. core
b. crust
c. mantle
d. plate

5. Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift


Theory, dati nang magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super
kontinente na tinatawag na________________.
a. Laurasia
b. Gondwana
c. Pangaea
d. Panthalassa

22
6. Ito ang estruktura ng daigdig na binubuo ng matigas at mabatong bahagi na
ginagawang panirahan ng tao, halaman at hayop.
a. Crust
b. Mantle
c. Outer Core
d. Inner core

7. Ito ay humahati sa globo sa hilaga at timog hemispero. Ito rin ang


itinatakdang zero degree (0°) latitude.
a. Ekwador
b. Prime Meridian
c. Tropiko ng Kanser
d. Bilog Arktiko

8. Sa mga hanay ng kabundukan ng Himalayas makikita ang pinakamataas na


bundok sa mundo. Ano ito?
a. Bundok Appalachians
b. Bundok K2
c. Bundok Everest
d. Kabundukan ng Andes

9. Alin sa mga sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Pilipinas?


a. Tropikal na Klima.
b. Maladisyertong init.
c. Buong taon na nagyeyelo.
d. Nakararanas ng apat na klima.

10. Alin sa mga sumusunod ang totoo kaugnay sa imahinasyong guhit na


latitud at longhitud?
a. Maaaring matukoy ang tamang lokasyon at uri ng klima ng lugar.
b. Nagpapaliwanag ito sa pagkakaiba iba ng panahon sa isang araw.
c. Nagsisilbi itong palatandaan ng pagdating ng mga kalamidad.
d. Naglalarawan ito sa pagbabago ng sukat ng mga kontinente.

11. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa katangiang pisikal
ng daigdig?
a. Ang lahat ng buhay sa daigdig ay kumukuha ng enerhiya mula sa
araw.
b. May walong kontinente sa mundo.
c. Ang daigdig ay may apat na hemispero o hating-globo.
d. Ang Karagatang Pasipiko ang pinakamalaking karagatan.

12. Alin sa mga sumusunod ang mga salik na nakaaapekto sa pagkakaiba-iba


ng klima sa daigdig?
a. Sinag ng araw.
b. Distansya mula sa karagatan.
c. Dami ng ulan na dumadating sa lugar o rehiyon.
d. Lahat ng mga nabanggit.

23
13. Ang mga bahagi ng North Pole at South Pole ay may malamig na klima na
halos nagyeyelo. Ano ang maaaring mahinuha mo dito?
a. Hindi ito umiikot sa araw.
b. Hindi ito nakaharap sa buwan.
c. Hindi ito direktang nasisikatan ng araw.
d. Sagana ang malakas na hangin dito.

14. Bakit mainit ang klima sa mga lugar na malapit sa Ekwador?


a. Dahil marami ditong disyerto.
b. Dahil diretso ang sikat ng araw sa mga lugar na ito.
c. Dahil palaging summer sa lugar na ito.
d. Dahil nakakiling ang ikot ng mundo sa kanyang axis.

15. Ang iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig ay may malaking kaugnayan
sa pamumuhay ng mga tao sa mundo. Alin sa mga sumusunod ang naging
kahalagahan ng mga ito?
a. Ang malalawak na karagatan ay kumitil sa maraming buhay ng mga
tao sa mundo.
b. Pinagkukunan ng kabuhayan at pangangailangan ng mga tao ang
mga kalupaan at karagatang ito.
c. Naging saksi sa kasayahan ng mga turista ang mga baybayin at
kabundukang ito.
d. Nagiging banta ang mga ito sa buhay ng mga tao tuwing may
Kalamidad.

24
Karagdagang Gawain

Gawain 8. Mag-obserba!
Mag-obserba sa inyong lugar o barangay. Itala sa papel, ang iba’t ibang
programa na isinasagawa ng lokal na pamahalaan upang mapangalagaan ang iba’t
ibang likas na yaman/ kapaligiran ng inyong lugar. Magtala naman ng mga nakita
mong pang-aabuso at di wastong paggamit o pangangalaga sa kapaligiran.
Pangalan ng Barangay:__________________________

Mga tala ng pang-aabuso/di wastong


Mga programang pangkapaligiran
paggamit o pangangalaga ng kapaligiran

Mga gabay na tanong.


● Ano ang maaari mong maitulong sa mga programang pangkapaligiran ng
inyong barangay?
● Paano ka makakatulong upang masugpo at maiwasan ang mga pang-aabuso
at di wastong paggamit ng inyong kapaligiran?

25
26
Suriin
Posibleng sagot sa mga pamprosesong tanong:
1. Ang Planetang daigdig ay nagtataglay ng mga natatanging katangiang pisikal at estruktura upang
mabuhay ang iba’t ibang nilalang.
2. Klima o panahon, mga anyong lupa at anyong tubig, mga kontinente, halaman, hayop at iba pang likas na
yaman. Mga estruktura, tulad ng crust, mantle, core at plates.
3. Bilang nilalang na nabubuhay sa daigdig, mahalagang pag-aralan ang katangiang pisikal ng ating
tinitirhan upang maunawaan natin ang ating paligid at maiangkop natin ang ating araw-araw na pamumuhay
dito.
Suriin
Posibleng sagot sa tanong:
Bakit mahalaga ang mga imahinasyong guhit sa globo o mapa?
Nakakatulong upang matiyak ang lokasyon ng isang lugar. Nagtuturo ng tamang oras o araw mula sa
International dateline. Naglalarawan sa uri ng klima ng isang pook o rehiyon.
Balikan Subukin Tuklasin
Asya A Culasi
Savanna C Pandan
Desert D San Jose
Tundra B San Remigio
Prairie B Sebaste
China B Anini-y
Ural A
Steppe D
Taiga A
Sea C
A
C
B
D
D
Susi sa Pagwawasto
27
Pagyamanin
Gawain 3.
Lugar
Rehiyon
Paggalaw
Interaksyon ng tao
sa kapaligiran
Lokasyon
Lugar
Lokasyon
Paggalaw
Lugar
Rehiyon
Suriin
Posibleng sagot sa mga pamprosesong tanong:
4. Ang uri ng katangiang pisikal na mayroon ang isang lugar ay may
impluwensya sa uri ng araw-araw na pamumuhay ng isang tao.
Mula sa kaniyang kabuhayan, pananamit, pagkilos at pagtugon sa
mga bagay-bagay at pangyayaring nagaganap sa paligid.
5. Opo, mahalaga ang bahaging ginampanan ng iba’t ibang
katangiang pisikal ng ating daigdig, patunay ang pag-usbong ng
iba’t ibang kabihasnan sa sinaunang panahon sa mga lambak-ilog
hanggang sa modernong kabihasnan sa kasalukuyan. Nabubuhay
at umuunlad ang tao dahil sa kapaligiran na kaniyang ginagalawan.
28
Pagyamanin
Gawain 6.
Inaasahang sagot sa mga gabay na tanong:
Ang magagandang tanawin na aking nakikita sa paligid ang nakapagbigay sa akin
ng inspirasyon at higit kong hinangaan dahil nakakarelax ang mga ito, nagbibigay ng
kasiyahan at nakakaalis ng pagod at mga suliranin.
Sa katulad kong manlalakbay, nakakapagbigay ito ng kasiyahan, at magandang
pagtingin sa mundo. Sa mga nakatira, nakakapagbigay ito ng kabuhayan sa kanila at
isang kaaya-ayang kapaligiran para sa masaya at magandang pamumuhay.
Pagyamanin
Gawain 4: GEOCHART
29
Tayahin Pagyamanin
A Gawain 5.
B
B Asya
D Aprika
C Antarktika
A Europa
A Australia
C Timog Amerika
A Hilagang Amerika
A
B
D
C
B
B
Sanggunian
Aklat:

Mateo, Grace Estela C., et. al. Kasaysayan ng Daigdig. Pilipinas: Vival Publishing
House, Inc., 2012.

Modules:

Blando, Rosemarie C., et.al. Kasaysayan ng Daigdig. Modyul ng Mag-aaral.


Pilipinas: Kagawaran ng Edukasyon, 2014.

Project EASE Araling Panlipunan III. Modyul 1. Heograpiya ng Daigdig. Pilipinas:


Kagawaran ng Edukasyon.

Internet:

https://www.pinterest.ph/pin/489836896941559456/

https://www.tripadvisor.com.ph/Hotel_Review-g3602078-d7061196-Reviews-
Sira_an_Hot_Spring-Anini_y_Antique_Province_Panay_Island_Visayas.html

https://www.philatlas.com/visayas/r06/antique.html

https://en.m.wikipedia.org/wiki/Antique_(province)

https://o.quizlet.com/K1H68iWU6HEq7EuDPW3VJg_b.png
http://www.geography.learnontheinternet.co.uk/topics/structureofearth.html

http://myschoolhouse.com/courses/T/3/9.asp

https://slideplayer.com/amp/7952971/

https://geoworld.fandom.com/wiki/The_International_Dateline
https://www.infoplease.com/world/world-geography/world-geography-glossary
https://en.m.wikipedia.org/
https://www.mapsofworld.com/lat_long/canada-lat-long.html
https://lrmds.deped.gov.ph

30

You might also like