You are on page 1of 29

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Heograpiyang Pantao
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Heograpiyang Pantao
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Alberto, Jr. S. Quibol
Tagasuri: Carolina G. Carumba at Gerson G. Abelgas
Tagaguhit: Menard M. Arenas
Tagapamahala: SDS Reynaldo M. Guillena, CESO V
ASDS Basilio P. Mana-ay., CESE
ASDS Emma A. Camporedondo, CESE
CID Chief Alma C. Cifra, EdD
LRMDS EPS Aris B. Juanillo, PhD
AP EPS Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education - Region XI Davao City Division


Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines
Telephone: (082) 224 0100 / 228 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph/lrmds.davaocity@deped.gov.ph


8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Heograpiyang Pantao
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Heograpiyang Pantao!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Heograpiyang Pantao!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Kumusta ka na mag-aaral? Handa ka na ba para sa panibagong aralin na


iyong sasanayin sa bahaging ito?

Sa modyul na ito ikaw ay inaasahang malilinang ang kaalaman hinggil sa


mahahalagang konsepto ng heograpiyang pantao at kung paano ito
nakakaimpluwensya sa pang araw-araw na pamumuhay ng isang tao.
Mauunawaan din nang mabuti ang iba’t ibang saklaw sa pag-aaral ng
heograpiyang pantao (Human Geography) katulad ng pag-aaral ng wika, relihiyon,
lahi, pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Sa pamamagitan ng modyul
na ito mas maiintindihan at makikilala ng mga mag-aaral ang heograpiyang pantao
ng isang bansa na kaniyang kinabibilangan.

Ang mga gawain sa modyul na ito ay inaasahang makatutulong sa iyo upang


mapalalim ang iyong pang-unawa sa konsepto o teorya mula sa mga paksa at
maging sa reyalidad na maaaring nararanasan na ng mga gumagamit nito. Ang
araling ito ay nakabatay sa Most Essential Learning Competency para sa baitang 8
na: Napapahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at
mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat etnolingguwistiko, at relihiyon sa
daigdig (AP8HSK-le-5).

Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralin mo ang sumusunod na paksa:

• Mga Saklaw ng Heograpiyang Pantao


• Mga pangunahing Pamilya ng Wika sa Daigdig.

Pagakatapos mong pag-aralan ang mga nabanggit na aralin, ikaw ay inaasahang:

• Nabibigyan ng kahulugan ang heograpiyang pantao.


• Natutukoy ang mahahalagang konsepto ng mga saklaw sa pag-aaral ng
heograpiyang pantao.
• Nakikilala ang wika, relihiyon, lahi at pangkat-etniko bilang mga saklaw ng
heograpiyang pantao.

1
Subukin

Kumusta? Handa ka na ba? Susubukin sa bahaging ito ng modyul ang iyong


kakayahan sa pagsagot sa mga katanungan sa panimulang gawain sa
pamamagitan ng maramihang pagpipili. Ang gawaing ito ay susubok sa iyong mga
nalalaman upang maihanda ka sa panibagong aralin o kaalaman. Maaari kanang
magsimula.
I. Maramihang Pagpipili: Basahing mabuti at unawain ang nilalaman ng bawat
bilang. Piliin ang titik na kumakatawan sa wastong sagot at isulat sa inyong
sagutang papel.
1. Sinasabi na ang wika ay nagsisilbing kaluluwa ng isang kultura. Ano ang
kahalagahan ng wika sa isang kultura?
A. Ito ay nagsisilbing instrumento ng isang kultura upang magkakaintindihan
ang bawat isa.
B. Ito ay sumasalamin sa yaman ng isang bansa batay sa mga katangi-tanging
uri ng wika.
C. Ito ay kumakatawan kung anong uri ng pamumuhay meron ang isang kultura
na wala sa ibang pangkat-etniko.
D. Ito ay siyang buminigkis sa lahat ng mamayan sa isang kutura kung papano
nila ginagamit ang natatanging kultura.

2. Ang relihiyon ay tumutukoy sa isang kalipunan ng paniniwala, mga sistemang


kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad.
Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan ng relihiyon
sa buhay ng isang tao?
A. Ito ay nagbigay ng kahulugan at kaayusan sa pamumuhay ng isang tao.
B. Ito ay nakakaapekto kung paano makikipag-ugnay ang tao sa kaniyang kapwa
at kapaligiran.
C. Ito ay nagbigay ng kaginhawaan ng emosyon, lalo na kapag ang mga tao ay
nahaharap sa isang krisis.
D. Ito ay nagbibigay ng agarang solusyon sa lahat ng materyal na problemang
hinahaharap ng isang tao mayaman man o mahirap.

3. Ang etnolingguwistiko ay tumutukoy sa mga grupo ng isang bansa na may


pagkakatulad ng wika, kultura at etnisidad. Alin sa sumusunod ang nagpapakita
ng kahalagahan ng pangkat etnolingguwistiko sa isang bansa?
A. Ito ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat.
B. Ito ay nakapag-aambag sa kasaysayan ng katangi-tanging kasangkapan.
C. Binago nito ang pananaw ng mga mamayan ng bansa hingil sa iba’t ibang
pangkat etniko.
D. Nakapagbigay ito ng reyalidad na dapat maging matatag anuman ang hamon
sa buhay na iyong kinahaharap.

4. Piliin sa sumusunod na pahayag ang may pinakaangkop na pagpapaliwang ng


kahalagahan sa pag-aaral ng heograpiya ng isang kultura?
A. Upang matukoy ang iba’t ibang pangkat etniko sa isang lugar.
B. Para makilala kung paano maging bahagi ang isang tao sa daigdig.
C. Upang malalaman ang kaugnayan sa pagitan ng tao, lugar, at kapaligiran.
D. Upang matutunan ang interaksyon ng tao sa kapaligiran na kaniyang
ginagalawan.

2
5. Bilang isang mag-aaral paano mo mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga
tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga
paniniwala?
A. Hayaan ang iba’t ibang paniniwala ng tao.
B. Piliin ang mga taong may pagkakatulad na relihiyon.
C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon.
D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon

6. Ang racial discrimination ay isa sa mga suliraning nararansan ng ilang miyembro


ng isang pangkat-etniko dulot ng pagkakaiba ng mga lahi ng tao. Alin sa
sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng kahalaghan ng parespeto
ng isang pangkat etniko?
A. Pagtulong sinuman ang nangangailangan.
B. Pagkilala sa ibat ibang lahi anuman ang kinabibilangan.
C. Dapat erespeto ang iba’t ibang kultura, tradisyon at lahing kinabibilangan.
D. Paniniwala na mas magaling ang iyong sariling kultura kaysa ibang kultura.

7.Kung ikaw ay nagtratrabaho bilang Overseas Filipino Worker (OFW) sa ibang


bansa sa loob ng maraming taon paano mo maipapakita na buhay parin ang
iyong pagiging isang Pilipino?
A. Panonood ng mga Hollywood movies.
B. Pagsasalita ng sariling wika o dayalekto sa kapwa Pilipino.
C. Pagsusuot ng mga imported na mga kasuotan upang maging kilala.
D. Pagpapaganda sa sarili at pagpunta sa mga pasyalan na hindi mo pa
napuntahan.

8.Ang Pilipinas ay nagkaroon ng maraming pangkat-etniko dahil sa pagkakaroon


ng maraming mga pulo. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan
ng pangkat-etniko sa isang lugar?
A. Ang pangkat-etniko ay nagpapakita na mayaman sa kultura ang isang lugar.
B. Ang pangkat-etniko ay may mahalagang papel upang magkaroon ng balanse
ang lipunang ating ginagalawan.
C. Ang pangkat-etniko ay sinasalamin ang pamumuhay noon bago pa tayo
nasakop ng mga kanluraning bansa.
D. Ang pangkat-etniko ang siyang nangangalaga sa ating mg kabundukan upang
mayroon tayong mapagkukunan ng pagkain.

9. Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa iyong


sariling kultura bilang isang Pilipino?
A. Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sariling produkto.
B. Pag tratrabaho sa ibang bansa upang makatulong sa pamilya.
C. Pagtulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga biktima ng kalamidad.
D. Hindi pagkalimot sa iyong pinanggagalingan at may pagmamalaki kahit saan.

10. Ikaw ay nakatira sa Davao City na kung saan mayroong iba’t ibang pangkat
etniko. Kailan sinasabi na ang isang tao ay kabilang na sa isang pangkat
etnolingguwistiko?
A. Kung maronong makikiayon sa lugar na iyong kinabibilangan.
B. Kapag ang isang tao ay nag punta sa isang lugar at naninirahan ng payapa.
C. Itinuturing nilang ibang pangkat etniko ang mga taong kaiba ang wika at
etnisidad.
D. Maituturing kang pangkat etniko kapag palagi mong nakikisalamuha ang mga
miyembro ng pangkat-etniko.

3
11. Ipagpalagay na isa kang pangulo ng samahan ng mag-aaral sa araling
panlipunan 8 at ikaw ay naatasan na mag oraganisa ng isang programa upang
maipakita ang natatanging kultura ng rehiyon ng Davao. Alin sa sumusunod ang
HINDI dapat mong gawin?
A. Patimpalak sa pagtatalumpati.
B. Patimpalak sa traditional dance o ethnic dance.
C. Paligsahan ng palo cebu at pabilisan ng pagkain.
D. Magkakaroon ng isang exhibit sa iba’t ibang kultura.

12. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga kabataan ay hindi na alam ang kulturang


Pilipino. Piliin sa sumusunod na pahayag ang higit na nagpapakita upang
manumbalik ang pagpapahalaga sa kultura.
A. Makipagkaibigan anuman ang lahing kinabibilangan ng isang tao.
B. Kumain ng mga pagkaing pinoy at mag benta ng mga produktong gawa sa
bansa.
C. Itanong sa iyong mga magulang kung ano ano-ano mga pangkat-etniko ng
bansa.
D. Huwag maging banyaga sa sariling bansa dapat kilalanin ng mabuti ang
iyong pinanggagalingan.

13. Alin sa sumusunod na pahayag ang higit na nagpapakita ng pagpapahalaga sa


kanyang sariling lahi na pinanggagalingan?
A. Pag-aaral sa wikang Pilipino.
B. Pagtangkilik sa mga gawang Pilipino.
C. Hindi ikinahihiya ang iyong pinang gagalingan saa kaman mag punta.
D. Ipag sabi sa iyong mga kaibigan sa loob o labas man nang bansa na ikaw ay
isang mabuting Pilipino.
14. Alin sa sumusunod ang higit na nagpapakita ng kahalagahan sa pag-aaral ng
heograpiyang pantao?

A. Tinitingnan ang mga likas na proseso sa daigdig, tulad ng paglindol at climate


change.
B. Tinitingnan ang epekto at pag-uugali ng mga tao at kung paano nauugnay ang
mga ito sa pisikal na mundo.
C. Tinitingnan ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng tao at natural na mundo at
ang epekto na mayroon ito sa natural o pisikal na mundo.
D. Ang kanilang mga pisikal na katangian ay kinabibilangan ng mga anyong lupa
at anyong tubig, at klima. Ang sistemang pampulitika, pang-ekonomiya, at
populasyon ay ang may higit na pagkakatulad.

15. Ang salitang relihiyon ay nagmula sa salitang Latin na religare na ang ibig
sabihin ay “Buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan
nito.” Ano ang kahalagahan ng relihiyon sa isang kultura?
A. Ang relihiyon ang siyang pundasyong ng isang kabihasnan.
B. Ang relihiyon ay ang pangunahing kadahilanan sa paghubog ng isang kultura.
C. Ang relihiyon ang nagbibigay kasarinlan ng bawat pangkat-etniko ng isang
lugar.
D. Ang relihiyon ang siyang humubog sa pag-uugali ng tao kung ano man ang
magiging desisyon sa buhay.

4
Aralin

1 Heograpiyang Pantao

Isang mapagpalang araw para sa iyo! Handa ka na ba?. Sa aralin na ito


tatalakayin at mapapalalim ang iyong pang-unawa sa konsepto ng heograpiya.
Iyong maiuugnay ang pisikal na heograpiya sa heograpiyang pantao. Bawat kultura
ay may sariling kasarinlan at pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng aralin na ito
mas mauunawaan mo ang iyong sariling pinanggagalingan na kultura na dapat
iyong maipagmalaki kahit saan ka man naroroon.
Ang pag-aaral ng heograpiyang pantao ay makatutulong din upang
mapalawak ang iyong pang-unawa sa mga pangunahing saklaw na pisikal, na
nakakaapekto sa iyong pang araw-araw na pamumuhay. Inaasahan din na iyong
mauunawaan ang konsepto ng heograpiyang pantao, at kung paano ito
nagkakaroon ng mahalagang papel sa ebolusyon ng tao, ang kanilang mga ideya,
lugar at kapaligiran sa kasalukuyang panahon.

Balikan

Magandang araw sa iyo! Sa nakaraang aralin tinalakay ang katangiang


pisikal ng daigdig at kung paano ito nakaimpluwensiya sa pagbuo ng isang
kabihasnan. Napag-aralan din ang iba’t ibang saklaw ng heograpiya at kung ano-
ano ang limang tema ng pisikal na heograpiya.

Bilang bahagi ng ating pagbabalik-aral nais kung tukuyin ang lawak ng


iyong kaalaman. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
___________1. Ito ay tumutukoy sa mga katangian na natatangi sa isang pook.
___________2. Ito ay tumutukoy sa relatibo at absolute na lokasyon ng isang lugar.
___________3. Ito ay tumutukoy sa katangiang taglay na kanyang kinaroroonan.
___________4. Ito ay tumutukoy sa paglipat ng tao sa kinagisnang lugar patungo sa
ibang lugar.
___________5. Ito ay tumutukoy sa kaugnayan ng tao sa pisikal na katangian taglay
na kanyang kinaroroonan.

Mga Tala para sa Guro


Ang ADM module na ito sa Araling Panlipunan 8
Kasaysayan ng Daigdig ay naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

5
Tuklasin

Ngayon, dahil tapos ka na sa panimulang gawain susubukin naman ang


iyong kakayahan sa pagsagot sa gawaing ito upang maihanda ka ng pag-aralan
ang heograpiyang pantao.
Gawain 1: Flower Diagram
Gamit ang Flower Diagram isulat sa petals nito ang iyong sariling pang-
unawa kung ano ang kahulugan ng Heograpiyang Pantao. Ang iyong sagot ay
maaaring isang salita o isang pangungusap. Ang bawat sagot na iyong isinulat sa
petals ng bulaklak ay may katumbas na dalawang puntos at ito ay may kabuuan
na sampung puntos kung iyong masasagutan lahat.

____________________
____________________
____________________
____________________ ___________________
___________________
____________________ ___________________
___________________
________------------ ___________________
___________________
___________________
___________________
Heograpiyang ___________________
___________________
Pantao ___________________
__

___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
_______________

6
Gawain 2: Ihanay Mo Ako!

Ngayon susubukin ang iyong kakayahan sa pagsagot sa gawaing ito upang


malaman kung handa ka nang pag-aralan ang heograpiyang pantao. Basahing
mabuti ang mga tanong sa Hanay A at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel

Hanay A

1. Ang nagsisilbing instrumento ng isang kultura upang magkakaintindihan ang


bawat isa.

2. Isang kalipunan ng paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na


nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad.

3. Ano ang tawag sa pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat.

4. Ito ay tumutukoy sa malaking grupo ng mga tao na nauuri ayon sa karaniwang


lahi at nasyonalidad.

5. Ang nagsisilbing sagradong aklat ng relihiyong Kristiyanismo.

Hanay B.

1.

2.

3.

4.

5.

7
Suriin

Isang mapagpalang araw sa iyo aking mag-aaral! Ngayon dahil nasagutan


mo na ang mga pagsasanay ngayon ay handa ka na upang pag-aralan ang
panibagong aralin hinggil sa heograpiyang pantao at mga saklaw nito.

HEOGRAPIYANG PANTAO

Ang Heograpiyang Pantao ay ang pag-aaral ng kaugnayan sa pagitan ng tao,


lugar, at kapaligiran. Samantala ang Heograpiyang Pisikal ay nakatuon sa mga
proseso ng spatial at pangkalikasan, na humuhubog sa likas na mundo at may
posibilidad na gumuhit sa likas at pisikal na agham, para sa siyentipikong mga
pamamaraan ng pagsisiyasat. Ang heograpiya ng tao ay nakatuon sa organisasyon
ng spatial at mga proseso na humuhubog sa mga buhay at gawain ng mga tao, at
ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lugar at kalikasan.

Ang heograpiyang pantao ay higit na kaalyado sa mga agham panlipunan at


makatao, na nagbabahagi ng kanilang mga diskarte at pamamaraan sa pilosopiya.
Ang mga saklaw ng heograpiyang pantao ay wika, relihiyon, lahi at pangkat-etniko.

WIKA

Ang wika ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na mag -angkin at gumamit ng


mga komplikadong sistemang pangkomunikasyon. Gumagamit din ito ng
kognitibong pakulti na nagbigay ng kakayahan sa paggamit ng mga komplikadong
sistemang pangkomunikasyon.

Mga Pangunahing Pamilya ng Wika sa Daigdig

Afro-Asiatic - ay kilala sa tawag noon sa mga wikang Hamito-Semitic, ang mga


pangunahing wika ng pamilya sa hilagang Africa at sa gitnang silangan, na
binubuo ng dalawang daan at limampung (250) wika. Ang pamilya ng Afro-Asiatic
ay mayroong limang sangay: Semitic, Berber, Egyptian, Cushitic, at Chadic.

Austronesian - ay kilala sa tawag noon na mga wikang Malayo-Polynesian , isa sa


pinakamalaking pamilya ng wika sa buong mundo, humigit kumulang pitungdaan
(700) na wika ang lumaganap sa mga lupain ng Madagascar sa kanluran at sa
silangang bahagi ng isla ng Hawaii.

8
Indo-European - ang pinakamaraming salita na pamilya ng mga wika sa buong
mundo, binubuo ito ng subfamilies: Albanian, Armenian, Baltic, Celtic, Germanic,
Greek, Indo-Iranian, Italic, Slavic, at ang dalawang kaunting subfamilies,
Anatolian, Hittite at Tocharian. Tinatayang 1.6 billion na mga tao ang nagsasalita
ng Indo-European na wika sa kasalukuyang panahon.

Niger-Congo - ang pinakamalaking pamilya ng wika na sinasalita sa gitna at sa


katimugang bahagi ng Africa. Ang bilang ng mga nagsasalita ay ang
pinakamalawak na pamilya ng wika sa Africa kung saan ang mga wikang ito ay
sinasalita ay umaabot sa Dakar, Senegal, sa pinakadulo ng kontinente, silangan
hanggang Mombasa sa Kenya at timog hanggang sa Cape Town, South Africa.

Sino-Tibetan - ang pamilya ng wika na ginagamit sa China, bahagi ng timog


silangang Asya, at ibang bahagi ng Himalayas. Ito ay ang ikalawang
pinakamalaking wika, kung ang mga nagsasalita ang pagbabatayan, nalampasan
ang pamilya ng Indo-European, na binubuo ng mga English at karamihan ay
wikang European.

Ang pamilya ng Sino-Tibetan ay binubuo ng dalawang daan (200) na mga


wika, ang dalawang pinakamalaking batayan ng wika: Chinese, o wikang Semitic,
Tibeto-Burman.

RELIHIYON

Bago pa man nagkaroon ng ibat ibang relihiyon sa kasalukuyang panahon,


ang ating mga ninuno ay sumasamba na sa mga diyos-diyosan na mas kilala sa
tawag na animism. Pinaniniwalaan na ang mga puno, bato, ilog at iba pang
makikita sa kapaligiran ay may mga ispirituwal na kahalagahan. Ano nga ba ang
ibig sabihin ng relihiyon?.

Ang salitang relihiyon ay nagmula sa salitang Latin na religare na


nagangahulugang “Buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang
kabuuan nito.”

Ayon sa new Pew Research Center demographic analysis tulad sa binaggit nila
Hackett at Mcclendon (2017). Ang relihiyong Kristiyanismo pa rin ang nanatiling
pinakamalaking relihiyon sa buong mundo noong 2015, na binubuo ng halos
tatlumpot isa (31%) bilyong tao sa daigdig. Ngunit ipinakita din sa ulat na ang
bilang ng Kristiyano sa Europa ay humina. Tunghayan sa ibaba ang talahanayan
1- ang pangunahing relihiyon sa daigdig at ang talahanayan 2 - bilang ng tao na
tagasunod noong 2015.

9
Talahanayan 1

Pangunahing Relihiyon ng Daigdig


0.8%
0.2%

5.70%
6.90%
31%

15.10%

16%
24.10%

Kristiyanismo Muslim none religious Hinduismo Budismo Folk religion Iba pa Judaismo

Source: according to a new Pew Research Center demographic analysis.

Talahanayan 2

Bilang ng mga tao sa 2015, batay sa bilyon

2.3

1.8

1.2
1.1

0.5
0.4 0.1 0.01

CHRISTIANITY MUSLIMS UNAFILIATED HINDUS BUDDHIST FOLK OTHER JEWS


RELIGION RELIGIONS

Source: according to a new Pew Research Center demographic analysis.

10
LAHI/PANGKAT-ETNIKO

Ngayon pag-aaralan naman natin ang lahi at pangkat-etniko bilang saklaw


ng heograpiyang pantao. Ano nga ba ang ibig sabihin ng lahi at etniko?
Magkakatulad ba ito o hindi.

Kadalasan pag sinasabi nating lahi ito ay karaniwan nating naiuugnay sa


bayolohikal at pisikal na katangian tulad ng kulay ng balat o uri ng buhok kung ito
ba ay tuwid o kulot. Kapag sinasabi namang pangkat etniko mayroon na naman
tayong ibang kahulugan. Sa madaling salita bawat isa sa atin ay may iba’t ibang
kahulugan sa konsepto ng lahi at pangkat-etniko. Sa pamamagitan ng aralin na ito
ating mabibigyan ng tamang kahulugan ang mga ito at maiiwasan ang
diskriminasyon sa isang lahi o pangkat.

Ang yamang-tao ng isang bansa ay ang kanyang mamamayan na


naninirahan dito. Ang bawat kontinente sa buong daigdig ay binubuo ng mga
bansa na may naninirahan na iba’t-ibang lahi at pangkat-etniko. Halimbawa
lahing Asyano ang naninirahan sa Asya, Amerikano naman sa America, Africano sa
Africa, Europeo sa Europe, at Australiano naman sa Australia.

Ang iba't ibang mga pangkat-etniko na matatagpuan sa isang bansa ay


kinikilala ang kanilang pangkat/sarili sa isa o higit pang mga salik katulad
ng lipi, wika, relihiyon o sa isang magkatulad na kasaysayan.

Ang race o lahi ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga


tao, gayundin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat. Maraming
eksperto ang bumuo ng iba’t ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunit
marami rin ang nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring
magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon.

Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na


ethnos na nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-
etniko ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at
relihiyon kaya naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan.

Dagdag pa rito, Ayon kay Blakemore (2019) ang lahi at etnisidad ay ang
dalawang konsepto na may kaugnayan sa ninuno ng tao. Ang lahi ay tinutukoy
bilang “isang kategorya ng sangkatauhan na nagbabahagi ng ilang natatanging
katangiang pisikal.”Subalit ang salitang etniko ay mas malawak na tinutukoy
bilang “malaking grupo ng mga tao na nauuri ayon sa karaniwang lahi,
nasyonalidad, tribo, relihiyon, lingguwistiko, o pinagmulan ng kultura.

11
Pagyamanin

Magaling! Tapos mo nang basahin ang mga mahahalagang konsepto tungkol


sa heograpiyang pantao. Ngayon handa kana sa panibagong gawain upang iyong
mailapat ang iyong mga natutunan. Maaari kanang magsimula.

Gawain 3. Table Matrix: Magtala tayo sa ating komunidad

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa daigdig na may maraming mga wika o
dayalekto, relihiyon, lahi at pangkat-etniko na matatagpuan dito. Gamit ang Table
Matrix itala ang iyong mga nakuhang mga datos na may kaugnayan sa
heograpiyang pantao sa konteksto ng Pilipinas. Sa dakong ibaba naman ay isulat
ang mga kahahalagan ng mga sakalw ng heograpiyang pantao sa pamumuhay ng
mga Pilipino.

Mga Saklaw ng Heograpiyang Pantao

Wika/Dayalekto Relihiyon Lahi/Pangkat-etniko


(Ang ibang sekta ay maaari
ring isulat)
Halimbawa: Cebuano Halimbawa: Islam Halimbawa: B’laan

1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

4. 4. 4.

5. 5. 5.

Ano ang kahalagahan ng mga saklaw ng heograpiyang pantao; wika, relihiyon at


lahi o pangkat-etniko sa pamumuhay ng mga Pilipino? (10 Puntos)

12
Gawain 4: Plataporma para sa aming bayan!
Sitwasyon: Ipagpalagay na ikaw ay tatakbo bilang isang SK Chairman sa inyong
barangay. Bilang kandidato sa isang lokal na eleksyon kinakailangan na mayroon
kang mga natatanging plataporma. Ang Plataporma ay isang pormal na hanay na
mga pangunahing layunin sa iba’t ibang isyu na gusto mong mabigyan ng solusyon
kapag ikaw ay nanalo. Sundin ang sumusunod na panuto sa ibaba.
1. Gumawa ng isang plataporma.
2. Ang iyong plataporma ay tumatalakay kung paano mo mapangangalagaan ang
natatanging kultura lahi, pangkat etnolingguwistiko, at relihiyon sa inyong lugar
na iyong kinabibilangan. Ang rubrik sa ibaba ang magiging batayan mo sa gawaing
ito. Ilagay ang iyong sagot sa isang malinis na coupon bond.
Rubric sa Paggawa ng Palataporma

Kraytirya Di- Kahanga- Katangagap Pagtatangka


Pangkaraniwan Hanga Tangap
(10) (8) (5) (2)
Angkop na angkop at May May maliit na Walang
Paksa eksakto ang kaugnayan sa kaugnayan kaugnayan
kaugnayan sa paksa paksa
Makapukaw ng Makatawag Pansinin Di - pansinin,
Kalidad ng interes sa manunuod pansin ngunit di di -makapukaw
Ginawa at may epekto sa makapukaw ng interes at
isipan at puso at higit ng isipan isipan
sa lahat orihinal ang
paggawa
Maganda, malinis at Malinis Ginawa ng Inapura ang
Kalinisan kahanga– hanga ang apurahan paggawa at
pagkagawa ngunit di - marumi
marumi

Ang aking mga Plataporma


Mga Layunin:

(Halimbawa: Nagsasagawa ng isang livelihood seminars at symposium sa


mga kabataan, upang ang mga recyclable na mga basura ay magagamit
pa.)

Paano mo magagawa ang iyong mga layunin kapag ikaw ay naging SK


Chairman?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________
13
Isaisip

Magaling! binabati kita at natapos mo na ang ibang mga gawain. Ngayon


dapat mong unawain ang mga butil ng kaalaman.
Mga Butil ng Kaalaman Na Dapat Mong Tandaan

Ang mga butil ng kaalaman na ito ay siyang tutulong sa iyo, upang mapadali
mo ang iyong pag-intindi sa aralin na heograpiyang pisikal . Ito ay magsisilbing
gabay mo sa pagsagot sa ibang mga gawin upang hindi mo madaling malimutan
ang aralin na ito.

Ang mga terminolohiya sa ibaba, ang mga pinaikli na mga mahahalagang


konsepto, ideya at kahulugan na hindi mo dapat kalimutan. Kung mayroon kang
nalimutan balikan lang ang bahaging ito ng modyul. Umpisahan mo na ngayon!

❖ Ang heograpiyang pantao ay ang pag-aaral ng kaugnayan sa pagitan ng tao,


lugar, at kapaligiran.
❖ Ang mga saklaw ng pag-aaral ng heograpiyang pantao ay wika, relihiyon, lahi
at pangkat-etniko.
❖ Ang wika ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na maangkin at gumamit ng
mga komplikadong sistemang pangkomunikasyon.
❖ Ang mga pangunahing wika sa daigdig ay Afro-Asiatic, Austronesian, Indo-
European Niger-Congo, at Sino-Tibetan.
❖ Ang anim na mga pangunahing relihiyon sa daigdig ay ang Kristiyanismo,
Budismo, Hinduismo, Judaismo, Islam at Sikismo.
❖ Ang Hinduismo ay itinuturing ding pinakamatandang relihiyon na tinatayang
siyam na daang milyon (900 million) ang tagasunod.
❖ Ang Judaismo ay itinatag noong 2000 B.C., ang pinakamatandang relihiyon na
monoteismo na may labing-apat na milyon ang tagasunod.
❖ Ang Kristiyanismo na itinatag ni Jesus, na ipinako sa krus sa pagitan ng 30
A.D sa Jerusalem.
❖ Ang Budismo ay itinatag ni Sidhartha Gautama. Tinawag siyang Buddha noong
ika labing-apat at ika labinlimang siglo B.C sa India na may tagasunod na 376
milyon.
❖ Ang Islam na itinatag ni Mohammad sa pagitan ng 610 - 632 A.D sa Arabia na
tinatayang may 1.3 bilyon ang tagasunod.

14
Isagawa

Kumusta mag-aaral? Ngayon, may panibago na naman tayong gawain na


susubok sa iyong kakayahan. Handa ka na ba? Simulan na natin!
Gawain 6: Isyu sa Aming Pamayanan: E Collage Ko!
Sa kasalukuyang panahon may iba’t ibang diskriminasyon na nararanasan
ang ilan sa mga nabibilang sa pangkat-etniko ng ating bansa. Ito ay maaaring sa
kanilang pananamit, pananalita, kaugalian at iba pa. Bilang mag-aaral, gumawa
ng isang collage na nagpapakita kung paano natin mapapahalagahan ang kanilang
karapatan. Maipapakita ang pagrespeto sa kanilang pangkat, sila ba’y lahing
Pilipino o anuman ang pangkat na kanilang kinabibilangan. Ilagay ito sa isang
malinis na coupon bond.

Rubric sa Paggawa ng Collage

Kraytirya Di- Kahanga- Katangagap Pagtatangka


Pangkaraniwan Hanga Tangap
(11) (8) (5) (2)
Angkop na angkop May kaugnayan May maliit na Walang
Paksa at eksakto ang sa paksa kaugnayan kaugnayan
kaugnayan sa
paksa
Gumagamit ng Gumamit ng Makulay Hindi Makulay
maraming kulay at kulay at iilang subalit hindi
Pagkamalikhain kagamitan na may kagamitan na tiyak ang
kaugnayan sa may kaugnayan kaugnayan
paksa sa paksa
Makapukaw ng Makatawag Pansinin Di - pansinin,
Kalidad ng interes sa pansin ngunit di di -makapukaw
Ginawa manunuod at may makapukaw ng interes at
epekto sa isipan at ng isipan isipan
puso
Maganda , malinis Malinis Ginawa ng Inapura ang
Kalinisan at kahanga– hanga apurahan paggawa at
ang pagkagawa ngunit di - marumi
marumi

15
Tayahin

Madayaw! Maligayang pagbati sa iyo, tapos mo nang pag-aralan ang mga


mahahalagang konsepto, ideya at mahahalagang aral na iyong natutunan hinggil
sa mga saklaw ng heograpiyang pantao. Ngayon, susubukin naman ang iyong
natutunan sa aralin na ito. Pakatandaan na ito ay isang Summative Assessment.

I. Maramihang Pagpipili: Basahing mabuti at unawain ang nilalaman ng


bawat bilang. Piliin ang titik na kumakatawan sa wastong sagot at isulat sa
inyong sagutang papel.

1. Piliin sa sumusunod ang may pinakaangkop na pagpapaliwang ng kahalagahan


sa pag-aaral ng heograpiya ng isang kultura?

A. Upang matukoy ang iba’t ibang pangkat etniko sa isang lugar.


B. Para makilala kung paano maging bahagi ang isang tao sa daigdig.
C. Upang malalaman ang kaugnayan sa pagitan ng tao, lugar, at kapaligiran.
D. Upang matutunan ang interaksyon ng tao sa kapaligiran na kaniyang
ginagalawan.

2. Ang etnolingguwistiko ay tumutukoy sa mga grupo ng isang bansa na may


pagkakatulad ng wika, kultura at etnisidad. Alin sa sumusunod ang nagpapakita
ng kahalagahan ng pangkat etnolingguwistiko sa isang bansa?

A. Ito ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat.


B. Ito ay nakapag-aambag sa kasaysayan ng katangi-tanging kasangkapan.
C. Binago nito ang pananaw ng mga mamayan ng bansa hingil sa iba’t ibang
pangkat etniko.
D. Nakapagbigay ito ng reyalidad na dapat maging matatag anuman ang hamon
sa buhay na iyong kinahaharap.

3. Sinasabi na ang wika ay nagsisilbing kaluluwa ng isang kultura. Ano ang


kahalagahan ng wika sa isang kultura?
A. Ito ay nagsisilbing instrumento ng isang kultura upang magkakaintindihan
ang bawat isa.
B. Ito ay sumasalamin sa yaman ng isang bansa batay sa mga katangi-tanging
uri ng wika.
C. Ito ay kumakatawan kung anong uri ng pamumuhay meron ang isang kultura
na wala sa ibang pangkat-etniko.
D. Ito ay siyang buminigkis sa lahat ng mamayan sa isang kutura kung papano
nila ginagamit ang natatanging kultura.

16
4. Ang relihiyon ay tumutukoy sa isang kalipunan ng paniniwala, mga sistemang
kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad.
Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan ng relihiyon
sa buhay ng isang tao?
A. Ito ay nagbigay ng kahulugan at kaayusan sa pamumuhay ng isang tao.
B. Ito ay nakakaapekto kung paano makikipag-ugnay ang tao sa kaniyang kapwa
at kapaligiran.
C. Ito ay nagbigay ng kaginhawaan ng emosyon, lalo na kapag ang mga tao ay
nahaharap sa isang krisis.
D. Ito ay nagbibigay ng agarang solusyon sa lahat ng materyal na problemang
hinahaharap ng isang tao mayaman man o mahirap.
5. Ang salitang relihiyon ay nagmula sa salitang Latin na religare na ang ibig
sabihin ay “Buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan
nito.” Ano ang kahalagahan ng relihiyon sa isang kultura?
A. Ang relihiyon ang siyang pundasyong ng isang kabihasnan.
B. Ang relihiyon ay ang pangunahing kadahilanan sa paghubog ng isang kultura.
C. Ang relihiyon ang nagbibigay kasarinlan ng bawat pangkat-etniko ng isang
lugar.
D. Ang relihiyon ang siyang humubog sa pag-uugali ng tao kung ano man ang
magiging desisyon sa buhay.
6. Bilang isang mag-aaral paano mo mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga
tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga
paniniwala?
A. Hayaan ang iba’t ibang paniniwala ng tao.
B. Piliin ang mga taong may pagkakatulad na relihiyon.
C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon.
D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon
7.Ang racial discrimination ay isa sa mga suliraning nararansan ng ilang miyembro
ng isang pangkat-etniko dulot ng pagkakaiba ng mga lahi ng tao. Alin sa
sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng kahalaghan ng parespeto
ng isang pangkat etniko?
A. Pagtulong sinuman ang nangangailangan.
B. Pagkilala sa ibat ibang lahi anuman ang kinabibilangan.
C. Dapat erespeto ang iba’t ibang kultura, tradisyon at lahing kinabibilangan.
D. Paniniwala na mas magaling ang iyong sariling kultura kaysa ibang kultura.
8.Kung ikaw ay nagtratrabaho bilang Overseas Filipino Worker (OFW) sa ibang
bansa sa loob ng maraming taon paano mo maipapakita na buhay parin ang
iyong pagiging isang Pilipino?
A. Panonood ng mga Hollywood movies.
B. Pagsasalita ng sariling wika o dayalekto sa kapwa Pilipino.
C. Pagsusuot ng mga imported na mga kasuotan upang maging kilala.
D. Pagpapaganda sa sarili at pagpunta sa mga pasyalan na hindi mo pa
9. Ang Pilipinas ay nagkaroon ng maraming pangkat-etniko dahil sa pagkakaroon
ng maraming mga pulo. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan
ng pangkat-etniko sa isang lugar?
A. Ang pangkat-etniko ay nagpapakita na mayaman sa kultura ang isang lugar.
B. Ang pangkat-etniko ay may mahalagang papel upang magkaroon ng balanse
ang lipunang ating ginagalawan.
C. Ang pangkat-etniko ay sinasalamin ang pamumuhay noon bago pa tayo
nasakop ng mga kanluraning bansa.
D. Ang pangkat-etniko ang siyang nangangalaga sa ating mg kabundukan upang
mayroon tayong mapagkukunan ng pagkain.

17
10. Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa iyong
sariling kultura bilang isang Pilipino?
A. Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sariling produkto.
B. Pag tratrabaho sa ibang bansa upang makatulong sa pamilya.
C. Pagtulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga biktima ng kalamidad.
D. Hindi pagkalimot sa iyong pinanggagalingan at may pagmamalaki kahit saan.
11. Ikaw ay nakatira sa Davao City na kung saan mayroong iba’t ibang pangkat
etniko. Kailan sinasabi na ang isang tao ay kabilang na sa isang pangkat
etnolingguwistiko?
A. Kung maronong makikiayon sa lugar na iyong kinabibilangan.
B. Kapag ang isang tao ay nag punta sa isang lugar at naninirahan ng payapa.
C. Itinuturing nilang ibang pangkat etniko ang mga taong kaiba ang wika at
etnisidad.
D. Maituturing kang pangkat etniko kapag palagi mong nakikisalamuha ang mga
miyembro ng pangkat-etniko.

12. Ipagpalagay na isa kang pangulo ng samahan ng mag-aaral sa araling


panlipunan 8 at ikaw ay naatasan na mag oraganisa ng isang programa upang
maipakita ang natatanging kultura ng rehiyon ng Davao. Alin sa sumusunod ang
HINDI dapat mong gawin?
A. Patimpalak sa pagtatalumpati.
B. Patimpalak sa traditional dance o ethnic dance.
C. Paligsahan ng palo cebu at pabilisan ng pagkain.
D. Magkakaroon ng isang exhibit sa iba’t ibang kultura.
13. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga kabataan ay hindi na alam ang kulturang
Pilipino. Piliin sa sumusunod na pahayag ang higit na nagpapakita upang
manumbalik ang pagpapahalaga sa kultura.
A. Makipagkaibigan anuman ang lahing kinabibilangan ng isang tao.
B. Kumain ng mga pagkaing pinoy at mag benta ng mga produktong gawa sa
bansa.
C. Itanong sa iyong mga magulang kung ano ano-ano mga pangkat-etniko ng
bansa.
D. Huwag maging banyaga sa sariling bansa dapat kilalanin ng mabuti ang
iyong pinanggagalingan.
14. Alin sa sumusunod na pahayag ang higit na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
kanyang sariling lahi na pinanggagalingan?
A. Pag-aaral sa wikang Pilipino.
B. Pagtangkilik sa mga gawang Pilipino.
C. Hindi ikinahihiya ang iyong pinang gagalingan saa kaman mag punta.
D. Ipag sabi sa iyong mga kaibigan sa loob o labas man nang bansa na ikaw ay
isang mabuting Pilipino.
15. Alin sa sumusunod ang higit na nagpapakita ng kahalagahan sa pag-aaral ng
heograpiyang pantao?
A. Tinitingnan ang mga likas na proseso sa daigdig, tulad ng paglindol at climate
change.
B. Tinitingnan ang epekto at pag-uugali ng mga tao at kung paano nauugnay ang
mga ito sa pisikal na mundo.
C. Tinitingnan ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng tao at natural na mundo at
ang epekto na mayroon ito sa natural o pisikal na mundo.
D. Ang kanilang mga pisikal na katangian ay kinabibilangan ng mga anyong lupa
at anyong tubig, at klima. Ang sistemang pampulitika, pang-ekonomiya, at
populasyon ay ang may higit na pagkakatulad.

18
Karagdagang Gawain

Madayaw! Tapos mo na bang sagutan ang ibang mga gawain? Kung oo,
maaari kanang magsimula sa panibagong gawain na susubok sa iyong kakayahan.
Handa ka na ba? Simulan na natin!
Gawain 7: Rehiyon na Napili ko, Ipagmamalaki ko!
Bilang isang mag-aaral sa modernong panahon, paano mo
mapapahalagahan ang natatanging kultura sa mga rehiyon ng ating bansa? Pumili
ng isang rehiyon sa ating bansa at gawan mo ito ng spoken poetry o kanta sa
malikhaing pamamaraan upang maipakita mo ang pagpapahalaga sa lahi,
relihiyon at pangkat etnolingguwistiko.
Kung tula o kanta ang iyong gagawin, ito ay binubuo ng apat na saknong.
Ang bawat saknong ay binubuo ng apat na taludtod/pangungusap o may
kabuuang labing-anim (16) na pangungusap lahat.

Rubrik Para sa paggawa ng spoken poetry o kanta


Kraytirya Di- Kahanga- Katangagap Pagtatangka
Pangkaraniwan Hanga Tangap
(10) (8) (5) (2)
Tema Angkop na May kaugnayan May maliit na Walang
angkop at sa paksa kaugnayan kaugnayan
eksakto ang
kaugnayan sa
paksa
Orihinal/kali Malikhain at Kinakitaan ng Hindi gaano Walang orihinal
dad nagpapakita ng kauting kalidad nagpapakita sa paggawa
kahusayan sa sa paggawa ng kusayan sa
paggawa paggawa
Mensahe Makapukaw ng Makatawag Pansinin Di - pansinin,
interes sa pansin ngunit di di -makapukaw
manunuod at makapukaw ng ng interes at
may epekto sa isipan isipan
isipan at puso
Kalinisan at Maganda , Malinis Ginawa ng Inapura ang
Anyo ng Gawa malinis at apurahan paggawa at
kahanga– hanga ngunit di - marumi
ang pagkagawa marumi

19
Gawain 8: Pagpapaliwanag

Panuto: Ipaliwanag nang mabuti ang sumusunod ng katanungan batay sa iyong


ginawang gawain sa itaas, ilagay ang iyong sagot sa isang malinis na papel. Ang
rubrik sa ibaba ang magsisilbing pamantayan sa gawaing ito.

Pamantayan sa Pagpupuntos ng Paliwanag


Pamantayan Napakahusay (5) Mahusay (3) Hindi Mahusay (1)
Naipaliwanag ng Naipaliwanag ng Hindi masyadong
maayos ang maayos ang naipaliwanag ang
Nilalaman katanungan at tama katanungan ngunit tanong at mali ang
ang impormasyong kulang ang naibigay na
nailahad. impormasyong kasagutan.
nailahad.
Naibigay ng maayos Hindi gaanong Ang impormasyong
Kaugnayan sa Aralin ang kaugnayan ng naibigay ng maayos hinihingi ay malayo
paksa/ideyang ang paksa/ideyang na sa paksa/ideyang
hinihingi. hinihingi hinihingi
Nailahad ng may Maayos ang Hindi gaanong
Organisasyon ng kaayusan ang mga pagkalahad ng mga maayos ang
Ideya ideya at konsepto ng paksa ngunit kulang kaayusan ng ideya
paksa. sa kaayusan ang
mga ideya nito.

1. Batay sa ginawang gawain 7 Rehiyon na Napili ko, Ipagmamalaki ko! Magbigay


ng dalawa o tatlong mahahalagang aral na iyong natutunan . (5 puntos)
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
Bilang isang mag-aaral o miyembro ng lipunang iyong kinagagalawan, bakit mo
dapat pahalagahan ang iyong lahi, relihiyon at pangkat-etnolingguwistiko ng iyong
rehiyon o bansa? (5 puntos)

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Sa kasalukuyan, ang mga kabataan sa makabagong henerasyon ay magaling sa


paggamit ng iba’t ibang uri ng teknolohiya. Sa anong paraan mo mahihikayat ang
iyong kaklase o kaibigan na pahalagahan ang ating sariling kultura sa kabila ng
modernisasyon? (5 puntos)
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Batay sa iyong ginawang spoken poetry o kanta, paano mo mahihikayat ang
tagapakinig o sa mambabasa na pahalagagahan ang kulturang Pilipino? (5 puntos)

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

20
21
NOTE: Other activities please refer to the rubrics.
Balikan
1. Lugar
2. Loksyon
3. Rehiyon
4. Paggalaw
5. Interasksyon ng
tao sa kapaligiran.
Tuklasin: Suggested
Subukin Tayahin Answers
1. D 1. B
Gawain 1
2. D 2. A
Heograpiyang Pantao
3. A 3. A
 Wika
4. B 4. D
 Relihiyon
5. D 5. B
 Lahi
6. D 6. D
 Pangkat-etniko
7. B 7. D
Note: Any answers
8. A 8. B
related to the terms for
9. D 9. A
the suggested answers
10.C 10. D
will do.
11.C 11. C
Gawain 2
12.D 12. C
1. Wika
13.C 13. D
2. Relihiyon
14.C 14. C
3. Lahi
15.B 15. C
4. Etniko
5. Bibliya
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Blakemore, E. (2019) Race and ethnicity: How are they different?. Retrieved from
shorturl.at/azISU on June 29, 2020
Blando R., Mercado M., Cruz M.A., Espiritu A., De Jesus E., Pasco A., Padernal
R., Manalo Y., Asis K. (2013) Kasaysayan ng Daigdig, Department of
Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS), 2nd
floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue, Pasig City Philippines.
Castree, N., Kitchin, R., & Rogers, A. (2013). "Human geography." In A Dictionary of
Human Geography. : Oxford University Press. Retrieved 14 Mar. 2017
Hackett, C. & Mcclendon, D. (2017) Christians remain world’s largest religious
group, but they are declining in Europe. Retrieved from shorturl.at/dhsEG
on June 29, 2020.
Human Geography: Defining Human Geography; retrieved from
https://researchguides.dartmouth.edu/human_geography on May 03, 2020

Samuel, J. (N.D) Niger-Congo languages. Retrieved from shorturl.at/ptvH1 on May


30, 2020
(2008) Human Races. In: Encycopedia of Genetics, Genomics, Proteomics
and informatics. Springer, Dordrecht

22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Region XI Davao City Division

Elpidio Quirino Avenue,


Davao City, Philippines

Telephone: (082) 224 0100/228 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph


Lrmds.davaocity@deped.gov.ph

23

You might also like