You are on page 1of 20

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2:
Lipunang Politikal
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Lipunang Politikal
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: FRAMYR B. SAYOMAC at BARTOLOME P. OSTIA
Tagasuri: REMEDIOS A. LOQUE
Tagaguhit: EFREN S. HOYLA at LOVELY DELOS SANTOS
Tagalapat:
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena, CESO V
Emma A. Camporedondo, CESE
Basilio P. Mana-ay Jr., CESE
Alma C. Cifra, EdD
Aris B. Juanillo, PhD
Lydia V. Ampo, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI


Office Address: F. Torres St., Davao City
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2:
Lipunang Politikal
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Lipunang Politikal

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Lipunang Politikal.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa Modyul 1 ay ipinakita ang tunay na dahilan kung bakit may lipunan at


pangangailangan sa pakikipaglipunan. Sa loob ng lipunan ay may ugnayang umiiral
sa aspektong pampolitika. May mga gawaing kailangang bigyang-linaw upang hindi
maging hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
Kung pagpapatakbo ng lipunan ang pag-uusapan, sino nga ba ng dapat manguna
rito? Ano ba ang inaasahan sa inyo bilang mabuting mamamayan? Ano ba ang
inaasahan ng taumbayan sa pamahalaan?
Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang Mahalagang Tanong na: Paano
matutugunan o makakamit ng tao ang kanyang pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultura, at pangkapayapaan? Bakit mahalaga ang pag-iral
ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa?
Nakahanda ka na bang lalong maunawaan kung paano makakamit ng lipunan ang
kabutihang panlahat? Nakahanda ka na bang malaman kung ano ang bahaging
iyong nararapat na gampanan? Halika, simulan na natin.
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa:
1. Naipaliliwanag ang:
a. dahilan kung bakit may lipunang pulitikal
b. Prinsipyo ng Subsidiarity
c. Prinsipyo ng Pagkakaisa
2. Natataya ang pag-iral o kawalan sa pamilya, paaralan, baranggay,
pamayanan, o lipunan/bansa ng:
a. Prinsipyo ng Subsidiarity
b. Prinsipyo ng Pagkakaisa
3. Napatutunayan na:
a. May mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang
indibiduwal na makakamit lamang niya sa pamahalaan o organisadong
pangkat tulad ng mga pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural,
at pangkapayapaan.
b. Kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili ang
pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa
mababang antas at maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat kasapi ng
pamayanan.
c. Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na
mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat
ng kahirapan, dahil nakasalalay ang kaniyang pag-unlad sa pag-unlad ng
lipunan (Prinsipyo ng Pagkakaisa).

1
4. Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung umiiral ang Prinsipyo ng
Subsidiarity at Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan,
pamayanan (baranggay), at lipunan/bansa

Subukin

Panuto: Basahin mong mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa kuwaderno.

1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala?


a. May pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno
b. May pagkilos mula sa namumuno patungo sa mamamyan
c. May pagkilos mula sa mamamayan para sa kapuwa mamamayan
lamang
d. Sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan

2. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabuong kasaysayan at


kinabukasan ng pamayanan?
a. Batas c. mamamayan
b. Kabataan d. mamamayan at pinuno

3. Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang


indibiduwal?
a. Personal na katangiang tanggap ng pamayanan
b. Angking talino at kakayahan sa pamumuno
c. Pagkapanalo sa halalan
d. Kakayahang gumawa ng batas

4. Sa isang lipunang pampolitika, sino/alin ang kinikilala bilang tunay na boss?


a. mamamayan/kabutihang panlahat c. mga lider sa gobyerno
b. pangulo sa bansa d. mamamayan

5. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at


pagsasaayos ng sarili at pamayanan upang higit na matupad ang layuning
ito?
a. lipunang politikal c. komunidad
b. pamayanan d. pamilya

2
Aralin

2 Lipunang Politikal

Habang lumalaki ang mga pangkat, nagiging mahirap na pakinggan ang lahat at
panatilihin ang dating nakukuha lamang sa bigayan at pasensiyahan. Kung ang
magkakabarkada ay nagkakaunawaan na sa kindatan at ang magkakapitbahay sa
pakiramdaman at delikadesa, sa isang lipunan, nangangailangan na ng isang mas
malinaw na sistema ng pagpapasiya at pagpapatakbo.

Sa dami ng interes na kailangang pansinin at pakinggan, sa dami ng nagkakaibang


pananaw, sa laki ng lugar na nasasakop, mas masalimuot na ang sitwasyon. Hindi
na lamang iisang kultura ang mayroon, marami pang nagkakaiba-iba at
nagbabanggaang kultura ang umiiral na pare-parehong nagnanasa ng pagyabong.
Ito ang kinakaharap ng lipunan: paano siya makagagawa at magiging produktibo sa
harap ng maraming mga kulturang ito? Paano magiging iisa pa rin ang direksyon ng
bayan sa dami ng mga tinig at direksyong gustong tunguhan ng mga tao? At hindi
madali ang sagot sa mga tanong na ito,

Balikan

May nabasa ka ba tungkol sa lipunang politikal? Ano-ano naman kaya ang mga
karanasan mo na may kaugnayan sa mahalagang aspektong ito sa iyong buhay sa
lipunan?
Panuto: Balikan mo ang alam mo tungkol sa lipunang politikal. Mag-isip ng mga
salitang maiuugnay mo dito. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno gamit ang diagram
sa ibaba.

LIPUNANG POLITIKAL

3
1. Bakit mahalagang maunawaan ang kahulugan ng mga salita na iniuugnay
mo sa lipunang politikal? Bakit?
2. Para sa iyo, ano ang Prinsipyong Subsidiarity?
3. Para sa iyo, ano naman ang Prinsipyong Pagkakaisa o Solidarity?

Mga Tala para sa Guro


Aming hinihikayat ang mga magulang na gabayan ang anak sa
pagbuo ng konsepto gamit ang mga gawain dito. Maaaring
magkaroon ng talakayan sa mga nakikitang pangyayari sa
panahon ng pandemya. Makipag-unayan at makipagtulungan po
tayo sa guro ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9 upang tayo ay
mabigyang linaw sa mga ginagawa para sa ating kabataan.

Tuklasin

Gawain 1: Panuto: Basahin ang isang sitwasyon sa ibaba. Sagutin ang mga tanong
at isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

May isang bus na bumibiyahe galing


Cagayan de Oro patungong Davao. Ito ay
naglalaman ng humigit kumulang na
apatnapung pasahero. Mayroon silang
iisang tunguhin: ang makarating sa Davao.
May iisa silang paraan upang makarating sa
paroroonan – ang bus. Sila ay may
ugnayang ginagawa tulad ng simpleng
kuwentuhan tuwing hihinto ang bus para sa
pagtugon sa mga pangunahing
pangangailangan ng bawat pasahero. May mga batas silang sinusunod upang huwag
mapahamak habang naglalakbay at alituntunin katulad ng: dapat ay may tiket ka
upang makasakay,magbabayad ang lahat para sa gastusin ng sasakyan at suweldo
ng driver at konduktor.

4
Sagutin ang sumusunod na tanong:

a. Ano-ano ang mga katangiang nakita sa situwasyon na hawig sa isang


lipunan?
b. Mula sa katangiang ito, maaaari bang ituring na isang lipunang pampoltika
ang sitwasyong ito? Pangatwiranan.
c. Bakit mahalagang mayroong samahan at mayroong namumuno?

Gawain 2: Larawang Suri. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

1. Ano-ano ang ipinapahayag sa larawang nakikita sa itaas?


2. Paano ipinakikita ang pag-iral o kawalan sa pamilya, paaralan, baranggay,
pamayanan, o lipunan/bansa ng:
a. Prinsipyo ng Subsidiarity
b. Prinsipyo ng Pagkakaisa
3. Bilang isang mag-aaral ano-ano ang iyong maimumungkahi (suggestion)
upang maipakita ang pag-iral ang mga prinsipyong Subsidiarity at Solidarity
o pagkakaisa?

Suriin

Lipunang Politikal
Isang pagsisikap na abutin at tuparin ang makabubuti sa nakararami ang
pagpapatakbo ng lipunan. Pampolitika ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng
lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na
pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay ang kabutihang panlahat. Ang
pamahalaan ang nangunguna sa gawaing ito. Tungkulin ng pamahalaan na isatitik

5
sa batas ang mga pagpapahalaga at adhikain ng mga mamamayan. Magtatag ang
pamahalaan ng mga estruktura na maninigurong nakakamit ng mga tao ang
kanilang batayang pangangailangan. Mag-iipon, mag-iingat, at magbabahagi ng
yaman ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbubuwis at pagbibigay-serbisyo. Sa
ugnayang pang-mundo, ang pamahalaan ang mukha ng estado sa internasyonal na
larangan. Ang pamahalaan ang magpapatupad ng batas upang matiyak ang
soberanya at mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa loob ng bansa na kailangan
sa pagiging produktibo ng lipunan.
Sa laki ng tungkulin at kapangyarihan ng pamahalaan, may tukso na tingnan ang
pamahalaan bilang nasa itaas ng mga tao. Palibhasa nasa kamay ng mga
namumuno ang kapangyarihan na bigyang direksyon ang kasaysayan at
kinabukasan ng estado, itinuturing kung minsan ng mga tao ang kanilang mga sarili
bilang sakop lamang ng pamahalaan. Totoo ito ngunit kailangang idiin at ulit-ulitin
na ang pamamahala ay kaloob ng mga tao sa kapuwa nila tao dahil sa nakikita
nilang husay at galing ng mga ito sa pamumuno at pangangasiwa. Ang pamamahala
ay usapin ng pagkakaloob ng tiwala.

Sa Lipunang Pampolitika, ang ideya ay mabigyang prayoridad at pagpapahalaga ang


mga ugnayan sa loob nito. Hindi personalidad ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang
kabutihang panlahat, ang pag-unlad ng bawat isa. Ingatan, pagyabungin at
paunlarin ang mga karapatan at kalayaan ng mga tao sa bayan. Ngunit nakasukob
sila sa kaisa-isang kabutihang panlahat na nakikita at natutupad sa kanilang pag-
uusap at pagtutulungan. Ang Lipunang Politikal ay isang proseso ng paghahanap sa
kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na
matupad ang layuning ito. Ang tunay na boss ay ang kabutihang panlahat - ang
pag-iingat sa ugnayang pamayanan at ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng
lipunan.

Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Solidarity


Ang lipunan ay hindi pinatatakbo ng iilan. Kailangan pa ring makilahok ang
taumbayan, gawin ang kayang gawin ng bawat isa, at ibahagi ang bunga ng paggawa
sa bayan. Ang proyekto ng pinuno ay hindi proyektong para sa kaniyang sarili. Ito
ay proyekto para sa kaniyang pinamumunuan.
Kaya’t hindi mula sa “itaas” patungo sa “baba” ang prinsipyo ng mahusay na
pamamahala. Kailangan ang pakikipagtalaban ng nasa “itaas” sa mga nasa “ibaba”.
Ang gagawin ng pinuno ay ang gusto ng mga pinamumunuan at ang pinamumunuan
naman ay sumusunod din sa gabay ng kanilang pinuno. Gabay sa ugnayang ito ang
Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa (Solidarity) na pangunahing kondisyon
upang maging maayos ang lipunan. Sa Prinsipyo ng Subsidiarity, tutulungan ng
pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang makapagpapaunlad sa mga
mamamayan. Sisiguraduhin nito na walang hadlang sa kalayaan ng mga
mamamayan mula sa mga pinuno sa pamamagitan ng pag-aambag sa estado ng
kanilang buwis, lakas at talino. Hindi panghihimasukan ng mga lider ng
pamahalaan kung paano mapauunad ng mga mamamayan ang kanilang sarili.

Sa Prinsipyo ng Pagkakaisa, tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ng


pamahalaan ang magtayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan ang
mga mamamayan. Mailalagay sa ganitong balangkas ang Prinsipyo ng Pagkakaisa:
“May kailangan kang gawing hindi mo kayang gawing mag-isa, tungkulin ko ngayong

6
tulungan ka sa abot ng makakaya ko. Ako naman ay may kailangang gawin nang
mag-isa, tungkulin mo ngayon na tulungan ako sa abot ng makakaya mo.”
Tungkulin nating magtulungan tungo sa pag-unlad ng ating lipunan.

Pananagutan ng Pinuno at Mamamayan


Ang lipunang politikal ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan - ang
pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng
pamayanan. Iginagawad sa kanila ng buong pamayanan ang tiwala na pangunahan
ang pangkat – ang pangunguna sa pupuntahan, ang paglingap sa pangangailangan
ng bawat kasapi, ang pangangasiwa sa pagsasama ng grupo. Kasama nito ang
pananagutan ng mga kasapi sa lipunan na sila ay maging mabuting kasapi. Kung
hindi tutuparin ng mga kasapi ang kanilang papel, kung hindi sila makikisali sa
pag-iisip at pagpapasiya, kung hindi sila makikilahok sa mga pampamayanang
gawain, kung hindi sila magpupunyagi sa kanilang mga paghahanapbuhay, hindi
uunlad ang pamahalaan at lipunan.
Kailangan pa ring magsalita kahit ikaw ay isang mumunting tinig lamang. Hindi
mabubuo ang marami kung wala ang iilan. Sa kabila ng dunong ng pinuno at mga
maliit na tinig na nagbibigay buhay sa kanilang lipunan. Si Martin Luther King, ay
isang Afro-American na sumigaw ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat. Si
Malala Yousafzai, ay isang tinig ng musmos na nanindigan para sa karapatan ng
kababaihan ng makapag-aral sa Pakistan sa kabila ng pagtangka sa kaniyang
buhay. Si Mahatma Ghandi na taga India ay isang tagapagtaguyod para sa
karapatang pantao at higit sa lahat ay kilala sa pagsisimula ng ideya ng hindi
malupit na pagtutol sa kapuwa. Si Ninoy Aquino ay isang tinig lamang na
nagpasimula ng pagsasalita ng marami pang ibang sinisikil ng diktadurang Marcos.
Si Greta Thunberg, isang teenager, ay magaling na sumisigaw sa pagtulong sa
climate change.

Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng pag-aambag
ng talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan. “Matagal na
akong tumulong sa pamahalaan. Tapat ako sa pagbabayad ng buwis. Naglilingkod
ako nang wagas sa bayan. Ang lahat ng paghihirap ko ay inuubos lamang ng mga
kurap sa pamahalaan.” Lalong higit tuloy ngayong kailangang gumising at
magbantay. Sa harap ng garapal at talamak na kurapsyon, kailangang maging mas
maingat ang taumbayan sa pagbibigay ng tiwala. Ang pagtitiwala ay ipinagkakaloob
at maaari ring bawiin. Hindi utang na loob ng taumbayan sa mga pinuno ng
pamahalaan ang kanilang paglilingkod. Baliktad ito: ang kapangyarihan ay
ipinagkatiwala lamang sa mga namumuno. Ang bayan ay ipinagkatiwala lamang sa
namumuno. Ang namumuno ay hindi espesyal na nilalang na hiwalay sa kasaysayan
ng tao at ng bayan. Nangunguna lamang sila sa grupo, hindi nasa itaas ng iba.
Bahagi pa rin sila sa kuwento at kinabukasan ng bayan. Utang na loob nila sa
taumbayan na ipaubaya sa kanila ang pangunguna sa mga hangarin ng bayan.

7
Pagyamanin

Panuto: Isulat ang SU kung ang pahayag ay ukol sa Prinsipyo ng Subsidiarity at SO


kung ito ay patungkol sa Prinsipyo ng Solidarity. Isulat ang sagot sa inyong
kuwaderno.

1. Pagtatanggol sa karapatang pantao o karapatan ng mga minorya.


2. Pagkakaroon ng pagpupulong sa barangay para sa kaayusan ng lahat.
3. Pagbibigay ng tulong tulad ng 4Ps sa mga pamilyang nangangailangan.
4. Pagbabahagi sa mga yaman ng bansa/mamamayan sa mga naapektuhan ng
pandemic.
5. Pagsisingil ng buwis sa mga manggagawa.
6. Paglulunsad at pagbibigay ng trabaho sa mga nawalan nito sa panahon ng
pandemic.
7. Pagsama-samang paglilinis sa maruming lugar sa barangay.
8. Pagbibigay ayuda sa na apektuhan ng pandemic mula sa gobyerno.
9. Pagkokolekta ng abuloy para sa namatayan na kapitbahay.
10. Pagpapahiram ng libreng modyul sa mga estudyante sa pampublikong
paaralan.

Isaisip

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at isulat ang tamang sagot sa iyong
kwaderno.
1. Ang _______________ ay samahan ng mga taong nag-uugnayan sa isa’t-isa
sa pamamagitan ng isang pinagkasunduuang sistema, patakaran at
layunin.
2. Ang _____________ ay nangangasiwa ng kaayusan, mga sistema at paraan
at gumagawa ng panlipunang pamantayan kautusan na magpapadali sa
bawat kasapi na matamo ang kabutihang panlahat.
3. Ang prinsipyo ng _____________ay ang matatag at patuloy na
determinasyong italaga ang ating sarili para sa kabutihang panlahat dahil
ang bawat isa sa atin ay may pananagutan sa lahat at sa bawat kapuwa.
4. Ang ______________ ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat
at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang
layuning ito.
5. Ang prinsipyo ng _____________ ay ipinakikita na likas sa panlipunang
gawain ang pagbibigay-tulong o suporta a lahat ng kasapi upang
maisabuhay ang kanilang sosyal na kalikasan at kailanman hindi maputol
o maipagkait sa kanila ang kakayahang ito.

8
Isagawa

Panuto: Pagnilayan ang sumusunod at isulat sa iyong journal o kwaderno ang mga
naging realisasyon mo.
Gawain 1
1. Ano ang magawa mo para sa bayan lalo na ngayon sa panahon ng pandemic?
2. Ano ang inaasahan mo sa pamahalaan?
3. Magbigay ng mga pagkakataong kailangan ang tiwala sa pamahalaan.
4. Ipaliwanag kung bakit kinakailangan ang ganitong mga pagkilos sa panahon ng
pandemic.
5. Paano matutugunan o makakamit ng tao ang kanyang pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultura, at pangkapayapaan? Bakit mahalaga ang pag-iral ng
Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa?
Gawain 2
Panuto: 1. Gumawa ng isa o dalawang konkretong aksiyon o gawain na magpapakita
ng kagustuhan na maabot ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng maliit
ngunit epektibong kakayahan na magmumula sa iyo. Isulat sa isang metacard ang
mga mumunting kakayahan na puwede mong maisabuhay. Idikit ito sa loob ng iyong
kwarto upang madaling makita at matandaan.

Simula ngayon, tutulong ako sa


mga gawaing bahay at iwasan ko
ang paggamit ng gadgets at
cellphone.
Sa panahon ng pandemic ako ay
susunod sa mga patakaran (tulad ng
(Halimbawa) pagsusuot ng face mask sa mga
pampublikong lugar) ng gobyerno
para sa kaayusan ng lahat.

9
Tayahin

Panuto: Basahin mong mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa iyong kuwaderno.

1. Sino ang nagsilbing halimbawa na may puso para sa lipunan dahil sa


adbokasiya niya ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat?
a. Malala Yuosafzai c. Ninoy Aquino
b. Martin Luther King d. Nelson Mandela

2. Sino itong dakilang ehemplo sa paglaban ng “no to violence for the humanity”
lalo na sa kanyang mga kababayan?
a. Ninoy Aquino c. Mahatma Ghandi
b. Martin Luther King d. Greta Thunberg

3. Kaninong tinig ng musmos na nanindigan para sa karapatan ng kababaihan


nga makapag-aral sa Pakistan at magkaroon ng edukasyon?
a. Nadia Nazar c. Greta Thunberg
b. Anne Frank d. Malala Yousafzai

4. Sino ang teenager na lumalaban para sa kalikasan upang matugunan ang


problema ng climate change sa buong mundo?
a. Malala Yousafzai c. Jayden Foytlin
b. Greta Thunberg d. Anne Frank

5. Ang prinsipyo ng Subsidiarity ay kakambal ng prinsipyo ng Pagkakaisa o


Solidarity.
a. Tama
b. Mali

Karagdagang Gawain

Panuto: Magbigay ng isang halimbawa ng pagkakataong pinairal at hindi pinairal


ang dalawang Prinsipyo sa bawat konteksto sa panahon ng pandemic.

Prinsipyo ng Prinsipyo ng
Subsidiarity Pagkakaisa
Pinairal/ Hindi Pinairal/ Hindi
Ipinapakita Pinairal Ipinapakita Pinairal
1. Pamilya
2. Paaralan
3. Barangay/Pamayanan
4. Lipunan/Bansa

10
Sagutin ang mga tanong at isulat ang mga sagot sa iyong kwaderno:
a. Bakit mahalaga ang pagpapairal (applied) ng prinsipyong Subsidiarity at
Solidarity sa loob ng lipunan?
b. Paano maiiwasan ang kawalan ng pag-iral ng dalawang prinsipyo?
c. Bakit mahalagang makita ang pagpapatakbo sa lipunan bilang pananagutan
ng pinuno at mamamayan?
d. Bakit may mga taong hindi nakikilahok sa lipunan? Ano ang dapat na kilos o
saloobin sa lipunan?
e. Paano ka magiging instrumento sa pagpapairal ng Prinsipyo ng Subsidiarity
at Prinsipyo ng Solidarity sa inyong pamilya, sa baranggay, sa pamayanan at
sa bansa?

11
12
Isaisip Subukin
1. Pampolitika 1. A
2. Pamahalaan 2. D
3. Solidarity 3. B
4. Lipunang Politikal 4. A
5. Subsidiarity 5. A
Pagyamanin Tayahin
1. Subsidiarity 1. B
2. Solidarity 2. C
3. Subsidiarity 3. D
4. Solidarity 4. B
5. Subsidiarity 5. A
6. Subsidiarity
7. Solidarity
8. Subsidiarity
9. Solidarity
10. Subsidiarity
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Mga Aklat:
Blackburn, S. (2005). Oxford Dictionary of Philosophy, New York: Oxforsd
University Press
Dy, Manuel Jr. B. (2013) Contemporary Social Philosophy, Makiti City: Katha
Publishing Co., Inc.
Law, Stephen. (2007) Philosophy, Strand, London: Dorling Kindersely Limited
Plattel, M.G. (1965). Social Philosophy. Translated by Henry J. Koren. Pittsburgh:
Duquesne University Press
Dy, Manuel B. Jr. (1994) Contemporary Social Philosophy. Quezon City: JMC Press
Inc.
Rorty R (1998) Truth and Progress: Philosophical Papers. Vol 3 Cambridge:
Cambridge Univeristy Press
Scheler, M. (1973) Formalism in Ethics and Non-Formal Ethics of Values: A New
Attempt Toward the Foundation of an Ethical Personalism. Translated by Manfred
S. Frings and Roger L. Funk. Evanston: Northwestern University Press
Walgrae, J. (1965). Person and Society: A Christian View. Pittsburgh, Duquesne
University Press
Mula sa Internet:
http://www.inquisition.ca/en/polit/artic/solidarite.htm
http://www. Federalunion.org.uk/subsidiarity-man/

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like