You are on page 1of 29

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Renaissance
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ludina Manalastas
Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief
Name of Division EPS In Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region (Ex. Department of Education-Region III)


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Renaissance
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Araling Panlipunan8) ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Renaissance!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan 8) ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa (Renaissance)!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo.Ito ay naglalayong makatulong at


mapayaman ang iyong pagkatuto sa iba’t ibang kasanayan.Saklaw ng modyul na ito
ang mga konsepto ukol sa panahon ng Renaissance.Dinesenyo ang modyul upang
magawa ang mga gawain ng naayon sa kakayahan at bilis ng mag-aaral. Malaki ang
maitutulong kung gagamit ng iba’t ibang aklat at mga babasahin sa pagsagot sa mga
tanong.

May 3 paksa ang modyul na ito:


• Ang Renaissance
• Ang Humanismo at mga Humanista
• Kontribusyon ng Panahon ng Renaissance.

Pagkatapos nating mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang magagawa mo ang


mga sumusunod na kasanayan:

• Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko, at sosyo-


kultural sa panahon ng Renaissance.
Ikatlong Markahan: Unang Linggo, MELCs 1, LC 1

Tiyak na Layunin:

1. Naibibigay ang kahulugan ng Renaissance;


2. Nailalahad ang mga mahahalagang pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong
ng Renaissance;
3. Natutukoy ang mga dahilan ng pag-usbong ng Renaissance sa Italy.
4. Nailalahad ang papel na ginampanan ng pamilyang Medici sa pag-usbong ng
Renaissance;
5. Naibibigay ang kahulugan ng Humanismo at Humanista.
6. Naiisa-isa ang mga humanista;
7. Natutukoy ang mga kontribusyon ng Renaissance sa ibat’ibang larangan;
8. Nasusuri ang mga mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko at sosyo-
kultural sa panahon ng Renaissance.
9. Nailalapat sa pangkasalukuyang panahon ang mga impluwensya ng panahong
Renaissance.

1
Subukin

Piliin ang letra ng pinakatamang sagot.Isulat ang titik ng tamang sagot sa isang hiwalay
na papel.

1. Ang salitang ito ay nangangahulugang rebirth.


a. Humanista
b. Humanidades
c. Renaissance
d. Humanismo

2. Kilusang intelektwal na nagpahalaga sa kakayahan ng tao.


a. Humanidades
b. Humanista
c. Renaissance
d. Humanismo

3. Mga iskolar na nanguna sa muling pag-aaral ng klasikal na kultura ng Greece


at Rome.
a. Renaissance
b. Humanismo
c. Humanista
d. Humanidades

4. Tumutukoy sa mga ideyang klasikal tulad ng wikang Latin at Greek, retorika,


pilosopiya, kasysayan, matematika at musika.
a. Humanista
b. Humanismo
c. Renaissance
d. Humanidades

5. Angkan ng mga mangangalakal na tinaguriang patron ng sining at karunungan


sa Florence, Italy.
a. Cicero
b. Medici
c. Santi
d. Montaigne

6. Ang natuklasang teknolohiya ni Johannes Gutenberg na nakatulong sa


pagpapabilis ng paglaganap ng edukasyon.

a. Bibliya
b. Movable printing press
c. Teleskopyo
d. Telepono

2
7. Siya ang tinaguriang ama ng Humanismo.

a. Francesco Petrarch
b. Desiderius Erasmus
c. Niccolo Machiaveli
d. Nicholaus Copernicus

8. Ipininta niya ang Sistine Chapel

a. Leonardo da Vinci
b. Michelangelo Buonarroti
c. William Shakespeare
d. Miguel de Cervantes

9. Sumulat ng “The Prince”

a. Desiderius Erasmus
b. Francesco Petrarch
c. Nicholaus Copernicus
d. Niccolo Machiavelli

10. Ipinaglaban ang karapatan ng mga kababaihan sa humanistikong edukasyon.

a. Veronica Franco
b. Laura Cereta
c. Vittoria Colona
d. Isotta Nogarola

11. Sa Italy umusbong ang Renaissance dahil?

a. Ang mga mamamayan ng Italy ay namulat sa pananaw ng middle ages.

b. Umunlad ng kalakalan at industriya na nagbigay daan sa pagtataguyod


sa paglinang ng kakayahan at sining.
c. Marami sa mga taong may taglay na talento at potensyal ng panahong
yaon ay naninirahan sa Italy.
d. Mataas ang pagnanais ng simbahan na mapaganda ang mga
institusyong panrelihyon sa Italy.

12. Ang paniniwala ni Machiavelli sa ‘The end justifies the means’’ ay

a. Ano man ang pamamaran ng pinuno ay mabuti kung mabuti ang


kanyang hangarin.
b. Mabuti man ang kanyang layunin kung hindi mabuti ang kanyang
pamamaraan ay hindi ito magiging katanggap-tanggap.
c. Ang mabuting layunin ay humahantong sa mabuting pamamaraan
d. Ang mabuting pamamaraan ay hindi hahantong sa mabuting
pamumuno.

3
13. Ang nagpabilis sa Renaissance bilang isang kilusang pandaigdig ay ang ‘In
Praise of Folly ni Desiderius Erasmus,ito ay ukol sa?

a. Tumutuligsa ito sa mga katiwalian at pang-aabuso ng mga kaparian na


umiiral sa panahong Medieval.
b. Binatikos ng akdang ito ang mga namumunong angkan sa korapsyon at
pang-aabuso sa kapangyarihan.
c. Hinikayat ng akdang ito ang pagbabalik loob sa pamamahala ng mga
maharlikang angkan.

d. Inimpluwensyahan ng akdang ito ang panunumbalik ng kapangyarihan


ng simbahan sa pamahalaan.

14. Bakit kakaiba ang kaisipan sa panahon ng Renaissance sa kaisipan na laganap


sa panahong Medieval?

a. Sapagkat kinilala sa panahong ito ang kahalagahan ng tao, ang kanyang


talento, interes at kakayahan.
b. Dahil Binibigyang tuon ng panahong ito ang papel ng simbahan sa
buhay ng tao bilang paghahanda sa buhay na walang hanggan.
c. Sapagkat nagkaroon ng pagbabago sa pagtingin ng tao sa simbahan
bilang isang institusyong politikal.
d. Dahil hinikayat ng panahong ito ang kawalan ng pagpapahalaga sa
dignidad ng tao bilang bahagi ng lipunan.

15. Paano nakaimpluwensya ang mga sketch ni Da Vinci sa kasalukuyang


panahon?

a. Nagbigay ideya sa mga maaring maibento.


b. Marami ang humanga sa kanya
c. Pinangarap ng mga tao ang paniniwala ni Da Vinci.
d. Marami ang nagnais na tumulad sa kanya.

Bago magpatuloy sa susunod na gawain.


I-Check ang iyong sagot gamit ang gabay sa
pagwawasto na makikita sa huling bahagi ng
modyul. Salamat sa iyong pagtitiyaga at
katapatan.

4
Aralin

1 Renaissance

Sa araling ito ay tatalakayin natin ang tungkol sa panahon ng Renaissance,


Ang Renaissance ay tumutukoy sa panahon ng kasaysayan sa Europe noong ika-14
na siglo hanggang ika-16 na siglo.Ang Renaissance ay nangangahulugang “’Rebith” o
Muling Pagsilang.

Balikan

Bago tayo tumungo sa ating panibagong paksa, ay muli nating balikan ang
mga paksang ating tinalakay na., Natatandaan.., mo pa ba? Halika/Tara, magbalik-
aral tayo!

Panuto: Isulat ang letra sa kahon upang mabuo ang tamang sagot sa bawat bilang.
Isulat ang iyong sagot sa isang hiwalay na papel.
1. Ang banal na ekspedisyong militar na may layuning mabawi ang banal na lupain sa
kamay ng mga Turkong Muslim.

K S A

2. Isang sisitemang politikal, militar at sosyo-ekonomik na paraan ng pamumuhay na


ang kapangyarihan ay nasa panginoong maylupa.

Y D L M

3. Ang sentro ng kabuhayan ng lipunan sa panahong Medieval o Gitnang panahon.

M R

4. Alituntuning sinusunod at batayan ng kaasalan ng mga kabalyero o knight.

C V R

5. Ang sistemang pang-ekonomiya at saligan ng ugnayan sa pagitan ng panginoong


maylupa at mga magsasaka.

M N Y S O

5
6. Ang pinakamakapangyarihang institusyon sa Gitnang panahon.

S B H N

7. Itinuturing na pinakamahusay na hari ng panahong Medieval na namuno sa Holy


Romam Empire.

C L M G

8. Isang sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa konseptong ang yaman ng bansa


ay nasa dami ng kanyang ginto at pilak.

M K T S O

9. Isang pamahalaang sentralisado ang kapangyarihan sa pamumuno ng hari, may


teritoryo, mamamayan at soberanya.

A I N - S E
10. Tumutukoy sa gitnang pangkat ng mga mamamayang binubuo ng mga
mayayamang mangangalakal at propesyunal sa France.

B R O S E

Mga Tala para sa Guro


Pangunahing Paksa:
• Mga Mahahalagang Pagbabagong politikal,
ekonomiko at sosyo-kultural sa panahon ng
Renaissance.

Mahahalagang Terminolohiya:
Renaissance Humanista Medici
Humanismo Humanidades Italy

Pangunahing Tanong:
• Paano nakaimpluwensya ang panahon ng
Renaissance sa politikal, ekonomik at sosyo-
kultural na transpormasyon ng daigdig?

6
Tuklasin

Excited ka na ba sa ating paksang tatalakayin? Bago natin simulan ang pagtalakay sa


ating bagong paksa, may inihandang akong palaisipang laro, kailangan mong i-decode
ang mensahe upang malaman mo ang ating paksang tatalakayin ngayong araw.

I-Decode ang Mensahe

____ ____ _____ _____ _____ _____ _____ ______ _____ _____ ______

Ang Sining ng “Sign Language”

Pinagkunan:https://commons.wikimedia.org/wiki/File:SASL-Fingerspelled-Alphabet.png

Nasagot mo ba? Binabati kita! Tama ang tatalakayin natin ngayong araw ay tungkol sa
Renaissance.Magpatuloy ka… suriin ang susunod na teksto.

7
Suriin

Renaissance
Ang Renaissance ay tumutukoy sa panahon ng kasaysayan sa Europe mula ika-14
hanggang ika-16 na siglo.

Ang Renaissance ay nangangahulugang muling pagsilang o “rebirth”.Pangunahing


katangian nito ang muling pagkamulat sa kultural at klasikal na kaalaman ng Greece
at Rome.

Sa pagitan ng ika-11 hanggang ika-12 siglo nagkaroon ng pag-unlad sa produksyon sa


pagsasaka ang Europe.Humantong ito sa paglaki ng populasyon at pangangailangan
na natugunan naman ng kalakalan.Sa pag-unlad ng kalakalan,ang mga lungsod-
estado ng Florence,Milan,Venice,Bologna at Genoa ng bansang Italy ay naging sentrong
pangkalakalan at pananalapi sa Europe.

Isa sa mga pamilyang mangangalakal at banker na yumaman at naging


makapangyarihan sa Florence Italy ay ang pamilyang Medici.Pinag-ibayo ng pamilyang
Medici ang pagpapalaganap ng Renaissance sa pamamagitan ng pagiging patron ng
sining at karunungan.

• Sa Italy umusbong ang


Renaissance.

• Ang magandang lokasyon nito ay


istratehiko sa palitan ng kalakalan sa
pagitan ng Europe at Kanlurang Asya.

• Italy ang pinagmulan ng


kadakilaan ng Rome kaya Italyano ang
tagapagmana ng klasikal na kultura
nito.

• Angkin ng Italy ang kakayahang


magpatayo ng mga Unibersidad na
nagtaguyod at nagpanatiling buhay ang
kulturang klasikal.

• Sinuportahan ang mga obra at


itinaguyod ng mga mayayamang
mangangalakal ang mga taong
mahuhusay sa sining at masigasig sa
pag-aaral.

Pinagkunan:https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Italy_1494.svg

8
GAWAIN 1
A. Graphic organizer
Panuto: Punan ang graphic organizer.Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

Mga Salik sa Pag-


usbong ng
Renaissance

B. Pagtapat-tapatin

Panuto: Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Titik lamang ang isusulat sa sagutang
papel.

Hanay A Hanay B

6. Renaissance a. sentro ng kalakalan at pananalapi ng Europe

7. Italy b. gumabay sa kapalaran ng Italy

8. Medici c. rebirth o muling pagsilang

9. Florence d. kulturang Griyego at Romano

10. Unibersidad e. nagsimula ang Renaissance.

9
Humanista

Sa pagtatapos ng Middle Ages, ang simbahan ay sinimulang tuligsain, ang mga hari ay
muling nanumbalik sa pagkakaroon ng bagong kapangyarihan, Unti-unting nagwakas
ang mga suliraning pang-ekonomiya, pampolitika at mga epidemya.

Sa panahong ito, umusbong ang paniniwalang ang tao ay dapat maging malaya sa
paglinang ng kanyang mga kakayahan at interes at ang paniniwalang dapat hangarin
ng tao ang lubos na kasiyahan sa buhay tulad ng maayos at maunlad na pamumuhay.
Halaw mula sa Pana-panahon nina Consuelo Soriano et.al ph.197

Ang mga paniniwalang ito ay taliwas mula sa kaisipang laganap noong “middle ages”
kung saan ang tuon ay sa papel ng simbahan sa buhay ng tao.

Dahil sa pagbibigay halaga sa tao na maabot ang kanyang mga kakayahan sa


pinakamataas na potensyal, nahimok sa panahon ng Renaissance ang pagkamalikhain
sa sining, siyentipikong pananaliksik sa agham at mapanuring obserbasyon sa
lipunan.

Ang mga iskolar na nanguna sa mga pag-aaral ng Humanidades (wikang Latin at


Griyego, retorika, pilosopiya, musika matematika atbp.) ay tinawag na Humanista.

Nagsimula rin ang paghahangad ng mga Europeong manlalakbay na marating ang mga
malalayong lugar na hindi pa natutuklasan sa daigdig na kalaunay humantong sa
pagtatatag ng mga kolonya at imperyo sa labas ng bansa.

Nagkaroon ng malaking pagbabago sa aspektong politikal, ekonomik, at socio-kutural.


Dahil dito ang panahon ng Renaissance ay inilalarawan din bilang transisyon mula sa
“middle ages” tungo sa “modern period o modernong panahon.

Ano ito?...A-HA! Ba ito?

Humanismo

Ang Humanismo ay isang kilusang


intelektwal na naniniwalang dapat pag-
aralan ang klasikal na sibilisasyon ng
Greece at Rome bilang modelo ng mga
ideya na dapat matutuhan upang
magkaroon ng moral at epektibong buhay.

Halaw mula sa kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al.ph.220-221

10
Pinagyaman ng Humanismo at Humanista ang daigdig sa di-matatawarang ambag na
nakaimpluwensya sa mga pagbabagong politikal ekonomik at sosyo-kultural sa
panahon ng Renaissance.

Talahanayan 1.1 MGA KONTRIBUSYON NG RENAISSANCE

LARAWAN HUMANISTA AMBAG DESKRIPSYON


Francesco Sonata (Song Book) Mga tula ukol sa pag-ibig gamit
Petrarch ang wikang Latin at Italyano.
(Ama ng 100 tula para kay Laura.
Humanismo)

William Hamlet, Mga klasikong dula ukol sa mga


Shakespeare Julius Cesar, nararamdaman ng tao
Romeo at Juliet,
(makata ng mga Anthony at
makata) Cleopatra,
Scarlet

Desiderius In Praise of Folly Akda ukol sa pang-aabuso ng


Erasmus kaparian, pagtuligsa sa
teolohiyang eskolastika at
pagbatikos sa simbahan.
Itinuturing na dahilan ng
paggalaganap ng Renaissance
bilang isang pandaigdig na
kilusan.
Niccolo “The Prince” Ang paggamit ng pwersa sa
Machiavelli (The end justifies the pamumuno ay kailangang
means) gamitin kaysa sa kabutihan.
“Ang layunin ay nagbibigay
matuwid sa pamamaraan”

Michelangelo La Pieta Pagsasalarawan kaugnay ng


Buonarroti David nilalaman ng bibliya
Sistine Chapel

Raphael Santi Sistine Madonna, Pagkakatugma at balance o


(Perpektong Madonna and Child proporsyon sa pinta.
Pintor) Alba Madonna

Leonardo da Vinci Sistine Madonna, Pagkakatugma at balance o


(Renaissance Madonna and Child proporsyon sa pinta.
Man) Alba Madonna
Henyo (Mga sketch ng taong lumilipad,
cellphone, kotse atbp.)

11
Johannes Movable Type Printing Nagpabilis ng pagglaganap ng
Gutenberg Press mga akda ng Renaissance.

Nicholaus Teoryang Heliocentric Pagikot ng daigdig sa aksis nito


Copernicus Pinabulaanan nito ang at sa araw kasabay ng iba pang
pagtangkilik ng planeta.
simbahan na ang
daigdig ang sentro ng
sansinukob.

Galileo Galilei Teleskopyo Pinatotohanan ang teoryang


Heliocentric.

Sir Isaac Newton Batas ng Universal Ang grabitasyon ang dahilan


Gravitation kung bakit bumabalik sa lupa
ang isang bagay na inihahagis
(Scientific Giant paitaas.
of Renaissance)

Laura Cereta Koleksyon ng mga Pagsusulong sa Humanistikong


Liham Edukasyon
pangkakababaihan Para sa kababaihan
Pahalagahan ang kaalamang
pangkaisipan kaysa sa mga
materyal na bagay.
Isotta Nogorala Dialogue on Adam & Kaalaman at pag-unawa sa mga
Eve isyung teolohikal
Oration on the Life of Pagsisimula ng Pantay na
St. Jerome pagkilala sa kasarian ng
kababaihan at kalalakihan.

Artemisa Self-Portrait as the Pagpapakita ng katangian at


Gentileschi Allegory of Painting kakayahan ng kababaihan.

Pinagkunan ng mga larawan: https://commons.wikimedia.org

12
GAWAIN 2: CROSSWORD PUZZLE
Panuto: Punan ng tamang sagot ang crossword.

MGA AMBAG NG RENAISSANCE

PAHALANG

2. Naniniwala siyang ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan.


4. Ama ng Humanismo.
5. Akda ni William Shakespeare.
9. Nakaimbento ng movable printing press
10. Ang araw ang sentro ng sansinukob.

PABABA

1. Sektor ng lipunan na ipinaglaban ni Laura Cereta.


3. May akda ng In praise of folly.
6. Pinakatanyag na obra ni Michelangelo.
7. Iskolar ng Renaissance.
8. Ibinansag kay Leonardo Da Vinci.

13
Pagyamanin

AKO LANG TO O!
Napansin mo ba napakaraming taong masigasig mag-aral, matuto, mausisa at
maglinang ng kani-kanilang mga kakayahan sa pinakamataas na potensyal sa panahon
ng Renaissance.Patunay ang napakaraming ambag nito sa iba’t ibang larangan na
nagbigay-daan sa paglakas ng Europe at sa mga impluwensya nito sa transpormasyon
ng daigdig mula sa Middle ages patungo sa modernong panahon.
Ikaw, anong mga natuklasan mong mga kakayahan at potensyal sa iyong sarili ngayong
ikaw ay nasa bahay lamang sa mahabang panahon dahil sa pandemya? Nakapag-
ambag ka rin ba ng iyong mga talento o kakayahan na nakatulong o nakaimpluwensya
sa iyong pamilya, kaibigan o komunidad sa panahon ng pandemya? Paano ka binago
ng mga natuklasan mo sa iyong sarili? Maari mo itong ibahagi sa pamamagitan ng
pagsagot sa inihandang gawain sa ibaba.Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

Mga Kakayahan at Mga kakayahan at Mga pagbabagong Mga natuklasan


Talento na talento na naidulot sa aking kong tradisyong
natuklasan ko sa naiambag ko sa sarili sa Pilipino na dapat
aking sarili sa pamilya, kaibigan pagkakatuklas ko ibalik sa panahon
panahon ng o komunidad sa ng aking mga ng pandemya.
pandemya panahon ng kakayahan at
pandemya. talento.

14
Isaisip

Sa kasalukuyan panahon ng pandemya, maraming pagbabago ang patuloy na


nagaganap sa ating ekonomiya,pamahalaan,edukasyon,lipunan at iba pa,tayo ay nasa
proseso ng transisyon mula sa “normal” o nakagawiang mga pang-araw- araw na
pamumuhay patungo sa “new normal” o bagong kalagayan o sitwasyon.

Bilang kabataan, Paano mo


hinaharap ang hamon ng
“new normal” sa sarili
,pamilya at sa komunidad ?

___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Panuto: Bilang pagbubuod sa ating aralin, Nais kong punan mo ang graphic organizer
sa ibaba.Maari mong balikan ang mga teksto at ambag ng Renaissance upang
matulungan ka sa pagsagot.Gawin ito sa sa isang hiwalay na papel.

MGA PAGBABAGO SA PANAHON NG RENAISSANCE

PULITIKA EKONOMIYA SOCIO-KULTURAL

Paano nakaimpluwensya ang panahon ng Renaissance sa pagbabagong politikal,


ekonomik at sosyo-kultural na transpormasyon ng daigdig?

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________
15
___________________________________________________________________________________
Isagawa

TALENTO MO PASA MO!


Mga humanista nag-iwan ng pamana mga impluwensyaý binago ang Europa, pati
daigdig ngaý nakinabang pa. Ikaw naman ngayon sa panahon ng pandemya, maari
mong ipadama iyong pakikiisa lalo’t ngayon ay “new normal na”.
Panuto: Gumuhit ng poster o ginupit na larawang collage na nagpapakita na
ginagamit mo ang iyong talento o kakayahan sa pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa
“new normal”.
Mga Materyales:

1. ½ kartolina (puti)
2. Lapis at pangkulay

3. Larawan at iba pa.


Isulat ang mga sumusunod sa kanang bahagi ng kartolina

1. Pangalan
2. Taon at Pangkat
3. Petsa ng pagpasa.

4. Pangalan ng Guro

Rubrik sa Pagmamarka

PAMANTAYAN 25 puntos 15 puntos 10 puntos


Presentasyon Lubos na angkop Angkop sa Tema Di-gaanong angkop
sa tema sa tema.
Organisasyon Lubos na maayos Maayos at Di-gaanong
At organisado ang organisado ang maayos at
mga detalye. mga detalye. organisado ang
mga detalye
Malikhain Orihinal Orihinal Orihinal ngunit
Makulay Di-Lubos na kulang sa
Lubos na malinaw makulay at atraksyon.
ang mensahe malinaw ang
mensahe
Kabuuang puntos 50

16
Tayahin

Panuto: Isulat ang pinakatamang letra ng iyong mga sagot sa isang hiwalay na papel.
1. Ang panahon sa kasaysayan ng Europe na nangangahulugang“muling pagsilang’
ng interes sa kaalamang klasikal ng Greece at Rome.
a. Humanista
b. Humanidades
c. Renaissance
d. Humanismo

2. Isang kilusang intelektwal na nagpahalaga sa kakayahan ng tao.

a. Humanidades
b. Humanista
c. Renaissance
d. Humanismo

3. Kinilalang mga iskolar na masigasig sa muling pag-aaral ng klasikal na kultura


ng Greece at Rome.

a. Renaissance
b. Humanismo
c. Humanista
d. Humanidades

4. Tumutukoy sa mga ideyang klasikal tulad ng wikang Latin at Greek, retorika,


pilosopiya, kasysayan, matematika at musika.

a. Humanista
b. Humanismo
c. Renaissance
d. Humanidades

5. Ang tinaguriang patron ng sining at karunungan sa Florence, Italy dahil sa


pagsuporta sa mga pintor at iskultor.

a. Cicero
b. Medici
c. Santi
d. Montaigne

6. Ang natuklasan ni Johannes Gutenberg na nakatulong sa pagpapabilis ng


paglaganap ng edukasyon.

a. Bibliya
b. Movable printing press
c. Teleskopyo
d. Telepono

17
7. Ang tinaguriang ama ng Humanismo.
a. Francesco Petrarch
b. Desiderius Erasmus
c. Niccolo Machiaveli
d. Nicholaus Copernicus

8. Siya ang nagpinta ng Sistine Chapel


a. Leonardo da Vinci
b. Michelangelo Buonarroti
c. William Shakespeare
d. Miguel de Cervantes

9. May akda ng “The Prince”


a. Desiderius Erasmus
b. Francesco Petrarch
c. Nicholaus Copernicus
d. Niccolo Machiavelli

10. Nagsulong ng karapatan ng mga kababaihan sa humanistikong edukasyon.


a. Veronica Franco
b. Laura Cereta
c. Vittoria Colona
d. Isotta Nogarola

11.Bakit sa Italy nagsimula ang Renaissance?


a. dahil ang mga mamamayan ng Italy ay namulat sa pananaw ng middle
ages.
b. dahil sa pag-unlad ng kalakalan at industriya na nagbigay daan sa
pagtataguyod sa paglinang ng kakayahan at sining.
c. dahil sa marami ang mga taong may taglay na talento at potensyal ng
panahong yaon.
d. dahil sa pagnanais ng simbahan na mapaganda ang mga institusyong
panrelihyon.
12. Ayon kay Niccolo Machiavelli “The end justifies the means”, Ano ang
ipinahihiwatig nito?

a. Ano man ang pamamaran ng pinuno ay mabuti kung mabuti ang kanyang
hangarin.
b. Mabuti man ang kanyang layunin kung hindi mabuti ang kanyang
pamamaraan ay hindi ito magiging katanggap-tanggap.
c. Ang mabuting layunin ay humahantong sa mabuting pamamaraan
d. Ang mabuting pamamaraan ay hindi hahantong sa mabuting pamumuno.

18
13. Itinuturing na nagpabilis ng paglaganap ng Renaissance bilang isang
pandaigdigang kilusan ang akdang “’In Praise of Folly “’ni Desiderius Erasmus dahil
sa:
a. Tumutuligsa ito sa mga katiwalian at pang-aabuso ng mga kaparian na
umiiral sa panahong Medieval.
b. Binatikos ng akdang ito ang mga namumunong angkan sa korapsyon at
pang-aabuso sa kapangyarihan.
c. Hinikayat ng akdang ito ang pagbabalik loob sa pamamahala ng mga
maharlikang angkan.
d. Inimpluwensyahan ng akdang ito ang panunumbalik ng kapangyarihan
ng simbahan sa pamahalaan.
14. Bakit sinasabing ang panahon ng Renaissance ay pagtaliwas mula sa kaisipan
na laganap sa panahong Medieval?

a. Sapagkat kinilala sa panahong ito ang kahalagahan ng tao, ang kanyang


talento, interes at kakayahan.
b. Dahil Binibigyang tuon ng panahong ito ang papel ng simbahan sa buhay
ng tao bilang paghahanda sa buhay na walang hanggan.
c. Sapagkat nagkaroon ng pagbabago sa pagtingin ng tao sa simbahan
bilang isang institusyong politikal.
d. Dahil hinikayat ng panahong ito ang kawalan ng pagpapahalaga sa
dignidad ng tao bilang bahagi ng lipunan.

15. Si Leonardo Da Vinci ay maraming sketch halimbawa ay nainiwala siyang lilipad


ang tao tulad ng ibon. Paano ito nakaimpluwensya sa kasalukuyang panahon?

a. Nagbigay ideya sa mga maaring maibento.


b. Marami ang humanga sa kanya

c. Pinangarap ng mga tao ang paniniwala ni Da Vinci.


d. Marami ang nagnais na tumulad sa kanya.

19
Karagdagang Gawain

Pinagkunanhttps://commons.wikimedia.org/wiki/File:Devicetemplates_computer-02.png

20
21
Tayahin Gawain 2 Pagyamanin
1. C 1. Kababaihan Sa bawat kahon
2. D 2. Machiavelli
3. Erasmus 5 puntos ang
3. C
4. Petrarch pinakamataas
4. D
5. B 5. Hamlet
3 puntos ang
6. B 6. Pieta
pinakamababa
7. Humanista
7. A
8. Henyo Kabuuan-20 puntos
8. B 9. Gutenberg
9. D 10.Heliocentric
10. B
Isagawa
11. B 50 puntos ang
12. A Isaisip pinakamataas
13. A 10 puntos
14. A 20 puntos ang
15. A pinakamababa
Subukin Balikan Gawain 1
1. C 1. Krusada 1. Pagtaas ng
2. D 2. Pyudalismo produksyon sa
3. C 3. Manor agrikultura
4. D 4. Chivalry 2. Pag-unlad ng
5. B 5. Manoryalismo Kalakalan
6. Simbahan 3. Paglaki ng
6. B
7. Charlemagne Populasyon
7. A 4. Pagsuporta ng
8. Merkantilismo
8. B 9. Nation-state mayayamang
9. D 10.Bourgeoisie mangangalakal
10. B 5. Pag-usbong ng
11. B Renaissance
12. A 6. C
13. A 7. E
14. A 8. B
15. A 9. A
10.D
11.B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat

• Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo et al.Bagong Edisyon 2012


Vibal Publishing House, Inc. pp.218-226

• Kasaysayan ng daigdig, Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014


Vibal Group, Inc.pp.300-308

• Pana-Panahon, Kasaysayan ng Daigdig, Unang Edisyon 2006


Rex Book Store, pp.196-202

• Baluyot,MC Kenneth,(2020)Modyul sa Ekonomiks(MELCs) Unpublished

Website

• https://commons.wikimedia.org/wiki/File:SASL-Fingerspelled-Alphabet.png

• https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Hand-logo/63362.html

• https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Italy_1494.svg

• https://commons.wikimedia.org/

• https://puzzlemaker.discoveryeducation.com/

• Photo by Zane Lee on Unsplash

• https://www.pexels.com/photo/brown-red-religious-artwork-157236/

• Photo by Flickr

• https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Devicetemplates_computer-02.png

22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

23

You might also like