You are on page 1of 19

5

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Pangngalan at Panghalip
Filipino – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pamagat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Evarose D. Alcon, Ruby Daoang, Leonarda Celia C. Mariano,
Marby M. Reyes
Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief
Name of Division EPS In Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region (Ex. Department of Education-Region III)


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
5
Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Pangngalan at Panghalip
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Asignatura at Baitang) ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pamagat ng Aralin !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Asignatura at Baitang) ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa (Pamagat ng Aralin) !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o

iv
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa para sa inyo . Layunin nitong matulungan


kayo sa iyong pag-aaral..

Aralin : Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pagtatalakay


tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar, bagay at pangyayari sa paligid , sa
usapan at paglalahad tungkol sa sariling karanasan.

Pagkatapos ng modyul na ito ang mga bata ay inaasahang :


1. masasabi kung ano ang pangngalan
2. matutukoy kung ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay,hayop, lugar o
pangyayari
3. masasabi kung ano ang panghalip
4. magagamit ang pangngalan at panghalip sa pangungusap /talata

Subukin

Kopyahin ang mga ngalan ng tao, bagay, lugar,hayop at pangyayari sa mga


sumusunod na salita na nasa loob ng kahon. Isulat ang tamang sagot sa
kwaderno.

baboy Buwan ng Wika upuan


maganda malinis malaki
Dr. Cruz Manila aklat
Umakyat ahas kaarawan
papel masarap abogado

1
Aralin
Filipino: Pangngalan at
1 Panghalip

Balikan

Kopyahin ang mga ngalan ng tao, bagay, lugar,hayop at pangyayari sa mga


sumusunod na salita na nasa loob ng kahon. Isulat ang tamang sagot sa kwaderno.

Tuklasin

Mga Tala para sa Guro


Ngayong hawak mona ang modyul dapat mong sundin ang mga
sumusunod :
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

2
Basahin ang kwento
Luisiana: Little Baguio ng Laguna
Mierkules noon, malamig na simoy ng hangin ang bumati sa akin.
Nakasakay kami ng aking mga magulang sa pampasaherong dyip patungo sa isang
baryo na kung tawagin ay “ Little Baguio.” Ito ang lugar kung saan nakita ko ang
simpleng pamumuhay ng mga taong may sipag at may mumunting pangarap. Dito,
sila ay nagtatanim ng mga halamang gulay at mga hayop gaya ng kalabaw at baka
ay malayang nakagagala sa paligid. Sariwang isda naman ang nananahan sa
malilinis na ilog.

Dito ko nakilala si Carl, isang batang kasing- edad ko rin. Magkaibigan ang
aming mga magulang. Pareho kaming nasa ikalimang baitang. Pangarap ni Carl na

makatapos ng elementarya at makapag- aral sa isang paaralang pansekondarya sa


bayan, bagama’t mayroon ding mataas na paaralan sa Little Baguio.

Ito ang baryo na ang hanging umiihip sa bawat minuto ng bawat oras ay tila
ba hangin ng Pasko.

Naalala ko pa ng magkakilala kami ni Carl…

JJ: Kumusta ka? JJ ang pangalan ko. Ikaw?

Carl: Mabuti naman. Ako naman si Carl.

JJ: Ang sarap ng hanhin dito sa lugar na ito.

Carl: Little Baguio ang tawag namin sa lugar na ito.

JJ: Sabi ko nga sa Tatay at Nanay ko, gusto kung manatili na lamang kami rito.

Carl: Paano ang pag-aaral mo sa bayan?

JJ: Lilipat na lamang ako rito sa Paaralang Elementarya ng San Buenaventura.

Carl: Aba, mabuti kung ganoon. Sana maging kamag-aral kita.

JJ: Sana nga, maraming salamat, Carl.

Pag-isipan Mo
1. Paano mo maipakilala ang iyong sarili bilang isang batang nagnanais na
maging bahagi o mapabilang sa pangkat ng mag-aaral na namumuno sa inyong
paaralan?
2. Ano ang gamit ng pangngalan at panghalip sa pangungusap?

Pag-unawa sa Binasa

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang tamang sagot sa


kwaderno.

3
1. Ano-ano ang makikita sa Little Baguio?
2. Sino ang nagkukwento sa akda?
3. Sino ang bagong kaibigan ni JJ?
4. Saan patungo si JJ?
5. Bakit kaya nasabi ng awtor ang pahayag na “Ito ang baryo na ang
hanging umiihip sa bawat minute ng bawat oras ay tila ba hangin ng
Pasko”?

Ano-ano ang ngalan ng tao na binanggit sa teksto? ang lugar? bagay ?


pangyayari? Ano ang tawag sa ito?

Pangngalan
Ito ay mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o
pangyayari.

Halimbawa:
Tao- Carl, JJ, tatay, nanay
Bagay- dyip, gulay, papel
Lugar- baryo, Little Baguio, Paaralang Elementarya ng San Buenaventura
Hayop- isda, aso, pusa
Pangyayari- pasko, kaarawan, Hunyo 12

Ano-ano ang salitang ginamit na pamalit sa pangngalan? Ano ang tawag sa


mga salitang ito?

Panghalip
Ito ay salitang ginagamit na pamalit sa pangngalan. Ito ay ginagamit kung
ang pangngalan ay magkasunod na ginamit sa isang pangungusap.

Halimbawa
ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, iyo, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila,
kaniya, ito,ire, nire, nito, ganito, ganiyan, ganoon, iyan, diyan, ditto, doon, hayan,
hayun, iyon, yaon, niyon, noon

4
Suriin
Isulat sa tamang hanay ang mga sumusunod na pangngalan.Isulat ang tamang
sagot sa kwaderno.

papel Renato paaralan baka pista


pusa sanggol bundok isda Amerika
sapatos Bb. Cruz aklat Tarlac manok
lapis kaarawan Mario Pasko hospital

Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari

Pagyamanin

Gawain 1
Kopyahin sa kuwaderno, ang talahanayan sa ibaba. Pagkatapos, punan ito ng
apat pang pangngalan na tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook at
pangyayari. Tularan ang unang ibinigay sa bawat hanay.Isulat ang tamang sagot
sa kwaderno.

Tao Bagay Lugar Hayop Pangyayari


Jawe Singsing Luneta pusa Piyesta

5
Gawain 2
Pumili ng tig-isang pangngalan sa bawat hanay sa talahanayan sa letrang A.
Gamitin ang bawat isa sa pangungusap. Pagkatapos, bumuo ulit ng pangungusap
kaugnay ng unang binuong pangungusap. Palitan ang pangngalang ginamit sa
bawat pangungusap ng angkop na panghalip. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Halimbawa :

Si Jawe ang nakatatandang kapatid ni Carl.

Siya ang panganay sa apat na magkakapatid .

Gawain 3
Basahin ang sumusunod na saknong. Tukuyin ang pangngalan at panghalip na
ginamit dito. Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.

Ipinagmamalaki sa probinsiya ng Laguna

ang munti ngunit masaganang bayan ng Luisiana,

Kung saan matatagpuan ang pandan na nilala,

ginawang banig, sombrero, at bayong upang ibenta

Kung higit pa rito ang iyong nais na Makita

halina’t dayuhin moa ng San Buenaventura,

Luya, kamote, kamatis,sayote,at ampalaya

ilan lamang sa mga gulay na kalakal nila.

Isaisip

Pangngalan
Ito ay mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o
pangyayari.

6
Panghalip
Ito ay salitang ginagamit na pamalit sa pangngalan. Ito ay ginagamit kung
ang pangngalan ay magkasunod na ginamit a isang pangungusap.

Ginagamit ang pangngalan at panghalip na pantukoy at panghalili sa


ngalan ng tao,bgay, hayop, lugar at pangyayari.

Isagawa

Palitan ng angkop na panghalip ang pangngalang may salungguhit.

Halimbawa :

Si Maria ay magandang babae,. Siya ay magandang babae.

1. Sina Danica at Lea ay magsisimba.

______ ay mga mababait na bata.

2. Ikaw at ang iyong ate ay maglilinis ng bahay.

________ ay mga matutulunging bata.

3. Ikaw at ako ay magluluto.

______ ay magluluto.

4. Si Beth at ako ay maghuhugas ng pinggan.

______ ay maghuhugas pa ng kaldero.

5. Sina Tina at Bella ay mamimili sa palengke.

________ ay mamimili sa palengke.

Tayahin

7
Sagutin ang mga tanong. Isulat ang mga ito sa anyong talata gamit ang
pangngalan at panghalip.

1. Ilan kayong magkakapatid ?

2. Ano ang hanapbuhay ng iyong mga magulang ?

3. Saan kayo nakatira ?

4. Ano ang iyong relihiyon ?

5. Bilang bahagi ng inyong pamilya, ano ang iyong tungkulin ginagampanan ?

Karagdagang Gawain

Sumulat ng maikling talata na ginagamitan ng pangngalan at panghalip. Pumili sa


mga sumusunod na pamagat:

1. Ang Aming Paaralan


2. Ang Aking Alaga
3. Ang Aming Mag-anak
4. Ang Aking Pagbabakasyon

8
Susi sa Pagwawasto

Isagawa Pagyamanin Subukin


1. Sila Tao Bagay Lugar baboy
2. Kayo
itay plato kusina Dr. Cruz
3. Tayo
4. Kami Maria baso palengke papel
5. Sila
guro kotse parke Buwan ng Wika

Bb.Dy kama Cubao Manila

Hayop Pangyayari ahas

biik Pasko upuan

manok annibersaryo aklat

uod binyag kaarawan

pato Mahal na Araw abogado

Tayahin
( ang sagot ay
magkakaiba)

9
Sanggunian
Alab Filipino Manwal ng Guro pahina 4-5
Alab Filipino Batayang Aklat pahina 3-5
MELC Filipino 5
WBLS Filipino 5

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like