You are on page 1of 36

Filipino sa Piling

Larang (Akademik)
Unang Markahan – Modyul 1:

PAGSULAT SA FILIPINO KAUGNAY NG


AKADEMIKONG SULATIN
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik) Baitang 12
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pamagat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad ayon sa Batas Pambansa Bilang 8293, Seksiyon 176, “Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangang humingi ng pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marciano R. Catapang


Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Office Address: ____________________________________________


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
12
Filipino sa Piling
Larang (Akademik)

Unang Markahan – Modyul 1:

PAGSULAT SA FILIPINO KAUGNAY NG


AKADEMIKONG SULATIN
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy,

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang


baitang 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Kahulugan, kalikasan, at katangian ng pagsulat ng sulating akademik

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay higit na
makatutulong upang ikaw ay maging mas
mahusay sa Akademikong sulatin lalo na
sa Sanaysay .

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang) ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kahulugan, kalikasan, at katangian ng
pagsulat ng sulating akademik

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

2
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

3
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin

Nilikha ang modyul na ito upang makatulong sa mga mag-aaral sa pagbuo ng


sapat na kaalaman at responsibilidad sa wastong pag-aaral. Sa gitna ng
pinagdaraanang krisis sa kalusugan hindi lamang ng bansa bagkus ng buong
mundo, ninanis ng modyul na ito na mahikayat ang mga mag-aaral na pag-
ibayuhin pa ang interes sa pag-aaral. Inilapit din sa mga mag-aaral ang ginamit
na mga halimbawa upang lubos na maunawaan ang tunay na layunin at higit na
mapalalim ang kaisipang nais linangin sa sumusunod na aralin.

Nahahati ang modyul na ito sa dalawang Aralin:

Aralin 1-Kahulugan, Kalikasan, at Katangian ng Pagsulat ng Sulating Akademik

Matapos na magamit at aralin ang mga nilalamang aralin o paksa, ang mga mag-
aaral ay inaasahang:
1. Nabibigyang kahulugan ang akademikong sulatin.

2. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa;


a. Layunin
b. Gamit
c. Katangian
d. Anyo
3. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa Kahulugan,
Kalikasan, at Katangian ng iba’t ibang anyo ng Sulating Akademiko.

Subukin

Maghanap at magsaliksik ng anumang uri akademikong sulatin at subukang


bigyan
ito ng kahulugan. Ibahagi ang nakalap na binigyang kahulugan sa klase.

1. Pagbibigay kahulugan

1.1 Humanidades-
___________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
1.2. Agham Panlipunan –
___________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

1.3. Etika –
___________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Balikan

Ano ang pagsulat? Ano ang aking isusulat? Paano ko iyon isusulat? Sino ang babasa ng
aking isusulat? Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat?
Tatangkain ko bang sumulat ng liham, korespondensya ofisyal, ulat, rebyu, proposal,
pagsasalin, o papel pananaliksik? Ang susulatin ko ba ay teknikal o malikhain?
_________________________________________________________________________

Tuklasin

Aralin Kahulugan, kalikasan, at


katangian ng sulating
1 akademik
KASAYSAYAN NG PAGSULAT
Ang Sistema ng pagsulat ay sinasabing galing sa mga banal, tila diyos, Divino na
tinatawag ding “Divine Sources”. Dahil sa Konserbatismo, anumang pagbabago o inobasyon
sa istruktura sa pagsulat ay nangyayari dahil nanghihiram ang isang grupo ng tao sa iba.
Ang Akkadian, ginamit ang Silabik ng Sumerian logo-silabik sa kanilang wika ngunit
pinanatili ang logograms (nagrerepresenta ng buong salita) at ginagamit ito bilang isang uri
ng “Shorthand”
Mula sa pag-aaral ng Arkeyolohiya, ang Hiroglipo ng mga Ehipto na
pinakamatandang uri at sistema ng pagsulat na nalinang ay may 5,500 taon na ang
nakaraan. Ang mga taga-Mesopotamia ay tinatayang nagsisulat din ng mga panahong iyon,
na tinawag nilang “Cunieform” ang sistema ng kanilang pagsulat.
Halos sa panahon ding iyon, ang Pro-Elamite na pagsulat ay nadevelop din sa Elam.
Ang Silabari, sa kanyang kapayakan ay binubuo ng (simbulo para sa katinig at patinig) ay
hiniram ng mga Semitic (mga tao sa Palestina at Syria) mula sa Ehipto.
Ang isa pa sa pinakaunang semi-alpabetik na pagsulat ay nakita sa Proto-Sinaitis na
pagsulat noong 1500 BC. At noong 1300 BC na natagpuan sa Ugarit sa hilagang bahagi ng
Syria. Samantala, mula sa Phoenisia ay nanghiram ang Gresya na naghiwalay sa katinig at
patinig hanggnang sa ang buong sistema ng alpabetik na pagsulat ay madevelop.

KAHULUGAN NG PAGSULAT

Pagsulat pagsasalin sa papel ng isang tao

1. Ang Pagsulat ay pagsasalin sa papel ng mga nabuong salita, simbulo, at ilustrasyon ng


isang tao. (Bernales et.al., 2001)

Pagsulat pisikal at mental na aktibiti kamay, mata, at utak

2. Ang pagsulat ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang
kamay, mata, at utak sa pagsulat. (Benales et. al., 2002).

Pagsulat naglalaman ng wastong gamit Retorika

3. Ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong gamit,


talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, retorika. (Xing at Jin, 1989).

Pagsulat L1 at L2 wasto at epektib


4. Ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika sa L1 at L2 na mahirap matamo. Subalit
napag-aralan ang wasto at epektib. (Badayos, 2000).

Pagsulat lahat ng iniisip, … nakapaloob dito ang aspetong…

5. Ang pagsulat ay lundayan ng lahat ng iniisip, nadarama, nilalayon at pinapangarap ng tao


dahil nakapaloob dito ang aspetong kognitibo, sosyolohikal, sikolohikal, linggwistikal.

KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
Mula sa panulat ni Donald H. Oranes, nasa aklat ni Austerio et.al.,(2008) ang
kahalagahan ng pagsulat bilang instrument sa pagkatuto. Ito ang mga sumusunod:
Ang pagsulat ay:
1. nakapagdaragdag ng talino dahil sa ginagawang analisis at sintesis sa nakuhang
imformasyon;
2. nakapagdaragdag sa personal “esteem”;
3. nakapanghihikayat sa pagkatuto ng maraming larangan na gumagamit ng skil sa pag-
awit, sa paggamit ng viswal at sistemang kinestetiko;
4. nagpapagaling sa iskil ng pagbasa;
5. tumutulong sa pagiging matapang ng manunulat;
6. tumutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng inisyativ sa paghahanap ng anumang
informasyon; at
7. upang makasunod sa hinihingi/rekwayrment ng pag-aaral.

Sosyo – Kognitiv na Pananaw sa Pagsulat


Napakahalaga ng pagsulat sa tao katulad din naman ng pagsasalita kung saan
pinakakawalan ang “laman ng utak”. Ang mga “kaalamang” ito na kapag inilundo ay
nagpapakita ng kung sino ang manunulat, ano ang kanyang sinasabi, ano ang kanyang
identidad, ang tayog ng kanyang iniisip, ang lawak ng kanyang kaalaman upang makabuo
ng magandang piyesa.
Ano ang mga dulog o “approaches” na kanyang dapat isaalang-alang?

Pagsulat bilang sariling ekspresyon.


KOGNITIBONG DULOG Pagbibigay ng sariling kahulugan.
Nagsisimula ito sa mga personal na sanaysay (narratives).

Pagsulat para sa Afirmasyon


SOSYO-KULTURAL NA Ang kanyang kaligiran – komunidad, pamilya, organisasyong
DULOG kinabibilangan kasama ang tradisyon, kaasalan, gawi ng mga
institusyon ito na magiging batis (source) para sa kanyang
sulatin.

Matukoy ang genre ng sulatin (maikling kuwento, nobela, tula,


dula, balita, sanaysay).
Mabigyan ng analisis ang istruktural at lingguwistik ng
component.
Makapagjenereyt ng sariling ideya na umaayon sa kombensyon
ng genre.
DULOG SA PAGPILI NG
GENRE

Nakapokus sa mga isyu para sa mga aksyon/pagkilos na


makapagpapabago sa lipunan.
KRITIKAL NA DULOG Ang content ng sulatin ay nakatali sa relasyon ng ekonomiya at
politika sa buhay ng manunulat.
Pagsulat para sa Panlipunang pagbabago

Tamang grammar ang konsern.


Nakafokus kung paano ang lengguwahe para sa sariling gamitin
DULOG SA BEHEYVIORAL pangangailangan, kung nag-aaplay ng trabaho.
AT FANKSYONAL Pagsasagawa ng anumang gawain sa pamilya, trabaho at buhay
sa lipunan.
Pagsulat para sa Asimilasyon

Pagsulat bilang Multidimensyonal na Proseso

Kasangkot ng pagsulat ang iba’t ibang gawain tulad ng pagbabasa, pagpaplano,


pagjijinereyt, pag-aayos (arranging), pagdedevelop, pagdadraft, paghuhugis (shaping),
pagsusulat, pag-eedit at muling pagsulat.
Batay kay Badayos (1999), ang multidimensional na proseso ng pagsulat ay binubuo
ng sumusunod na proseso.

Bago sumulat binibuo ito ng pagpili ng paksa, paglikha ng mga ideya, at


pagbuo ng mga ideya

Pagsulat pagbuo ng draft, pagtanggap ng fidbak / pagsangguni at


inubuo pagrerevisa

Paglalathala sangkot dito ang pagdidisplay ng komposisyon/sulatin sa


bulletin board o kaya’y pagpapalimbag/paglalathala
Suriin

1. Paano nakatutulong ang pagkamalikhaing pagsulat sa isang mag-aaral sa Senior High


School?

2. Isa-isahin ang pinagmulan ng sistema ng pagsulat at bigyan ito ng kahulugan. Ibahagi sa


klase.

Pinagmulan sa Sistema ng Wika Kahulugang Pinagmulan


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

3. Isa-isahin ang bawat dulog sa pagsulat. Magbigay ng tig -5 halimbawa ng sulatin


sa bawat dulog. ibahagi sa klase.

Uri ng Dulog Halimbawa ng Sulatin


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 5.
5. 5.

4. Suriin sa aklat o magsaliksik sa celfon ng mga halimbawa ng sulatin at tukuyin


kung saang kategorya ito nabibilang. Ibahagi sa klase.
Mga Halimbawa ng Sulatin Kategorya
Pagyamanin

Maaaring isahan o grupo. Maglista ng mga sulatin mula sa tatlong (3)


kategorya. Pumili ng isang sulatin. Magsaliksik sa libro at internet tungkol dito.
Gawin ang mga sumusunod:
A. Gumawa ng isang mini-aklat na sulatin (na hindi bababa sa 10 sulatin) ng mga
ginamit na sulatin sa kategoryang napili:
Halimbawa:
Ekspresiv
Formulari
Imaginativ
B. Lagyan ng kahulugan ang bawat aytem
C. Gawan ng klasipikasyon o paggugrupo ang mga aytem
Halimbawa:
Ekspresiv Formulari Imaginativ

❖ Diary ❖ Panuto ❖ Tula

D. Ibahagi ito sa klase sa pamamagitan ng kartolina o manila paper o slide show


presentation.
2. Bumuo ng kaniyang-kaniyang pangkat batay sa napiling kategorya. Magsama-
sama ang magkakategorya. Pag-isahin ang mga naisulat na sulatin sa isang mini-
aklat. Lagyan ng sariling pamagat ang mini-aklat. I-bind ito na parang libro,
maging malikhain at masining sa proyektong ito.
Bilang sariling pagtatasa, sagutin ng bawat miyembro ang rubric kaugnay ng
naging partisipasyon niya sa proyekto.

Rubrik sa Sariling Pagtatasa (Mini-Aklat ng sulatin)


Partisipasyon:
Nakasama sa:
a. Pagsasama-sama ng mga sulatin sa mini-aklat at pagklasipika sa mga
sulatin.
b. Pag-edit o proofread ng mga sulatin.
c. Pag-layout at pagdisenyo ng aklat
d. Pagsulat ng introduksyon at pagpili ng pamagat ng aklat

Grupo / Proyekto: __________________________________________


Partisipasyon : _____________________________________________

Kraytrya Pangkalahatang Sariling Iskor


Iskor
Pakikipag-ugnayan sa Grupo
⮚ Hindi basta gumagawa nang
walang malinaw na pakikipag-
ugnayan sa grupo 35
⮚ Kumokonsulta sa lider ng grupo

Inisyatiba sa Itinakdang Gawain


⮚ Hindi kailangang utusan o turuan
⮚ Nag-iisip ng paraan para
maisagawa ang Gawain 35

Pagkamalikhain sa Isinagawang Gawain


⮚ Isinasagawa nang maayos, kaaya-
aya, at presentable ang Gawain
⮚ May orihinalidad sa pagsasagawa 30
ng itinakdang Gawain

100 – 90 - Napakahusay
89 - 80 - Mahusay
70 - 70 - Mahusay-husay
69 - 60 - Kailangang pagsikapan pa
50 - 50 - Sipagan pa
Isaisip

A. Bumuo ng tig-tatlong pangungusap tungkol sa bawat larawan. Ang mga


pangungusap ay maaaring nagtataong, nagbibigay ng opinion, naglalahad, o
nagbibigay ng obserbasyon at pagpapahalaga. bigyan ng pamagat ang bawat
larawan. Pagkatapos, gumawa ng sariling paglalarawan sa pamamagitan ng
pagsulat ng tula, kuwento, o pagguhit. Tatasahin dito ang inyong pagkamalikhain
at pagkamapanuri. Bumuo ng sariling rubric sa pagtatasa. Pagkatapos ipatasa
sa ibang grupo.
1.

__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

Mungkahing Pamagat: ___________________________________________

Kung ako ang kukuha ng larawan, gagawin ko ito ng ganito:


2.

_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

Mungkahing Pamagat: _____________________________________


Gawan ng isang tula: _________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3

__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

Mungkahing pamagat: ________________________________________


Gawan ng isang
Kuwento:____________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________
Isagawa

Mula sa bahagi ng TUKLASIN, sumulat ng pagbubuod sa kabuuang aralin,


pagkatapos iulat ito sa klse:
Halimbawa:
Narito ang bibigyan ng buod ng mga kaisipang inilahad sa aralin na nauukol sa
mga kasaysayan, kahulugan, kahalagahan at pananaw sa pagsulat.
A. Kasaysayan_______________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

B. Kahulugan _______________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

C.Kahalagahan_______________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

D. Pananaw_______________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Tayahin

Panuto I - Pagtapat-tapatin: Hanapin sa kolum B, ang isinasaad sa Kolum A. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa blankong espasyo.
Kolum A Kolum B
_____ 01. pagpigil sa anumang pagbabago A. Semitic
_____ 02. tao sa Palestina at Syria B. Cuneiform
_____ 03. nagrerepresenta ng buong salita C. Hiroglipo
_____ 04. simbolo para sa katinig at patinig D. Proto- Sinaitis
_____ 05. Sistema ng pagsulat sa Ehipto E. Silabari
_____ 06. semi-alphabetic na pagsulat F. Konserbatibo
_____ 07. Pro-Elamite na pagsulat G. Logograms
_____ 08. Sistema ng panulat ng Mesopotamia H. sa Elam

Panuto II – Tama o Mali: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung
hindi.
_____ 01. Ang multidimensyonal na proseso ng pagsulat ay binibuo ng apat na
proseso.
_____ 02. Ang pagsulat ay nakapagdaragdag sa personal “esteem.
_____ 03. Ang pagsulat ay nagpapagaling ng iskil sa pakikinig
_____ 04. Ang pagsulat ayon kay Bernales ay kapwa isang pisikal na aktibiti.
_____ 05.Ayon naman kina Xing at Jin, ang pagsulat ay isang komprehensib na
kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan, pagbuo ng
kaisipan, at retorika.
_____ 06. Ang Kritikal na Dulog ay pagsulat para sa Humanidades na pagbabago
_____ 07. Ang Sosyo-Kultural na Dulog ay pagsulat para sa Afirmasyon

Karagdagang Gawain

Magsaliksik sa aklat o magriserts sa internet tungkol sa akademikong sulatin tulad


ng Humanidades, Agham Panlipinan, at Agham Pisikal. Halimbawa: A.
Humanidades ( Wika, Literatura ,at iba pa) B. Agham Panlipunan (Kasaysayan,
Sikolohiya at iba pa.) C. Agham Pisikal (Matematika, Biyolohiya at iba pa). Bigyan ito
ng kahulugan at igrupo ang magkakasama. Ilagay ito sa manila paper o gumawa ng
power point presentation pagkatapos, ilahad ito sa klase.

Susi sa Pagwawasto
Tayahin Tayahin
Panuto 1 Panuto 2
F 1.
A Mali
G
E 2.
C Tama
D
H 3.
B Mali
4.
Tama
5.
Tama
6.
Mali
7.
Tama
Sanggunian

Austerio, Cecilia S. et. al. 2008. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Unlad
Publishing House. Pineda, Pasig,City.
Badayos, Paquito B. (D). 1999. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika. Grandwater
Publication ang Research Corporation. Rizal St. Makati, City.
Constantino, Pamela C. at Zafra, Galileo S. 2016. Filipino sa Piling Larangan
(Akademik). Rex Book Store, Inc. Manila, Philippines.
Villafuerte, Patrocinio V. et. al. 2005. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Lorimar Publishing Company INC. Cubao, Quezon City, Metro Manila.
Villanueva, Voltaire M. at Badril, Lolita T. 2016. Pagsulat sa Filipino sa Piling
Larangan (Akademik at Sining). Vibal Group Inc. Araneta Avenue, Quezon
City, Philippines.
Alamin

Nilikha ang modyul na ito upang makatulong sa mga mag-aaral sa pagbuo ng


sapat na kaalaman at responsibilidad sa wastong pag-aaral. Sa gitna ng
pinagdaraanang krisis sa kalusugan hindi lamang ng bansa bagkus ng buong
mundo, ninanis ng modyul na ito na mahikayat ang mga mag-aaral na pag-
ibayuhin pa ang interes sa pag-aaral. Inilapit din sa mga mag-aaral ang ginamit
na mga halimbawa upang lubos na maunawaan ang tunay na layunin at higit na
mapalalim ang kaisipang nais linangin sa sumusunod na aralin.

Matapos na magamit at aralin ang mga nilalamang aralin o paksa, ang mga mag-
aaral ay inaasahang:
Nalalaman ang iba’t ibang layunin sa pagsulat at ang mga istratehiya o gawain para sa
bawat layunin
2. Nakapagbibigay ng iba pang gawain o istratehiya sa paglinang ng mga kasanayan sa
pagsulat.

Subukin

Narito ang ilang mga gawaing pasulat na ibinibigay mo sa klase. sa bawat gawain,
isulat o ibigay ang layunin sa pagsulat nito. Halimbawa:
Gawain: Pagsulat ng Liham Pangkaibigan
Layunin: Pagpapahayag ng nadarama
Pakikipag-ugnayan sa kapwa
a. Pagsulat ng talatang naglalarawan
b. Pagsulat ng balita
c. Pagsulat ng tula
d. Pagsulat ng anunsyo
e. Pagsulat ng buod ng Kwento

Balikan
Naibigay mo ba ang layunin sa bawat gawaing pasulat? sa sab-modyul na ito
malalaman mo ang iba’t ibang layunin sa pagsulat at ang mga gawain na angkop sa
bawat layunin. Magsimula ka na!

Tuklasin

Aralin
Mga Layunin at Kategorya
2 ng Pagsulat
May limang (5) kategorya sa pagsulat na nagiging rason kung bakit nagsusulat
ang tao. James kinneary (1971) nasa aklat ni Lolita K. Abueg et. al (2008). Ito ang mga
sumusunod:
1. Ekspresiv personal na pagsulat para maipahayag ang sarili;
2. Formulari isang mataas at istandardisadong pagsulat katulad ng mga kasulatan
/kasunduan sa negosyo/bisnes at iba pang transaksyong legal, at
pang-ekonomiya.

3. Imaginativ upang mabigyang-ekspresyon ang mapanlikhang imahinasyon ng


manunulat sa pagsulat ng mga dula, awit, tula, iskrip at iba pa.

4. Informativ upang magbigay ng mahahalagang informasyon at ebidensya; at

5. Persweysiv upang makapanghikayat, mapaniwala ang mambabasa dahil sa mga


evidensya, katibayang ipinahayag.

Sinasabing ang pagsulat ay daan upang magamit/madevelop ang iskil sa pagbasa at


pagririserts at pagdevelop sa mas mataas na lebel ng pag-iisip.

Nakalahad naman sa modyul nina Badayos, et. al.,(2002), na may iba’t ibang
layunin o tungkulin ang pagsulat para sa isang manunulat. Para sa isang mag-aaral
o sumusulat mapapangkat sa lima ang layunin sa pagsulat. Ito ang mga sumusunod:
A. Sariling pagkatuto (metalingual)
1. Pagpuna sa kamalian ng nakasulat sa teksto
2. Pagsulat ng komposisyon na idinidikta
3. Pagsulat ng reaksyon mula sa binasa
4. Pagsasanay na cloze
B. Pagpapahayag ng nadarama (emotive)
1. Paggamit ng larawan o karikatura
2. Pakikinig sa balita
3. Pagsulat ng sariling talambuhay, talaarawan o liham na personal
4. Paglalarawan ng sariling katangian
C. Maglahad (referential)
1. Pagbabalita mula sa larawan
2. Paglalahad ng mga pangyayari mula sa pinagsusunud –sunod na larawan.
3. Paglalahad ng proseso o sunud-sunod na hakbang mula tsart o dayagram.
4. Pagbibigay ng direksyon batay sa mapang nakalarawan
5. Pagsulat ng talambuhay ng ibang tao batay sa panayam.
6. Pag-uulat na teknikal tungkol sa paksang pang-agham at panteknolohiya.
7. Paggawa ng book review o pagsusuri sa mga akda.
8. Pagbibigay ng komento ayon sa mga napapanahong isyu
D. Maghikayat (persuasive)
1. Pagsulat ng liham para sa trabaho
2. Pagbibigay ng panig sa isang argumento
3. Pagbibigay ng payo
4.Pagsulat ng sanaysay, editorial na pamumuna o nanghihikayat sa
mambabasa na gawin ang isang bagay o iwasan ang isang gawain.
E. Maging matulain at malikhain (poetic ang literary).
1. Pagtutuloy ng isang kuwento
2. Pagsisimula ng kuwento
3. Pagsulat ng anekdota
4. Pagsulat ng kuwentong napakinggan
5. Paglalahad ng kuwentong padetektib
6. Pagsulat ng mga tugma tungkol sa iba’t ibang paksa.
Istratehiya sa Pagsulat ayon kina Pinnell, Gay Su at Irene C. Fountas
Samantala para kina Pinnell, Gay Su at Irene C. Fountas. (Guided Reading:
First Teaching For Chidren, 1996) nasa aklat nina Austerio et. al. 2008 p 146-148.
Ibinigay nila ang mga sumusunod bilang istratehiya sa pagsulat.

Panimulang pagsulat

brainstorming

paggamit
nglarawan, texts
tuwirang sinabi
/sipi upang
gumana ang
isipan
mapping at paggamit ng pagbasa ng
focus sa
webbing mga tanong na sinulat na
patuloy at
sino, ano, akdang iba
malayang
kalian, saan,
pagsulat
paano, bakit

Drafting

Pag-oorganisa ng
Pagkuha ng Pagkilala sa Pakikipagkompe- mga ideya:
pinakamahalagang awdyens o rensya sa
ideya mula sa babasa; kasamahan o
Pagkakasunod
panimulang pagsulat layunin sa kaibigan upang
ng pangyayari
at pagpapalusog ng pagsulat at maging malinaw
ayon sa panahon
mga ideyang ito ang paggamit at maging makinis
o pagkakaganap
nito upang ang ideya Kahalagahan
makalikha ng
draft o Pagkakatulad o
balangkas pagkakaiba
Sanhi at bunga
Problema at
REBISYON solusyon

Pagbasa sa Pagtatanong sa Nagawa baa ng


teksto at Pagkuha ng fidbak lohikal na
mula sa mga sarili kung nasagot
paglilimi sa ng sulatin ang presentasyon
kasapatan o kasama upang simula, gitna at
Makita kung kailangang masagot
kakulangan ng tungkol sa paksa. wakas?
pagkakasulat efektibong
nakapagpapahayag Natugunan ba ang
pangangailangan ng
awdyens

EDITING

Nabasa ba ang nilalaman? Nasunod baa ng mga panuntunan sa


pagsulat tuladng:
form (talataan)
istruktura ng pangungusap (sintaks)
istruktura ng pangungusap (sintaks)
Suriin

‘1. Magbibigay ang guro sa mga mag-aaral ng isang teksto na maaring balita,
editorial o sanaysay na may roong maling salita, bantas, pag-uugnayan ng mga
pangungusap, atb. Susuriin ng mga mag-aaral ang teksto at iwawasto ang
kamalian.

2. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga larawan at karikatura na makukuha sa


mga magasin at pahayagan, isusulat ng mag-aaral ang pag-unawa o reaksyon
nila sa mensahe ng larawan o karikatura. Ipakikita ng mga mag-aaral ang mga
halimbawa ng karikatura. Ipasulat sa mga mag-aaral ang mensahe o kahulugan
na inihahatid ng karikatura.
1

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______________________________________.

Pagyamanin

Magbibigay ang guro ng pagsasanay. Bubuo ng tig-tatlong kasapi sa bawat grupo.


Ang (a) ay sasagutin ng unang kasapi, ang (b) ay sasagutin ng pangalawa, ang (c)
ay sasagutin ng pangatlo, at ang (d) ay pagtutulungan sagutin ng grupo.
Pagkatapos, ilahad sa klase.
a. Ibigay ang layunin ng pagsulat ayon sa tinalakay.
b. Magbigay ng iba pang halimbawa ng mga Gawain sa pagsulat na ginagawa mo
sa klase.
c. Pansinin ang mga larawan at sitwasyon na ginamit sa mga gawain sa pagsulat.
Nakatulong ba ang mga ginamit na awtentikong kagamitan sa paglinang ng
kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral.
d. Ipaliwanag kung paano ipinakikita sa mga gawain ang paprosesong pagdulog sa
pagsulat.

Isaisip

1. Batay sa isang larawan, iisip at susulat ang mga mag-aaral ng isang pangyayari o
kuwento na padetektib. Magpapakita ang guro ng larawan.
2. Magbibigay ng teksto ang guro na pagbabatayan ng mga tanong na bibigyan ng
reaksyon nang pasulat ng mga mag-aaral.
Halimbawa ng teksto na ibibigay ng guro:
Sa pakikipagtalastasan, dapat na malaman ang palagay o damdamin ng ibang
tao. Dapat ding alamin ang sitwasyon, panahon at lugar na kinaroroonan ng nag-
uusap. Ito ay mahalaga sa pagkakaunawaan. Simulan ang pakikipag-usap sa mga
bagay nakukuha ng interes ng kausap. Sikapin ding unawain na ang kausap sa
pakikipagtalastasan ay nasasangkot sa pagpapaunlad at pag-iisip ng tamang paraan
ng pakikipag-ugnayan.

Panuto sa mag-aaral:
.
Sagutin ang mga tanong ayon sa binasa. Isulat ang sariling reaksyon o
paliwanag.
a. Ano ang mahalagang bagay na kailangan sa pakikipagtalastasan?
Paliwanag: ________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________.
b. Paano mo mapauunlad ang iyong kakayahan sa pakikipag-usap?
Magbigay ng mga halimbawa.
1.
2.
3.
4.
5.

Isagawa

1. Maglalahad ang guro ng paksa at mga argumento tungkol dito. Pagkatapos


isasagawa ng mga mag-aaral sa loob ng klase. Ang mga mag-aaral ay gagawa din
ng rubric para sa pagtatasa sa gagawing aktibiti.
Halimbawa: PAKSA: Dapat ba o hindi dapat na ikulong sa zoo ang mga hayop?

Mga Argumento Ayon sa Paksa


Pangkat A
a. Isinilang ang mga hayop na malaya kaya hindi dapat ikulong.
b. Ang zoo ay hindi lugar na natural para sa mga hayop.
c. Mahirap dumami o manganak sa zoo ang mga hayop.

Pangkat B
a. Ma maaalagaan ang mga hayop kung nasa zoo sila.
b. Madaling maiangkop ng mga hayop ang kanilang sarili sa kahit anong kapaligiran.
c. Ang mga hayop na nasa labas ng zoo ay unti-unti nang nauubos dahil sa tao. Sa
zoo sila inaalagaan upang dumami.

2. Magpapabasa ang guro ng mga suliranin na karaniwang nagaganap sa kabataan.


Halimbawa: Tinedyer na lumayas sa tahanan matapos mapagalitan.
Nahuling mga kabataan na lasing sa shabu.
Nawalan ng pamasahe, hindi na pumasok

Batay sa mga suliraning inilahad, susulat ang mga mag-aaral ng nararapat na


payo o dapat na isagawa ng kanilang kapwa mag-aaral upang malutas ang suliranin.
Tayahin

Panuto I – Isulat sa patlang kung anong kategorya ang mga sumusunod na sulatin.
1. iskrip pampelikula ___________________________
2. Shooping list ___________________________
3. Bisnes kontrak ___________________________
4. Ulat panahon ___________________________
5. State of the Nation Address (SONA) ___________________________

Panuto II – Pagtatapat-tapat: Piliin sa kolum B, ang isinasaad sa kolum A. Isulat ang


titik ng tamang sagot sa patlang.

KOLUM A KOLUM B

_____ 1. Pagsulat ng reaksyon mula sa binasa A. Emotive


_____ 2. Paggamit ng larawan o karikatura B. Referential
_____ 3. Pagsulat ng liham para sa trabaho C. Poetic and literary
_____ 4. Pagbabalita mula sa larawan D. Persuasive
_____ 5. Pagsulat ng Anekdota E. Metalingual

Panuto III – Tama o Mali: Isulat ang TAMA kung inaakala mo na may katotohanan
ang pahayag. Isulat ang mali kung walang basehan ang pahayag.
_____ 1. Ang pag-eedit ng sulatin kailangang kilatisin ang kabuuan.
_____ 2. Nagagawa ba ng rebisyon ang lohikal na presentasyon- simula, gitna at
wakas?
_____ 3. Ang paggamit ng mga tanong na sino, saan, ano, kalian, paano at bakit ay
bahagi ng panimulang pagsulat.
_____ 4. Sa editing, Kailangang sundin ang mga panuntunan sa pagsulat ng
paggamit/pagpili ng mga salita.
_____ 5. Sa pagsulat ng Informativ na sulatin, gumagamit ang manunulat ng mga
dula, awit, skrip at iba pa.

Karagdagang Gawain
Bumuo ng tatlong grupo. Pumili ng isa bawat kategorya o uri ng sulatin at gawan ito
ng mga sulatin. Nakatala sa ibaba ang mga kategorya na bibigyan tig-lilimang
halimbawa: May nakasulat ng isa sa bawat kategorya.
1. Pagtatala (Noting down)
1. Pagsulat ng jornal
2.__________________________
3. __________________________
4. __________________________
5. __________________________

2. Pagbuo (Looking Into)


1. Pagsulat ng Talambuhay
2. ____________________
3._____________________
4. _____________________
5. _____________________

3. Pag-iisip (Thinking Over / Thinking Through)


1. Pagsulat ng sariling sanaysay (personal essay)
2. _______________________________
3. _______________________________
4. _______________________________
5.________________________________
Susi sa Pagwawasto

Tayahin Tayahin Tayahin


Panuto 1 Panuto 2 Panuto 3
1. E 1.
Tama
1. Imaginativ 2. A
2.
2. Ekspresiv 3. D Mali
3. Formulativ 4. B 3.
4. Informativ 5. C Tama

5. Persuweysiv 4.
Tama
5.
Mali
Sanggunian

Austerio, Cecilia S. et. al. 2008. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Unlad
Publishing House. Pineda, Pasig,City.
Liwanag, Lydia B. et.al., 2002. Modyul sa Pagtuturo ng Filipino para sa Antas
Kolehiyo. Sentro ng Pag-aaral ng Wika. Pamantasang Normal ng
Pilipinas. Maynila.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph *


blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like