You are on page 1of 5

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Taon: 11 Kwarter: Ikatlo Linggo: 1
MELC: Kowd:
Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang
tekstong binasa F11PB-IIIa-98
Natutukoy ang kahulugan at katangian ng
mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang
uri ng tekstong binasa F11PT-IIIa-88
Pangalan ______________________ Seksyon: _________ Petsa _________
Paaralan _______________________ Distrito __________________________

I. Paglalahad ng Aralin/ Mga Nilalaman

Pagbasa
Ayon kina Leyson et al (2008, 3) halaw sa pag-aaral ni Austero, sinasabi ng isang awtoridad
sa larangan ng pagbasa, ay karangalan dulot ng pagbabasa ay nagbibigay ng ganap na kasiyahan at
kaluwalhatian sa buhay na hindi matutumbasan ng kayamanang materyal. Sa madaling salita, mahalagang
papel ang ginagampanan ng pagbabasa sa buhay ng isang tao sapagkat dito nalilinang pang lalo ang kaisipan
sa pag-unawa sa iba’t ibang karunungan at disiplinang pang-akademya na makakatulong sa kanyang sarili
upang maging isang ganap ng tao.
Ang pagbasa ay isang ring kognitib na proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakalimbag o ng
anumang wikang nakasulat. Kaya ito ay may kaugnayan sa pagsulat, sapagkat anumang binabasa natin ay
maaari itong isulat at ang anumang naiususlat ng kamay ay nababasa ng mata na kakambal ng
pagpapakahulugan gayundin sa pagkatuto sapagkat ang kakayahansa pagbasa ay daan tungo sa kaalaman.
Ito ay isang proseso ng pag-aayos, pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon
o ideya na kinakakatawan ng mga salita o simbolo na kailangang tingnan at suriin upang maunawaan. Ang
mga sagisag na ito ang nagsisilbing instrumento upang mabigyang-kahulugan ang mga kaisipang gustong
ipahayag. Ngunit tandaan nating hindi lahat ng layunin ng manunulat sa kaniyang akdang nilikha ay natatamo
o naisakatuparan ng isang mambabasa (Atanacio et al 2016, 3).
Ang pagbasa ai isa sa apat na makrong kasanayang pangwika na mahalaga sa pakikipagtalastasan.
Maituturing na 90 porsiyento ng ating kaalaman ay mula sa ating binasa (Atanacio et al 2016).
Sa pamamagitan nito ay nalibot ang mundo at unawain ang lawak ng sa iba’t ibang larangan gaya ng
politika,medisina,teknolohiya, sining, agham at lalong lalo na sa lipunan na kinabibilangan ng mga tao.

Pisyolohikal na Aspekto
Ang pisyolohikal na aspekto ng pagbasa ay ang aspekto kung saan gamit ang mata upang makakita,
matukoy at makilala ang mga imahe at simbolo. Sa ilalim ng aspektong pisyolohikal, mayroong iba't ibang
paraan ng galaw ng mata. Ito ay ang fixation (pagtitig upang kilalanin at intindihin ang teksto), interfixation
(paggalaw ng mata mula kaliwa pakanan o mula itaas paibaba), return sweeps (galaw ng mata mula sa simula
hanggang dulo ng teksto) at regression (paggalaw ng mata na pabalik-balik at pagsuri sa binabasa) (Libris
2018).

Kognitibong Aspekto
Ayon sa organisasyong SEDL, dating kilala bilang The Southwest Educational Development
Laboratory, na gumagawa ng mga pananaliksik pang-edukasyon, may dalawang pangunahing hakbang sa
kognisyon: ang pagkilala (decoding) at pag-unawa (comprehension. Tinututukan ng ating mata habang
naganap ito ay inuunawa natin ang binabasa. Ang mga titik at simbolo ay naipamamahagi sa iba’t ibang sentro
ng utak at nagkakaugnay-ugany upang magkaroon tayo ng pagkilala at pagkaunawa sa kahulugan ng mga
nakalimbag na simbolo (Atanacio et al 2016,4).

1
Komunikatibong Aspekto
Ang wika ay kasangkapan sa pakikipagtalastasan.Bawat wika ay may kaniya- kaniyang istuktura at
kahulugan na kailangang alamin upang maunawaan ang impormasyong ipinahahayag nito (Panganiban
2016).

Panlipunang Aspekto
Isang panlipunang gawain ang pagbasa. Kahit saan magpunta at kahit saan tumingin ay napakaraming
7
maaaring basahin. Sa kasalukuyan, ang pinakamaimpluwensyang pinagkukunan ng ideya at kaalaman ay
ang Internet (Atanacio et al 2016,4).

Proseso ng Pagbasa
Upang higit na maging mabisa ang alinmang pagbasa, nangangailangan ito ng wastong
pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagkakamit ng inaasahang bunga. Tinatawag itong pamaraan
pagka’t ang mga ito ang karaniwan at ideyal na proseso ng pagbasa. Ayon nga kay Gray (sa Bernales, et al.
2013, 3) ay may apat na hakabang sa pagbasa.

HAKBANG PALIWANAG
1. Persepsyon Ito ay pagkilala s amga nakalimbag na simbolo at kakayahang
mabigkas ang tunog ng mga titik na bumubuo sa bawat salita.
2. Komprehensyon Pagpoproseso ito sa isipan sa mga impormasyong ipinapahayag
ng simbolikong nakalimbag. Ang pag-unawa sa teksto ay
nagaganap sa hakbang na ito.
3. Reaksyon Hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at
pagpapahalaga ng teksto sa hakbang na ito.
4. Asimilasyon Iniintegreyt at iniuugnay ang kaalamang nakuha ng mambabasa
sa kanyang dati nang kaalaman at/ o karanasan sa hakbang na
ito.

Teorya sa Pagbasa
Napakahalagang kasanayan dapat na matutuhan ng mga estudyante ang isang matibay na pag-unawa
sa proseso ng pagbasa. May iba’t ibang paniniwala o pananaw na maaaring magamit sa pagtalakay sa
konsepto ng pagbasa.
Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o pananaw tungkol sa pagbasa. Tunghayan
ang mga paniniwala tungkol sa pagbasa batay sa mga modelong makikita sa tsart: (A)teoryang itaas-pababa
(top-down), (B)teoryang ibaba-pataas (bottom-up), (C)teoryang interaktibo, at (D)teoryang iskema (Cababan
2017).

Teoryang Itaas-Pababa (Top-Down)- Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay


nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon nang dating kaalaman at karanasan. Ang mambabasa ay
gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior 8 knowledge) at mga kaalaman (schema) na nabubuo na sa
kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Nakabubuo siya ng mga palagay at
hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad ng may-akda sa teksto. Ayon kay Smith (1994) ang
impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto (Cababan 2017).

Teoryang Ibaba – Pataas (Bottom-Up)- Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na


nangangahulugang ang pag-unawa ng isang bagay ay nag-uumpisa sa ibaba (bottom), ito ang teksto (reading
text) at napupunta sa itaas (up), sa utak ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng mata at utak o
isipan. Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang blangkong
papel o tabula raza(Cababan 2017).

Teoryang Interaktibo- Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down), nagaganap ang


interaksyon sa pagitan ng teksto at ng mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng
mambabasa sa pag-unawa sa teksto (Cababan 2017).

2
Teoryang Iskema (Schema)- Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan
o memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-
unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa. Ayon kay Anderson at Pearson (1984) ang
Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao (Cababan 2017).

Layunin ng Pagbasa
Maraming dahilan ang isang manunulat kung bakit niya isinulat ang isang teksto sa
pamamaraang kaniyang pinili, gamit ang mga piling salita. Maaring siya ay nagpapaliwanag, maaari
rin namang nais lamang niyang magbigay ng impormasyon at hayaan ang mambabasa na makabuo
ng kanilang sariling pagpapasiya tungkol sa paksa. Maaari rin siya’y nagsasalaysay. Ang mahalaga,
ano pa man ang layunin ng may ay maisaalang-alang natin ito sa pagbuo ng interpretasyon at
pagpapasiya tungkol sa tekstong ating binasa (Bernales et al 2013,17).

Damdamin, Tono at Pananaw ng Teksto


Damdamin. Ito ay tumutukoy sa kung ano ang naging saloobin ng mambabasa sa binabasang
teksto (prezi.com). Pinupukaw ng isang awtor ang damdamin o emosyong nabuo sa mambabasa sa
pamamagitan ng piling mga salita at antas ng mga detalye sa teksto (Bernales et al 2013,18).
Halimbawa: saya, tuwa,lungkot, takot, galit, pagkabahala,pagmamahal at hinanakit.
Tono. Ito ay tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinatalakay.Nakilala ang
mga ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga tiyak na salitang ginagamit ng manunulat. Halimbawa:
masaya, malungkot, seryoso,mapagbiro,mapangutya,naghihinayang,nagmamakaawa (Linaac
2014).
Pananaw. Ayon kay Bernales et al (2013, 18 halaw sa Bernales, et al., 2008) Ito ay tumutukoy
sa nagsasalaysay o nagsasalita sa isang teksto. Ang binibigyang pansin dito ay ang ginamit na
panghalip. Unang panauhan kung ako at mga kauri ang ginamit. Ikawang panauhan kung ikaw at
mga kauri ang ginamit at ikatlong panauhan kung siya at mga kauri ang ginamit.
Paksa
Ang paksa ay pangkalahatang tema o mensahe. Ito ay tinatawag ng iba na sabjek. Upang
makilala ang unang paksa, ang unang kailangang gawin ay makuhamuna ang pangunahing ideya
ng teksto. Ang pagbuo ng isang simpleng tanong na,“Tungkol saan ito?” ay isang estratehiya sa
pagkilala ng paksa. Ipagpatuloy ang pagtatanong sa sarili habang binabasa ang teksto hanggang
malinaw ang sagot sabinuong tanong (Linaac 2014).

Uri ng Teksto
Informativ- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong
pangyayari, bagong paniniwala at mga bagong informasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ngsekwensyal
at inilalahad nang buong linaw at kaisahan
Argumentativ- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na kaugnayanng
mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan.Ang ganitong uri ngteksto ay
tumutugon sa tanong na bakit.
Persweysiv- Tekstong nangungumbinse o nanghihikayat.
Narativ- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng nagsasalayasay.
Deskriptiv- ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng informasyong may kinalaman sa pisikal na
katangian ng isang tao, lugar, bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano.
Prosijural- ang isang teksto kung ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod
ng hakbang ng malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang gawain.
Narativ- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng nagsasalayasay.
II. Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga bahagi lamang ng isang teksto. Pagkatapos
tukuyin kung anong uri ang nangingibabaw. Isulat ang kasagutan sa parehong papel na ginamit sa

3
naunang gawain.Iwasan ang pagbura.

1. Dalawang uri ng klima ang naranasan sa bayang ito. Maulan ang panahon mula Hunyo hanggang
Setyembre at mainit naman mula Oktubre hanggang Mayo. Dahil sa klima at lokasyon ng nasabing
bayan, pagsasaka at pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito. Bukod dito,
pinagkakakitaan ng mga kababaihan ang paghahabi ng buri na siya namang dahilan kung bakit may
Silag Festival sa naturang bayan. Batay sa census 2010, ang mamamayan sa bayang ito ay may
kabuuang 37,011.
Pagkalusaw at Pagligtas ng Wikang Bolinao:Isang Panimulang Pag-aaral
Atezora at Morales
April, 2015
Uri ng teksto:_____________________
Layunin: ______________________

2. Hello! Si Christina Ford nga pala. Siya ay lumaki sa marangyang pamilya. May negosyo ang kanilang
magulang. Sumunod siya sa ate niya. Nag-aaral ngayon sa isang publikong paaralan. Siya ay nag-iisa
na lamang. Sa pagkakatanda nya noong Febrero 14, 2013, pagkatapos nilang kumain sa isang
resturan. Sa pagdiriwang ng ika- sampong anibersaryo ng kaniyang magulang bilang kasal. Masaya
silang nagkakasiyahan, nagkakatuwaan, nagkukwentuhan at makikita mo ang ngiti sa kanilang mga
labi at ningning sa kanilang mga mata ang namumutawi. Subalit sa isang pangyayari…
Pinaglaro ng Kapalaran
jaeannetabileblog.wordpress.com
March 15, 2017
Uri ng tekso:___________________________
Layunin: _______________________________

Gawain 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Kilalanin kung anong proseso ng
pagbasa ang ginamit. Isulat ang sagot sa parehong papel sa mga naunang gawain.

1. Ibinahagi ni Cathy sa buong klase ang kanyang masasabi hinggil sa akdang binasa at mensaheng
inihatid ng akda.
2. Ang ikalawang pangkat ay sabay sabay na binibigkas sa bahagi ng tekstong ibinigay ng guro nang
buong linaw.
3. Pinapaisip ng guro ang mga estudyante ng isang sitwayson sa kanilang buhay na maiuugnay sa
isang tiyak na pangyayari sa loonb ng tekstong binasa.
4. Ang bawat grupo ay naghahanda ng kanilang pagpapalinag batay sa naunawaan ng kanilang
tekstong binasa.
5. Sinuri ni Archie ang istilo sa pagsulat ng manunulat ayon sa kwastuhan at kahusayan nito.

III. Pagtataya/Tayahin

Panuto: Basahing mabuti at unawain mo ang bawat item upang maibigay ang
tamang sagot. Isulat ang pinakatamang sagot sa parehong papel sa naunang gawain.
Ipinagbabawal ang pagbubura.
1. Ang tekstong ito ay naglalayong hikayatin ang mga mambabasa na mabago ang paniniwala hinggil
sa isang paksa.
A. Deskriptib C. Prosidyural
B. Impormatibo D. Nanghihikayat
2. Ito ay tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinatalakay.
A. Damdamin C. Tono
B. Pananaw D. Paksa
3. Ito ay tumutukoy sa kung ano ang naging saloobin ng mambabasa sa binabasang teksto
A. Damdamin C. Tono
B. Pananaw D. Paksa
4
4. Ito ay isang proseso ng pag-aayos, pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon
o ideya na kinakakatawan ng mga salita o simbolo na kailangang tingnan at suriin upang maunawaan.
A. Pagsusuri C. Wika
B. Pagbasa d. Pagsulat
5. Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman at mga kaalaman na nabubuo na sa
kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Anong teorya ito ng pagbasa.
A. Teoryang Itaas-Ibaba C. Teoryang Ibaba-Itaas
B. Teoryang Schema D. Teoryang Interaktibo

6. Iniintegreyt at iniuugnay ang kaalamang nakuha ng mambabasa sa kanyang dati nang kaalaman at/ o
karanasan sa hakbang na ito.
A. Persepsyon C. Komprehensyon
B. Integrasyon D. Asimilasyon
7. Pagpoproseso ito sa isipan sa mga impormasyong ipinapahayag ng simbolikong nakalimbag. Ang pag-
unawa sa teksto ay nagaganap sa hakbang na ito.
A. Persepsyon C. Komprehensyon
B. Integrasyon D. Asimilasyon
8. Ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod ng hakbang ng malinaw na
hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang gawain.
A. Narativ C. Perseysiv
B. Prosidyural D. Informativ
9. Ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari,
bagong paniniwala at mga bagong informasyon.
A. Argumentativ C. Persweysiv
B. Informativ D. Narativ
10. Hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga ng teksto sa hakbang
na ito.
A. Persepsyon C. Reaksyon
B. Asimilasyon D. Komprehensyon

V. Sanggunian
Atanacio, Heidi C. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon
City: C & E Publishing House.

De Laza, Crizel S. 2019. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik.Manila: Rex Book

You might also like