You are on page 1of 28

PAGSULAT AT

AKADEMIKONG
PAGSULAT
Ayon kay Cecilia Austera et al. 2009, may akda ng
Komunikasyon sa Akademikong Filipino, ang pagsulat ay
isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming
nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum
ng paghahatid ng mensahe, ang wika.
Edwin Mabini et al (2012), sa aklat na
transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong
Filipino (2012), ito ay isang pambihirang gawaing
pisikal at mental.
SIMULAN NATIN
Sagutin ng Tama o Mali ang sumusunod na
mga pahayag tungkol sa pagsulat. Sa
nakalaang linya ay magbigay ng maikling
paliwanag kaugnay ng iyong sagot.
1. Ang wikang Filipino ay isang
wika ng intelektuwalisasyon.
2. Ayon sa Konstitusyon ng
Pilipinas, ang Filipino ay isa sa
mga opisyal na wikang panturo sa
mga paaralan.
3. Ang lahat ng pagsasanay sa
pagsulat na natutuhan mula sa
elementarya hanggang high school ay
maituturing na bahagi ng akademikong
pagsulat.
4. Ang sanaysay, maikling kuwento, awit,
at dula ay hindi kabilang o maituturing na
isang akademikong pagsulat.
5. Ang pagsulat ng balita, pananaliksik, at
iba pang korespondensiya ay bahagi ng
pasulat at pakikipag-ugnayan ng tao sa
lipunan.
6. Mahalagang isaalang-alang ang wika,
paksa, at layunin sa anumang uri ng
pagsulat.
7. Ang paggamit ng salitang kolokyal o
balbal ay mahalagang bigyang-pansin sa
pormal na pagsulat ng pananaliksik.
8. Ang maikling pagsulat at teknikal
na pagsulat ay kapwa maituturing na
akademikong pagsulat.
9. Ang mga guro, manunulat, at mag-aaral
lamang ang dapat na matuto ng
propesyonal na pagsulat.
10. Layunin ng reperensiyal na pagsulat
na bigyang-pagkilala at rekomendasyon
ang mga sangguniang maaaring
mapagkunan ng kaalaman.
Ang Pagsulat
Mabini (2012), ang pagsulat ay isang
pagpapahayag ng kaalamang kailanman
ay hindi maglalaho sa isipan ng mga
bumasa at babasa sapagkat ito’y
maaaring magpasalin-salin sa bawat
panahon.
Royo (2001), Sa pamamagitan ng
pagsusulat, naipapahayag niya ang
kanyang damdamin, mithiin, pangarap,
agam-agam, bungang-isip, at mga
pagdaramdam.
Mabilin (2012), ang layunin sa pagsulat ay
maaaring mahati sa dalawang bahagi:
personal o ekspresibo o panlipunan o
sosyal
Ano-ano ang benepisyong
maaaring makuha sa pagsusulat?
1. Kakayahang mag-organisa ng
mga kaisipan at maisulat ito sa
obhetibong paraan
2. Kasanayan sa pagsuri ng mga
datos
3. Mahubog ang kaisipan sa
mapanuring pagbasa
4. Mahikayat at mapaunlad ang
kakayahan sa matalinong
paggamit ng aklatan
5. Pagtuklas ng kaalaman at
ambag sa lipunan
6. Paggalang at pagkilala sa mga
gawa at akda ng kanilang pag-
aaral at akademikong pagsisikap
7. Malinang kasanayan sa
pangangalap ng mga
impormasyon mula sa iba’t ibang
batis ng kaalaman para sa
akademikong pagsusulat
Takda: Ano-ano ang mga
akademikong sulatin ayon sa: (a)
Layunin (b) Gamit (c) Katangian
(d) Anyo

You might also like