You are on page 1of 4

KAREN THERESE G.

REMOCALDO PF 4001 PANG- AKADEMIKONG PAGSULAT

GERALDINE C. REBAMONTE 12:00 P.M – 3:00 P.M/ SABADO

KATITIKAN NG IKALAWANG PULONG NG PARENTS TEACHERS ASSOCIATION


(PTA) NG PAARALAN NG TAL-UT NATIONAL HIGH SCHOOL
,

Ika-19 ng setyembre, 2017


Ika- 3 ng hapon
Sa Covered Court ng Tal-ut National High School

Dumalo:
Kgg. Bonifacio Yam-id - Kagawad
Kgg. Judith Bacus - Ingat-yaman ng Brgy. ng Valencia, Carcar City
G. Jekell L. Dela Cerna - Punung- guro ng Tal-ut NHS
G. Ruben S. Duterte - Guro
G. Johnrey M. Rafols - Guro
G. Jurren B. Lacson - Guro
Gng. Ma. Estrella S. Bernabe - Guro
Gng. Angeline D. Amistad - Guro
Gng. Shiela Marie C. Labra - Guro
Gng. Karen Therese G. Remocaldo - Guro
Gng. Jonave A. Manayaga - Guro
Opisyales ng PTA General
Mga Magulang mula sa Ikapitong-Baitang
hanggang Ika-sampung- Baitang

Di Dumalo
Kgg. Bienvinido Lauronilla - Education Committee ng Brgy. ng Valencia

Panukalang Adyenda
1. Palarong Panlungsod 2017
2. Kabkaban Festival 2017

I. Pagsisimula ng Pulong
Ang pagpupulong ay itinayo ni G. Jekell L. Dela Cerna, ang Punung-guro ng
TNHS sa ganap na ika-3:00 ng hapon, at ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng
isang panalangin (audio) at pag-awit ng Carcar City Hymn (audio). Kasunod ay
ang roll-call na isinagawa ni G. Dela Cerna, at matapos ay ipinahayag na
mayroong quorum.

II. Pagbasa sa Nakaraang Pagpupulong


Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Gng. Karen Therese Remocaldo
ang Kalihim ng Faculty ng TNHS ng katitikan sa nakaraang pagpupulong noong
Hunyo 21, 2017. Iniulat niya ang tungkol sa mga tuntunin sa paaralan lalo na
para sa mga transferee at bagong mag-aaral. Binasa rin niya ang mga bagong
opisyales ng PTA.

III. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda


- Binuksan ang pagpupulong sa maikling mensahe ni G. Jekell L. Dela Cerna
sa kahalagahan ng pagkakaisa ng mga magulang at opisyales ng Barangay
para sa kaunlaran ng paaralan.
- Nagbigay rin ng kanilang mensahe anng mga kagawad na sina Hon.
Bonifacio Yam-id at Hon. Judith Bacus sa magandang maibubunga ng pag
suporta ng mga magulang sa kanilang mga anak sa mga iba’t ibang gawain
ng paaralan.
- Sinimulan ni Gng. Remocaldo ang unang adyenda- Palarong Panlungsod
2017. Ipinaalam niya sa mga magulang na ang Tal-ut NHS ay sasali sa
Palarong Panlungsod ngayong Setyembre 28, 2017 hanggang Oktubre 1,
2017. Sa panghuling araw ng gawain ay magkakaroon ng Mr. and Ms.
Palarong Panlungsod na lalahukan nina Jevy Christy Java at James Brian
Banag kapwa mag-aaral sa TNHS. Ang nasabing contest ay hindi madali
sapagkat nangangailangan ng malaking halaga para sa kanilang kasuotan,
make-up, trainor at transportasyon. Nangangailangn ng 6,000 pesos
(package). Ipinaliwanag ni Mrs. Remocaldo na ang paaralan ay wala nang
badyet sapagkat ginastos na rin sa iba pang sasalihang laro. Ang Pangulo ng
PTA na si Gng Marieta Lauron, ay nanguna sa paghingi ng suhestiyon sa
mga magulang sa nasabing problema. Nagkaroon ng iba’t ibang suhestiyon
ang mga magulang at sa huli ay niminunghaki nilang hahatiin ang pera sa
bilang ng mga mag-aaral.
Narito ang resulta
6000 Php (package- costumes, make-up, trainors fee, transpo)
262 bilang ng mag-aaral

= 23.00 bawat bata ang ibabayad

Sa Lunes, Setyembre 25, 2017 ang deadline.


- Kabkaban Festival 2017- Sumunod ay ang pagbanggit ni G. Ruben S.
Duterte sa darating na Kabkaban Festival ngayong Nobyembre 19, 2017 para
sa kapistahan ng lungsod ng Carcar. Inanyayahan ang paaralan na sumali, at
maganda sanang lumahok sapagkat mararanasan ng mga mag-aaral sa
unang pagkakataon ang makasali sa nasabing malaking festival, at malilinang
ang kanilang kasanayan sa pagsasayaw. Ngunit dagdag pa ni G. Duterte na
kaakibat ng malaking responsibilida ang gawaing ito sapagkat
nangangailangan ng suporta ng magulang at barangay lalung-lalo na na kunti
lang ang pwersa ng mga guro. Isa pang suliranin ay ang badyet na gagamitin.
Maglalaan ang City Hall ng pera (150,000 pesos) na ilalaan sa costumes,
props, pagkain at iba pa ngunit maaaring kulangin ang pera at kinakailangan
ang tulong ng magulang at Barangay.
Hiningan ni G. Duterte ng opinion at suhestiyon ang mga magulang kung
sang-ayon ba sila sa pagsali ng paaralan. Maraming magulang ang may
gusto.
Nagpahayag naman si Kgg. Judith Bacus na sana ang lahat ng opisyales ng
barangay ay tumulong at magkaisa kahit na magkaiba ang partidong
sinusuportahan dahil ang barangay ang may malaking papel sa gawaing ito.
Sabi pa niya na kung kinakailangan bumunot sila ng pera sa kanilang bulsa
ay gagawin nila. Dala ng mga bata sa kanilang pagsali ang pangalan ng
Barangay Valencia kaya nararapat na magkaisa sila.
Sinabi ni G. Duterte na hindi pa pinalang pagsali ng paaralan, ngunit sana ay
maging possible.
- Pupunta si G. Dela Cerna at Kgg. Boni Yam-id sa konseho upang sabihin na
lalahok ang paaralan ng Tal-ut sa Kabkaban Festival.
- Magkakaroon din pagpupulong ang barangay ng Valencia kaugnay nito, at
iminungkahi ng Kgg. Bacus na dumalo ang mga magulang para madinig nila
ang plano ng mga opisyales ng Barangay.
- Tatawag ng sunod na meeting ang paaralan kaugnay sa Kabkaban Festival.

IV. Iba Pang Pinag-usapan


-Magkakaroon ng SMEA Conference ngayong Setyembre 21, 2017. Kalahok nito
ay mga PTA Officers, LGU’s, guro at SSG Officers.

V. Iskedyul ng Susunod na Pulong


- Wala pang petsa.

VI. Pagtatapos ng Pulong


Natapos ang pagpupulong sa ganap na 4:30 ng Hapon.

Inihanda ni:

KAREN THERESE G. REMOCALDO


Kalihim- Teacher I

Nagpatotoo:

MARIETA C. LAURON
PTA President

Inaprubahan ni:

JEKELL L. DELA CERNA


Punung-guro

You might also like