You are on page 1of 23

11

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino

Ikalawang Markahan – Modyul 2:


MGA SITWASYONG PANGWIKA
SA PILIPINAS
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
v
ALAMIN

MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba


sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood (F11PD – IIb – 88) .

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta? Handa ka na ba sa gagawin mo sa araw na ito?


Alam mo, ako ay natutuwa na kasama kita. Sa araw na ito, mayroon naman kayong
bagong aralin na pag-aaralan. Aalamin mo ang mga sitwasyong pangwika sa
Pilipinas.
Halos isang siglo na rin ang lumipas simula nang buuin at paunlarin ang
wikang Filipino. Bukod sa pagpaplanong pangwika ay sari-saring hamon din ang
kinakaharap nito sa gitna ng pagbabago ng panahon at modernisasyon ng lipunan.
Napapanahong patuloy na susuriin ang kalagayan ng wika bilang isang penomenong
panlipunan kaugnay ng pang-ekonomiya at pampolitika ng Pilipinas. Ang mayamang
kultura, kasaysayan at makulay na politika sa bansa ang nagbubunsod ng pagbabago
sa sitwasyon ng polisiyang pangwika sa edukasyon at iba pang aspekto ng lipunan
(Bernales et al.,2010).

Sa tulong ng leksyong pag-aaralan, mas lalong mauunawaan mo ang mga


sitwasyong pangwika sa Pilipinas. Tara na!

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nakatutukoy sa iba’tibang paggamit ng wika sa mga pelikula at dulang


napanood.
2. Nakasusulat ng isang sanaysay tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng wikang
Filipino.
3. Napapahalagahan ang paggamit ng lehitimong wika sa mga pahayag

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag sa ibaba. Piliin ang titik katumbas ng
tamang sagot. Isulat sa sariling kuwaderno ang mga kasagutan.

1. Ayon kay Nolasco, mayroong humigit kumulang iba’t ibang wika sa


kapuluan ng Pilipinas.
A. 190 B. 180 C. 170 D. 160

2. Batay sa sensus noong 2000, ang pinakalaganap na mga wika sa Pilipinas sa dami ng
taal na tagapagsalita ay .
A. Tagalog B. Cebuano C. Ilokano D. Hiligaynon

3. Ang ay isang sistemang komunikasyon na madalas


ginagamit ng tao sa isang partikular na lugar.
A. aklat B. pagsasalita C. pasulat D. wika

4. Ang itinuturing na ikalawang wika ng nakararaming Pilipino ay .


A. Chinese B. Ingles C. Korean D. Filipino

2
5. Ang ibig sabihin sa acronym na SWS ay .
A. Social Weather Stations B. Social Welfare and Sciences
C. Science Weather Station D.Wala sa nabanggit

6. Si ang nagsasabi na patuloy na lumaganap ang wikang Ingles bilang


wikang panturo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
A. Nolasco (2008) B. Mc Farland (2014)
C. Macaro (2014) D. Montano (2019)

7. Ang Pambansang wika ng Pilipinas ay .


A. Tagalog B. Ingles C. Cebuano D. Filipino

8. Ang nagsasabing, ang wikang pambansa at opisyal na wika ay nararapat na


paunlarin sa mga paaralan.
A. Bourdieu B.Gonzales C. Rizal D. Arroyo

9. Ang nagsasabing mananatiling Ingles ang lehitimo at makapangyarihang wika sa


Pilipinas ay si .
A. Bourdieu B.Quezon C. Rizal D. Estrada

10. Kailan ipinatupad ang Executive order 210? (Establishing the Policy to
Strenghten the use of English in the Educational System
A. 2001 B. 2002 C. 2003 D. 2004

11. Sino ang dating Pangulo ang naglagda ng Executive order 210 Establishing the Policy
to Strenghten the use of English in the Educational System?
A. Fidel V. Ramos B. Joseph Estrada
C. Benigno Aquino III D. Gloria Macapagal Arroyo

12. Taong nang opisyal na ipatupad ng Commision on Higher


Education (CHED) ang CHED Memorandum Order 20,s. 2013 na naglalaman ng
bagong listahan ng mga kurso sa General Education Curriculum (GEC) sa
kolehiyo.
A. 2013 B.2014 C. 2015 D. 2016

13. Dahil sa pagdaragdag ng dalawag taon sa batayang edukasyon , binago rin


ang mga asignaturang itinadhana ng CHED. Mula sa dating 60 units na kurso sa
GEC, ginawa itong units na lamang.
A. 33 B.34 C. 35 D. 36

14. Ito ay isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang tanghalan.


A. pelikula B. dula C. talumpati D. Balagtasan

3
15. Ito ay kilala rin bilang sine at pinilakang tabing na isang larangan na sinasakop ang
mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng
libangan.
A. melodrama B. dula C. pelikula D. awit

Magaling! Nasubukan mong gawin ang


panimulang pagtataya. Ngayon ay magsisimula
na kayo sa pagtuklas ng bagong kaalaman
tungkol sa sitwasyong pangwika ng bansa.

TUKLASIN

GAWAIN 1

Panuto: Balikan ang paboritong teleseryeng napanood. Suriin ang mga wikang ginamit ng
mga artista o aktor sa pagpahayag ng bawat eksena. Kilalanin ang
kulturang umiiral sa teleserye.

4
SURIIN

PAGSUSURI

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang mga sagot sa sariling kuwaderno.

1. Ano ang pamagat ng teleseryeng napanood?

2. Ano-anong mga wikang ginagamit ng mga artista o aktor sa teleserye?

3. Ano-anong mga kulturang nangingibabaw sa ipinapakita sa teleserye?

PAGYAMANIN

5
PAGLALAHAD

Mga Sitwasyong Pangwika sa


Pilipinas

A. Multilinggwal at Multikultural ang Pilipinas

Ang ating bansa ay isang arkipelago kung kaya’t ang katangiang heograpikal nito
ang nagdudulot ng pagkakaiba-iba ng wika at kultura. Mahigpit na magkaugnay ang wika
at kultura kung kaya’t masasalamin sa wika ang anomang katangiang pisikal at kultural ng
bansa.

Ayon sa pag-aaral ni McFarland (2004), may lagpas isang daang magkaibang wika
ang Pilipinas samantalang sa tala ni Nolasco (2008) ay mayroong humigit- kumulang 170
iba’t ibang wika sa sa iba’t ibang pulo ng Pilipinas.Ayon din kay Nolasco (2008), batay sa
sensus noong 2008, ang pinakalaganap na mga wika sa Pilipinas batay sa dami ng taal na
tagapagsalita ay: Tagalog- 21.5 milyon Cebuano
– 18.5 milyon Ilocano- 7.7 milyon Hiligaynon – 6.9 milyon Bicol – 4.5 milyon Waray
– 3.1 milyon Kapampangan- 2.3 milyon Pangasinan – 1.5 milyon Kinaray-a – 1.3 milyon
Tausug – 1 milyon Maranao 1 milyon Maguindanao- 1 milyon. Ang mga nabanggit ay ang
itinuturing mayoryang wika sapagkat relatibong mas malaking bilang ng tao ang
nakakuunawa at gumagamit nito kaysa sa iba pang rehiyonal na wika sa bansa.

Bukod sa mga rehiyonal na wika sa Pilipinas , laganap na rin ang paggamit ng


Filipino bilang lingua Franca ng bansa. Ipinakita sa datos na 65 milyon mula sa kabuuang
76 milyong Pilipino o 85.5 % ng kabuuang populasyon ay may kakayahang magsalita ng
pambansang wika(Gonzales, 1998) . Social Weather Station- ayon dito sa (Gonzales ,
1998) noong 1994, 74% ang nagsabing nakaitindi sila ng wikang Ingles kapag kinakausap
sila gamit nito.

Sa kalagayang higit sa isang daan ang mga rehiyonal na wikang ginagamit sa bansa,
malaki ang hamon na makabuo ng pangkalahatang polisiyang pangwika na makatutugon sa
pangangailangang tuparin ang atas ng Konstitusyon na paunlarin at payabungin ang isang
wikang pambansa, salig sa mga umiiral na wikang katutubo
sa Pilipina (Bernales,et al.pp.103-104).

6
B. Lehitimong Wika sa Pilipinas

Nanatiling makapangyarihang wika sa ating lipunan sa kabila ng pagkakaroon ng


pambansang wika sa Pilipinas. Social Weathers Station (SWS)- noong 2008 (sa Nolasco
2008) halos: 76 % ng mga Pilipino na nasa sapat na gulang ang nakapagbabasa sila sa
wikang Ingles. 61% nakapagsusulat sa wikang Ingles 38 % nagsabing nag-iisip sila gamit
ang wikang Ingles.

Bilang pinakamapangyarihang wika sa mundo,patuloy na lumalaganap ang wikang


Ingles bilang wikang panturo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ayon kay Macaro (2014)
ng British Council at Direktor ng University of Oxford , lalong dumarami ang mga
akademikong institusyon sa buong mundo na gumagamit ng Ingles upang ituro ang mga
akademikong asignatura dahil sa kagustuhang isabay sa internasyunal na estandard ang
propayl ng mga unibersidad. Sa pagpasok ng Pilipinas sa sosyo-kultural at ekonomikong
integrasyon sa ASEAN, ganito rin ang naging tunguhin ng mga pangunahing unibersidad
ng Pilipinas.

Malinaw sa mga datos na maraming Pilipino ang nanatiling naiimpluwensyahan at


gumagamit ng wikang Ingles sa iba’tibang antas sa kabila ng pagkakaroon ng pambansang
wika ng Pilipinas.Sa ganitong kalagayan, ayon kay Gonzales (2003), dating Kalihim ng
Kagawaran ng Edukasyon, kapansin-pansin na hindi akma ang polisiyo at aktwal na
implementasyon nito. Ayon sa kanya, bilang pambansa at opisyal na wika nararapat na
paunlarin ang paggamit ng Filipino sa mga paaralan ngunit hindi ito nangyayari. Malinaw
na tinutukoy sa mga polisiyang pangwika ang pagpapaunlad ngFfilipino mula sa
Konstitusyong 1935 hanggang 1987 ngunit hindi pa rin naipatupad.

Ayon kay Bourdieu (1991), sa kanyang aklat na Language and Symbolic Power,
tinutukoy niya ang lehitimong wika sa isang lipunan bilang wikang ginamit sa pag- unlad
ng sistema ng edukasyon at pagpapagana ng sistema ng paggawa. Ibig sabihin , pinag-iisa
at pinatatag ng wikang ito ang ekonomiya at politika ng isang bansa. Lehitimong wika- ay
resulta ng kompleks na prosesong historikal; na may madalas ay kinasasangkutan ng
matinding tunggalian. Halimbawa ay lumilitaw na dominanteng wika, at ang iba pang wika
at dayalekto ay nawawala o kaya ay napapailalim dito.Kung ilalapat sa karanasan ng
Pilipinas ang ideya ni Bourdieu masasabing nanatiling Ingles ang lehitimo at
makapangyarihang wika sa Pilipinas kung ilalapat natin ang ideya ni Bourdieu.

Ingles ang makapangyarihang wika sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan kung


kaya laganap din ang ilang maling pananaw sa pag-aaral ng wikang ito. Halimbawa,
laganap ang pampublikong diskurso na uunlad ang ekonomiya ng Pilipinas kung magiging
mahusay sa pagsasalita ng Ingles ang mga Pilipino. Kung susuriin sa naging karanasan
ng mga mauunlad na bansa sa Asya, tila hindi

7
siyentipiko at makatotohanan ang ganitong paglalahad. Sa kaso ng Timog Korea, Japan,
Thailand, Indonesia, at Malaysia, sa sarilling mga pambansang wiika ang naginng saligan
ng kani-kanilang maunlad at nagsasariling ekonomiya, at hindi wikang Ingles (Bernales,et
al.,pp.104-105).

C. Mga Hamon sa Polisiyang Pangwika sa Edukasyon


Bilang pagtupad sa pangkalahatang layunin ng edukasyon sa Pilipinas, ilang
polisiyang pangwika ang ipinatupad at patuloy na ipinapatupad upang umagamay sa
pangangailangan ng lipunan. Kapansin-pansin ang ilan sa mga ito ay nakatulong sa pag-
unlad ng pambansang wika sa kabuuan habang ang iba naman ay naging mapanghamon.

Noong 2003, ipinatupad ang Executive Order 2010 (Establishing the Policy to
Strenghten the use of English in the Educational System) na may pangkalahatang layunin
na palakasin ang pagtuturo at pagkatuto gamit ang wikang Ingles sa batayang edukasyon
ng Pilipinas.
Nilagdaan ito ni dating Pang.Gloria Macapagal Arroyo (Mayo 17, 2003), ang ilan sa
mahahalagang probisyon ng kautusan ay:

1. Pagtuturo sa Ingles bilang ikalawang Wika , simula Grade 1.


2. Paggamit sa Ingles bilang wikang Panturo sa asignaturang Ingles,
Matematika,Siyensiya mula grade III.
3. Ingles ang magiging pangunahing wikang panturo sa hayskul at hindi bumaba sa
70% ang total oras sa pagtuturo .
4. Filipino , wikang panturo sa asignaturang Filipino at Araling Panlipunan.

Upang suportahan ang kautusang ito,ilang panukalang batas ang tinangkang ipasa
sa kongreso sa ilalim ni dating Pang.Arroyo. Isa sa naging pinakapopular ang House Bill
No.4701 (An Act Providing for the Use of English as a Medium of Instruction in the
Philippine Schools) o mas nakilala bilang English Bill na ipinamukha ni Rep. Eduardo
Gullas mula sa Cebu. Sa paunang paliwanag sa batas,pinangatwiranan ang pagpapalakas
ng wikang Ingles bilang pangunahing wikang panturo sapagkat hindi naging matagumpay
ang bilinggwal na polisiya sa edukasyon sa hinahangad na pagkatuto ng mga mag-aaral.
Gayon din, binibigyang diin ng panukalang ito ang magiging susi upang makakuha ng mas
magandang trabaho rito at sa ibang bansa ang mga mag-aaral sapagkat ayon sa sa mga
nagpanukala, Ingles ang wika ng pananaliksik, siyensya at teknolohiya, mga larangang
binigyang-diin ng pandaigdigang negosyo.

Sa kabuuan, nilalayon ng panukulang batas na:


1. Ingles, Filipino o ano mang katutubong wika ang maaring gamitin bilang
wikang panturo mula preschool hanggang Grade 2;

8
2. Ituturo ang asignaturang Ingles at Filipino bilang magkahiwalay na
asignatura sa antas primarya at sekondarya.
3.Ingles lamang ang magiging wikang panturo sa lahat ng asignatura mula sa Grade
III hanggang Grade VI at sa lahat ng antas sa paaralang sekondarya.

Taong 2013 nang opisyal na ipatupad ng Commision on Higher Education (CHED)


ang CHED Memorandum Order 20,s. 2013 na naglalaman ng bagong listahan ng
mga kurso sa General Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo. Dahil sa
pagdaragdag ng dalawag taon sa batayang edukasyon dahil sa K-12 Curriculum,
binago rin ang mga asignaturang itinadhana ng CHED. Mula sa dating 60 units na
kurso sa GEC, ginawa itong 36 units na lamang.

Narito ang listahan ng mga kurso:


TYPE COURSES
COURSE 1. Understanding
 8 courses 2.Readings in Philippine History
 3 units each 3. The Contemporary World
 24 units each 4. Mathematics in the Modern World
5.Purposive Communication
6. Art Appreciation
7. Science, Technology and Society
8. Ethics
Electives Choices on:
 3 courses 1. Arts and Humanities
 9 units total 2. Social Sciences
3. Mathematics, Sciences and Technology
Mandated Life & Works of Rizal (3 units)

Nagiging kritikal ang ilang organisasyong pangwika sa pag-aalis ng Filipino


sa GEC sa kolehiyo. Sa CMO No. 4, s. 1993, anim hangggang siyam na unit ng
Filipino ang orihinal na itinuturo sa kolehiyo. Anim na unit ng Filipino ang itinuturo
para sa mga programang hindi HUSOCOM. Ang orihinal na anim hanggang siyam
na unit ng asignaturang Filipino ay Filipino 1 (Komunikasyon sa Akademikong
Filipino). Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik) at Filipino 3
(Retorika), ay aallisin na sa bagong GEC (General Education Curriculum) ng
kolehiyo (Bernales, et al., pp.106-108).

9
Mga Gawain

Panuto: Tingnan at Suriin ang mga larawan sa ibaba at ibigay ang iyong mga
saloobin tungkol dito.

Smnewsnet.com Barse14.wordpress.com

1. Ano ang napapansin mo sa mga larawan? (Isulat ang mga sagot sa sariling
kuwaderno.)

2. Sa tingin mo, nakatutulong ba ang pelikula at dulang napanood / nabasa sa mabilis


na pag-unawa?

B. PANUTO: Basahing mabuti ang talumpati sa ibaba at ibigay ang iyong mga
saloobin tungkol dito.

Halika! Magbasa kayo!

Wika
Talumpati ni Farah Grace Jimena

“Makahihigit ay wala, kahit anumang sandata, makapagtitibay sa bansa,


paggamit ng sariling wika, ang ating tanging tanikala.”

Malaya na tayong mga Pilipino sa pang-aalipin ng ibang bansa. Masasabi na nating


ganap na ang ating pagkabansang Pilipino. May sarili na tayong watawat,

10
mayroon na ring pambansang awit at mayroon pang pambansang wika… ang Wikang
Filipino.

Wikang Filipino? Ginagamit ba ito?

Hindi na lingid sa ating kaalaman na halos wikang Ingles na ang nagmamanipula


nitong ating bansa. Hindi ba’t natatawag na malaya ang isang bansa kapag ginagamit ang
sariling wika? Nawawalan ng kabuluhan ang wikang pambansa kapag hindi naman
ginagamit sa lipunan, sa paaralan at maging sa pamahalaan. Sa kalagayan ngayon ng mga
bagay- bagay sa ating bansa at sa sistema ng ating edukasyon, lumilitaw na tila wala pa
tayong wikang sarili sapagkat nagpapamanipula tayo sa mga wikang banyaga.

Sinasabing wika ang sagisag ng pagkalahi… tatak ng isang bansang malaya. Ang
mga bansang malaya ay yaong mga gumagamit sa sariliing wika. Sa wikang Filipino
naipakikilala ang lahing pagka- Pilipino. Larawan ito ng pagiging matapang, matatag at
makatarungan ng mga Pilipino. Ating ibalik sa panahon ng ating mga bayani, kanilang
ipinaglaban ang ating bansa sa mga pananakop ng mga mapang- aping mga dayuhan.
Ibinuwis nila ang kanilang mga buhay, para lamang makahulagpos tayo sa mga
manlolokong dayuhan. At ang Filipino ay ginamit bilang simbolo na isa na tayong
malayang bansa.

Sinasabing, kapag walang wika, walang kultura. At kapag walang kultura, walang
wika.

Kultura ang kabuuan ng mga paniniwala at lahat ng kaugalian ng mga tao. Kung
kaya’t kultura ang pinanggagalingan ng wika. Wika ang nagiging midyum para
maipahayag ang kultura ng isang pangkat ng mga tao. Ito ang paraan para mapayabong o
mapaunlad ang kultura.

Sinasabing wika ang matibay na tanikala sa pagkakaisa ng isang bansa.

Kung sariling wika ang ginagamit sa ating bansa, mawawala ang “communication
gap” sa pagitan ng masa ng mga nagsasalita ng sariling wika at mga pinuno na nagsasalita
sa wikang Ingles. Sa ganito tayong mga Pilipino’y lagi nang kikilos at gagawa na parang
iisang tao sa paghanap ng kaunlaran, kadakilaan at pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng
ating wika, nagkakaintindihan tayo. Dito tayo nagkakaisa at nagtutulungan. Kapag
nagkakaunawaan, magkakaroon ng kaunlaran itong ating bansa.

Aanhin natin ang wikang dayuhan kung iilan lamang sa atin ang nakaiintindi? hindi
ba’t ang pagiging makabuluhan ng isang wika ay yaong naiintindihan, nagagamit at
napapakinabangan ng lahat? Oo nga’t Ingles ang wikang ginagamit sa pandaigdigang
kalakaran at ito’y hindi natin maiwawalang- bahala lang. Hindi rin naman masama ang
panghihiram dahil nakatutulong ito na mapanatiling buhay ang isang wika. Nagiging
midyum ito sa pakikipagkomunikasyon sa ibang bansa.

Ngunit paano kaya kung ang wikang Filipino ang ginagamit natin sa mga panayam,
pakikipag- ugnayan at pakikihalubilo sa kapwa Pilipino? Hindi ba’t mas mainam dahil
naiintindihan ito ng lahat ng tao sa Pilipinas? At kung gamitin kaya ito

11
sa mga inilalathala sa pahayagan, hindi ba’t mas madali nating maaabot ang mga
hinanaing, mga naisin o kaya’y mga pangyayari sa ating bansa?

Wikang Filipino ang sentro ng Pilipinas na pinanggagalingan ng lakas para


mapatatag ang ating bansa. Ito ang bumibigkis sa mga Pilipino upang magkaisa para sa
ikauunlad nitong bansa.

Wika; sagisag ng kabansagan, sagisag ng kalayaan, sagisag ng karangalan, susi sa


pagkakaunawaan, tungo sa kaunlaran, nitong ating Lupang Tinubuan.

Hango mula sa : https://pinoycollection.com/talumpati-tungkol-sa-wika/

Panuto:Ipaliwanag ang mga sumusunod na mga katanungan.Isulat ito


sa sariling kuwaderno.

1. Sang-ayon ba kayo sa pahayag na umuunlad ang ating wikang Filipino?

2. Tama ba na isa sa mga dahilan ng pag-unlad ng ating wika ay ang paglipas ng panahon.

4. Nakaaapekto ba ang wikang Ingles sa pag-unlad ng ating bansa sa


kasalukuyan?
(Pangatuwiranan)
.

4.Dapat bang kalimutan ang mga lumang salitang minana mula sa ating mga
ninuno?
(Pangatuwiranan)

5. Bilang mag-aaral, may maitutulong ba kayo sa pag-unlad ng wika?

12
ISAISIP

Tandaan na ang ating bansang


Pilipinas ay multilingguwal ng bansa. Bawat
mamamayan ay nakapagsasalita ng dalawa o
mahigit na wika.

ISAGAWA

PAGLALAPAT

Panuto: Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa kasalukuyang estado ng ating wikang


pambansa. Lagyan ng pamagat at isulat ito sa kuwaderno.

Pamantayan sa Pagwawasto
Kabatiran sa Paggamit ng Wikang Filipino 10 puntos
Pag-oorganisa ng mga ideya 15 puntos
Estilo ng Pagkakasulat 5
Nilalaman 20 puntos
Kabuuan 50 puntos

13
KARAGDAGANG
GAWAIN

PAGPAPAYAMAN

Magsagawa ng isang pakikipanayam/sarbey sa limang (5) mag-aaral na may


nalalaman sa sitwasyong pangwika sa Pilipinas. Maasaring gawing gabay ang neribisang
instrumenting ginamit mula sa tesis ni Chona C. Quitevis (2008) ng Gradwadong Paaralan
ng Universidad ng Silliman.

SALOOBIN NG MGA ESTUDYANTE SA PAGGAMIT NG PALIT-KODA SA


KLASENG FILIPINO

Panuto: Lagyan ng marking (√) ang loob ng kolom batay sa mga pahayag sa ibaba.
Paggamit ng Filipino,Ingles at Cebuano sa Lubusang Sang - Di-sang Lubusang
Klaseng Filipino Sang - ayon -ayon di-sang –
ayon
ayon
1. Nais kong ang guro’y nagsasalita ng 4 3 2 1
Filipino lamang dahil ang Filipino ay
napakahalagang lengguwahe sa kanila.
2. Nakapag-iinteract ako nang mahusay kapag
ang aming guro at kaklase ay gumagamit ng
Filipino, Ingles at Cebuano
sa klase.
3. Nahihikayat akong mapartisipeyt sa
talakayang pangklasrum kapag ang aming guro
ay gumagamit ng Filipino, Ingles at
Cebuano sa klase.
4. Mas gusto ko ang gurong gumagamit ng
Filipino, Ingles at Cebuano sa klase.

5. Mas nakauugnay ako sa mga halimbawa


kapag ito ay nailahad sa Cebuano.
6. Naniniwala ako na may awtoridad ang
guro na magsalita lamang ng Filipino.
7. Mas malinaw at nauunawaan ko ang mga
instruksyon sa bawat pangkatang gawain

14
kung ang guro ay gumagamit ng Filipino,
Ingles at Cebuano sa klase.
8. Naisasagawa ko nang maayos ang mga
pangkatang gawain kapag ginagamit ang
Filipino, Ingles at Cebuano sa klase.
9. Nalilito ako sa mga talakayan kung ang guro
ay lumipat mula Cebuano patungong
Filipino at Filipino patungong Cebuano .
10. Naniniwala ako na na ok lang sa mga guro
na lumipat mula sa Filipino patungo sa Cebuano
panahon ng talakayan” kay Bisaya
ra gud ta.”
11. Nagpapalit-wika ang mga guro mula
Filipino patungo sa Cebuano dahil alam nila na
ang ibang ideya ay naipapaliwanag nang
maayos sa Cebuano kaysa Filipino o Ingles.
12. Ang mga guro at gumagamit ng
Filipino,Ingles at Cebuano sa klase dahil sa
nahihirapan silang magsalita ng tuwiran sa
Filipino.
13. Ang gurong mahusay magsalita ng Filipino
sa klase ay gumagamit din ng Cebuano dahil
nakatutulong itong
maunawaan ng mga estudyante.
14.Mas gusto ko ang gurong magsasalita
lamang ng Filipino sa loob ng silid-aralan.
15.Karamihan sa mga guro ay gumagamit ng
Cebuano o Ingles bilang karagdagan sa Filipino
panahon ng talakayan at mga
gawaing pangklasrum.

REFLEKSIYON

Panuto: Sipiin ang mga pahayag at lagyan ng tamang sagot. Isulat sa sariling
kuwaderno.

1. Ang aking natutuhan sa araling ito ay

2. Hindi ko ipagkait ang aking sarili na

3. Huwag sayangin ang pagkakataong gamitin

15
16
TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA
15. Tama
Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa sariling
14.Tama
kuwaderno.
15. C
13. Tama
1. Multilingwal
14. B at Multikultural ang Pilipinas.
2. Ipinatupad ng dating pangulong Fidel V. Ramos 12.ang
MaliExecutive Order 210.
13. D
3. Pinalakas ng House Bill 4710 ang Filipino bilang wiikang panturo.
4. Mananatili
12. A
11. Tama
sa kolehiyo ang asignaturang Filipino ayon sa CMO 20 s.
2013.
11. D 10. Mali
5. Pinapanukala ng House Bill 4710 na gamitin ang wikang Ingles bilang
wikang
10. C panrturo sa lahat ng antas ng Edukasyon. 9.Mali
6. Angkop at tumpak ang lahat na nakikitang impormasyon sa pelikula at
9. A
dula. 8. Tama
7. Itinuturing
8. B na pangalawang wika ang Filipino at Ingles sa bansa.
7. Mali
8. Maituturing na wikang global ang wikang Filipino.
7. D ang makapangyarihang wika sa Pilipinas.
9. Fillipino 6. Mali
10. Hindi
6. C arkipelago ang ating bansa kung kaya’t ang katangiang heograpikal
nito ay hindi nagdudlot ng pagkakaiba-iba ng5.T amaat kultura.
wika
5. A wika ay kaluluwa ng bansa.
11. Ang
4.Mali
12. Ayon
4. B kay Nolasco (2008) ay humigit kumulang 270 iba’t ibang wika sa
iba’t ibang pulo ng Pilipinas. 3. Mali
3. D
13. Batay sa census noong 2000, ang pinakalaganap na wika sa Pilipinas
batay
2. Asa taal na tagapagsalita ay Tagalog. 2. Mali
14. Nanatiling makapangyarihan ang wikang Ingles sa ating lipunan.
C 1.CHED Memorandum Order 20, s.1.T ama
15. Ang 2013 na naglalaman ng
bagong
Panimulang listahan
Pagtata ya ng mga kurso sa General
Pagtataya EducationnaCurriculum
Pangwakas
(GEC) sa kolehiyo.

17
MGA SANGGUNIAN

AKLAT

Amba,Hermina.et.al. “Sanayang Aklat”. Dibesyon ng Negros Oriental. 2017

Jocson, Magdalena O. “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino”.


Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016.

WEBSITE

Burlas, Rodge.“Through Night & Day”. Last modified 2018 https://www.facebook.com


/RodgeOfficial/posts/141484410921943

Jimena, Fara Grace. “Talumpati sa Wika”. https://pinoycollection.com/talumpati-


tungkol-sa-wika/

You might also like