You are on page 1of 11

Paghahanay ng mga Katuwiran at

Pagbuo ng Paninindigan sa
Posisyong Papel
Ang Kahulugan ng Posisyong Papel
• Ang posisyong papel ay isang sulatin na nagpapahayag
ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o grupo
tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu.
• Naglalaman din ito ng mga katuwiran o ebidensya para
suportahan ang paninindigan. Bukod sa paninindigan at
katuwiran ng sumulat, mahalagang bahagi rin nito ang
posisyon at mga katuwiran ng kataliwas o katunggaling
panig.
• Sa posisyong papel, isa o dalawang pahina lamang
upang mas madali itong mabasa at maintindihan ng mga
mambabasa at mahiyakat silang pumanig rito.
Layunin sa pagsulat ng Posisyong Papel
• Sa panig ng may akda, nakakatulong ang pagsulat ng
posisyong papel upang mapalalim ang pagkaunawa niya
sa isang tiyak na isyu.
• Ito rin ay isang pagkakataon sa may akda na magtipon ng
datos, organisahan ang mga ito, at bumuo ng isang
malinaw na paninindigan tungkol sa isang paksa o
usapin.
• Para sa lipunan naman, ang posisyong papel ay
tumutulong para maging malay ang mga tao sa
magkakaibang pananaw tungkol sa isang usapin sa
panlipunan.
Kahulugan ng Katuwiran at Paninindigan
• Ang salitang Katuwiran ay galing sa salitang “Tuwid” na
ang ibig sabihin ay pagiging tama, maayos, may
direksiyon o layon.
• Ang salitang Paninindigan naman ay maaaring galing sa
salitang “Tindig“ na ang pinapahiwatig ay pagtayo,
pagtanggol, paglaban at maari din namang pagiging
tama.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong
Papel
1. Tiyakin ang Paksa
~ May dalawang posibleng paraan kung paano nabubuo
ang paksa ng posisyong papel.
Una, puwedeng reaksiyong ito sa isang mainit na usaping
kasalukuyang pinagtatalunan. Pangalawa, puwedeng tugon
lamang ito sa isang suliraning panlipunan.
~ Sa una, karaniwang ang posisyong papel ay binubuo
para sumangkot sa isang napapanahong usapin na
pinagtatalunan.
~ Sa pangalawa, maaari din namang bumuo ng posisyong
papel bunsod ng isang napansing problema sa kagyat ng
kapaligiran o panlipunan.
2. Gumawa ng panimulang saliksik
~ Matapos matiyak ang paksa, gumawa ng panimulang
saliksik. Lalo na kung napapanahon ang isyu, maaaring
magbasa-basa ng diyaryo o magtanong tanong ng opinyon
at sikaping maging bukas ang isip para makabuo ng
makatuwirang posisyon. Iwasang kumiling sa isang panig
na maaaring maging hadlang para makita ang iba’t ibang
pananaw sa usapin.
3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa
inihanay na mga katuwiran
~ Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang
panig upang matimbang ang dalawang posisyon.
~ Isulat sa papel ang mga katuwiran sa dalawang hanayan
para magkaroon ng biswal na representasyon nito.
~ Maaari ding pagtapat-tapatin ang bawat katuwiran at
kontra-katuwiran para makita kung alin ang walang katapat
o hindi pa nasasagot.
4. Gumawa ng mas malalim na saliksik
~ Matapos matiyak ang sariling paninindigan sa isyu,
maaaring magsagawa ng mas malawakan at malalimang
saliksik tungkol sa usapin.
~ Maaaring makipanayam sa mga taong may awtoridad sa
paksang pinag tatalunan.
~ Mahalaga ring gumamit ng mga ulat ng ahensiya
pamahalaan, pribadong organisasyon, pahayagan, at
magasin upang makapagtampok ng napapanahon mga
datos o impormasyon.
5. Bumuo ng Balangkas
~ Maaaring gamiting gabay ang sumusunod na huwaran:
• Introduksiyon
• Mga Katuwiran ng Kabilang Panig
• Mga Sariling Katuwiran
• Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran
• Huling Paliwanag Kung Bakit ang Napiling
Paninindigan ang Dapat Lagumin
• Muling Pagpapahayagng Paninindigan at/o
Mungkahing Pagkilos
6. Sulatin ang posisyong papel
~ Kailangang buo ang tiwala sa paninindigan at mga
katuwiran. Kailangang maiparamdam at maipahiwatig sa
mambabasa na kapani-paniwala ang mga sinasabi sa
posisyong papel.
7. Ibahagi ang posisyong papel
~ Maaaring magparami ng kopya at ipamigay ito sa
komunidad, ipaskil sa mga lugar na mababasa ng mga tao,
ipalathala sa pahayagan, magpaabot ng kopya sa mga
estasyon ng telebisyon, radyo, at pwede rin naman sa
social media upang maabot ng mas maraming mambabasa.

You might also like