You are on page 1of 4

Ano nga ba ang pambubuska?

Ano ang mga epekto


nito? At ano ba ang mga masasamang dulot nito?
Ayon sa Wikipedia, ang paghahari-harian o
pagmamaton (o bullying sa Ingles) ay isang uri ng
pang-aapi o panunupil. Ito ay isang agresyon na
kinakikitaan ng dahas. Ito din ay yung pinipilit ka o
pinepwersa. Ang pambubuska ay merong
kinabibilangan ng tatlong saligang mga uri ng pang-
aabuso. Ito ay emosyonal, sinasambit at pisikal. Ang
pinakamaraming kaso ng pambubuska ayon sa
artikulong nabasa ko sa internet ay yung sa
paaralan.
Marami na talaga ngayon na mga estudyante na
naghahari-harian sa kanilang mga paaralan at
nagbubuska kahit kanino, mapabata man o
matanda. Kadalasan yung kanilang mga binubuska
ay yung mga taong di marunong lumaban, may mga
kapansanan at minsan pati ang mga matatalino pa
nga. Kahit isang simpleng tukso lang iyon pero hindi
mo lang namamalayan ay isa na iyong uri ng
pambubuska.
Maraming epekto ang bullying at hindi niyo lang
alam, puro pa ito masasama. Ang mga halimbawa
ng epekto ng bullying ay nagiging balisa siya.
Minsan sa sobrang apketado, nakakaranas na sila
ng depresyon at minsan naghahantong pa ito sa
pagpapakamatay. Yung mga taong apektado ay
minsan di na sila makatulog ng maayos at pati ang
kanilang kalusugan ay na aapektohan na rin.
Ang masasabi ko sa topikong ito ay dapat tayo
maging sensitibo sa nararamdaman ng isang tao. Di
tayo dapat mambuska kasi masama ito at marami
itong hinding magandang dulot. Kaya sa nga taong
nambubuska, itigil niyo na iyan kasi masama iyan at
kahit kailan hindi iyan magdudulot ng magandang
resulta. Sa mga taong binubuska naman, hayaan
niyo nalang sila at wag pansinin kasi kung
papansinin mo mas bubuskahin ka nila. Pero kung
pisikal na talaga dapat sabihin mo na sa
nakakatanda sayo o sa mga magulang mo o kaya
sa iyong guro. At isa pa, gawin mo silang
inspirasyon para pagigihan ang pag-aaral mo para
magiging matagumpay ka at mahusay sa mga
bagay na gusto mo at para titingalain ka ng mga
taong nambuska sa iyo noon.
At sa pagtatapos ng aking talumpati, magiiwan ako
ng isang kasabihan sa wikang Ingles, "Don't let
anyone's ignorance, hate, drama, negativity stop you
from becoming the best person you can be".

You might also like