You are on page 1of 21

NAKALARAWANG

SANAYSAY
MODYUL 10
Ang pictorial essay ay isang uri ng sulatin na mapagkukunan
ng impormasyon na naglalaman ng mga larawan upang
makatulong sa pagpapahayag ng mensahe. Kadalasan ang
ganitong uri ng sulatin ay popular.
• Sa araling ito, tatalakayin ang nakalarawang sanaysay at mga
dahilan kung bakit ito isinusulat, at isinasagawa. Inaasahan sa
araling ito na makabubuo o makakasulat kayo ng isang
maganda at kaakit-akit na pictorial essay na magpapakita ng
buong diwa sa isang sanaysay gamit ang mga gabay sa pagsulat
at pagbuo nito.
A. KAHULUGAN AT KALIKASAN
NG PICTORIAL ESSAY
• Ang pictorial essay ay tinatawag din ng iba bilang pictorial essay o photo
essay. Ito ay isang kamangha-manghang anyo ng sining na nagpapahayag
ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang
sinusundan ng maiikling kapsyon kada larawan. Madalas itong ginagawa
ng mga awtor,artista, estudyante at mga akademisyan
(https://bookwormlab.com). Ginagawa din ito ng mga
potograpo,mamamahayag, lalo na ng mga photo-journalist.
• Larawan at teksto ang dalawang pangkalahatang sangkap ng pictorial essay.
Ang teksto ay madalas na may journalistic feel, ngunit ang pinakainiikutan nito
ay ang mga larawan mismo. Tipikal sa mga pictorial essay ang pagkakaroon ng
pamagat ang pagpokus sa isang tema. Madalas ding personal (sa isang
potograpo at/o awtor) ang isang pictorial essay at maaari itong maging isang
mabisang paraan upang lumikha ng isang personal na mensahe para sa
kanyan/kanilang pamilya,kaibigan o kahit na para sa publikasyon
(https://www.answers.com). Kaya nga ang pictorial essay ay ginagawa nang
may pagsasaalang-alang sa personal na punto de bista na siyang ikinalulugod
ng mga larawang tingnan at ng tekstong basahin (https://bookwormlab.com).
• Dahil sa dalawang pangkalahatang sangkap ng pictorial essay,
ang larawan at ang teksto, mahalagang ang gumagawa nito ay
may kakayahan at kaalaman sa dalawa ring larangan, sa
potograpiya at sa wika. Hitgit kasing mainam kung ang
potograpo mismo ang sumulat ng teksto, o sa kabalikan, kung
ang manunulat mismo ang kumuha ng larawan, dahil nga sa
personal na kalikasan nito.
• Tandaan ding ang pictorial essay ay kaiba sa picture story. Sa
ikalawa, ang mga larawan ay nakasaayos ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ang layunin nito
ay magsalaysay o magkwento. Hindi gayon ang batayan sa
pagsasaayos ng larawan sa pictorial essay at lalong hindi rin
gayon ang layunin ng pictorial essay.
B. MGA KATANGIAN
NG MAHUHUSAY NA
PICTORIAL ESSAY
1. Malinaw na paksa. Kailangan pumili ng paksang
mahalaga sa iyo at alam na alam mo. Hindi kailangang
napakaengrande ng paksa. Maraming maliliit na bagay ang
maaaring paksain ng isang mahusay na pictorial essay.
2. Pokus. Huwag ma huwag lumihis sa paksa. Ang iyong
malalim na pagunawa,pagpapahalaga at matamang
obserbasyon sa paksa ay mahalagang sangkap tungo sa
matagumpay na pictorial essay
3. Orihinalidad. Higit na mainam kung ikaw mismo ang kukuha
ng mga larawan. Maaari ring gumamit ng mga software ng
kompyuter tulad ng Photoshop. Kung hindi ito magagawa,
maaari naming gumamit ng mga larawang kuha ng iba mula sa
mga lumang album o magasin bilang panimula. Gupit-gupitin
ang mga iyon at gumawa ng mga collage upang makalikha ng
bagong larawan. Kailangang ang pangkalahatang kahulugang
ipinahayag ng nalikhang laraway ay orihinal sa iyo.
4. Lohikal na Estruktura. Isaayos ang mga larawan ayon sa
lohikal na pagkakasunod-sunod. Tulad ng iba pang teksto,
kailangang may kawili-wiling simula, maayos na
paglalahad ng katawan at kawili-wiling wakas.
5. Kawilihan. Ipahayag ang iyong kawilihan at interes sa
iyong paksa. Gumamit ng mga pahayag na nagpapahiwatig
na kinawiwilihan mo ang iyong paksa, nang kawilihan din
iyon ng iyong mambabasa.
6. Komposisyon. Piliin ang mga larawang may kalidad ang
komposisyon. Iyong mga astistik na kuha, ika nga.
Ikonsider ang kulay, ilaw at balance ng komposisyon.
Huwag gumamit ng malalabo o madidilim na larawan.
7. Mahusay na Paggamit ng Wika. Iorganisa nang maayos
teksto.Tiyakin ang teksto ay tumatalakay sa larawan.
Sikapin din ang kawastuhang gramatikal sa pagsulat. Ang
mga pagkakamali sa baybay,bantas, gamit ng salita at iba
pang tuntuning pangwika ay mga kabawasan sa husay ng
pictorial essay.
C. ANG PAGGAWA NG
PICTORIAL ESSAY
Iminungkahi sa http://www.ehow.com ang mga kasunod
na hakbang tungo sa matagumpay na paggawa ng
picitorial essay.
1.Pumili ng paksang tumutugon sa pamantayang itinakda ng
inyong guro.

Maaaring may parating na kaganapan sa inyong pamilya o sa


inyong komunidad. Baka may parke sa inyong lugar na
magandang gawing setting ng iyong photo shoot . Tandaan, ang
mga larawan ang pokus ng iyong pictorial essay. Kaya, magplano
nang naaayon.
2. Isaalang-alang ang iyong audience.

Sino ba ang titingin sa iyong mga larawan at magbabasa ng


iyong sanaysay? Maaaring ang buong klase, o kaya’y ang guro
niyo lang. Ilahad ang iyong material sa paraang magiging
interesente sa iyong target audience. Kung ang iyong pictorial
essay ay para sa mga bata, kailangang maipakita sa mga larawan
ang kanilang interes at hilig tulad ng paglalaro at makukulay na
bagay.
3. Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong
mga larawan sa pagkakamit ng iyong layunin.

Maaaring ang layunin mo ay upang suportahan ang isang


adbokasiya o kaya ay hikayatin ang mga mambabasang kumilos.
Kailangang masalamin ang iyong layunin sa mga larawan kaya
mahalaga ang wastong pagpili.
4. Kumuha ng maraming larawan.

Maaari naming rebyuhin ang mga kuha sa digital camera o iyong


cellphone. Walang dahilan para limitahan ang mga larawang
pagpipilian. Mas maraming pagpipilian, mas higit ang posibilidad
na may mapipiling magagamit at angkop na larawan.
5. Piliin at ayusin ang mga larawan ayon sa lohikal na
pagkakasunod-sunod.

Katulad nga ng nabanggit na, kailangang may kawili-wiling


simula, maayos na paglalahad ng katawan at kawili-wiling
wakas.

You might also like