You are on page 1of 15

MGA POSITIBONG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL NA NASA

IKA-LABING-ISANG BAITANG SA ABM/GAS NG ST. MARYS COLLEGE


BAGANGA, INC., BAGANGA, DAVAO ORIENTAL NA AKTIBO SA ONLINE
BUYING

Pamanahong Papel na Inilahad sa mga Guro at Administrador ng St. Marys College


Baganga, Inc, Baganga, Davao Oriental

Bilang Komplesyon sa Pangangailan ng Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri 11 at


Understanding Culture, Social and Politics 11 Accountacy and Business Management
(ABM) at General Academic Strand (GAS)

Inilahad ni

AICARL Y. AGUILON

MARCH 2017
i

PASASALAMAT O PAGKILALA

Bilang mananaliksik ay nais kong ipabatid ang aking pinakasinserong


pasasalamat at malalim na pagkilala sa mga tumulong at nagbigay ng kooperasyon, at
sila ang mga sumusunod:

Sister Ma. Jocelyn G. Gerarde, RVM, sa pagbigay niya ng patnugot upang


makipanayam at makapagsagawa ng sarbey sa mga mag-aaral ng St. Marys College
Baganga, Inc. upang mabuo ang pananaliksik na ito.

Mr. Aurelio S. Batua Jr., guro at tagapagpayo sa asignaturang Pagbasa at


Pagsusuri, paggabay niya sa paggawa ng pananaliksik ng mga nasa ika-labing-isang
baitang sa ABM/GAS strand na mga mananaliksik.

Mr. Ralph Celeste, guro sa asignaturang Understanding Culture, Social and


Politics sa pagbibigay ng mga karagdagang mga impormasyon upang mapakinabangan
sa pananaliksik.

Mga estudyante sa ABM/GAS strand ng ika-labing-isang baitang ng St. Marys


College Baganga, Inc. sa pagpapakita nila ng kooperasyon at partisipasyon sa
isinagawang sarbey at pagbahagi nila ng kanilang oras sa pagsagot ng mga ibinigay na
katanungan.

Sa mga ibat-ibang partisipante na nakapagbahagi ng ambag upang mabuo ang


pananaliksik na ito.

Sa aking mapagmahal na ina at kapamilya na nagbigay ng buong suporta


mapa-pinansyal man o moral upang maging matagumpay at determinado akong
gawin at mabuo ang pananaliksik na ito. At,

Higit sa lahat, ang Poong Maykapal, sa pagbigay Niya ng walang humpay na


mga biyaya, sa paggabay sa akin at pagbigay ng lakas ng loob upang matapos ang
pananaliksik na ito.
ii

DEDIKASYON

Ang pananaliksik na ito ay produkto

ng kasiyahan, pasensya at pagsisikap, sakripisyo,

buong pokus na atensyon at pagmamahal ko.

Nais kong bigyan ng dedikasyon:

Ang Panginoon,

Aking ina at kapamilya, mga guro,

Mga kaibigan na sobrang espesyal

Para sa akin.
iii

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina ng Titulo Pahina

Pasasalamat o Pagkilala i

Dedikasyon ii

Talaan ng Nilalaman iii

Talaan ng Talahayan iv

Kapitulo

I. Panimula o Introduksyon

II. Kahalagahan ng Pag-aaral

III. Mga Kaugnay na Babasahin

IV. Pamamaraan o Metodolohiya

V. Paglalahad at Pagtatalakay ng Resulta

VI. Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

VII. Mga Sanggunian

VIII. Appendices
iv
TALAAN NG TALAHAYAN
Pamagat Bilang ng Pahina

Pasasalamat o Pagkilala i

Dedikasyon ii

Talaan ng Nilalaman iii

Talaan ng Talahayan iv

Kapitulo

1. Panimula o Introduksyon

2. Kahalagahan ng Pag-aaral

3. Mga Kaugnay na Babasahin

4. Pamamaraan o Metodolohiya

5. Paglalahad at Pagtatalakay ng Resulta

6. Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

7. Mga Sanggunian

8. Appendices
1

I. Panimula o Introduksyon

Hindi natin maipagkakaila na napakahalaga ng hanapbuhay sa pang-araw-araw

sapagkat ito ang sumusustento n gating pangangailangan. Ito rin ang nagsisilbing tulay

upang makapagbayad tayo ng ating mga babayarin. Walang negosyong medaling

simulan at palaguin ngunit may mga negosyong sadyang in demand sa ngayon. Kung

kaya naman dapat nating malaman kung ano-ano ang mga ito para paglaanan natin ng

pansin para sa potensyal na kumikitang kabuhayan. (Buhay OFW)

Dito sa ating bansa ay laganap na ang isang negosyo na kung tawagin ay

Online Buying. Ito ay isa sa mga uri ng negosyong gumagamit ng social media para

makakuha ng atensyon ng mga tao at makumbinsi silang bumili ng kanilang ibinibenta.

Ang mga nagbebenta ay nagpo-post ng kanilang mga benta gamit ang Facebook,

Twitter, Instagram, at iba pa o gumagawa sila ng sariling website nila upangmadali at

mas mapabilis ang interaksyon ng mamimili sa nagbebenta.

Ang panaliksik na ito ay tungkol sa mga positibong epekto na maidudulot ng

paggamit ng Online Buying sa mag-aaral na nasa ika-labing-isang baitang sa

ABM/GAS strand ng St. Marys College Baganga, Inc, Baganga, Davao Oriental.
2

II. Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang paksang ito sapagkat dito malalaman ang sagot sa isa sa mga

suliranin na kung may positibong epekto ba talaga ang social media lalong-lalo na sa

mga netizens na aktibo sa Online Buying sa kapanahunan ngayon na laganap na ang

mga teknolohiya.

Napili ko rin ito upang malaman kung ano-ano ang mga positibong epekto ng

social media sa mga mag-aaral lalong-lalo na kapag isa sila sa mga aktibo sa Online

Buying.

A. Bakit maraming tao ang tumatangkilikng Online Buying?

B. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang ng mga mag-aaral kapag bibili ng

mga produkto sa online?

C. Paano nakakaapekto ang Online Buying sa mga mag-aaral na nasa ika-

labing-isang baitang sa ABM/GAS strand ng St. Marys College Baganga,

Inc.?
3

III. Mga Kaugnay na Babasahin

Ang pananaliksik na ito ay mayroong mga basehan na nagpapahayag ng mga

ebidensya upang suportahan ang mga impormasyon na nakalap ko at ito ang mga

sumusunod:

Ang pagsisimula ng negosyo sa isang makabagong paraan tulad ng internet ay

hindi ganoon kadali, kailangan ng sapat na kaalaman at karunungan ukol dito.

Maraming dapat isaalang-alang sa pagsisimula ng isang negosyo gamit ang internet

tulad ng mga impormasyon sa tamang paggamit at kung paano ito patatakbuhin.

Mahabang proseso din ang kailangan bago ito maumpisahan. Importante din nag takbo

ng ekonomiya ng bentahan sa internet dahil maaaring malugi ang negosyong sisimulan

at dapat malaman ang iba pang mga impormasyon sa pagtatayo ng negosyo gamit ang

makabagong teknolohiya. (Bernard Liautaud at Mark Hammond)

Ang negosyo sa bagong henerasyon ay mas mainam kung ginagamitan ng

teknolohiya. Ang paggamit ng teknolohiya gaya ng internet ay nakakatulong upang mas

umangat ang negosyo sa ibang mga kakompetensya nito. At kailangan gumamit ng

makabagong pamamaraan sa negosyo sa panahon ngayon, isa na nga dito ang

paggamit ng internet, dapat pag-aralan din ng mabuti ang takbo ng negosyo sa internet

bago ito pasukin. Sa panahon ngayon, ang teknolohiya ay isang paraan at daan na

ginagamit na rin para sa pag-unlad ng isang negosyo. (John Bessant at Joe Tidd)

Kapag negosyo ang pag-uusapan ay marami talagang taong ang pumapasok

nito upang lamang may pangtustus sa pang-araw-araw na kakailanganin nila o ng

kanilang pamilya lalong-lalo na sa panahon ngayon mas pinapabilis ang mga gawain sa
4

tulong ng mga makabagong teknolohiya at malaki ang nagiging epekto nito sa mga

bumibili sapagkat maaari sila lamang na makabili na walang kahirap-hirap sa

paghahanap. Ngunit, ano nga ba ang kailangan nilang malaman pagdating sa pagpili sa

online?

Trust is probably the single most important factor in running an Online Business.

Although the volume of the use their credit cards due to many scams, frauds and other-

fly-by high operations plaguing the internet. Mahirap magtiwala sa isang tao lalo na

kung tungkol sap era ang pinag-uusapan. Isa sa mga dahilan kung bakit mahirap

magtiwala ay dahil sa kahirapan. Sa mga kalagayan ng Online Business kinakailangan

makuha ang tiwala ng mamimili upang makabenta ng kanilang produkto. Hindi lang sa

kalidad at presyo ng produkto ang batayan ng mga mamimili kundi pati na rin ang

estado at itsura ng business site ng may-ari nito. (Brian Adams)

Hinahanap ng mamimili ang dekalidad na produkto. Masasabi rito na kailangan

ng mainam ng pakikipagnegosasyon upang mabili ang produktong binibenta sa online.

Ayon rin sa pag-aaral, mas marami ang maaaring bumili ng isang bagay sa online.

Ayon din naman sa isang pag-aaral, marami ang maaaring bumili ng isang bagay sa

online kung ito ay naiprisinta ng ayos at naaayon sa araw o okasyon. (Feliciano

Fajardo)

Pinakamadali ang Online Business sites dahil marami ng mapag-pipiliang sites,

produkto, tatak at presyo ang mahahanap ditto. Katulad sa kataga ng isa sa mga sikat

na Online Business na sulit.com na Hanap. Usap. Deal, masasabi rito na kahit na


5

nasa bahay o nasang lugar ka man ay maaari kang makabili at kikita naman ang

nagbebenta. (Adam, Z.R)

Kung kayat hindi nakakapagtaka na maraming tao lalong-lalo na ang mga mag-

aaral ang komportable at nadadalian sa pagkukuha ng mga kagamitan na ibinibenta

online. Mas nakakapukaw ito ng atensyon sa kanila at nakakapagbawas oras sa

paghahanap ng kanilang kakailanganin lalong-lalo na kapag mayroo silang okasyon na

pupuntahan.
6

IV. Pamamaraan o Metodolohiya


4 Lubos na sumasangayon
3 Sumasangayon
2 Di sumasangayon
1 Lubos na di sumasangayon

4 3 2 1
A. Bakit maraming tao ang tumatangkilik ng Online
Buying?
1. Mas marami akong mapagpipilian na mga produkto 67% 27% 7% 7%
sa Online Business.
2. Mas mababa ang presyo ng mga ibinibentang mga 7% 80% 13% 7%
kagamitan sa Online Business.
3. Naipi-prisinta ng maayos ng taga-benta ang mga 27% 67% 13%
produkto sa site ng kanilang Online Business.
B. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang ng mga
mag-aaral kapag bibili ng mga produkto sa Online
Business?
1. Maganda ang estado at itsura ng business site ng 27% 80%
may-ari ng Online Business.
2. Madali ang pakikipagnegosasyon ko sa nagbe- 60% 47%
benta.
3. Mapagkakatiwalaan ang kalidad ng produkto na 33% 53% 20%
ibinibenta sa Online Business.
C. Paano nakakaapekto ang Online Buying sa mga
mag-aaral ng St Marys College Baganga, Inc. na
nasa ika-labing-isang baiting sa ABM/GAS strand?
1. Mas komportable akong makipagnegosasyon sa 7% 73% 20% 7%
nagbebenta sa pamamagitan ng social media.
2. Hindi ko na kailangan pang pumunta sa isang mall o 47% 40% 13% 7%
bilihan ng mga produktong gusto ko para bumili
lamang.
3. Mas mabilis ang pagdating ng mga gamit na aking 13% 67% 13% 13%
inorder mula sa Online Business
7

V. Paglalahad at Pagtatalakay ng Resulta

Batay sa isinagawang kong sarbey, ito ang naging resulta.

Sa unang pahayag Mas marami akong mapagpipilian na mga produkto sa Online


Business, 67% ang lubos na sumangayon, 27% ang sumangayon, 7% ang hindi
sumangayon, at 7% naman sa lubos na hindi sumangayon.

Sa ikalawang pahayag Mas mababa ang presyo ng mga ibinibentang mga


kagamitan sa Online Business, 7% ang lubos na sumangayon, 80% ang sumangayon,
13% ang hindi sumangayon, 7% naman sa lubos na hindi sumangayon.

Sa ikatlong pahayag Naipi-prisinta ng maayos ng taga-benta ang mga produkto


sa site ng kanilang Online Business, 27% ang lubos na sumangayon, 67% ang
sumangayon, 13% ang hindi sumangayon at, 0% naman sa lubos na hindi
sumangayon.

Sa ika-apat na pahayag Maganda ang estado at itsura ng business site ng may-


ari ng Online Business, 27% ang lubos na sumangayon, 80% ang sumangayon, 13%
ang hindi sumangayon, at 0% naman sa lubos na hindi sumangayon.

Sa ikalimang pahayag Madali ang pakikipagnegosasyon ko sa nagbebenta, 60%


ang lubos na sumangayon, 47% ang sumangayon, 0% ang hindi sumangayon, at 0%
naman sa lubos na hindi sumangayon.

Sa ika-anim pahayag Mapagkakatiwalaan ang kalidad ng produkto sa Online


Business, 33% ang lubos na sumangayon, 53% ang sumangayon, 20% ang hindi
sumangayon, at 0% naman sa lubos na hindi sumangayon.

Sa ika-pitong pahayag Mas komportable akong makipagnegosasyon sa


nagbebenta sa pamamagitan ng social media, 7% ang lubos na sumangayon, 73%
ang sumangayon, 20% ang hindi sumangayon, at 7% naman sa lubos na hindi
sumangayon.
8

Sa ika-walong pahayag Hindi ko na kailangan pang pumunta sa isang mall o


bilihan ng mga produktong gusto ko para bumili lamang, 47% ang lubos na
sumangayon, 40% ang sumangayon, 13% ang hindi sumangayon, at 7% naman sa
lubos na hindi sumangayon.

Sa ika-siyam na pahayag Mas mabilis ang pagdating ng mga gamit na aking


inorder mula sa Online Business, 13% ang lubos na sumangayon, 67% ang
sumangayon, 13% ang hindi sumangayon, at 13% naman sa lubos na hindi
sumangayon.
VI. Lagom, konklusyon at rekomendasyon

You might also like