You are on page 1of 1

Alexa N.

Lotivio Filipino sa Piling Larang


STEM-12 Faraday
Deskriptibong Abstrak

Pananaw ng mga Piling Mag-aaral sa UP, PUP, at PNU sa Kurikulum ng


Programang Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman sa Pagpapanatili at
Pagpapaunlad ng Wikang Filipino

Ang pag-aaral ng pananaliksik na ito ay naglalayong malaman at suriin ang

pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad UP, PUP, at PNU

sa kurikulum ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang

Filipino. Ang mga mananalisik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan at

kumonsulta sa iba’t-ibang silid-aklatan. Nangalap rin ng mga mahahalagang

impormasyon sa web site ng tatlong piling pang-estado unibersidad at nagsagawa ng

surbey sa ilang piling mag-aaral na may bilang na dalawangpu’t lima (25) sa bawat

unibersidad. Natuklasan sa pag-aaral na ito na malaki ang programang pangkolehiyo

ng B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsussulat, at B.A. Araling Panlipunan sa UP; AB

Filipinolohiya sa PUP; at BSE major Filipino sa PNU sa pag-aangat sa kamalayan

bilang tunay na mamamayang Pilipino. Mula sa resulta ng pananaliksik na ang isang

mag-aaral na mapapabilang sa mga nabanggit na programang pangkolehiyo ay malaki

ang posibilidad na mapayabong ang kanilang pagmamahal sa wikang Filipino. Sa

pananaliksik na ito, napatunayan na ang mga programang pang-kolehiyo sa tatlong

piling-estadong unibersidad ay may pinakamalaking gampanin sa pag-angat sa

kamalayan bilang tunay na mamamayang Pilipino at sa pagmamahal sa wikang Filipino.

Inirerekomenda ng mga mananaliksik na pag-ibayuhin ng mga programang

pangkolehiyo ang pangunguna sa pagpapatatag at pagpapayabong ng wikang Filipino

sa iba’t-ibang larangan pang-edukasyon.

You might also like