You are on page 1of 10

BUHAY NG ISANG WORKING STUDENT: PAGBABALANSE NG

ORAS SA TRABAHO AT PAG-AARAL NG ESTUDYANTE

ISANG PANANALIKSIK NA INIHARAP KAY


GINANG SHULAMITH MARIE G. QUIPANES

BAJA, VEEJAY ANDREW V.


DELA PEÑA, CHARY JANE M.
MACAPAS, ANREY DAVID A.
VELBESTRE, MARIETHONIE Y.

SA BAHAGYANG KATUPARAN NG MGA KINAKAILANGAN SA SENIOR


HIGH SCHOOL-PAGBASA AT PAGSUSURI TUNGO SA PANANALIKSIK

MAY 2023
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino,

Pagbasa at Pagsusulat Tungo sa Pananaliksik, ang riserts na ito ay pinamagatang

“Buhay ng isang working student: Pagbabalanse ng Oras sa Trabaho at

Pag-aaral ng Estudyante” ay inilahad at hinarap sa pangkat ng mananaliksik sa

seksyon ng Grade 11 Mt. Olives mula sa strand na Science, Technology, Engineering

and Mathematics (STEM).

Na binubuo nina:

BAJA, VEEJAY ANDREW V.

DELA PEÑA, CHARY JANE M.

MACAPAS, ANREY DAVID A.

VELBESTRE, MARIETHONIE Y.

Isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat

Tungo sa pananaliksik

Petsa:
GNG. SHULAMITH G. QUIPANES
GURO
Dahon ng Pasasalamat

Lubos ang pasasalamat ng aming grupo, sa mga inspirasyon at mga naging bahagi

ng pananaliksik na ito. Una sa lahat kami ay nagpapasalamat sa poong maykapal na

siyang nagbigay ng tatag at lakas sa amin. Sa kanyang pag-iingat at paggabay sa

aming mga gawain sa araw-araw at sa mga biyayang walang hanggan na siyang

nanguna na naging dahilan sa aming pananalitili sa mundong kanyang nilikha.

Sa aming mga magulang na walang sawa sa pagsuporta sa aming pag-aaral at

pagbibigay sa lahat ng suportang moral, maging pinansyal, upang kami ay

makapanaliksik ng maayos upang maipagpatuloy ang aming pag-aaral.

Higit sa lahat, sa aming pinakamamahal, kagalang-galang at mabait naming guro

na si Gng. Shulamith Marie G. Quipanes sa walang sawang gabay sa aming pag-aaral

sa asignaturang Pagbabasa At Pagsusuri Tungo sa Pananaliksik gayundin sa bawat

kasapi ng aming pangkat na nagbigay at nagbuhos ng oras at pagod upang ang

pananaliksik na ito ay maisakatuparan.


Talaan ng Nilalaman

Dahon ng Pamagat………………………………………………..i

Dahon ng Pagpapatibay………………………………………….ii

Dahon ng Pasasalamat…………………………………………...iii

Talaan ng Nilalaman………………………………………….….iv

KABANATA I:

Panimula………………………………………………………….1

Abstract…………………………………………………………..2

Layunin ng Pag-aaral…………………………………………….3

Suliranin ng Pag-aaral……………………………………………4

Tesis na Pahayag…………………………………………………5

Balangkas Teoretikal……………………………………………..6

Balangkas konseptwal……………………………………………7

Kahalagahan ng Pag-aaral………………………………………..8

Saklaw at Dilimitasyon ng Pag-aaral…………………………….9

Mga Terminolohiya sa Pag-aaral………………………………..10


Panimula

Ang mga kabataan ang daan ng pag-unlad ng isang bansa. Ang edukasyon ay

siyang nagsisilbing daan para sapag-unlad na hinihintay ng mga tao sa bansa. Subalit

sa kabila nito, hindi lahat ay nabibigyan ng opportunidad na makapag-aral nang

walang ibang iniintindi kundi magkaroon ng maayos na edukasyon. Kaya naman, ang

mga kabataan ay nagsikap ng husto upang makamit ang kanilang pinapangarap sa

pamamagitan ng pagtatrabaho kasabay ng kanilang pag-aaral o ang madalas na

tawaging workin student. Sa panahon ngayon, hindi nabagong makatagpo tayo ng

mga mag-aaral na nagtatrabaho o mas kilala sa tawag na “working student” sa

iba’t-ibang kadahilanan. Para makapagtapos sila ay kailangan pa nilang mag trabaho

upang masuportahan ang kanilang edukasyong pang-pinansyal (Timtim, Igot, at

Louise, 2019).

Para sa mga batang hindi tumitigil mangarap at nagsusumikap, kahit ano ay

kanilang gagawin maabot lamang ito, kahit pa ang magtrabaho. Sa madaling salita

kung iuugnay mo ito sa mga mag-aaral, madaming mga estudyante ang pinagsasabay

ang trabaho at pagaaral hindi lamang para sa mga pambili ng mga luho o materyal na

bagay kundi para makatulong sa sarili upang makapagtapos ng pag-aaral.

Kung iisipin nating mabuti, talagang napakahirap pagsabayin ang dalawang

ito halos ang buong araw mo nahahati nalamang sa trabaho at pag-aaral. Nasa loob ng

paaralan sa umaga at pag dating ng gabi ay kayod sa trabaho na para bang may isang

napakalaking pamilyang binubuhay.

Minsan kinakapos pa sa tulog dahil tambak ang takdang aralin at mag-aaral pa

para sa pagsusulit kinabukasan. Kung iisipin mo napakahirap pero napakadaming may

mga magagandang trabaho ngayon bunga ng pagsisikap at pagtitiis ng mga working


student. Pagsisikap para sa ikabubuti ng pamilya at sa sarili. At pagtitiis para makamit

ang pinapangarap at magkaroon ng isang magandang trabaho at makaahon sa hirap.

Isa pa ang napakasaklap na katotohanan na minsan ay kailangan mong mamili

sa dalawa kung papasok ka sa trabaho o sa klase sapagkat parehong kailangan mong

pumasok. Ang hirap magpasya kung alin sa dalawa at kung alin ang matimbang para

sayo.

Hindi madali ang maging isang working student sapagkat ang daming pasyang

kailangan gawin. Ngunit sa huli-huli ay marami namang solusyon. Kaya ang buhay ng

isang working student mabigat, mahirap, masakit sa ulo ngunit masaya sapagkat

natutugunan mo ang pangagailangan mo bilang anak, manggagawa at estudyante.

Abstract

Sinisiyasat ng kasalukuyang pag-aaral ang buhay ng mga working student sa

paaralan. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang mga stratehiya sa

pagbabalase ng oras sa pagtatrabaho habang pumapasok sa paaralan ang mga

mag-aaral at sa kanilang akademikong pagganap. Gumamit ang pag-aaral ng

qualitative method para magsagawa ng pananaliksik at nangalap ng datos mula sa

limang working students sa Halapitan National High School. Sa pamamagitan ng


semi-structured na panayam, ginalugad ng pag-aaral ang mga karanasan ng mga

nagtatrabahong mag-aaral patungkol sa kanilang akademikong pagganap..

Natuklasan sa pag-aaral na ang mga nagtatrabahong estudyante ay nakaranas ng

iba’t ibang hamon tulad ng pagbabalanse ng kanilang gawain sa paaralan sa kanilang

trabaho, stress sa pananalapi at kahirapan sa pakikisalamuha. Iniulat din ng mga

mag-aaral na naapektuhan ang kanilang akademikong pagganap dahil sa kanilang mga

oras ng pagtatrabaho, dahil madalas silang hindi nakapasok sa mga klase o

nakakumpleto ng mga takdang-araling sa oras. Sa kabila ng mga hamong ito,

natuklasan ng pag-aaral na ang mga mag-aaral ay nagawang pamahalaan ang kanilang

mga responsibilidad at mas mahusay na gumanap sa akademiko.

Ang mga natuklasan ng pag-aaral na ito ay nagmumungkahi na ang pagtatrabaho

habang pumapasok sa paaralan ay may parehong positibo at negatibong epekto sa

akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Kasama sa mga positibong epekto ang

pag-unlad ng mga kasanayan sa pamamahala ng oras, pagtaas ng panagutan sa

pananalapi, at pagpapabuti ng buhay panlipunan. Sa kabilang banda, nahirapan din

ang mga mag-aaral sa pagbalanse ng kanilang trabaho at pag-aaral at naapektuhan ang

kanilang academic performance. Napagpasyahan ng pag-aaral na ang mga

nagtatrabahong estudyante ay nahaharap sa mga natatanging hamon at dapat silang

bigyan ng karagdagang suporta.

Layunin sa Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang makilala ang mga hamon at pagsubok

sa kinkaharap ng isang working student. Ang pamagat ng pag-aaral ay “Buhay ng

isang Working Student: Pagbabalanse ng Oras sa Pagtatrabaho at Pag-aaral.” Ang

pag-aaral ay nakatuon sa pagtuklas ng mga karanasan ng isang working student, at


kung paano nila nagagamit ang kanilang oras upang mabalanse ang paggamit sa

pagtatrabaho at pag-aaral.

Ang buhay ng isang working student ay hindi madali. And pangunahing layunin

ng pananaliksik na ito ay matukoy kung paano nila nagagawa ang pagbabalanse ng

oras sa pagtatrabaho at pag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay tutulong sa mga working student na matutunan mag

plano sa kanilang oras sa isang epektibong paraan na magpapahintulot sa kanila na

magtatrabaho at mag-aral nang sabay.

Ang mga working student ay isang mahalagang bahagi ng lipunan. Ang pagiging

working student ay nagbibigay sa kanila ng karanasan at pagkakataon na magkaroon

ng isang maayos na tahanan. Kaya’t hangang-hanga ang nakararami sa dedikasyon

nila na makapagtapos sa pag-aaral.


Suliranin ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito na may paksang “Buhay ng Isang Working Student:

Pagbabalanse ng Oras sa Pagtatrabaho at Pag-aaral” ay naglalayong sagutin ang mga

sumusunod na suliranin:

Paano nakaapekto ang pagiging working student sa pag-aaral kasabay ng

pagtatrabaho?

a) Ano ang mga mahalagang hakbang na dapat gawin ng mga working student

upang mabalanse ang pagtatrabaho at pag-aaral.

b) Paano nakatulong ang pagkakaroon ng isang support system sa mga working

student?

c) Ano ang pinakamabisang paraan para mabalanse ang pag-aaral ay pagtatrabaho

para sa isang working student?


Tesis na Pahayag

Ang mga working student ay nagbibigay ng isang positibong epekto sa lipunan dahil

nagpapakita sila ng isang pagpupursigi sa pagpapatupad ng kanilang responsibilidad

sa pag-aaral. Gayunpaman, ang pagsasabay ng pagtatrabaho at pag-aaral ay isang

hamon para sa kanila dahil kailangan magbalanse ng kanilang oras

sa kasiyahan, pag-aaral at pagtatrabaho. Sa kabutihang palad, ang pag-unawa sa

impormasyon at teknolohiya ay nagbibigay sa mga working student ng mga tool at

pagkakataon upang magamit ang kanilang oras sa pinakamahusay naparaan at

makamit ang pananagumpay sa kanilang pamumuhay.

You might also like