You are on page 1of 5

Epekto ng Pagsasabay ng Pagbabalanse sa Pag-aaral at

Pagtatrabaho ng mga Manggagawang Mag-aaral sa Batsilyer ng


Sekondarya ng Edukasyon sa Medyor sa Filipino ng Limay
Polytechnic College Taong 2021-2022

Panimula
Ang edukasyon ang haligi at pundasyon sa pamumuhay ng isang tao. Ipinapakita nito na

malaki ang pakikibahagi sa lipunan at paglalaan ng oras para sa paghahanda sa hinaharap.

Sinasabi na ito ay isa sa yaman ng kabataan na kailanman hindi maaagaw ninuman. Ngunit

ituring man na kayamanan ay di maikakailang maraming balakid o hadlang dulot ng kahirapan sa

ating bansa. Sapagkat alam ng tao na ito ay nagiging proseso sa pagkuha ng kaalaman at

pagpapayabong ng karunungan sa iba’t ibang aspeto. Ang nais lamang ng tao ay makatakas sa

paghihirap ng kanyang buhay kung kaya’t patuloy siyang nakikipaglaban sa hamon ng buhay.

Samakatuwid, ang bawat mamamayan sa loob ng lipunan ay marapat lamang na magkaroon ng

bahagi at ambag sa kinapapalooban nito sapagkat ito ay karapatan ng tao sa loob ng lipunan

subalit marami ring mga mag-aaral na hindi nabibigyan ng pagkakataon na maganda ang

hinaharap na sitwasyon sa kanilang buhay dahil sa kakulangan ng kagamitan at pinasyal na

aspeto.

Ayon sa UNESCO (United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization),

“Ang edukasyon ay isang prinsipyo ng karapatang pantao at ito ay isa ring pagsasanay sa iba

pang karapatang pantao na nagtataguyod ng indibidwal na kalayaan, nagbibigay kalakasan at

nagbubunga ng paglago. Subalit milyong mga kabataan maging mga matatanda ang hindi

napapagkalooban nito dala ng kahirapan sa buhay”.


Dahil doon, marami pa rin sa mga pursigidong mag-aaral ang nagnanais na maabot ang

pangarap sa kabila ng matinding dinaranas na sitwasyon, kung kaya’t sa kabila ng kakulangang

pinansyal ay nakikipaglaban sila sa hamon ng buhay.

Ang mag-aaral na matiyaga ay tiyak na maaabot ang kanilang pinapangarap. Hindi

maikakaila na marami sa mga mag-aaral sa panahon ngayon ay nagnanais na magtrabaho upang

makatulong sa kanilang pamilya. Ngunit sa paanong paraan nila napagsasabay ang pag-aaral at

ang pagtatrabaho? Lahat naman tayo ay may pangarap sa buhay na nais matupad at ito marahil

ang isa sa mga milyon-milyong kadahilanan kung bakit may mga mag-aaral na mas pinipili ang

maging manggagawang mag-aaral kaysa huminto sa pag-aaral.

Ang manggagawang mag-aaral ay mga mag-aaral na nagpapakahirap para matustusan

ang kanilangang pangangailangan upang makapagtapos at makatulong sa mga magulang. Ayon

sa Standfort University (2018) “ang mga multi-takers ay hindi ganoon kaproduktibo kaysa sa

mga taong mas gusto ang gumawa ng isang bagay sa partikular na oras. Kagaya nang ginagawa

ngayon ng mga working students. Marahil dahil sa pagsasabay nila ng trabaho at pag-aaral ay

hindi nila maibigay ang kanilang husay sa paaralan”. Ngunit kung magkakaroon ng

pagbabalanse ay makatutulong ito sa mga mag-aaral upang magtrabaho habang nag-aaral at ito

ang magdedetermina kung sila ba ay magtatagumpay o hindi.

Ayon naman sa Pilipino Star Ngayon (2012), tinatayang nasa 5.49 milyon ang mga

batang manggagawa sa bansa. Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa bukid, minahan, asinan,

pabrika, construction at may nagbebenta ng "laman".

Dahil sa kahirapan ng buhay, napipilitan silang magtrabaho para tulungan ang kanilang

mga magulang sa paghahanapbuhay. Masakitan sa kanilang kalooban, kailangan nilang mag


hanapbuhay para magkaroon ng laman ang kanilang sikmura at matustusan ang

pangangailangan.

Sa kabilang dako ang mga kabataan ay namumulat sa tunay na kalagayan ng kanilang

pamumuhay at ito ay nagreresulta upang sila ay magtrabaho ng maaaga kahit wala pa sa hustong

gulang upang gano'oy hindi sila maging pabigat sa kanilang mga magulang. Batid nila ang hirap

na dinaranas ng kanilang mga magulang kung kaya ganoon na lamang pagnanais nilang

makatulong kahit pa isakripisyo nila ang kanilang pag-aaral. Maraming pamilya ang hindi na

kayang pag-aralin ang mga anak dahil sa kakulangan sa pinansyal na pangangailangan. Ilan parin

sa mga kabataan ang nag nanais na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng kahirapan ng buhay.

Isa sa nagpapahirap sa mga manggagawang estudyante ay sa pagpili nito kung pagpasok

ba sa trabaho o pagpasok sa klase sapagkat kailangan mong pamasok sa parehong aspeto.

Bilang isang estudyanteng nagtatrabaho maraming desisyong gagawin.Maraming

pasyang hindi alam ang magiging resulta kung ito ay makakatulong o hindi sa buhay ng

estudiyanteng mangagawa(working student).Ngunit sa huli-huli ay maraming namang solusyon

na pwedeng gawin.Kaya nga ang buhay ng manggagawang estudiyante (working student) ay

sobrang hirap at mabigat dahil sa nakaabang na gawain sa paaralan at sa bahay pero masaya

sapagkat natutugunan nito ang kanyang tungkulin bilang manggagawa,estudiyante at anak sa

kanyang magulang. Kakayanin kaya ng mga manggagawang estudiyante ang ganitong aspeto?

Magdudulot kaya ito sa kanila ng mabuti o ito rin ang magdudulot sa kanilang matinding hirap sa

pagbabalanse ng kanilang pag-aaral habang nagtatrabaho sila. Alin man sa dalawang aspeto ang

maaaring kalabasan ng manggagawang estudiyante,atin itong alamin sa pananaliksik.


Paglalahad ng Suliranin

Ang mga sumusunod na tanong ay sisikaping tutugunan ng pananaliksik na ito:

1. Ano ang propayl ng isang manggagawang mag-aaral batay sa;

1.1. Edad

1.2. Kasarian

1.3. Antas Ng Pamumuhay

1.4. Taon ng pag-aaral at pagtatrabaho

2. Paano napahahalagahan ng isang Manggagawang mag-aaral ang pag-aaral at pagtatrabaho?

2.1. Pag-aaral

2.2. Trabaho

3. Anu-ano ang mga dahilan ng pagsasabay ng pag-aaral at pagtatrabaho?

4. Anong mga paraan ang mga dapat isaalang-alang ng manggagawang mag-aaral kung paano ito

mababalanse?

5. Sapat ba ang sweldong natatanggap ng manggagawa mag-aaral, paano ito napagkakasya nito

ang perang natatanggap?


6. Paano napapamahalaan ang oras ng pagpasok at oras ng pagtatrabaho?

6.1. Araw

6.2. Gabi

You might also like