You are on page 1of 15

Pagtataya sa kahandaan ng mga piling mag-aaral ng Grade 12 SEHS SHS tungo

sa pagiging work ready; Batayan sa mungkahing work work ready seminar.

LAZARO, Jashley

MENDOZA, Christian

REOBALDO, Ryan

SANTIAGO, Joana

SERAFICO, May

VERCELES, Maron

JOHN PAUL R. CAIN, LPT, MAFil


Tagapayo

2020
Introduksiyon

Ang Pilipinas ay isang bansa na kilala sa maraming dako ng mundo dahil sa

pagiging aktibo at agresibo nito sa iba’t ibang larangan at aspekto. Ngunit tila ang

kasalukuyang sistema ng edukasyon ng bansa ay humaharang sa patuloy na pag-unlad

nito. Sa kasalukuyan, kabilang ang Pilipinas sa tinatawag na “third world country”. Ang

mga bansang nabibilang rito ay iyong mga may mabababang ekonomiya. Malaki ang

epekto ng sistema ng edukasyon sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Kung

susuriin, tila maraming kapos sa karunungan dulot ng mababang kalidad ng edukasyon

at kakulangan sa maayos na pagpapalakad nito. Minsan pa ay hindi na rin masyadong

napaglalaanan ng panahon at pinasyal ang edukasyon o kulang ang inilalaan ng

gobyerno para rito. Sa katunayan, napakahalaga ng edukasyon sa isang tao, lalo’t higit

sa isang bansa.

Ang edukasyon o pagtuturo ay ang sistema at proseso ng paghahatid ng

kaalaman, karunungan at maging ng kultura ng isang bansa. Kadalasang ginagawa ang

pagtuturo sa mga pasilidad pang-edukasyon na tinatawag na paaralan. Guro o

propesor ang tawag sa mga taong kuwalipikadong magturo. Ang karaniwang

edukasyon ay binubuo ng mga antas o lebel. Maaari itong magsimula sa Pre-school at

Kindergarten, ngunit kadalasan ay hindi na ito kinukuha ng ilang kabataan. Sumunod ay

ang antas na elementarya na binubuo na anim na taon (grade 1 hanggang grade 6).

Pagkatapos ay susundan naman ito ng sekondarya na binubuo naman na apat na taon

(1st year hanggang 4th year). Ang huli ay ang kolehiyo o tertiary level kung saan

nakadepende ang haba ng taon sa kursong nais kuhanin. Ang huling antas na ito ay

kadalasang hindi na inaabot ng maraming kabataan dulot ng mga kakulangan sa


personal na buhay at maging ng mga problema sa pamamalakad ng edukasyon. Kaya’t

pumapatak na sampung taon lamang ang taon ng pag-aaral sa bansa.

Ang lumang sistema ng edukasyon na binubuo lamang ng 10 taon ay halos

isinasagawa na lang sa tatlong bansa sa mundo: Angola, Djibouti at pilipinas.

Karamihan ay ang bagong sistema na tinatawag na “K-12 Curriculum” kung saan

nadadagdagan ng 2 taon ang dating sistema ng edukasyon. ANg layunin neto ay

mapataas ang kalidad ng edukasyon at mapaghandaan ang kinabukasang trabaho ng

isang tao at makasabay sa umuunlad na edukasyon sa mundo.

“Sa kabila ng magandang layunin may iba pa ring mga balakid ang mga tao ukol

dito.” Ayon kay Sen. Trillanes ‘’ Ma makakabuti para sa ating bansa kung hindi muna

ipatupad ang K-12 Program hangga’t hindi pa nasosolusyunan ang mga problema sa

sistema n gating edukasyon tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan at kagamitan ng

mga estudyante, at ang kakulangan sa mga guro at ang kanilang mababang sahod”

Dahil sa mga isyu na hinaharap ng sistema ng Edukasyon at ng bagong

implementing kurikulum. Layunin ng pananaliksik na ito na alamin kung ano ang

pagtataya sa kahandaan ng mga piling mag-aaral na Grade 12 SEHS SHS tungkol sa

pagiging work ready. Aalamin ng pananaliksik na ito kung gaano sila kahanda sa

pagpasok sa trabaho. Sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon mula mismo

sa mga mag-aaral ay patutunayan ng pananaliksik na ito kung talaga bang handa ang

mga mag-aaral ng SEHS SHS ukol sa pagiging work ready pagkatapos nilang

grumaduweyt ng Senior High School.


Kaligirang kasaysayan

Bago tuluyang makalaya ang Pilipinas mula sa mga mananakop noong 1946,

ang edukasyon sa bansa ay nakabase sa sistema ng mga dayuhang ito, tulad ng

Espanya at Amerika. Nasa pailalim tayo ng kanilang pamamahala sa loob ng mahigit na

tatlong daang taon. Ito ang dahilan kung bakit ang sistema ng edukasyon magiging sa

kasalukuyan ay may bahid pa rin ng dayuhan.

PANAHON BAGO ANG MGA MANANAKOP

Ang mismong mga magulang ang nagtuturo sa mga kabataan. Minsan naman ay

may mga taong inaatasang magturo sa mga kabataan gaya ng mga babaylan.

Karaniwang itinuturo ay ang mga praktikal na Gawain sa tahanan o pang-araw-araw na

pamumuhay. Kaya’t bago dumating ang mga dayuhan ay may sistema na rin tayo ng

pagsulat na tinatawag na baybayin at mga titik na tinatawaag naming alibata. Ang

ganitong sistema ng edukasyon ay nanatili sa iba’t ibang bahagi ng bansa hanggang sa

pagsakop ng mga dayuhan.

PANAHON NG MGA KASTILA

Mayroon ng pormal na edukasyon ang Pilipinas sa pagdating ng kastila.

Karamihan ay relihiyoso ang layunin ng pagtuturo ng mga dayuhang ito, dahil sa kanila

nagsimula ang konsepto ng Kristiyanismo. Noong ika-16 na siglo nagkaroon na ng

unibersidad sa bansa bilang pasilidad ng pagtuturo sa mga Pilipino. Noong 1565 naman

ay nagpatayo ng mga paaralang pamparokya sa lungsod ng Cebu ang mga

Augustinian.
Noong 1577 naman ay tinuruan ng mga Franciscan ang mga Pilipino sa larangan

ng pagbasa at pagulat. Sumunod ay ang Jeswita noong 1581 at Dominican 1587 na

nagpatayo ng mga paaralang naglalayong magturo ng Kristiyanismo sa mga Pilipino.

Sa paglipas ng panahon lumago ang bilang ng mga Pilipino nakapag-aaral

dahilan sa mga pasilidad pang edukasyon na ipinatayo ng mga Kastila na

pinamumunuan ng mga Jeswita. Ilan sa mga nagkaroon ng pagkakataong makapag-

aral ay ang ilang kilalang matatalinong Pilipino o tinatawag na Illustrado na sina Jose

Rizal, Marcelo H. Del Pilar at iba pa.

PANAHON NG MGA AMERIKANO

Tuluyang napasakamay ng mga Amerikano ang bansa matapos matalo ng mga

kastila sa digmaang Amerika – Espanya. Matapos non ay agad-agad nagpatayo ng

pitong paaralan ang mga Amerikano na naglalayong maghatid ng mga pagtuturong

military ang mga Pilipino. Sakanila rin nagsimula ang pagpapatayo ng pampublikong

paaralan.

BAGONG REPUBLIKA

Noong 1947, matapos ibigay ng mga Amerikano ang awtoridad sa Pilipinas,

pinalitan ni Pangulong Manuel Roxas ang pangalan ng dating tatag na Department of

Instruction bilang Department of Education(DepEd). Ang ahensiyang ito ang humawak

sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa.

Noong 1972, sa ilalim ng pamumuno ni pangulong Ferdinand Marcos, muling

pinalitan ang DepEd bilang Department of Education and Culture(DECS). Layunin nito
na ituro sa mga Pilipino ang disiplina, pagkamakabayan at pagmamahal sa sariling

kultura.

Sa ilalim ng Batas bilang 7722 o Higher Education Act of 1994, nahati ang DECS

sa tatlong ahensya: Commission on Higher Education(CHED), Technical Education and

Skills Development Authority(TESDA) at Department of Education(DepEd). Hawak ng

DepEd ang kabuuang pamamalakad ng mga paaralan sa bansa. Nasa ilalim naman ng

CHED ang mga institusyon, unibersidad at kolehiyo Samantala, nasa pamumuno

naman ng TESDA ang mga paaralang nagtuturo ng teknikal-bokasyonal na kurso.

Noong enero 2009, pumirma ng kasunduan ang Pilipinas sa ilalim ng United

States Agency for International Development(USAID). Sa ilalim nito, paglalaanan ng

Estados Unidos ang bansa ng halagang 86 milyong dolyar upang makapaghatid ng

edukasyon sa mga lalawigan ng Mindano.

KASALUKUYANG PANAHON

Sa kasalukuyan, mayroon 10 grade basis education ang bansa. Binubuo ito ng

Kindergarten, Elementarya na may anim na taon(grade 1 – grade 6), Sekondarya na

may apat na taon( 1st year – 4th year) at Kolehiyo na nakadepende sa kurso kung gaano

kahaba ang guguguling panahon sa pag-aaral. Ngunit ang ganitong sistema ay hindi na

akma sa inilunsad na bagong programang pag-edukasyon ng maraming bansa sa

mundo.

Dahil sa lumalawak na implementasyon ng K-12 kurikulum noong 2012,

isinabatas ng dating Pagulong Benigno “Noynoy” Aquino ang pag papaimplementa ng

ganitong sistema ng edukasyon sa buong bansa.


Sa ilalim ng kurikulum na ito ay nadagdagan ng dalawaang taon ang dating 10

grade basis education system. Ang bagong kurikulum na ito ay nagsisimulan sa

Kindergarten na kinakailangang pasukan ng lahat ng mga mag-aaral, na dati’y kahit

hindi naman. Ang obligasyong pumasok sa kindergarten ay nakaayon sa batas na

Kindergarten Act of 2012. Pagkatapos ay papasukan naman nila ang elementary na

binubuo ng anim na taon. Kasunod nito ay ang High school o Sekondarya na binubuo

ng apat na taon, mula grade 7 hanggang grade 10. Tinatawag na Junior High ang mga

estudyanteng nag-aaral sa sekondarya, Susundan naman ito ng panibagong dadag na

dalawang taon, grade 11 hanggang grade 12. Tinatawag naman na Senior High ang

mga mag-aaral na pumapasok sa antas o lebel na ito. Sa antas na grade 11 at grade

12, mayroong pamimilian na mga tract o academic strands na maaring kuhanin ng mga

estudyante. Kabilang rito ang Accountancy, Business and Management(ABM),

Humanities and Social Sciences(HUMSS), Science, Technology, Engineering and

Mathematics(STEM) at General Academic Strands(GAS).

Ang bagong sistemang ito ng edukasyon ay may layuning patatagin ang

kahandaan ng mga estudyante sa iba;t ibang larangang pang-akademiya at gawaing

teknikal at bokasyonal. Pinahaba ang panahon ng pag-aaral upang mas mahubog ang

kakayahan ng mga mag-aaral at upang mas maging handa sila sa mas mataas na

antas ng edukasyon. Sa kurikulum na ito, handa at maari na ring kumuha ng trabaho

ang mga magtatapos ng grade 12.

Sa pangkalahatan, layunin ng gobyerno na tugunan ang pangangailangan ng

lakas-paggawa sa Pilipinas maging ng tumataas na pangangailangan ng ibang bansa


sa ating mga manggagawa at propesyonal. Isang dahilan ito kung bakit ipinatupad ng

gobyerno ang bagong programang K-12.


Mga Suliranin

Ang pag –aaral na ito ay naglalayon na bumuo ng isang programa na may

layuning malaman kung magiging handa ba ang mga piling mag-aaral ng Grade 12

ABM sa Sta. Elena Senior High School.

Sinasagot sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang demograpikong propayl ng mga kalahok, batay sa:

a. Kasarian

b. Edad

2. Ano ang antas ng kahandaan ng mga piling Grade12 SEHS SHS pagdating sa:

a. Kakayahan ayon sa napiling track

b. Interest sa tinatahak na kurso

3. May signipikanteng ugnayan ba ang demograpikong propayl ng mga kalahok sa

kanilang antas ng kakayahan?

4. Anong mungkahing programa ang maaaring gawin upang maihanda ang mga

sumusnod na mag-aaral ng SEHS SHS ukol sa pagiging work ready?


Balangkas Teoretikal

Ipinatutupad na ng ikalawang administrasyong Aquino ang programang

Kindergarten to 12 Years of Basic Education (K to 12) na suportado ng World Bank,

mga organisasyon ng malalaking negosyante gaya ng Philippine Business for

Education (PBED), Employer’s Cofederation of the Philippines (ECOP), at Philippine

Chamber of Commerce and Industry (PCCI). Tinututulan naman ito ng ilang

organisasyon ng mga guro gaya ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), at ng ilang

mambabatas, mga magulang, at mga grupong nasyonalista. Bilang ambag sa

pambansang diskurso hinggil sa K to 12, layunin ng papel na ito na suriin ang

programang K to 12 sa pamamagitan ng paggamit ng mga kaisipan ng mga

nasyonalistang Pilipino gaya nina Jose Protacio Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto,

at Renato Constantino. Bukod sa katutubong kaisipang nasyonalista, gagamitin din ng

papel na ito ang kaugnay na Teoryang Dependensiya (Teoria de la Dependencia o

Dependency Theory) na nagbibigay-diin sa sosyo-ekonomikong gahum (socio-

economic hegemony) ng mga bansang mauunlad o industriyalisado (First World) sa

mga bansang mahihirap o semi-industriyalisado o agricultural (Third World).


Bilang ng mga Senior High School Graduates. Bakanteng Trabaho.

Ebaluwasyon. Ekonomiya ng Bansa.

Magagandang trabaho.

Ang pananaliksik na ito na may paksang Pagtataya sa kahandaan ng mga piling

mag-aaral ng Grade 12 SEHS SHS tungo sa pagiging work ready binigyan ng

konseptong kontekstuwal upang higit na maintindihan at malaman ang tutunguhin ng

pag-aaral na ito
Balangkas Konseptuwal

Ang modelong gagamitin ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pag-aaral ay

makikita sa Pigura blg. 1.

INPUT PROSESO KINALABASAN

ALS
-Antas ng mga Grade
12 ABM Students ng
Sta. Elena Senior High
School hinggil sa
sumusunod:
Instrumentong Ginamit: Pagtataya sa
-Sarbey kahandaan ng mga
-Signipikanteng piling mag-aaral ng
diperensya ng antas -Kwestyuner Grade 12 SEHS SHS
ng Grade 12 ABM tungo sa pagiging
-Pakikipanayam
students ng Sta. work ready
Elena Senior High
School Hinggil sa
sumusunod:

PIDBAK

Pigura Blg. 1 Paradigma ng Kabisaan ng K-12 kurikulum ukol sa pagiging work ready.

Ang pananaliksik na ito na may paksang “Pagtataya sa kahandaan ng mga piling

mag-aaral ng Grade 12 SEHS SHS tungo sa pagiging work ready” ay ginamitan ng

input-process-output model. Inilalahad ng input frame ay profayl ng mga tagatugon

tulad na lamang ng kanilang edad, kasarian, kakayahan ayon sa napiling track, interest
sa tinatahak na kurso. Ang process frame ay tumutukoy sa mga hakbang na gagawin

ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos saklaw ang pagsasagawa ng

isang sarbey o pag iinterbyu, pagbabasa ng mga kaugnay na literature, paggawa ng

listahan ng mga katanungan o kwestyuneyr, dokumentasyon ng mga nakalap na datos

sa pagsusuri habang ang output frame naman ay sumasaklaw sa implikasyon ng mga

nakalap na datos at ang epekto o resulta ng pag-aaral alinsunod sa paksa na pagtataya

sa kahandaan ng mga piling mag-aaral ng Grade 12 tungo sa pagiging work ready.

Binibigyan ng balangkas konseptwal ang pananaliksik na ito upang higit na

maintindihan at malaman ang tutunguhin ng pag-aaral na ito.

Ayon sa ncii nangangamba sila na hilaw pa sa karanasang makatutulong sa

pagtratrabaho ang ilang magtatapos sa K-12 program, ang pinalawig na basic

education system ng Department of Education(DepEd) sa kadahilanan na kulang sa

oras at experienced ang mga estudyante para magrabaho agad pagtapos ng Grade 12.

Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry(PCCI), tila kulang pa

ang 80 oras o dalawang lingo lang na minimum requirement para sa on-the-job

training(OJT) ng unang batch ng K-12 students na magtatapos sa Marso.

Ayon naman kay Alberto Fenix, president ng Human Resource Development

Foundation ng PCCI, baka mahirapang makapasok ng trabaho ang tinatayang daang-

daang libong magtatapos sa K-12 kung 80 oras lang ang kanilang ojt.

Pero binigyang diin ni DepEd Undersecretary Tonisito Unali na nabuo ang

curriculum ng K-12 sa pakikipag-ugnayan sa Commission on Higher Education at

Technical Education and Skills Development Authority kaya maituturing itong


kompletong pagsasanay sa estudyanttte kung nanaisin niyaaang dddi na tumuloy sa

kolehiyo.

Metodolohiya

Kaming mga mananaliksik ay gagamit ng purposive sampling sa pag-aaral na ito.

Ipagpalagay na naming Dalawampung (20) mag-aaral mula sa ika-12 na

baiting(Controlled) habang Dalawampung (20) mag-aaral mula sa ika-12 na baitang

(Experimental) ang kukuhanin naming upang aming maging mga respondante. Dahil

heterogeneous ang bawat klase, ipinagpapalagay ng mga mananaliksik na pare-pareho

ang antas at lebel ng mga mag-aaral na ito.

Kakapanayamin rin naming mga mananaliksik ang mga guro/adbayser sa baitang

labing dalawa (12) ukol sa kahandaan ng mga estudyanteng hinahawakan nila at upang

maliwanagan kami sa bilang ng mga mag-aaral na handa na sa pagtratrabaho.


Bibliograpiya

Quejada, B.M. (2015). Trillanes nanguna vs K-12 sa Philstar Global Corporation, The
Infinity Tower, 26th Street Bonifacio Global City,Taguig City. Nakuha noong ika – 9
ng Marso 2015. Halaw sa: Pilipino Star Ngayon Diyaryong disente ng masang
intelihente. Di – NAILIMBAG
San Juan D.M. (2013). Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Depedensiya sa
Edukasyon: Ideolohical na Kritik ng Programang K to 12 ng programang K to 12 ng
pilipinas halaw sa: MALAY Di – NAILIMBAG

You might also like