You are on page 1of 9

Kabanata I

ANG KALIGIRAN AT SULIRANIN NG PAG-AARAL

Panimula

Ang kasuotan ay naglalarawan sa anyong panlipunan ng tao. Masasabi rin na isang uri

ito ng pagpapadama sa sarili sa paraang nakadepende sa okasyon o kaya naman sa pang-

araw-araw lamang na kasuotan. Noon, sa Pilipinas, barong at saya pa lamang ang

namamalaging kasuotan na kilala bilang damit ng mga Pilipino subalit sa paglipas ng

panahon nariyan na ang mga nauusong damit na kanilang sinusuot ngayon. Sa

pamamagitan nito, mas tumataas ang kumpyansa sa sarili ng mga nagsusuot ng iba’t

ibang damit sapagkat naiihayag nila ang kanilang sariling emosyon sa tulong

pagdadamit. Higit sa lahat, may iba’t ibang kultura at pagkakakilanlan ang mga tao

Masasabi na ang kultura ay maaaring matutunan ng isang tao sa pamamagitan ng kung

paano nakakaapekto ang kanyang paligid sa kanya. At naiiba nga rin ang kanilang pag-

iisip at damdamin sa lahat ng aspeto na mayroon sila. Dagdag pa na ito rin ay napapasa

mula sa isang henerasyon patungo sa ibang henerasyon gamit ang wika. Hindi masasabi

na ang kultura ay hindi magbabago sapagkat sumasabay ito sa daloy ng panahon

(Panopio, et. al., 1994).

Isa sa malaking dahilan ang hindi pagpapanatili ng materyal na bagay tulad ng

kasuotan ang pagusbong ng teknolohiya na siyang bumabago sa kulturang gawi ng mga


tao. Ayon kina Cordero et. al (1984), technologies refer to techniques and know how in

utilizing raw materials to produced food, tools, shelter, clothing, means of transportation

and weapons. Makikita sa pahayag na ito na ang teknolohiya ang bumabago sa lahat

kahit mapadali man ang gawain ng mga tao o kahit may mawala pa sa isang kulturang

nakagisnan.

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang matukoy, masuri at mailahad ang iba’t

ibang natatanging kasuotan at ang implikasyon nito sa kultura sa mga piling bayan sa

Nueva Ecija. Ito ay magsisilbing dagdag kaalaman ng mga kabataan na nais kumuha ng

kursong Bachelor of Science in Fashion and Textile Technology upang mas lumawak ang

kanilang isipan hindi lamang sa kasalukuyan kung hindi pati sa nakaraang nakagisnan. Sa

pananaliksik na ito, malalaman, mapapalawak ang kaalaman at matutugunan ang bawat

katanungan ukol sa pagtukoy at pagsuri ng iba’t ibang kasuotan sa mga piling bayan sa

lungsod ng Nueva Ecija.

Paglalahad ng Suliranin ng Pag-aaral

Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay ang matukoy ang iba’t-ibang kasuotan

na mayroon sa mga piling bayan sa lungsod ng Nueva Ecja: San Jose City, Talavera,

Guimba at Munoz. Ang mga tiyak na gabay na pahayag sa ibaba ang magsisilbing

basehan sa pagkuha ng mga datos upang matugunan ang kahingian ng pag-aaral.

1. Matukoy ang mga natatanging kasuotan ng Lungsod at Bayan ng Nueva Ecija.


2. Masuri ang mga kahulugan ng mga natatanging kasuotan batay sa:

2.1 Pinagmulan;

2.2 Simbolismo, at

2.3 Kaugnayan sa Kultura.

3. Mailahad ang implikasyon ng pag-aaral na ito sa kultura ng mga piling Lungsod at

Bayan ng Nueva Ecija batay sa natatangi nilang kasuotan.

Konseptuwal na Balangkas

INPUT PROSESO RESULTA

INPUT
Sa pag-aaral na ito ay malalaman ang opinyon ng mga Novo Ecijano ang may edad

na animnapu pataas ang nalalaman pa o naging mulat sa pagbabago ng kanilang

kasuotan sa kanilang sari-sariling bayan. Sa pamamagitan nito, malalaman ng mga

mananaliksik kung anong uri ng kasuotan ang mayroon sa mga lugar na napili sa

Nueva Ecija at malalaman ang sariling opinyon ng mga kalahok ayon sa kanilang

kamalayan sa usaping ito.

Batay sa pagsasagawa ng interbyu malalaman ng mga mananaliksik ang iba’t ibang

opinyon ng mga kalahok ayon sa mga katanungang ibabato o itatanong sa kanila.

Matapos ito, ihahayag ng mga mananaliksik sa paraang deskriptibo ang kanilang sagot

at bibigyan ng maikling paglalarawan para sa resulta.

PROSESO

1. EDAD

Mga matatanda na nasa animnapu ang gulang (60 years old) pataas ang edad ng

mga kalahok sa pag-aaral na ito.

2. KASARIAN

Sinasakop ng pag-aaral na ito ang lahat ng klase ng kasarian- babae, lalaki o

kabilang man sa komunidad ng LGBTQ.

3. TIRAHAN

Sinasakop ng pag-aaral na ito ang mga bayan sa Nueva Ecija


a. San Jose City

b. Munoz

c. Talavera

d. Guimba

RESULTA

Nais ng mga mananaliksik malaman at masuri ang iba’t ibang kasuotan noon sa

lungsod ng Nueva Ecija. At bilang kalahok ang may edad na animnapu pataas, inaasahan

na makakangalap ang mga mananaliksik ng importanteng opinyon na magagamit sa pag-

aaral sa pamamagitan ng interbyu na binubuo ng sampung tanong.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Makakatulong ang pananaliksik na ito upang mapalawak ang

kanilang isipan ukol sa usapin, ito ang pagtalakay sa iba’t ibang kasuotan ang mayroon sa

nasabing paksa. Magsisilbing gabay ito upang malinang ang kaisipan at magamit pa sa

susunod na pananaliksik. Inaasahan na magiging epektibo itong pag-aaral na ito lalo na sa

kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Fashion and Textile Technology.


Sa mga guro. Magkakaroon sila ng karagdagang kaalaman ukol sa usaping pag-

aaralan. Magiging isang malaking karangalan at tagumpay sa isang guro ang naging

tagumpay ng kanilang estudyante sa hinaharap at sa susunod pa.

Sa mga mananaliksik. Makakatulong ang pananaliksik na ito upang sa karagdagang

kaalaman batay sa mgga datos na nakalap ng mga mananaliksik at maaari pa itong

palawakin sa pamamagitan ng muling pagsaliksik.

Sa pamantasan. Magagamit ng pamantasan ang pag-aaral na ito upang maging

basehan sa muling pag-aaral ng nakaraan ng ating kasuotan.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang pagsusuri ng mga kaalaman ukol sa

pananamit kasuotan noon ng mga matatanda, babae man o lalaki o bahagi ng LGBTQ na

edad animnapu (60 years old) pataas sa mga napiling bayan ng mga mananaliksik sa

lungsod ng Nueva Ecija: San Jose City, Llanera, Talavera at Guimba. Saklaw rin ng pag-

aaral na ito ang iba’t-ibang opinyon ng mga respondante o kalahok at ang pagkakaiba

nito ngayon sa hinaharap na maaring nakaapekto sa kanilang pag-uugali, kinagisnan at

pagsusuot ngayon ng iba’t-ibang damit sa lipunan.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makakuha ng kalahok mula sa mga

piling bayan sa lungsod ng Nueva Ecija: San Jose City, Llanera, Talavera at Guimba.

Nais makabuo ng mga mananaliksik ng 25 na respondante sa mga piling bayan 25 sa San


Jose City, 25 sa Llanera, 25 sa Talavera at 25 sa Guimba na binubuo ng 100 na

respondante o kalahok na magiging tulay upang maisakatuparan ang pananaliksik.

Depinisyon ng mga Termino

Upang mas maging madali ang pagkaintindi ng mga mambabasa, minarapat ng mga

mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang sumusunod na mga salita batay sa kung paano

ginagamit ang bawat isa sa pamanahong pananaliksik.

Novo Ecijano. Tawag sa mga taong nakatira sa lungsod ng Nueva Ecija.

Barong.

Saya.

KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA
Ayon kay Crane, “Social class was the most salient aspect of social identity

signified in clothing with late twentieth-century America, where lifestyle, gender, sexual

orientation, age and ethnicity are more meaningful to individuals in constructing their

wardrobes.” Sa pahayag na ito, sinasabi na ang iba’t-ibang klase ng lipunan na mayroon

ang America noon ay siyang malapit na pinagkakilanlan ng kanilang kasuotan, na kung

saan mas binigyan ng indibidwal ng kabuluhan ang kanilang paraan ng pamumuhay,

kasarian, gulang at etnisidad upang makalikha ng iba’t-ibang kasuotan.

Ayon kay Davis (1992), “Ours is an ambivalent social world, characterized by

tensions over gender roles, social status and the expression of sexuality. Predicting what

people will wear becomes a risky gamble when the link between private self and public

persona can be so unstable.” Sinasabi lamang sa pahayag na ito, sa ating lipunan,

nakadepende sa ating pagkatao kung ano ang nararapat na ating isuot at maaring mag-iba

pa sa kung paano natin ito maaaring baguhin.

Ayon kina Harziko et. al (2019), “Customary clothing is a clothing that is

hereditary used by the community in his day with the characteristics that indicate the

local culture created the traditional fashion.” Sinasabi na ang pananamit na sinusuot ng

buong komunidad ang sumisimbolo ng lokal na kultura na siyang humuhulma sa

kanilang tradisyon na pangkasuotan.


Sa pahayag ni Mora (2004), sinasabi na sa bansang Italya, ang sistema ng

pananamit ay nakabatay sa kung ano ang kintatayuan ng isang tao sa lipunan at bawat

disenyo ay may kaakibat na ibig sabihin na hinango sa sining at relihiyon na mayroon

sila.

Gamit ang pag-aanunsyo, mas nagsisilbing makabuluhan para sa mga taong

nakatira sa Italy ang paggamit ng iba’t-ibang imahe na mayroong halaga lalong lalo na sa

sining at imprastraktura (Crane,2000).

You might also like