You are on page 1of 4

APAYAO STATE COLLEGE

SAN ISIDRO SUR, LUNA, APAYAO

MGA TRADISYONAL NA KASUOTAN NG MGA ISNAG

Panimula

Ang pananamit ay naglalarawan sa anyong panlipunan ng tao.


Masasabi rin na naging isang mas malawak at mas malayang
kasangkapan ang pananamit upang ipakilala ang sarili. Noon, sa
Pilipinas, barong at saya pa lamang ang namamalaging kasuotan
na kilala bilang damit ng mga Pilipino subalit sa paglipas ng
panahon nariyan na ang mga nauusong damit na kanilang sinusuot
ngayon. Sa pamamagitan nito, mas tumataas ang kumpyansa sa
sarili ng mga nagsusuot ng iba’t ibang damit sapagkat
naiihayag nila ang kanilang pagrespeto sarili sa tulong
pagdadamit. Higit sa lahat, may iba’t ibang kultura at
pagkakakilanlan ang mga tao.

Masasabi na ang kultura ay maaaring matutunan ng isang tao


sa pamamagitan ng kung paano nakakaapekto ang kanyang paligid
sa kanya. At naiiba nga rin ang kanilang pag-iisip at damdamin
sa lahat ng aspeto na mayroon sila. Dagdag pa na ito rin ay
napapasa mula sa isang henerasyon patungo sa ibang henerasyon
gamit ang wika. Hindi masasabi na ang kultura ay hindi
magbabago sapagkat sumasabay ito sa daloy ng panahon. Tulad ng
pagpapahulugan nina Panopio, Cordero, at Raymundo (1994,
p.27).

Isa sa malaking dahilan ang hindi pagpapanatili ng materyal


na bagay tulad ng kasuotan ang pagusbong ng teknolohiya na
siyang bumabago sa kulturang gawi ng mga tao. Ayon kina
Pinopio et. al (1984, p.45), technologies refer to techniques
and know how in utilizing raw materials to produced food,
tools, shelter, clothing, means of transportation and weapons.
Makikita sa pahayag na ito na ang teknolohiya ang bumabago sa
APAYAO STATE COLLEGE
SAN ISIDRO SUR, LUNA, APAYAO

lahat kahit mapadali man ang gawain ng mga tao o kahit may
mawala pa sa isang kulturang nakagisnan.

Dahil sa patuloy na pagbabago ng ating pamumuhay hindi


maiiwasan ang pagkainggit sa mga bagay-bagay na ngayon lang
nila maranasan. Ngunit sa paglipas ng panahon hindi na nila
namamalayan na unti unting naglalaho ang mga kultura at maging
ang mga nakagisnang kasuotan ng mamamayan. Bagamat ang
sinaunang tao ay namuhay na tanging saplot nang balat ng hayop
ang nagsisilbing proteksyon at damit sa kanilang katawan.
Ipinapahayag din nito na sa simpleng saplot ay napapakita ang
pagbibigay galang sa sariling katawan. Gayon din ang kulturang
ating nakagisnan na ang kasuotan ng tao noon ay balot na balot
upang itago at maipahayag ang paggalang sa sariling katawan
lalong lalo na sa kababahian.

Sa pagdaan ng panahon at sa paglikha ng iba’t ibang disenyo


ng mga kagamitan at hanggang sa kasalukuyan ang dating mahaba
at konserbatibong pamamaraan ng pananamit ay unti-unting
nawawala.

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang matukoy, masuri


at mailahad ang iba’t ibang natatanging kasuotan at ang
implikasyon nito sa kultura sa bayan ng Tumog, Luna, Apayao.
Ito ay magsisilbing dagdag kaalaman ng mga kabataan sa mga
kasuotan at pananamit upang mas lumawak ang kanilang isipan
hindi lamang sa kasalukuyan kung hindi pati sa nakaraang
nakagisnan. Sa pananaliksik na ito, malalaman, mapapalawak ang
kaalaman at matutugunan ang bawat katanungan ukol sa pagtukoy
at pagsuri ng iba’t ibang kasuotan sa bayan ng Tumog, Luna,
Apayao.

Layunin
APAYAO STATE COLLEGE
SAN ISIDRO SUR, LUNA, APAYAO

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay


naglalayong malaman ang mga nakagisnang kasuotan na mayroon sa
bayan ng Tumog, Luna, Apayao. Ang mga tiyak na gabay na
pahayag sa ibaba ang magsisilbing basehan sa pagkuha ng mga
datos upang matugunan ang kahingian ng pag-aaral.

1. Matukoy ang mga natatanging kasuotan sa Bayan ng Tumog,


Luna, Apayao.

2. Masuri ang mga kahulugan ng mga natatanging kasuotan batay


sa:

2.1 Pinagmulan;

2.2 Kaugnayan sa Kultura

3. Malaman ang pagkakaiba nito ngayon sa hinaharap na maaring


nakaapekto sa kanilang kinagisnan at pagsusuot ngayon ng
iba’t-ibang damit sa lipunan.

4. Maipabatid ang kahalagahan ng mga nakagisnang kasuotan.

5. Mailahad ang implikasyon ng pag-aaral na ito sa kultura ng


Bayan ng Tumog, Luna, Apayao batay sa natatangi nilang
kasuotan.

Saklaw at Delimitasyon

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang pagsusuri ng mga


kaalaman ukol sa pananamit kasuotan noon ng mga matatanda,
babae man o lalaki na edad animnapu (60 years old) pataas sa
bayan ng Tumog, Luna, Apayao. Saklaw rin ng pag-aaral na ito
ang iba’t-ibang opinyon ng mga respondante o kalahok at ang
pagkakaiba nito ngayon sa hinaharap na maaring nakaapekto sa
kanilang kinagisnan at pagsusuot ngayon ng iba’t-ibang damit
sa lipunan.
APAYAO STATE COLLEGE
SAN ISIDRO SUR, LUNA, APAYAO

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makakuha ng


respondent mula sa bayan ng Tumog, Luna, Apayao. Nais makabuo
ng mga mananaliksik ng tatlumpo o 30 na respondante na
magiging tulay upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito.

You might also like