You are on page 1of 24

KULTURANG PILIPINO SA MAKABAGONG HENIRASYON SA

SAN JOSE DE BUAN NATIOANAL HIGH SCHOOL

2021-2022

ISANG PANANALIKSIK NA INIHARAP KAY

GNG. CHEIRY ANN L. GATUNGAY

SA ASIGNATURANG KUMONIKASYON AT PANANALIKSIK 11

MANANALIKSIK:

RUSELL E. MORENO- COOKERY/DEMETER

JUDITH C. OBLINO-COOKERY/DEMETER

DANIELA MARIE D. PAREJA– COOKERY/DEMETER

SAIRA JANE O. GATUNGAY– COOKERY/DEMETER

REMALYN GABUAY – COOKERY/DEMETER

CARYL N. PRUDENCIADO–CAREGIVING/APHRODITE

NICLYN R. NEBRIL– CAREGIVING/APHRODITE

MELANIE C. DACLES- CAREGIVING/APHRODITE


PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ng Paksang “Kulturang Pilipino sa Makabagong


Henirasyon” ay taos pusong ipinaabot ang aming pasasalamat sa mga taong
tumulong, nagkontribusyon at nagbigay-suporta sa reyalisasyon ng
pamanahong papel na ito.
 Sa aming mga magulang, na buong unawa kaming tinulungan at
sinuportahan sa aming mga pangangailangan.
 Kay Bb. Cheiry Ann L. Gatungay, ang aming matyagang Guro na
sumuporta at nagtitiyagang magturo sa amin upang lubusan naming
maintindihan an aming asignatura.
 Sa aming Respondantes na nagbigay sa amin ng impormasyon na
aming kinakailangan sa pananaliksik na ito.
 At higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa aming mga
dalangin, sa mga pagpapala at sa pagbibigay sa amin ng kalakasan.

ii
DEDIKASYON
Buong puso at pagmamahal na inihahandog ng mga
tagapagsaliksik ang pag-aaral na ito sa mga taong tumulong,
gumabay at nagging bahagi’t inspirasyon upang matagumapay
na maisagawa ang pananaliksik na ito.

Sa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng katatagan, lakas,


patnuibay,at walang hanggang biyaya upang maayos na
maisakatuparan ang pag-aaral ito.

Sa mga magulang ng bawat miyembro na kabilang sa pangkat na


ito na walang sawang umuunwa at sumusuporta;

Sa aming Guro sa pagbasa at pagsulat tungo sa Pananaliksik,


Bb. Cheiry Ann L. Gatungay na siyang nagging gabay at isa sa
mga daan upang ito’y maging posible.

At sa lahat ng kabilang sa pangkat na ito na mnagbuhos at


namuhunan ng oras at pagod upang ang pagsusuring ito ay
maisaganap nang matagumpay.

iii
TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat -------------------------------------------------------------------------------- i
Pasasalamat ---------------------------------------------------------------------------- ii
Dedikasyon ---------------------------------------------------------------------------- iii
Talaan ng Nilalaman ------------------------------------------------------------------ iv
KABANATA I
Panimula ------------------------------------------------------------------------------- 1-2
Layunin ng Pag aaral ----------------------------------------------------------------- 2-3
Kahalagahan ng Pag aaral ------------------------------------------------------------ 3
Saklaw at Limitasyon ng Pag aaral ------------------------------------------------- 3
KABANATA II
Panitikang Pagsusuri ------------------------------------------------------------------ 4-7
KABANATA III
Panitikang Pamamaraan -------------------------------------------------------------- 8
Disenyo ng Pag aaral
Lugar ng Pag aaral
Pamamaraan ng Pagpili ng Respondante
Treatment ng mga datos ----------------------------------------------------- 9
KABANATA IV
Paglalahad, Pagsusuri, at Interpretasyon ng mga Datos ------------------------- 10-14
KABANATA V
Pagbubuod ----------------------------------------------------------------------------- 15
Natuklasan ----------------------------------------------------------------------------- 15
Konklusyon --------------------------------------------------------------------------- 15
Rekomendasyon ----------------------------------------------------------------------- 15-16
SANGGUNIAN ----------------------------------------------------------------------- 17
Dokumentaryo ------------------------------------------------------------------------- 18
Palatanungan --------------------------------------------------------------------------- 19-20
KABANATA I
PANIMULA

Kulturang Pilipino ay tumutukoy sa kaugaliang pagsasanay at naka-


ugaliang mga Gawain ng mamamayang Pilipino na nakatira sa Pilipinas.
Karakter, nakasanayang at iba pang katangian ng mga Pilipino.
Napakahalaga ng Kulturang Pilipino sa mga mamamayang Pilipino at sa
Pilipinas bilang pangkalahatan. Napapakita ang palatandaan ng pagka-
Pilipino dahil sa mga kulturang taglay nito.
Mababakas ang mayamang kasaysayan ng Pilipinas sa nakaraan, at hindi
lang ito makikita sa mga sikat na Museo sa bansa dahil kung iyong
pagmamasdan at susuriing mabuti, kulturang Pilipino ang sumasalamin at
nakadadagdag ng ganda sa bansang Pilipinas.
Ang Kultura ay ang pasalin-salin ng tradisyon ng isang tao o komunidad. Ito
ay pinaghalong tradisyon ng mga bansang sumakop at mga katutubo.
Ang Kultura ng Pilipinas ay pinaghaong impluwensiya ng mga katutubong
tradisyon at kultura ng mga unang mangangalakalat mga mananakop nito
noon.
Ilan sa ating kulturang mga nakasanayan ay ang:
Bayanihan- Pagtutulungan ng mga mamamayan sa bayan o barangay.
Pagmamano- Paggalang sa matatanda.
Panghaharana- Pag gamit ng instrument upang manligaw.
Pamamanhikan- Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng babae sa
magulang
Pananampalataya sa Diyos- Isang magandang ka-ugalian ng mga Pilipino
ang pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos, Siya ang tagapagligtas at ang
ating Panginoon.
Sa kabilang banda, habang lumilipas ang panahon, tila unti-unti na ring
nagbabago ang kulturang kinagisnan ng mga manilenyo lalo nanoong
dumating sa kamalayan ng mga tao ang tungkol sa teknolohiya at sa mga
tulong na maari nitong ibigay sa lahat ng mga tumatangkilik dito. Ang
makabagong teknolohiya ay naghatid ng mga pagbabago sa buhay ng mga
Pilipino, lalong-lalo na sa mga manilenyo at iba pang mga indibidwal na

1
naninirahan sa mga urban na bahagi ng Pilipinas. Maraming larangan ng
Kultura ang nahandugan ng pagbabago simula ng dumating ang
teknolohiya at maraming kalakip na epekto ang mga nangyaring pagbabago
hindi lamang sa buhay ng mga manilenyo kung hindi pati na rin sa
kinagisnang kultura at mga kasanayan.
Kahit hindi man hangarin ang pagbabago, ito ay tiyak na mangyayari at
mararanasan pa rin ng mga tao at ang bawat pagbabago na magaganap ay
may kalakip na epekto ang pagkakaroon ng teknolohiya ay isang malaking
pagbabago na naganap, hindi lamang sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa
buong mundo at ang pagbabagong ito ay nagdulot ng mga epekto sa
pamumuhay ng tao pati na rin sa mga kulturang kinagisnan lalong-lalo na
ng mga Manilenyo dahil isa ang Maynila sa naging sentro ng Kolonisasyon
ng mga dayuhan noon at sa panahon naman ngayon ay sentro na rin ang
Lungsod na ito ng Teknolohiya.

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pa-aaral na ito ay ginawa upang maipakita ang pananaw ng mga mag-
aaral ng San Jose De Buan Senior High School sa patuloy na pag-unlad ng
wika sa panahon. At silay tinanong ng mga sumusunod na katanungan:
1. Sang-ayon kaba na umunlad ang sariling kultura?
2. Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga Salik na
nakakaapekto sa pag unlad ng ating kultura?
3. Mahalaga ba ang pag-unlad ng kultura?
4. Mahalaga ba ang kulturang Filipino sa kasalukuyan?
5. Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sa
pag-unlad kultura?
6. Nakakaapekto ba ang pag-unlad ng sariling kultura sa
kasalukuyan?
7. Nakaka-impluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa pag-
unlad ng ating kultura?
8. Dapat na bang kalimutan ang lumang kultura na ating minana
mula sa ating mga ninuno?

2
9. Bilang mag-aaral, may maitutulong kaba sa pag-unlad ng kultura?
10. Naging epektibo ba ang pag-unlad ng kultura sa ating
pamumuhay?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang kultura ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao
sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pag babalik pananaw
ng bawat mamamayan. Ito ay talang napakahalaga dahil kung wala ito ang
ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa
o nagkakaintindihan. Kaya ang pag-aaral na ito ay magiging
kapakipakinabang sa mga sumusunod:
1. Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila
upang kanilang malaman kung paano umu-unlad ang kultura at mga
tamang paraan o paggawa na kanilang kailangang gawin na
makakatulong din sa pagtatagumpay ng kanilang pag-aaral.
2. Sa mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng
kaalaman ukol kahalagahan ng kultura at kung paano ito
makakatulong sa pag-unlad ng bayan.
3. Sa mga sususnod pang Henirasyon. Ang pag-aaral na ito ay maarai
nilang balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya tungkol sa
kultura sa sinaunang panahon at kung paano ito nagbago.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL


Ang layunin ng pag-aaral ay upang malaman ang pagbabago ng kultura
noong sinauna hanggang ngayon at sa susunod pang henirasyon. Sa mga
tuntunin ng paggamit ng kultura at pag-unlad nito ay may limitasyon na
dapat na isaalang-alang ang dahilan nito ay upang mapanatili ang
kaayusan ng pag-aaral ukol dito.

3
KABANATA II

PANITIKANG PAGSUSURI

Ang kulturang Pilipino o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong


impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang
mangangakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa
Pilipinas, sa pamamahala ng Espanya, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay
may malaking kontribusyon sa Kultura sa Pilipinas. Ang wikang Pilipino, na
mas kadalasan kilala bilang tagalog, ay maraming hiniram na salita galin
Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga Tradisyon ay
magkahalong Kristiyano, pagano, at iba local na seremonya. Bilang
halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagwa ng
malalaking Pista, nagpapalala sa mga santong Patron ng mga Bayan,
Branggay, o ng mga destrito. Ang mga Pista ay kadalasang patimpalak sa
katutubong pagsayaw,at sa ibang lugar ay may roong pangsabungan. Ang
mga ganitong tgradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga
Kastila. Sa katimogang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam
ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian. Kasalukuyan
logo ng Patalaan ng mga ari-arian ng kultura ng Pilipinas bago paman
dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangngalakal galling India,
Malaysia, Indonisia, Tsina, at hapon ay may malaking kontribusyon din sa
Kultura ng Pilipinas. Hinduismo at Budismo ay may impluwensya sa mga
katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at
ang mga mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika
sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting
halimbawa ang Karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng
mga Pilipino. Marami sa mga Pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad
ng Pansit,Siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Tsino. Ang
ibig sabihin ng Kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao
nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining,Sistema ng edukasyon,
musika at pamahalaan. Wikepedia

4
Ayon sa Philippine news 2016, Ang wika ay bahagi ng ating kultura at hindi
ito pwedeng paghiwalayin. Napakahalaga ng wika sa pang araw-araw na
aspekto ng ating pamumuhay. Sa pamamagitan nito ay napapahayag nating
an gating mga saloobin at naiisip. Nagkakaintidihan at nagkakaunawaan
ang bawat isa sapamamagitan ng paggamit ng wika.

Dagdag pa dito ang Kultura sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba
ang kahalagahan ng kultura modern nating panahon at ang halimbawa
nito. Ating tandaan na ang kultura natin ay naka-angat sa ating tradisyon.
Ito ay nagbibigay sa atin ng kasarinlan at nagbibigay sa atin ng isang
ideolohiya ng komunidad. Ang Kultura ay matatawag natin bilang
kayamanang makikita lamang sa isang pangkat o grupo ng tao. Ito’y dahil
ang kultura ng isang lugar ay kadalasang natatangi lamang sa lugar na
iyon. Kaya naman, masasabi natin na ang kultura ay sumasalamin sa
grupo ng mga taong naninirahan sa isang lugar. Bukod dito, ang kultura ay
nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, selebrasyon, kagamitan, at kasabihan
nagagamit mula pa noon hanggang ngayon. Ating masasabi na ang kultura
ay mahalaga parin sa modernong panahon dahil ito ay ating bintana sa
nakaraan. Totoo nga na dahil sa modernisasyon, dahan-dahang nawawala
sa atin ang mga bagay at kaugalian na nagbigay sa atin ng kasarinlan. Kaya
naman, mahalaga ang kultura dahil ito ay nagiging daan para ating itanghal
ang mga tradisyon ng nakaraan. Mula noon hanggang ngayon, ang mga
aral, kaugalian, at tradisyon na kasama sa ating kultura ay patuloy parin
na nagbibigay sa atin ng gabay. Dahil dito, dapat itong bigyang halaga.

Ang wika ay bahagi ng ating kultura at hindi ito pwedeng paghiwalayin.


Napakahalaga ng wika sa pang araw-araw na aspekto ng ating pamumuhay.
Sa pamamagitan nito ay napapahayag nating ang ating mga saloobin at
naiisip. Nagkakaintidihan at nagkakaunawaan ang bawat isa
sapamamagitan ng paggamit ng wika.

Ayun kay Narsus (2017) na ang kultura ay ang pagsalin-salin na kaugalian,


tradisyon, paniniwala, selebrasyon, kagamitan, kasabihan, awit, sining at
pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Kultura nagsisilbing

5
pagkakakilanlan ng isang lugar. Nabuo ito upang matugunan ang mga
pangangailangan ng mga tao sa pamayanan.

Batay naman kay Bb. Cole (2017), Ang kultura ay isang termino na
tumutukoy sa isang Malaki at magkakaibang hanay ng mga karaniwang
hindi medaling unawain na aspeto ng buhay panlipunan. Ito ay unang
binubuo ng mga halaga, mga paniniwala, mga Sistema ng wika at
komunikasyon, at maaring magamit upang tukuyin ang mga ito bilang
isang koliktibo, gayundin ang materyal na mga bagay na pangkaraniwan sa
pangkat o lipunan. Kultura ay naiiba mula sa panlipunan instruktural at
pang-ekonomiyang mga aspeto ng lipunan, ngunit ito ay konektado sa mga
ito-parihong patuloy na nagpapaalam sa kanila at ipinaalam sa
pamamagitan ng mga ito. Ang kultura ay isa sa mga pinakamahalagang
konsepto sa loob ng sosyolohiya dahil ikinikilala ng mga sosyolohiya na ito
ay may mahalagang papel sa paghubog ng mga relasyon sa lipunan,
pagpapanatili at paghamon ng kaayusang panlipuan, pagtukoy kung paano
natin nalalaman ang mundo at ang ating lugar dito, at sa paghubog n gating
pang-araw-araw na pagkilos at mga karanasan sa lipuan.

Mungkahi ni Bb. Patangan (2019), na Ang Kulturang Pilipino ay isang


kakaibang kulturang namamayani sa Timog-Silangan Asya mula pa noong
unang panahon. Mas hinubog at pinayaman pa ng panahon, ang ating
kultura ay talaga namang kahanga-hanga. Nguinit ano nga ba ang
kahulugan ng kultura? Ang Kultura ay ang kalinangan ng kabuuang
kaisipan, kaugalian o tradisyon ng isang bayan ito ay paraan ng buhay. Ang
kultura ng isang bansa ay binubuo ng kaniyang mga katutubo at katangi-
tanging kaugalian, paniniwala at batas. Sa kulturang nakikilala ang isang
bansa at ang kaniyang mga mamamayan. Ang kultura ay mabisang
kasangkapan sa pambansang pagkakaisa dahil ditto naipapahayag angb
tunay na diwa ng pakikipagkapwa. Ang ating mabubuting gawi, kaugalianat
kinamihasang Pilipino ay nailalarawan ng ating, mga kaalamang-bayan
gaya ng mga alamat, kwentong-bayan, pabula at epeko. Kahit ang mga ito
ay makaluma, maari itong pagbatayan ng mga kabutihang –asal na dapat
ipamana sa mga sumusunod na henirasyon. Kng kaya’t nararapat nating

6
panatilihing buhay ang ating mga kultura sapagkat dito nasasalin ang ating
pagkakakilanlan, kaisahan, kamalayan at kinabukasan.

Ang Kultura ay ang tawag sa kaalaman at katangian ng isang partikular na


pangkat ng mga indibiwal. Kabilang sa Kultura ang wikang sinasalita ng
isang pangkat, pagkaing pagkilala o pinakatampok, relihiyon o ang
paniniwalang pananampalataya, gawi o mga tradisyong kinalakhan, sining o
mga likha, at ang musika o tugtugin sa isang grupo. Sinasabing ang kultura
ay mahalaga sapgkat ito ay nagiging tulay upang ipakita ang
pagkamalikhain ng bawat indibidwal, ito rin ang isang dahilan kung bakit
ang isang dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay kilala o natatangi sa
bawat isa. Ang ibat-ibang Kulturang mayroon ang bansa ay malimit
mamamasdan sa mga museo gayundin sa ibat-ibang uri ng pagtatanghal.
(Panitikan 2021)
7
KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Nakapaloob sa kabanatang ito ang desinyo ng pag-aaral, lugar ng pag-aaral,


pamaraan sa pagpili ng respondante, instrumenting ginamit, pamaraan ng
paglikom ng mga datos at istatistikang ginamit.

A. DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa kwalitatibong desinyo sa
pamamaraang survey. Aming tinangkang ilarawan at suriin at
isaliksik ang kaalaman ng mga mag-aaral sa senior high school ng
San Jose De Buan, Samar tungkol sa aming paksa.

B. REPONDANTE
Ang aming napiling respondante ay ang mga kabataan “senior high
school student’’ na nag-aaral sa San Jose De Buan National High
School Sila ang aming napili kasi gusto naming na malaman ang
kanilang kaalaman tungkol sa aming paksa. Ang bilang ng
respondante ay dalawampu [20].

C. MGA INSTRUMENTONG PANANALIKSIK

Ang survey kwesyuner ay ginagamit upang maipakita ang mga datos


na kinakailangan sa pag-aaral ang mga katanungan ay pinasagot sa
mga mag-aaral ng senior high school na nag aaral sa San Jose De Buan
National High School. Para aming lalong malaman at masukat ang
kaalaman ng aming kapwa mag aaral sa San Jose De Buan National
High School sa paraan ng paghahanap at pagsasagot sa aming
ginawang survey kwesyon.

LUGAR NG PAG-AARAL - Isinagawa ang pag-aaral na ito sa


bayan/munisipalidad ng San Jose de Buan, Samar.
TREATMENT NG MGA DATOS
8
Ang pagtally ang kinakailangang gawin ng mga mananaliksik upang
maibuod ang mga datos ng pag aaral
KABANATA IV
9
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap mula sa mga


mag-aaral ng Senior High School na nag-aaral sa San Jose De Buan, Samar
tungkol sa Kulturang Pilipino sa Makabagong Henirasyon.

KATANUNGAN 1: Sang-ayon ka ba na umunlad ang sariling kultura?

Sagot Prikwesyon bahagdan

Oo: 18

Hindi: 2

Medyo: 0

Kabuuan: 20 (100%)

Makikita sa unang katanungan na labing walo (18) na respondante ang


sumang ayon o sumasang ayon pa na umunlad ang sariling kultura, subalit
dalawa (2) naman ang hindi.

KATANUNGAN 2: Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga salik na


nakakaapekto sa pag-unlad ng ating kultura?

Sagot prikwesyon bahagdan

Oo: 17

Hindi: 3

Medyo: O

Kabuuan: 20

Makikita sa pangalawang katanungan na labing pitong (17) respondante


ang nag sasabing ang mga makabagong teknoloohiya ay isang salik at

10
nakaka apekto sa pag unlad ng kultura, subalit tatlo (3) sa mga
respondante naman ang hindi.

KATANUNGAN 3: Mahalaga ba ang pag-unlad ng kultura?

Sagot prikwesyon bahagdan

Oo: 19

Hindi: 1

Medyo: 0

Kabuuan: 20

Makikita sa pangatlong katanungan, labing siyam (19) na respondante ang


nagsasabing mahalaga ang pag unlad ng kultura ngunit isa (1) ang
nagsasabing hindi.

KATANUNGAN 4: Mahalaga pa ba ang kulturang Filipino sa


Kasalukuyan?

Sagot prikwesyon bahagdan

Oo: 18

Hindi: 2

Medyo: 0

Kabuuan: 20

Makikita sa ika-apat na katanungan, labing walo (18) sa respondante ang


nag sasabing nananatiling mahalaga pa sa kanila ang kulturang Filipino sa
kasalukuyan, ngunit ang bilang naman ng mga respondante na nag
sasabing hindi ay dalawa (2).
KATANUNGAN 5: Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging
dahilan sa pag-unlad ng kultura?

Sagot prikwesyon bahagdan


11
Oo: 17

Hindi: 3

Medyo: 0

Kabuuan: 20

Makikita sa ika-limang katanungan na labing pito (17) sa mga respondante


ang nag sasabing nagiging dahilan ang paglipas ng panahon sa pag unlad
ng kultura ngunit tatlo (3) ang hindi.

KATANUNGAN 6: Nakaaapekto ba ang pag-unlad ng sariling kultura sa


kasalukuyan?

Oo: 17

Hindi: 3

Medyo: 0

Kabuuan: 20

Ipinakikita sa ikapitong katanungan na labing pito (17) sa mga respondante


ang nag sasabing nakaka apekto ang sariling kultura sa kasalukuyan
ngunit tatlo (3) naman ang hindi.

KATANUNGAN 7: Nakaimpluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa


pag-unlad ng ating kultura?

Sagot prikwesyon bahagdan

Oo: 18

Hindi: 2

Medyo: 0
Kabuuan: 20

Ipinikikita sa ika-pitong katanungan na labing walo (18) sa mga


respondante ang nag sasabing nakaimpluwesnya ang pananakop ng ibang
bansa sa pag unlad ng sariling kultura
12 ngunit dalawa (2) naman ang hindi.

KATANUNGAN 8: Dapat na bang kalimutanan ang mga lumang kultura


na ating minana mula sa ating mga ninuno?

Sagot prikwensya bahagdan

Oo: 5

Hindi: 15

Medyo: 0

Kabuuan: 20

Ipinakikita sa ika-walong katanungan na lima (5) na respondante ang


nagsasabing dapat nang kalimutan ang mga lumang kultura na minana
natin sa ating mga ninuo, ngunit labing lima (5) naman ang dapat hindi
kalimutan.

KATANUNGAN 9: Bilang mag-aaral, may maitutulong kaba sa pag-unlad


ng kultura?

Sagot priksensya bahagdan

Oo: 17

Hindi: 3

Medyo: 0

Kabuuan: 20
Ipinakikita sa ika-siyam na katanungan na labing pito (17) sa mga
respondante ang nagsasabing bilang mag aaral sila’y makakatulong sa pag
unlad ng kultura ngunit tatlo (3) naman ang hindi.

KATANUNGAN 10: Naging epektibo ba ang pag-unlad ng kultura sa ating


13
pamumuhay?

Sagot prikwesnya bahagdan

Oo: 14

Hindi: 4

Medyo: 2

Kabuuan: 20

Ipinakikita ng ika-sampung katanungan na labing apat(14) sa mga


respondante ang nag sasabing naging epiktibo ang ating pamumuhay sap
ag unlad ng kultura ngunit apat (4) ang nagsasabing hindi, dalawa (2)
naman ang nagsasabing medyo.

.
KABANATA V
14
LAGOM, KONKLUSTYON AT REKOMENDASYON

I.LAGOM

Ang paglalathala ng pag-aaral tungkol sa Kulturang Pilipino, sa


makabagong Henirasyon. Dalawangpung respondete ang sumasagot sa mga
katanongan na aming pinamigay. At ang resulta ay ang mga sumusunod:

1. Karamihan sa mga 20 na respondent 17 ay naniniwala na


teknolohiya ang pinaka-unang factor sa pagbabago ng kultura.
At para sa mga respondante ang ekonomiya ay isa sa mga
epektibong daan sa pag-unlad o pagbabago ng kulturang
Pilipino/sariling kultura.
2. Mas malinaw mula sa ating mga ninuo at itinuturing yaman
ang sariling kultura ang pangunahing dahilan kung bakit
kailangan umunlad ang kulturang Pilipino.

II. KONKLUSYON

Ayun sa lagom ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay nakita.

1. Mas malinaw mula sa ating mga ninuo at itinuturing yaman ang


sariling kultura ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan
umunlad ang kulturang Pilipino.
2. Mas maapektuhan ang ekonomiya sa pag unlad sa ating kultura.
3. Karamihan sa mga 20 respondente ay naniniwala na teknolohiya ang
pika unang factor sa pagbabago ng kultura, sa pag-unlad ng panahon
kasabay din ng pag-unlad ng kulturang Pilipino.

II. REKOMENDASYON
Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos nabuo ng
mananaliksik ang mga rekomendasyong ito.
1. Sa patuloy na paggamit ng ating sariling kultura mas lalong
magiging matatag ang pagkakaisa sa mga gawain at makikita ang
ating pagkakakilanlan. 15
2. Maaring paunlarin ang kultura ngunit dapat iwasan ang gumawa o
gawin ang mga di maayos na mga kulturang mula sa ating mga
ninuo upang mas maging pormal ito.
3. Kahit nasaan pa man tayo dapat nating mahalin at ipagmalaki ang
ating sariling kultura, dahil bukod sa ito na ang ating kinagisnan,
ito din ang magiging daan para sa ating tagumpay sa hinaharap.
16
Sanggunian

Tl.m.wikepedia.org2020

Panitikan.com.ph

https://www.zenrooms.com/blog/post/kulturang-pilipino/

https://www.academia.edu/38352622/
DAZO_Ang_Epekto_ng_Makabagong_Teknolohiya_sa_kulturang_kinagisnan_
ng_mga_Manilenyo.

https://rosaiv523173371.Worldpress.com/2020/11/09/kalagayang-
pangwika-sa-kulturang-pilipino-kasalukuyang-henirasyon-at-teknolohiya/

https://philnews.ph/2021/01/22/kahalagahan-ng-kultura-sa-
kasalukuyang-panahon-halimbawa/

https://cuppdf.com/document/ano-ang-kultura.htm/

https://tl.eferrit,com/an0-ang-kultura-eksakto/
Dokumentaryo

17

18

PALATANUNGAN

Pangalan: Baitang at Pangkat: Petsa:

Panuto: Lagyan nga tsek (√ ) ang iyong napiling sagot.


1. Sang-ayon kaba na umunlad ang sariling kultura?
OO:
HINDI:
2. Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga Salik na
nakakaapekto sa pag unlad ng ating kultura?
OO:
HINDI:
3. Mahalaga ba ang pag-unlad ng kultura?
OO:
HINDI:
4. Mahalaga ba ang kulturang Filipino sa kasalukuyan?
OO:
HINDI:
5. Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sa
pag-unlad kultura?
OO:
HINDI:
6. Nakakaapekto ba ang pag-unlad ng sariling kultura sa
kasalukuyan?
OO:
HINDI:
7. Nakaka-impluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa pag-
unlad ng ating kultura?
OO:
HINDI:
8. Dapat na bang kalimutan ang lumang kultura na ating minana
mula sa ating mga ninuno?
OO:
HINDI: 19
9. Bilang mag-aaral, may maitutulong kaba sa pag-unlad ng kultura?
OO:
HINDI:
10. Naging epektibo ba ang pag-unlad ng kultura sa ating
pamumuhay?
OO:
HIINDI:
20

You might also like