You are on page 1of 15

Melchor Memorial School, Inc.

Laguinbanwa, Ibajay, Aklan

PERFORMANCE TASK
SA
PAGBASA AT PAGSUSURI NG
IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Ipinasa ng:
Ikalimang Pangkat sa 11 – Amethyst

Ipinasa kay:
Bb. Katrina R. Hortilano
Guro
ANG KALAGAYAN NG WIKA AT KULTURA NG PILIPINAS SA MAKABAGONG PANAHON

INIHARAP NINA:
SALUNA, JANA LESLEI C.
DOMINGO, SHEENA F.
GARZON, JHON PRIX

INIHARAP KAY:
BB. KATRINA R. HORTILANO

MAYO 2021
MELCHOR MEMORIAL SCHOOL, INC.
INTRODUKSIYON
Sa mga nagdaang taon, maraming pagbabago ang dumating at
nangyari. Ilan sa mga ito ay ang pag-usbong ng teknolohiya na
kaakibat na rin ang pag usbong ng internet, social media, e-commerce,
online games at iba pa. Ang mga pagbabagong ito ay walang pag-
dadalawang isip na tinangkilik at minahal ng mga mamamayang Pilipino.
Isa sa mga rason ay dahil ang mga pagbabagong ito ay isa sa mga
nagbukas ng mga pintuan na akala ng mga tao noon na imposibleng
mabuksan. Ayon pa kay Minggu (2020), ang teknolohiya ay isa sa mga
nagbigay daan sa iba’t ibang posibilidad na hindi kayang makamit noon.
Isa pang dahilan ay dahil ang mga pagbabagong ito ay isa rin sa
nagpapadali sa pamumuhay ng tao, halimbawa na lamang nito ay ang
trabaho, komunikasyon, transportasyon, at iba pa. Ang mga pagbabagong
ito ay higit na nakatutulong na mapagaan ang pamumuhay ng mga tao ayon
pa kay Gelosams, taong 2016. Kaya naman itinuring lamang na makabago
at moderno ang panahon ngayon dahil halos lahat ng mga tao ay nasakop
na ng modernisasyon at mga pagbabagong ito. Kaakibat rin ng mga
pagbabagong ito ay ang pagbabago sa wika at kultura ng bansa.
Ayon sa pagpapakahulugan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF),
“ang wikang Filipino ay katutubong wika na ginagamit sa buong
Pilipinas bilang wika ng komuniskasyon ng mga etnikong grupo”. Ang
Filipino ang itinuturing na lingua franca sa Pilipinas sapagkat
napatunayan ito ng isang pag-aaral na isinagawa ng Unibersidad ng
Ateneo sa Maynila noong 1989 na nagpapakita na sa Pilipinas, 92
porsyento ang nakauunawa ng Filipino (Dayag & Del Rosario, 2019). Ayon
naman kay Ki (Pebrero 2020), ang kultura sa Pilipinas ay pinaghalong
tradisyon, paniniwala, at pamumuhay ng mga dayuhang sumakop sa
Pilipinas at ng mga katutubong Pilipino. Ilan na lamang sa mga ito ay
ang pagmamano, ang pagsuot ng barong at saya, ang mga katutubong tribo
sa mga kabundukan, kapistahan, at iba pa.
Dahil sa yumayabong na mass media at teknolohoya, nauso ang mga
estilong pangwika o mga estilong pangkumonikasyon na tinatawag na
‘jejemon’, ‘bekimon’, ‘balbal’, at iba pa (CSL, 2016). Dumarami rin
ang mga kabataang nahuhumaling sa Korean Pop o mas kilala sa tawag na
K-Pop. Dahil rito, sila rin ay nagka-interes sa kultura at wika ng
Timog Korea at paminsan-minsan ay ginagaya rin nila ang pananamit ng
mga koreano at koreana na kanilang iniidolo (CSL, 2016).
Ang mga kabataan ang higit na naimpluwensiyahan ng mga
pagbabagong ito dahil bago pa man sila ipinanganak at lumaki ng
lubusan ay nariyan at umusbong na ang teknolohiya at iba pang mga
pagbabago. Sa panahon kung saan kakaunti na lamang ang nagpapahalaga
sa wika at kultura ng bansa, at sa panahon na kakaunti na lamang ang
mga kabataan na katulad ni Dr. Jose Rizal na may angking katangian ng
pagiging makabayan, may pag-asa pa ba ang ating bayan?
Ang pananaliksik o ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa
kalagayan ng wika at kultura ng Pilipinas sa makabagong panahon dahil
nais alamin ng mga mananaliksik kung ano ang opinyon ng mga kabataan
sa kalagayan ngayon ng wika at kultura ng bansa at ang malaman kung
nasa anong lebel ang pagpapahalaga ng mga kabataang ito sa wika at
kultura ng Pilipinas.
Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay may layunin na malaman ang opinyon ng


mga kabataang Pilipino ukol sa kalagayan ng wikang Filipino at
kultura ng Pilipinas sa makabagong panahon.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon rin na:


1. Malaman kung sang-ayon ba ang mga kabataang Pilipino sa mga
pagbabago na nakamit ng wika at kultura ng Pilipinas sa
makabagong panahon, at;
2. Malaman kung maganda at mabuti ba ang mga naidudulot ng mga
pagbabago sa wika at kultura ng Pilipinas.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang papel pampananaliksik na ito ay tiyak na makatutulong sa mga
sumusunod:
Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas: Higit na makatutulong ang
pananaliksik na ito sa Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas para mas
magkaroon sila ng kamalayan sa kasalukuyang sitwasyon ng wika at
kultura sa Pilipinas para mas matutukan nila ang pagpapalawig nito sa
mga kabataang Pilipino.
Komisyon ng Wikang Filipino (KKF): Higit na makatutulong ang
pananaliksik na ito sa Komisyon ng Wikang Filipino upang mas palawakin
pa nila ang pagpalaganap at paggamit ng wikang Filipino sa mga
mamamayang Pilipino, lalong-lalo na ang mga kabataan.
Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining: Higit na
makatutulong ang pananaliksik na ito sa Pambansang Komisyon para sa
Kultura at mga Sining ng Pilipinas upang mas mapagtuonan nila ng
pansin ang kultura ng bansa na unti-unti nang tinatakpan ng ibang
kultura at unti-unti na ring kinakalimutan ng mga Pilipino, lalong-
lalo na ng mga kabataan.
Kabataang Pilipino: Higit na makatutulong ang pananaliksik na ito sa
mga kabataang Pilipino upang sila ay magkaroon ng kamalayan at
pagpapahalaga sa wikang Filipino at kultura ng bansa.
Sa mga magiging Mananaliksik: Higit na makatutulong ang pananaliksik
na ito para magbigay ng sapat kaalaman sa mga magiging mananaliksik sa
hinaharap.
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral ay isinagawa noong unang linggo ng Abril 2021 at
nagtapos sa kahuli-hulihang linggo ng Abril sa parehong taon. Nakatuon
lamang ang pag-aaral na ito sa mga kabataan sa probinsiya ng Aklan sa
pag alam kung ano ang kanilang opinyon sa kalagayan ng wika at kultura
ng Pilipinas sa makabagong panahon. Nalilimitahan ang pag-aaral na ito
sapagkat ang sitwasyon ng mga mananaliksik at mga kalahok sa
pagsisiyasat ay mahirap at delikado dahil sa pandemya.

KATAWAN
Ang katawang bahagi ng pag-aaral na ito ay naglalaman ng mga
metodolohiyang ginamit sa pananaliksik, at ang mga nakalap na datos ng
mga mananaliksik mula sa kanilang isinigawang pagsisiyasat.
1.1 METODO NG PANANALIKSIK
Ang parteng ito ay naglalaman ng disenyo at pamamaraan ng
pananaliksik, lokal at populasyon ng pananaliksik, at kasangkapan at
paraan na ginamit sa paglikom, at pagsuri ng datos.
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng isang palarawang
pananaliksik. Nagsagawa ng pagsisiyasat o sarbey ang mga mananaliksik
upang makakalap ng mga impormasyon at datos na makatutulong sa kanila
na malaman kung ano ang opinyon ng mga kabataang Pilipino sa sitwasyon
o kalagayan ng wika at kultura ng Pilipinas sa makabagong panahon. Ang
pagsisiyasat ay higit na nakatulong sa mga mananaliksik upang sila ay
makakalap ng mga tapat at maaasahan na mga datos mula sa mga kalahok
ng pagsisiyasat.
Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
Ang pananaliksik ay isinagawa sa loob ng probinsiya ng Aklan. Ang
Aklan ay mayroong 17 na munisipalidad at may populasyon na 574, 823 at
ang bilang ng mga kalahok na lumahok sa pagsisiyasat ay 30 kabataan na
may edad 13 hanggang 20 taong gulang.
Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng talatanungan bilang
kasangkapan sa paglikom ng datos. Ang mga tanong sa talatanungan ay
may wastong kaayusan at tiniyak na may kaangkupan ang mga ito para
matupad ang layunin ng pag-aaral.
Ang talatanungang ito ay nahahati sa tatlong bahagi, ang unang
bahagi ay ang talatanungan para sa personal na impormasyon o ang
pagkakakilanlan ng mga kalahok, at ang kasunod na dalawang bahagi ng
talatatungan ay ang sarbey na bahagi.
Ang propayl ang unang bahagi ng talatanungan kung saan naglalaman ng
mga batayan o personal na impormasyon at pagkakakilanlan ng mga
kalahok. Sa bahaging ito itinatanong ang pangalan (maaring ospyunal),
edad, at munisipalidad na kinaroroonan ng kalahok.
Ang pangalawang bahagi ng talatanungan ay naglalaman ng mga tanong
na dinesenyo upang malaman kung ano ang opinyon ng mga kabataang
Pilipino sa kasalukuyang kalagayan ng wikang Filipino sa makabagong
panahon. Ito ay naglalaman ng mga nabuong katanungan at mga kasagutan
na inilahad sa pamamagitan ng checkboxes na maaring pagpilian ng mga
kalahok.
Ang pangatlon at huling bahagi ng talatanungan ay naglalaman ng
mga tanong na dinesenyo upang malaman kung ano ang opinyon ng mga
kabataang Pilipino sa kasalukuyang kalagayan ng kultura ng Pilipinas
sa makabagong panahon. Ito ay naglalaman ng mga nabuong katanungan at
mga kasagutan na inilahad sa pamamagitan ng checkboxes na maaring
pagpilian ng mga kalahok.
Paraan sa Paglikom ng Datos
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng online na pagsisiyasat
sapagkat ito ang pinakamadali at pinakamainam sa panahong ito.
Nagpadala ng mga talatanungan ang mga mananaliksik na nasa porma ng
word file upang mapadali ang proseso ng pagsagot ng mga kalahok. Ang
word file ay ipinadala sa mga kalahok at isinauli ng mga ito sa mga
mananaliksik sa pamamagitan ng Facebook Messenger.
Paraan ng Pagsusuri ng Datos
Ang pananaliksik na ito ay isang kuwantitatibong pananaliksik na
naglalayong maglahad ng mga datos na nakalap mula sa mga kalahok sa
isang siyentipikong paraan. Ito ay gumamit ng mga numero, statistikal,
pagkokompyut at matematikal na kasangkapan at paraan para masuri ng
bahagya ang mga resulta at datos na nakalap. Sa pamamagitan ng paraan
na ito, mas nasuri ng mabuti at bahagya ng mga mananaliksik ang mga
datos na nakuha nila sa mga kalahok ng pananaliksik. Higit sa rito,
ang kuwantitatibong pananaliksik ay ginamit upang malaman ang opinyon
ng mga kabataang Pilipino sa kalagayan ng wika at kultura ng Pilipinas
sa makabagong panahon.
1.2 PRESENTASYON NG DATOS
Ang pinaka layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang
opinyon ng mga kabataang Pilipino sa kalagayan ng wika at kultura ng
Pilipinas sa makabagong panahon. Ang bahaging ito ay naglalahad ng mga
datos, kung paano isinuri ang datos, at kung paano binigyang kahulugan
ng mga mananaliksik ang mga datos na nakuha mula sa mga talatanungan
na isinagutan ng mga kalahok.
Sa higit 50 na taong ipinadalhan ng sarbey na talatanungan ay 33
na tao lamang ang lumahok sa aming online na pagsisiyasat.
TALAHANAYAN 1
Personal na Obserbasyon kung may Nasaksihang Pagbabago ang mga
Kabataang Pilipino sa Wika at Kultura ng Bansa
MAYROON WALA HINDI KO ALAM

Pagbabago sa
kalagayan ng 33 0 0
wikang Filipino
Pagbabago sa
kalagayan ng
kultura ng 33 0 0
Pilipinas

Ayon sa Talahanayan 1, lahat ng (33) na kalahok ay sumagot ng


‘MAYROON’.
TALAHANAYAN 2.1
Ang mga Naobserbahang Pagbabago sa Wikang Filipino sa Makabagong
Panahon

MGA PAGPIPILIANG SAGOT TOTAL NA BILANG NG MGA KALAHOK


NA SUMAGOT
Naimpluwensiyahan ng mga wikang
banyaga 24

Pag usbong ng mga bekimon, jejemon,


balbal (lodi, sakalam) at iba pa 27

Kapwa sagot 1 at 2 20

Ayon sa talahanayan 2.1, halos (24) na mga kalahok ang naka-


obserba na ang wikang Filipino ay naimpluwensiyahan ng mga wikang
banyaga sa makabagong panahon. (27) naman ang nakapansin na mas
umusbong pa lalo ang iba’t ibang estilo ng wikang pangkomunikasyon, at
(20) naman ang sumagot sa kapwa dalawa.
TALAHANAYAN 2.2
Ang mga Naobserbahang Pagbabago sa Kultura ng Pilipinas sa Makabagong
Panahon
MGA PAGPIPILIANG SAGOT TOTAL NA BILANG NG MGA KALAHOK
NA SUMAGOT

Naimpluwensiyahan ng mga kultura ng


ibang bansa 24

Ang unti-unting paglaho ng mga


katutubong tradisyon at kultura 22

Kapwa sagot 1 at 2 17

Ayon sa talahanayan 2.2, halos (24) sa mga kalahok ay naka-


obserba na naimpluwensiyahan na ang kultura ng bansa ng mga kultura ng
mga banyaga. (22) naman sa mga kalahok ang naka-obserba na unti-unti
nang naglalaho ang katutubong kultura at tradisyon sa Pilipinas at
(17) naman sa mga kalahok ang sumagot ng kapwa dalawa.

TALAHANAYAN 3.1
Ang mga naidudulot ng mga pagbabago ng Wikang Filipino
MGA PAGPIPILIANG SAGOT TOTAL NA BILANG NG MGA KALAHOK NA
SUMAGOT
Mas pinagaganda ang daloy ng
usapan 8

Mas pina-uunlad ang wikang


Filipino 4

Mas pinahihikayat ang mga


Pilipino na mahalin ang wika 3

Mas ginagawang kapana-panabik ang


pag-aaral tungkol sa wikang 5
Filipino
Mas ginagawang komplikado ang
usapan/hindi medaling 11
maintindihan
Masyadong naiuugnay ang wikang
Filipino sa mga wikang banyaga 17

Nawawala ang pagka-orihinal ng


wikang Filipino 20

Unti-unting naglalaho ang


kahalagahan na pag-aralan ang
wikang Filipino/pinipili ng iba 19
na tangkilikin at pag-aralan ang
mga wikang banyaga

Ayon sa talahanayan 3.1, (8) sa mga kalahok ang naniniwala na mas


pinagaganda ng mga pagbabagong pangwika ang daloy ng komunikasyon. (4)
naman ang naniniwala na mas pina-uunlad nito ang wikang Filipino, (3)
ang naniniwala na mas pinahihikayat nito ang mga tao na mahalin ang
wika, at (5) naman ang naniniwala na mas ginagawa nitong kapana-
panabik ang pag-aaral ng wikang Filipino.
Halos (11) na kalahok ang naniniwala na mas ginagawang komplikado
ng mga pagbabagong pangwika ang usapan, (17) ang naniniwala na
masyadong naiuugnay ang wikang Filipino sa mga wikang banyaga at (20)
ang naniniwala na nawawala ang pagka-puro o ang pagka-orihinal ng
wikang Filipino, at (19) naman ang naniniwala na unti-unti nang
nawawala ang interes ng mga Pilipino sa sariling wika at mas
tinatangkilik na ang mga wikang banyaga.

TALAHANAYAN 3.2
Ang mga naidudulot ng mga pagbabago ng kultura
MGA PAGPIPILIANG SAGOT TOTAL NA BILANG NG MGA KALAHOK NA
SUMAGOT
Mas umunlad, yumaman, at yumabong
ang kultura ng bansa 6

Mas naging tanyag ang kultura


3

Mas natatakpan na ng
modernisasyon 20

Naglalaho at unti-unti nang


natatakpan ng ibang kultura 18

Ayon sa talahanayan 3.2, (6) lamang sa mga kalahok ang naniniwala


na mas pina-uunlad ng mga pagbabagong pangkultura ang mismong kultura
ng bansa at (3) lamang ang naniniwala na ginagawa nitong tanyag ang
kulturang Pipilino. Sa kabilang banda, (20) sa mga kalahok ang
naniniwala na sumasapaw na ang modernisasyon kesa sa kultura at (18)
ang naniniwala na unti-unti na ring natatakpan ng ibang kultura mula
sa ibang bansa ang kulturang Pilipino dahil sa mga pagbabagong ito.
TALAHANAYAN 4
Kung sang-ayon baa ng mga kabataan sa mga pagbabago sa wika at kultura
ng bansa
SUMASANG-AYON HINDI SUMASANG- HINDI SIGURADO
AYON
Sang ayon sa mga
pagbabagong 6 3 20
pangwika
Sang ayon sa mga
pagbabago sa 4 13 13
kultura ng bansa

Ayon sa talahanayan 4, (6) ang sumasang-ayon sa mga pagbabagong


pangwika, (3) naman ang hindi sumasang-ayon, at (20) naman ang hindi
sigurado kung sumasang-ayon ba sila. Ukol naman sa mga pagbabago sa
kultura ng bansa, (4) lamang ang sumasang-ayon at parehas naman na
(13) ang kapawa hindi sumasang-ayon at hindi sigurado kung sang-ayon
ba sila sa mga pagbabagong pangkultura sa bansa.

KONGKLUSIYON
Ang bahaging ito ay naglalahad ng kongklusiyon base sa mga
nakalap na datos at resulta ng pananaliksik.
Ang unang nais malaman ng mga mananaliksik ay kung may pagbabago
bang na-obserbahan ang mga kabataan mula sa kalagayan ng wika at
kultura ng bansa noon sa kalagayan nito ngayong makabagong panahon.
Ang resulta sa isinagawang pagsisiyasat, na ipinakita sa talahanayan 1
ng papel pampananaliksik ang nagpapatunay na mayroong mga pagbabago na
naobserbahan ang mga kabataang Pilipino sa wika at kultura ng bansa sa
makabagong panahon.
Sa isinagawang pagsisiyasat, mas marami sa mga kalahok ang
nakapansin sa pag-usbong ng mga estilong pangwika sa komunikasyon
ngunit marami pa rin naman ang nakapansin na naimpluwensiyahan ng
wikang banyaga ang wikang Filipino. Ang mga kabataang Pilipino na
lumahok sa isinagawang pagsisiyasat ay naniniwala na ang mga
pagbabagong pangwikang ito ay:

 Masyadong iniuugnay ang wikang Filipino sa mga wikang banyaga.


 Unti-unting pinaglalaho ang kahalagahan na pag-aralan ang wikang
Filipino dahil mas pinipili ng iba na tangkilikin at pag-aralan
ang mga wikang banyaga, at;
 Pinaglalaho ang pagka-orihinal ng wikang Filipino.
Dahil dito, ipinalalagay ng mga mananaliksik na ang mga pagbabago
sa wikang Fiipino ngayong makabagong panahon ay may negatibong
naidudulot sa mismong pambansang wika ng Pilipinas.
Sa isinagawang pagsisiyasat, marami sa mga kalahok ang hindi
sigurado kung sang-ayon ba sila sa mga pagbabagong ito kaysa sa mga
sumang-ayon at hindi sumang-ayon. Ipinakahuhulugan lang nito na
maaring sila ay sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon sa mga pagbabagong
ito. Ito ay dahil sa haypotetikal na rason na kung negatibo man ang
naidudulot ng mga pagbabagong pangwika sa wikang Filipino, positibo
naman ang hatid nito sa mga mamamayang Pilipino.
Marami sa mga kalahok ang nakapansin na naiimpluwenisiyahan ng
ibang bansa ang kulturang Pilipino at marami rin sa kanila ang
nakapansin na unti-unting naglalaho ang katutubong kultura at
tradisyon ng bansa. Ang mga kabataang Pilipino na lumahok sa
isinagawang pagsisiyasat ay naniniwala na ang kultura ng bansa sa
makabagong panahon ay:
 Unti-unting naglalaho at tinatakpan na ng kultura ng ibang bansa,
at;
 Tinatakpan ng modernisasyon.
Dahil dito, ipinalalagay ng mga mananaliksik na ang mga pagbabago
sa kultura ng Pilipinas ngayong makabagong panahon ay may negatibong
naidudulot sa mismong katutubong tradisyon at kultura ng Pilipinas.
Sa isinagawang pagsisiyasat, halos kalahati sa mga kalahok ang
hindi sumasang-ayon sa pagbabago sa kultura ng bansa ngayong
makabagong panahon at kalahati naman ang hindi sigurado kung sang-ayon
sila sa pagbabago sa kulturang Pilipino sa makabagong panahon.
Kakaunti lamang sa mga kalahok ang sumang-ayon sa mga pagbabagong ito.

DOKUMENTASYON
Kulturang Pilipino noon at ngayon
Ano nga ba ang kalagayan ng kulturang Pilipino noong wala pang
teknolohiya, social media, at iba pang uri ng pagbabago? Ayon kay Ki
(Disyembre 2020), maraming kultura at tradisyon ang mga Pilipino noong
unang panahon at ang mga ito ay dahan-dahang nawala dahil sa pag-angat
ng teknolohiya at pag-unlad ng bansa. Isa sa mga halimbawa ng
kulturang Pilipino na unti-unti nang nawawala ngayon ay ang harana.
“Sa pag-angat ng teknolohiya, ang bagong estilo ng panliligaw ay
digital na rin na kahit ang pagkakanta ay maaari nang gawin online sa
isang simpleng voice chat” (Ki, 2020).
Sitwasyon ng wikang Filipino sa lipunan noon at ngayon
Sa panahon ngayon, minsan na lang ang mga tao makarinig nang
malalim at orihinal na tagalog. Minsan pa ay nababasa na lang ito sa
libro. Marami na rin sa mga tao ngayon ang hindi makaintindi ng ilan
sa mga malalalim na salitang Filipino. Dahil sa modernisasyon, sa
impluwensiya ng mga banyaga, sa pagdating ng internet sa bansa, at iba
pang mga kadahilanan, malaki ang pinagbago at mabilis na umiba ang
sitwasyon ng wikang Filipino (Ki, 2021). Kung noon ay ginagamit ng mga
tao ang pansariling wika sa pagbibigay kahulugan sa mga bagay-bagay,
ngayon ay mas marami at mas madalas na natin marinig ang Taglish o
pagsama-sama ng Tagalog at Ingles. Ayon kay Ki (2021), likas lamang na
nagbabago ang wika ngunit ang ating orihinal na wikang pambansa ay
dapat pa ring bigyang halaga sapagkat ito ay parte na ng ating
kasarinlan at kasaysayan.
SAMPOL NG TALATANUNGAN NA GINAMIT SA PAGSISIYASAT

Pagsisiyasat ukol sa Opinyon ng mga Kabataan sa Kalagayan ng Wika at


Kultura ng Pilipinas sa Makabagong Panahon

I. Propayl
Pangalan (opsyunal): _____________________
Edad: ________
Munisipalidad: ____________

II. Kalagayan ng wika sa makabagong panahon. Lagyan ng tsek ang


kahon na katabi ng iyong nais na sagot.
1. Sa iyong sariling obserbasyon, may napansin ka bang mga
pagbabago mula sa kalagayan ng wikang Filipino noon at sa
kalagayan ng wikang Filipino na ginagamit mo ngayon?
Mayroon
Wala
Hindi ko alam
2. Ano ang (mga) pagbabagong ito? (Maaring mag-tsek ng sobra sa
isa)
Naimpluwensiyahan ng mga wikang banyaga
Pag-usbong ng mga jejemon, bekimon, balbal, at iba pa.
Iba pa: _________ (kung maaaring tukuyin)
3. Ano-ano ang mga naidudulot ng mga pagbabagong ito? (Maaaring
mag-tsek ng sobra sa isa)
Mas pinagaganda ang daloy ng usapan
Mas pina-uunlad ang wikang Filipino
Mas hinihikayat ang mga Pilipino na mahalin ang wika
Mas ginagawang kapana-panabik ang pag-aaral ng wikang
Filipino
Mas ginagawang komplikado ang usapan/hindi madaling
maintindihan
Masyadong nauugnay ang wikang Filipino sa mga wikang
banyaga
Nawawala ang pagka-orihinal ng wikang Filipino
Unti-unting naglalaho ang kahalagahan na pag-aralan ang
wikang Filipino at mas pinipili ng iba na tangkilikin at
pag-aralan ang mga wikang banyaga
Iba pa:_________ (kung maaaring tukuyin)
4. Sang-ayon ka ba sa (mga) pagbabagong ito?
Sumasang-ayon
Hindi sumasang-ayon
Hindi sigurado

III. Kalagayan ng kultura sa Pilipinas sa makabagong panahon.


Lagyan ng tsek ang kahon na katabi ng iyong nais na sagot.
1. Sa iyong sariling obserbasyon, may napansin ka bang mga
pagbabago mula sa kalagayan ng kulturang Pilipino noon at sa
kasalukuyang kultura natin?
Mayroon
Wala
Hindi ko alam
2. Ano ang (mga) pagbabagong ito? (Maaaring mag-tsek ng sobra
sa isa)
Naimpluwensiyahan ng kultura ng ibang bansa
Ang unti-unting paglaho ng mga katutubong tradisyon at
kultura
Iba pa: ________ (kung maaaring tukuyin)
3. Ano-ano ang mga naidudulot ng mga pagbabagong ito? (Maaaring
mag-tsek ng sobra sa isa)
Mas umunlad, yumaman, at yumabong ang kultura ng Pilipinas
Mas naging tanyag ang kultura
Natatakpan na ng modernisasyon ang kultura
Naglalaho at unti-unti nang natatakpan ng ibang kultura
Iba pa:______ (kung maaaring tukuyin)
4. Sang-ayon ka ba sa (mga) pagbabagong ito?
Sumasang-ayon
Hindi sumasang-ayon
Hindi sigurado
BIBLIYOGRAPIYA
CLS (2016, Setyembre 21). Kalagayan ng wika sa makabagong panahon:
kamusta na nga ba (Weblog)? Nakuha mula sa
https://www.google.com/amp/s/coolstudentever.wordpress.com/2016/09/21/
first-blog-post/amp/
Dayag, A. & Del Rosario, M.G. (2019, Setyembre 13). Pinagyamang pluma:
kpwkp (Blog). Nakuha mula sa
https://m.facebook.com/permalink.php?
story_fbid=104524467896&id=104501670943509
Gelosams (2016, Oktubre 23). Ang makabagong mundo at ang modernong
panahon (Weblog). Nakuha mula sa
https://www.google.com/amp/s/gelosams.wordpress.com/2016/10/23/ang-
makabagong-mundo-at-ang-modernong-panahon/amp/
Ki (2020, Disyembre 12). Kultura ng Pilipinas noon at ngayon halimbawa
at paliwanag nito (Weblog). Nakuha mula sa
https://philnews.ph/2020/12/12/kultura-ng-pilipino-noon-at-ngayon-
halimbawa-at-paliwanag-nito/
Ki (2020, Pebrero 06). Ano ang kultura? Kulturang Pilipino (Weblog).
Nakuha mula sa http://philnews.ph/2020/02/06/ano-
ang-kultura-kulturang-pilipino-philippine-culture/
Ki (2021, Pebrero 06). Sitwasyon ng wika sa lipunan noon at ngayon –
halimbawa at iba pa (Weblog). Nakuha mula sa
https://philnews.ph/2021/02/06/sitwasyon-ng-wika-sa-lipunan-noon-at-
ngayon-halimbawa-at-iba-pa/
Minggu (2020, Oktubre 11). Kalagayan ng kulturang Pilipino sa
makabagong panahon (Weblog). Nakuha mula sa
https://kalagayanvlogs.blogspot.com/2020/10/kalagayan-ng-kulturang-
pilipino-sa.html?m=1

You might also like