You are on page 1of 11

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

Ang kultura ay ang pagsalin-salin na kaugalian, tradisyon, paniniwala, sining at

pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Ito ay ang mga nakahilig na panitik ng

sangkatauhan. May iba’t iba itong kahulugan na sumasalamin sa iba’t ibang mga teoriya

sa kaunawaan o sukatan ng pagpapahalaga sa aktibidad ng sangkatauhan. Ang mga

halimbawa nito ay an gating sariling wika, paniniwala, tradisyon o kaugalian, pagkain,

sining, at kasuotan. Ang kultura ay isa sa mga pangunahing elemento ng isang bansa.

Ang mga kultura ng isang bansa ay nagiging simbolo na kanyang pagkilala. Ang bawat

bansa ay may kanya kanyang kulturang ipinagmamalaki. Ang kultura ng isang bansa ay

isa sa mga kailangan pang pagyabungin at paunlarin, sa kadahilanang ito rin ay isang

parte na sa buhay ng isang bansa.

Ang mga Filipino ay may yaman na taglay pagdating sa kultura. Simula pa nung

una may mga sari-sariling kultura na ang iba’t ibang tribo sa bansa. Sa aspekto ng wika,

matatawag na ang wika ay isang parte ng kultura dahil ito ay ating ginagamit para tayo’y

makilala, at siyempre ito rin an gating midyum ng komunikasyon— ang wikang Filipino.
Pero bago pa man an gating wikang ginagamit mayroon na tayong tinatawag na

“baybayin”— isang iskrip o lenguahe na nabubuhay noong sinaunang panahon, ito ang

kanilang gamit bilang midyum ng komunikasyon sa mga panahong yaon. Paniniwala

bilang kultura, napakaraming lahi ang nakatira sa Pilipinas at lahat ng mga ito ay may

sari-sariling paniniwala, pero ang pinakamalawak na paniniwala ay ang kristiyanismo na

dala ng mga español noong tayo ay kanilang sakupin. Sa kabila nito, hindi parin

mawawala ang paniniwala ng mga iba, kagaya na lamang sa Mindanao kung saan halos

lahat ng tao ay Islam. Susunod ay ang tradisyon kung saan ang mga yaman ng tradisyong

Filipino, mapalokal man o nasyonal. Sa tradisyon, bawat lahi ay may kanya-kanyang

tradisyon. Susunod ay ang mga kaugaliang Filipino, isa sa pinakatanyag na kaugalian

Filipino ay ang “po at opo” at ang pagmamano. Pagkain bilang kultura sa kadahilanang

ang Pilipinas rin ay may kanyang mga tanyag na luto, mapa local o nasyonal. Susunod

naman ay ang sining, isa sa pinakasikat na sining ay ang Spoliarium na gawa ni Juan

Luna. Dahil ito ay nagsisimbulo kung paano tayo sinakop ng panahon ng mga kastila. At

panghuli ay ang kasuotan na kung saan makikita palang ditto sa mga kasuotan na ito

gaya ng baro’t saya ang pagka-Pilipino ng isang mamamayan. Bawat bansa ay may

kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang gawain na ipinamana ng kani-kanilang

mga ninuno.

Ayon sa pagaaral ni Perez Xierylle, ang Pilipinas ay tinaguriang mayaman sa iba’t ibang

larangan sa kultura at isa sa mga bansang kinikilala ang kulturang nagmula sa ating mga
ninuno . Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya ito’y ating ginagamit sa

pang-araw-araw na pamumuhay.

Sa pagdaan ng mga taon may mga taon ay yumayabong ang ating bansa, natututo

ang mga tao ng mga panibagong ideya at mga panibagong uso. At sa ngayon unti-unti ng

nawawala ang mga piling kultura noon dahil sa globalisasyon na nangyayari kung saan

unti-unti ng nakakalimutan ng mga mamamayang Pilipino ang sariling kultura at

nagpapalamon nalang sa mga makabagong sistema. Dahil sa mga panibagong agham at

teknolohiya na umuusbong ang mga unti unting paglimot ng mga kultura ay hindi na rin

naiiwasang mangyari.

Ayon kay Llames Hana Lene, hindi rin maikakaila na mayaman rin sa larangan

ng kultura ang bansang Pilipinas. Katulad ng Timog Korea, patuloy pa rin sa pagreserba

ng mga katutubong kultura ang mga Pilipino ngunit hindi na ito gaanong kilala ng mga

kabataan ngayon. Sa katunayan, unting-unti na nawawala ang paggalang ngayon tulad ng

pagmamano at pagsabi ng “opo” at “po”. Ang kulturang Pilipino sa kasalukuyang

panahon ay nahahaluan na ng iba’t-ibang kultura ng ibang bansa at isa na rito ang

kulturang Koreano.
Sabi rin ni Perez, ang mga Pilipino ay unti-unti nang nakalilimot sa ating sariling

kultura, kung ano ang kahalagahan at kagandahang maidudulot nito sa mga mag-aaral

gayundin ang hindi magandang maidudulot ng pakikipaghalubilo ng mga mag-aaral sa

ibang lugar kaugnay ng kultura.

Kasabay ng modernisasyon ay ang pag-usbong ng mga iba’t ibang kultura na

pumapasok sa bansa, at unti-unti itong natututunan ng mga kabataang Pilipino. Ang pag-

aaral na ito ay may layunin na alamin kung ano nga ba ang kalagayan ng mga tanyag na

kulturang Pilipino sa kasalukuyang panahon.

Batayang Konseptwal

Ang pag-aaral na ito ay naka pokus o nakasentro sa kalagayan ng kulturang

Pilipino batay sa mga mag-aaral sa unang antas ng BSEd Social Studies Major sa Tarlac

State University. Mahalaga na malaman ang kalagayan ng kulturang Pilipino sa panahon

ngayon dahil maraming kultura na galing sa ibang bansa ang napapasok sa ating bansa

dulot ng modernisasyon.

Batayan sa pag-aaral.
Mag-aaral sa
Resulta ng
Unang antas ng Mga iba’t ibang Pag tala ng mga
pagtatala. (Pag
BSEd Social kulturang datos ukol sa
talakay sa
Studies Pilipinong mga kulturang
kalagayan ng mga
nananatili
kulturang Pilipino)
maihahayag.

Paglalahad ng Layunin

Ang pag-aaral na ito ay may layuning malaman ang kalagayan ng mga kulturang

Pilipino ayon sa mga piling mag-aaral sa Unang antas ng BSEd Social Studies Major sa

Tarlac State University.

Sa gagawing pananaliksik, ang mga sumusunod na tanong ay wariy mabigyang

kasagutan.

1. Ano-ano ang mga kulturang Pilipino na nananatili parin hanggang sa

kasalukuyan?

2. Ano-ano ang mga kulturang Pilipino na hindi na kilala ngayong kasalukuyan?


3. Mayroon bang kulturang Pilipino ang umuusbong ngayong kasalukuyan?

Kahalagahan ng Pananaliksik

Isasagawa ang pag-aaral na ito upang matukoy ang mga iba’t ibang kulturang

Pilipino at ang kalagayan ng mga ito. Ito rin ay magsisilbing gabay para sa mga

pananaliksik sa hinaharap na may kinalaman sa pyesang ito.

Sa mga mag-aaral ito ay makakatulong at magsisilbing instrumento para

malaman ang mga iba’’t ibang kultura ng mga Pilipino at ang mga isyu katungkol dito.

Ito rin ay magsisilbing gabay sa kanila upang magbigay kaalaman kung ano ang

kaalagayan ng mga iba’t ibang kultura ngayon.

Sa mga guro ang pag-aaral na ito ay siyang magsisilbing gabay sa pagtuturo

kaukol sa pananaliksik na ito.


Sa lipunan ang pag-aaral na ito ay siyang magsisilbing instrumento ng

impormasyon ukol sa kalagayan ng mga kulturang Pilipino at kung ano-ano ang mga

kulturang ito.

Sa mga mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pagbuo ng

kaugnay na pananaliksik batay sa mga datos at resulta ng pananaliksik na ito.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga mag-aaral sa unang antas ng BSEd

Social Studies. Ito ay binubuo isang daan’t animnapung mag-aaral (160 students). Ang

bilang ng pangkat ng mga nagpapakadalubhasa sa Social Studies ay apat. Kukuha ng

apatnapu (40) na mag-aaral ang pag-aaral na ito sa bawat pangkat ng BSEd Social

Studies. At sila ay magbibigay ng isang kultura sa Pilipinas at ibibigay nila ang

kalagayan nito.
Ang binibigyang diin ng pag-aaral na ito ay ang magbigay ng impormasyon sa

mga guro, mag-aaral, lipunan at ang mga kaugnay na pananaliksik ukol sa kalagayan ng

mga iba’t ibang kulturang Pilipino.

Paglalahad ng Hypothesis

1. Ang kulturang Pilipino ay isa sa mga may natatanging kultura sa buong mundo. Ang

bilang ng kultura sa buong Pilipinas ay nakakamangha. Pero sa pagdaan ng mga

henerasyon ang pagtangkilik sa sariling kulturang Pilipino ay unti-unting nawawala sa

isip ng mga Filipino. Ang isa sa nakikitang dahilan ay ang modernisasyon at

globalisasyo na kung saan may mga iba’t ibang kultura na ang napapasok sa bansang

Pilipinas, at paunti-unti na itong natatabunan ang sarili nating kultura.

Teorya ng Hypothesis

1. Ang kultura ng Pilipino ay tunay na unti-unti ng natatabunan ng mga iba’t ibang

kultura dulot ng mga ibang bansa. At ito rin ay ang nakikitang dahilan kaya pababa ng

pababa ang bilang ng mga tao o mga katutubo na mas tinatangkilik ang mga ibang

kultura kaysa sa sariling kultura.


Katuturan ng mga Salitang Ginamit

Ang bawat termino ng mga salita sa pag-aaral ay makakatulong sa paglalahad pa

ng mas klarong depinisyon para sa mga mambabasa ng pananaliksik na ito.

Kultura. Ay ang pagsasalin-salin ng kaugalian, tradisyon, paniniwala, sining at

pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.

Globalisasyon. Ang globalisasyon ay isang penomenang kaabkibat ng

papaunlad ng papaunlad na iteraksyon ng mga pambansang sistema.

Modernisasyon. Pag-unlad ng isang bansa o lugar na kung saan ang mga

pangangailangan ng mga tao ay natutugunan.


Republic of the Philippines
Tarlac State University
College of Education
Villa Lucinda Campus

Ang Kalagayan ng Kulturang Pilipino sa Unang


Antas ng BSEd Social Studies sa Tarlac
State University
Dela Cruz Reysielyn D.
Fajardo Jazzmin C.
Gabriel Cathy B.
Licayan Romalyn A.
Mendoza Kyla Nicole A.
Mendoza Tricia T.
Palada Sofia Lynel S.
Pascual Michael Genesis E.
Suarez Judy Ann G
2019

You might also like