You are on page 1of 13

Literaturang Konseptwal

Sa pag - aaral na ito na pinamagatang “Sistematikong Pag-aaral ng mga Magaaral ng

HUMMS sa Paaralan ng Padre Vicente Garcia Memorial Academy, INC. hingil sa Epekto ng

Kolonyal na Mentalidad sa Larangan ng Musika sa Pilipinas” ay gumamit ang mga mananaliksik

ng dalawang teorya upang lalong mapatibay ang resulta ng pag-aaral. Ang mga teorya na ito ay

ang sumusunod:

Psychoanalytic theory ni Freud (1900). Pinaniniwalaan ni Freud na hindi lubos na

nauunawaan ng isang indibidwal ang dahilanan nito sa pagtangkilik sa isang bagay sa

kadahilanang naniniwala siya na may mga psychological na sanhi raw ang humuhubog sa

persepsyon o pananaw ng isang tao ng hindi nito namamalayan. Sabi rito, ang isang indibidwal

ay tumutugon sa mga simbolismo katulad ng pagtugon nito sa ekonomiko at tungkulin nito.

Sinabi rin dito ni Freud na ang edad at ang kinikita ng isang indibidwal ay hindi lubos na

nakaaapekto sa persepsyon o pananaw nito sa isang bagay. Ito raw ay makikita sa mas malalim

na parte ng pag-iisip ng isang indibidwal. Ang teoryang ito ni Freud ay makatutulong upang higit

na mapagtibay ang resultang mailalabas ng mga mananaliksik ukol sa personal at psychological

na mga kadahilanang nakaaapekto sa perspsyon ng isang indibidwal sa estado ng pagtangkilik sa

musikang Pilipino.

Pavlovian theory ni Pavlov (1897), nadiskubre niya na kapag nagpatunog ka ng

kampanilya bago bigyan ng pagkain ang isang aso, sa kalaunan ay maaari mong mapasabik ang

aso gamit lamang nag pagpapatunog ng kampanilya kahit wala nang pagkaing nakahain para

dito. Matapos ito, pinagtibay niya na kagaya ito halos ng pag-uugali o persepsyon ng isang tao.

Ito ay isang resulta ng nakundisyong tugon. Makatutulong ang teoryang ito upang magpatunay
na ang kultural at social na kadahilanan ay maaaring makaapekto sa persepyon ng isang

idibidwal sa estado ng pagtangkilik nito sa musikang Pilipino o “OPM”.

Pinili at gagamitin ng mga mananaliksik ang mga nasabing teorya upang makapagbigay

ng lubos na katiwa-tiwalang resulta sa kanilang pananaliksik. Sa teoryang nabanggit, malaking

koneksyon ito pananaliksik, dahil ang musika ay syang pagkain ng tenga. Ang musikang

nagbubuklod sa mga tao at dahilan kung bakit nagiging makulay ang bawat buhay. Sa mga

pelikulang ating napapanood, kung wala ang musika, paano napapahayag ang isang genre o

kategorya ng pelikula kung di malalaman na kung ito ba ay katakot-takot, katawa-tawa,

nakakaiyak, o kaya naman magpapamangha sa atin atbp.. Ang kanta din ay isang musika, may

iba-iba lang genre, ngunit kung paano ang ating musika ay sumasalamin din sa ating pagkatao, sa

ating nararamdaman o kaya naman ang ating kasiyahan. Napapasunod tayo sa musika dahil ito

ay isang sagisag din sa ating mundong ginagalawan. Sa ibang topiko, ang OPM ay isa sa

pinagmamalaki ng bansang Pilipinas, magpa hanggang noon. Ngunit paano na sa ngayon ay

dumadating ang musikang dayuhan at karamihan ay nagugustuhan din ang musikang ito. Sa

pananaliksik na ito, aalamin ng mga mananaliksik kung paano ang kolonisasyon ay

nakakaapekto sa estado ng OPM sa tao, pangunahin na ang mga mag-aaral.

Literaturang Pananalik

Ang parteng ito ng pananaliksik ay magpapakita ng mga kaugnay na pag-aaral at

literatura na inipon mula sa iba’t ibang nakalipas na pag-aaral, sa internet, at sa iba pang

nailimbag na babasahin na nakapag-ambag o nakatulong sa pagbuo ng konsepto ng pag-aaral na

ito. Saklaw nito ang mga konsepto, pag-aaral, at iba pang mas malawak na karunungan na

kalinya ng mga baryante ng pag-aaral; mahalagang lumikha ng komprehensibong pagsusuri ng


mga kaugnay na pag-aaral at literature upang makapaglahad ng mas malawak na pananaw

tungkol sa paksang pinag-aaralan.

Ang kaluluwa ng ating bansa ay biktima ng madugong kasaysayan. Nang tayo ay

masakop nang halos apat na siglo ng mga Kastila, nagkaroon ito ng malaking epekto sa ating

mga wika at literature. Nang talunin naman ng mga Katipunero ang mga Kastila noong

Rebolusyong 1896, sa bias ng Treaty of Paris ay tayo naman ay nasakop ng mga Amerikano. Sa

ngayon, marami na ang mga Pilipino nagkaroon na ng mga maikling kuwento na Ingles. Kahit

sila’y hindi nagtagal, naiwan naman ang kanilang impluwensya sa Pilipinas.

Maraming aspeto ng ating bansa ang naapektuhan nang sakupin tayo ng ibang mga lahi,

kasama na rito ang musika. Nagkaroon ng positibo at negatibong epekto ang ating bagong

kultura, gaya ng “colonial mentality.” Tinatawag na Kolonyal na Mentalidad ang pagtangkilik sa

mga produkto ng ibang bansa, pagaasam na maging bahagi ng kanilang lahi, at ang pag gaya sa

kanilang kultura. Masyadong nahuhumaling ang mga Pilipino sa kagandahan ng pisikal na anyo

at talent ng mga nasa ibang bansa, nagreresulta rin ito ng pagtangkilik sa musika ng iba kahit

hindi nila naiintindihan.

Ayon kina Ambag, Baslot, Celeste, et al. (2016), kapag nakararamdam ang isang tao ng

pagkababa kung ihahalintulad ang sarili sa mga banyaga tulad ng mga Ingles, maaari nitong

gayahin ang kultura o pamamaraan ng mga ito upang maging kaisa ng mga ito. Ang pagtangkilik

at kaalaman sa banyagang musika ay nagbibigay ng pakiramdam na superyor ang isang tao kaysa

sa iba.

Ang malaking pagnanais ng Pilipino na makamit sa napagtanto na"superyor" na kultura

ng Kanluran ay lumala sa pamamagitan ngwikang Filipino, media, pamantayan ng kagandahan,


at iba pangaspeto ng modernong pamumuhay dahilan n nakakapaminsalang epekto ng

mentalidad sa ating bansa.

Ayon kay Ong (2016), maraming kabataan sa Pilipinas ang pinalaki ng kanilang mga

magulang sa wikang Ingles. Ayon naman kay Beltran (2019), patuloy pa rin ang pagtangkilik at

pagunlad ng OPM sa Pilipinas. Ang pakikinig rin ng OPM ng isang Pilipino ay nagpapakita raw

ng pagigig isang makabayan (Rappler, 2018).

Ayon kay Comia J.(2011) sa kanyang pag-aaral na Pahambing Na Pagsusuri Sa

Makabago at Makalumang OPM pg. 1 ay sinasabi dito na likas na sa mga Pilipino ang

pagkahilig sa mga awitin, isang katangian na buhat pa sa ating mga ninuno. Kahit anong klase ng

awitin ay tiyak na tatangkilikin ng mga Pilipino dahil ang pakikinig ng musika ay parte na ng

buhay ng isang tunay na Pilipino. Bilang pagpapatunay, isa nga sa mga nakahiligang pakinggan

ng mga Pinoy ay ang OPM.

Sa pahayag ni Garcia (2010) sa Manila Bulletin, sinabi ni Ogie Alcasid, ang

kasalukuyang presidente ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit, “napapahalagahan ng

ibang kultura ang ating sariling musika, ang OPM. May panahong nahilig ang mga Pilipino sa

samba, sa Brazilian. Ngunit hindi natin dapat itigil ang pagsusulat ng mga kanta. Ang mga

Pilipinong manunulat ay may sapat na katalinuhan sa paglikha upang maipagpatuloy ang

pagsulat ng mga nasasaloob nila… makakatulong din ng malaki ang edukasyon dahil ito ang

magpapakilala ng Filipino Music sa mga kabataan… Maganda ang musika natin”.

Ayon sa pag aaral ni Tsamse (2017), sinasabi rito na ang musika, tugtugin, o awitin ay

nagging bahagi na ng buhay ng bawat isa at hindi maitatangging mayroong mga tao na hindi

nakukumpleto ang araw nang walang musikang napapakiggan ano pa man ang tyempo, ritmo, at

tono nito.
Ngunit sa salaysay naman ni Pareño, E.L. (2013) sa kanyang pag aaral na OPM: Patay o

Hindi?, Bahaging III. Mga Argumento Kung Bakit Patay na ang OPM sa website na sinasabi na

patay na ang OPM dahil palagi na lang paulit-ulit na ipinapatugtog ang mga lumang awitin

paulit-ulit sa radyo, o kaya sa mga palabas tulad ng ASAP o Eat Bulaga.

Ayon sa Pahayag ng Pag-aaral nila Buenrostro, I., Cabbab, J.F (2013) na may titulong

“Reliving the Filipino Classical Music Heritage: Preservation and Restoration of Philippine Art

Music Manuscripts of the University of the Philippines-Diliman College of Music”, Ang musika

raw ay isang masiglang pagpapahayag ng sarili at ebidensya ng kultura, tradisyon ng mga tao at

ng buong sibilisasyon. Maihahalintulad ito sa kasalukuyang pananaliksik dahil batid nitong pag-

aralan ang magiging epekto sa nito sa isang tao sa ukol sa kanilang persepsyon sa

musikang”OPM”.

Sa pananaliksik ni Willis C. G.(2016) na pinamagatang “Impact of Music Education on

Mathematics Achievement Scores Among Middle School Students” ayon sa pahayag, ang

pagkakaroon ng edukasyon o karanasan sa musika ay mayroong benipisyo na may kaulakang

epekto sa mga kakayahan ng isang estudyate, nakabase ang nasabing kakayahan sa klase ng

musikang kanilang pinakikinggan. Ayon naman sa kanyang konklusyon, ang kakayahang nabuo

sa pamamagitan ng pagkaroon ng ekspirsyen sa musika ay nag papakita na ito ay maililipat sa

“cognitive functions”o sa kanilang pag-katao.

Ayon naman sa pagaaral ni Stubing J. L.(2012) na pinamagatang “Music, Mood, and

Memory: An In-Depth Look at How Music Can Be Used as a Trigger to Elicit Specific

Emotional Responses and Associated Memories” may kaulakang epekto sa memorya at emosyon

ng isang tao sa pamamagitan ng pag alala o sa naranasan nila sa musikang napakinggan at maari

ito makaranas ng galit o anong emosyon na nararamdaman nila sa pagkinig sa kanta.


Ayon kina Thanh X. T Aloisio, et al.., (2015) ang musika ay gumaganap ng isang

mahalagang papel sa ating pang-araw-araw na buhay, ang pagkatanto sa mga benepisyo na

maaaring dalhin ng musika sa emosyon ay makakatulong sa amin upang ayusin ang mga

emosyon pati na rin ang stress ngunit ito parin ay naka depende sa musikang pinakikinggan at sa

kanilang personal na kadahilanan.

Ayon naman sa pag-aaral ni Barton (2018) na pinamagatan na The Relationship Between

Music, Culture, and Society: Meaning in Music: Implications for Classroom Practice, ang

musika bilang mga penomena ay hindi magiging posible nang hindi kinikilala ang mgaparaan

kung saan ang epekto ng kultura at lipunan sa epekto samga kasanayan sa musika. Ang mga

tradisyon ng musika ay pabago-bago at tulad sa paglipas ng panahon at ito ay dahil narin

samalaking pandaigdigang paggalaw ng mga tao at hindi kapani-paniwalang pag-access sa mga

kultura ng musika ng iba sa onlineaplikasyon tulad ng youtube, spotify, atbp.

Sintesis

Ang mga pag-aaral at literatura na inilahad sa kabanatang ito ay nagpapatunay ng

importansya ng pananaliksik na ito. Tulad ng literatura nina Ambag, Baslot, Celeste, et al.,

(2016) sa Pagsukat ng pagiging intelehente at superiyoridad ng isang pilipino kapag ito ay bihasa

ng wikang ingles o iba pang mga bahayagan salita, ang aming pag-aaral ay naglalayon na alamin

ang mga kadahilahanan kung ano ang tulak para makarating sa ganitong sitwasyon.

Isa pang pagkakatulad ng literaturang na ito ay makikita sa sinabi ni Ong (2016) na

nagbunga ng negatibong epekto sa pagtangkilik ng mga Pilipino sa industriya ng OPM sapagkat

hindi natutunan o lumaki ang isang pilipino sa sariling wika.


Naiiba naman ang mga pahayag na ito sa aspetong pokus ng kasanayan dahil batid lang

ng mga mananaliksik na alamin ang persepyon ng pagtangkilik ng isang mag-aaral(isang

pilipino).

Sa pananaliksik naman ni Beltran B.(2019) na nagresulta sa positibong epekto dahil

patuloy parin ang pagtangkilik sa musikang OPM sa pamamagitan digital na pamamaraan at mga

kaganapan na nag papayambong sa musika.

Sa pahayag naman ng Rappler (2018), Nasabi ni Ayala na may relasyon ang pagtugtog

ng intrumento dahil ito daw ay mahiwagang karasan para sa ating mga ninuno at naniniwala na

ito ay may kinalaman sa genetics, nabanggit rin na kailangan ng musika para maging artista at

makilala ang sarili.

Sa pag-aaral naman ni Comia, J.(2011) nalikas naman sa Pilipino ang pagkahilig sa mga

awitin na katangian pa ng mga ating ninuno, na nagging patunay na patuloy paring

pinapakinggan ng Pilipino ang OPM.

Sa pag-aaral ni Garcia(2010) nasabi sa pahayag ni Ogie Alcasid kahit napapahalagahan

ang ibang kultura ay hindi nagging hadlang upang sumulat parin musikang OPM ang isang

Pilipino at Malaki rin ang magiging ganap ng edukasyon dahil mapapakilala nito ang angking

kagandahan ng Filipino Music.

Ayon naman sa Pag-aaral Tsamse D.(2017) na ang musika ay bahagi ng pang araw-araw

na buhay sinabi na ang tempo, ritmo, at tono ay mayroon makulugan at makokonsidirang ang

mga manunulat o “song writer” ay hakbang upang makaroon ng musika dahil sa kanilang talento

sa pag sulat at maideyang pag-iisip na nagging inspirasyon sa pagsusulat.


Ngunit sa sanaysay naman ni Parreno E.L.(2013) sinabi na patay na ang OPM dahil

paulit-ulit na itong pinapatugtog at pinapalabas ng sikat na entablado at marahil rin hindi ito

napupunta sa tamang lugar para maipakita ng talento ng mang-aawit.

Ayon naman sa Pag-aaral Buenrostro, I., Cabbab, J.F (2013) Ang musika ay ang

pagpapayahag ng sarili at ebidensya ng kultura, na maihahalintulad sa pananaliksik dahil

kukunin nito ang mga nagging epekto sa perspyon na pagtangkilik ng mag-aara.

Sa pag-aaral ni Willis C.G.(2016) ang edukasyon may benepisyo taga-pakinig at

naisasalin ito sa kanilang pang araw-araw na Gawain ang nasabing kakayahan na ito ay naka

depende sa kanilang pinakikinggang musika. Sa pag-aaral naman Stubing J.L.(2012) ang musika

daw ay may epekto sa memorya at emosyon ng tagapakinig. Sa isang pag-aaral naman nina

Thanh; Aloisio, Tång, Pesonen(2015) ang musika naman daw may nakakatanggal sa negatibong

emosyon ng tao tulad ng depresyon at nakabantay ito sa kanilang personal na kadahilanan.

At sa Pag-aaral ni Barton G.(2018) ang phenomena kinikilala dahilan ng epekto sa

kultura. Sapagkat pabago-bago ang musika sa paglipas ng panahon at dahil narin sa malaking

pag-access sa mga aplikasyon ng internet.

Sa mga makabagong panahon ngayon na kung saan naging mas madali na ang

transmisyon ng impormasyon, kaalamaan, at sa kahiligan, binabago ng teknolohiya ang pag

uugali at ang kultural na ginagawa sa pang araw-araw. Ang pakikinig sa musika ay mas madali

nang naipapamahagi. Musikang iba-iba ang genre, musika na iba rin ang lenggwahe, hindi

maintindihan ngunit labis parin tinatangkilik ng iba sa atin. Musika na nagbubuklod sa tao,

musika na nagbibigay ng iba't ibang interpretasyon at emosyon.

Malaking paghahalintulad ito sa pananaliksik, dahil ang Musikang Pilipino (OPM) ay isa

sa pinagmamalaking kagandahan na meron ang bansang Pilipinas, ngunit paano sa panahon


ngayon na ang mga Pilipino ay hindi na nilalagi ang pakikinig sa musikang sariling atin, at kung

paano nakakaapekto ang kolonisasyon sa musika o iba-ibang musikang pandayuhan na

dumadating sa bansa, sa estado ng pagtangkilik sa Musikang Pilipino (OPM).

Ayon naman sa mga kahuli-hulihang pahayag ang kolonyalismo ang ay magkakaroon ng

malaking epekto sa bansa dahil hinubog nito ang Wikang Pilipino lalo na sa relihiyon, kultura at

maging sa mentalidad ng isang Pilipino na nakakaapekto sa antas ng bansa.

Konseptwal na Balangkas
Input-Process-Output (IPO)
Pagbibigay
Pamamahagi Suhestyon sa
ng organizer(s) ng Pakay ng
Talatanungan UMAK-College
of Letters and pag-aaral
Respondente
Analisasyon at Arts na
na magkaroon ng ito na
Interpretasyon
ng mga Seminar at
Profayl ng mga Activities sa malaman
Impomasyong
Respondente naipon buong Campus
na kung
magpapabuhay
Statistical ang Musikang
Treatment Pilipino. (e.g.
OPM Song
Writing Contest)

nakaaapekto ba ang kolonisasyon sa persepyon sa pagtangkilik ng musikang Pilipino o “OPM”

ng mga mag-aaral ng Padre Vincente Garcia Memorial Academy. Upang makalakap ng sapat na

datos at impormasyon na gagamitin sa pag-aaral, ang prosesong gagabay sa grupo ng mga

mananaliksik ay ipakikita sa pamamagitan ng I-P-O (Input-Process-Output).

KAHULUGAN NG MGA TERMINO

Ang mga terminolohiya o katawagan sa pananaliksik na ito ay binigyang-kahulugan sa

kung paano ito ginamit o tinukoy sa pag-aaral. Ito ay ang mga sumusunod:
OPM (Original Pilipino Music). Mga awiting nagmula sa Pilipinas na nagpapakita ng

tradisyonal at modernong komposisyon ng isang awitin. (https://prezi.com/ebnmp6euinsv/opm-

original-pilipino-music/) (2014)

Kultural na Kadahilanan. Sakop nito ang pangkat ng mga paniniwala, mga paghahalagang

moral, tradisyon, lingwahe, at mga batas, na pinanghahawakan ng isang bayan, komunidad, o

isang tukoy na grupo ng mga indibidwal.

(https://www.encyclopedia.com/education/encyclopedias-almanacs-transcripts-and-

maps/cultural-factors) (2019)

Social na Kadahilanan. Mga katotohanan at karanasang nakaaapekto sa personalidad, pag-

uugali, at pamumuhay ng isang indibidwal.

(http://www.businessdictionary.com/definition/social-factor.html) (n-d.)

Personal na Kadahilanan. Mga indibidwal na kadahilanan ng isang tao na lubusang

nakaaapekto sa pag-uugali ng isang tao pagdating sa pagtangkilik ng isang bagay.

(https://businessjargons.com/personal-factors-influencing-consumer-behavior.html) (n-d.)

Psychological na Kadahilanan. Ito ay ang lebel ng isang indibidwal sa pagproseso at

pagbibigay kahulugan na direktang nakaiimpluwensya sa estado ng pag-uugali nito.

(https://link.springer.com/referenceworkentry/10.1007%2F978-1-4419-1005-9_422) (2013)

Kolonisasyon. Isang akto o kaganapan na nagpapakita ng pagpasok ng isang makabagong

kolonya sa isang pook o lugar mula sa malayo dala ang mga sariling paniniwala at kultura na
siyang nakakaimpluwensya sa lugar kung saan sila maninirahan. Isang halimbawa nito ay ang

pagpasok ng mga banyagang musika sa Pilipinas at lubos na kinagigiliwan ng mga tagapakinig.

(https://www.vocabulary.com/dictionary/colonization) (n-d.)

You might also like