You are on page 1of 18

AKSYONG PANANALIKSIK

PANANALIKSIK NA EKSPERIMENTAL

nina:

SUZETTE V. DOTON
EMMAN LOUIS C. SIOBAL
CHARLENE T. SUAREZ
EUNICE ADRIANA C. TAPAOAN
SHANNON ROSE T. TIODIANCO

Isang Pasulat na Ulat na Ipinasa kay

G. JACKSON A. PARCHAMENTO
Instructor I

Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng mga Sining at Agham,


Central Luzon State University,
Bilan g Bahagi ng m ga Pang ang ail ang an sa Asign atu rang FilDi s 1105-
Filipino sa Iba’
t Ibang Disiplina

HUNYO 27, 2019


AKSYONG PANANALIKSIK

Ang bawat pananaliksik ay ginagamitan ng mga metodolohiyang naayon sa


pangangailangan nito upang masigurong maayos at tama ang pagproseso ng pananaliksik.
Isa ang aksyong pananaliksik dito, Ang aksyong pananaliksik , ayon kay Buela, A.,ay isang
uri ng pananaliksik na ginagamit upang tugunan ang isang problema sa pamamagitan ng
pagsagawa ng mga paraan na maaring makalutas ng problema, kung di man ay muling
hahanap hanggang maresolba ito. Layunin ng pananaliksik na ito ay Ang pagpapahusay ng
praktika at Ang pagtukoy at paglutas Ng mga elemtong kailangang baguhin. Ang mga taong
gumagawa nito ay ang mga aktor, hango sa pangalan ng pananaliksik na Ito. Sila Ang mga
taong tumutupad Ng kaninang propesyon sa araw araw at naglalagyom na mas lalong
unawain at pagbutihin pa ang kanilang gawain.

Ang kadalasang ginagamitan ng aksyong pananaliksik ay sa edukasyon o ang


mga guro na naghahanap ng solusyon sa mga problema sa silid aralan at sa pagtuturo
at pagkatuto Ng mga mag aaral. Naging batayan Ang pananaliksik ni Lawrence
Stenhouse sa paggamit Ng akong paananliksik sa edukasyon na magbibigay diin na sa
mga guto dapat ipaubaya Ang paglinang ng edukasyon.

Iba pang Depinisyon ng Aksyong pananaliksik

Angg uri ng pananaliksik na ito ay maituturing nabenepisyal. Mula sa pangalan


nito, agad natingmatutukoy na ang paksang sinasaliksik ay maysuliraning
kinakailangang tugunan. Sa pagtugon,makapagbibigay ka ng solusyon na
pakikinabanganng iyong mga benepisyary.
Ito ay isang pratikal na pamamaraan upang pagnilay-nilayan ng indibidwal ang
kalikasan ng kanyang praktika at paghusayan pa ito

Mga KATANGIAN ng Aksyong pananaliksik

1.Ito ay pananaliksik kung saan kaakibat nito ang pagsasagawa ng nasabing research.

2.Ito ay isang proseso.

3. Ang bawat hakbang ay nangangailanganng matinding pagsusuri.


4. Ito ay nangangailangan ng malawak atkritikal na pagiisip

5. Ang bawat miyembro ay dapatnagkakaisa sa kanilang sinasaliksik

6. Nagsisimula ito sa makabuluhan at mabibigyang aksyon na

Pamamaraan

Ang nasabing proseso ay nakabase sa naunang nagawa ni Stephen Kemmis


(plan, act, observe and reflect) na dinebelop at ginawang mas detalyado ni Gerald
Susman. Sa pamamagitan prosesong Ito ay maisasagawa Ang aksyong pananaliksik.

Kahalagahan Ng Aksyong pananaliksik

Ang aksyong pananaliksik ay maaring gamitin upang tumuklas ng mga praktikal


na solusyon sa mga problema sa mga propesyon. Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng
pananaliksik makakatulong maayos na paghahanap at pagsasagawa ng mga solusyon.
Magagamit din Ito upang lubos na maunawaan ang propesyon at mapahusay
pa Ito. Sa parte naman ng edukasyon, Ang aksyong pananaliksik ay mahalaga
sa mga guro sa kadahilanang mayroon pa rin silang kontrol sa kanilang
pagtuturo.

Ang aksyong pananaliksik ay mayroong mga bahagi na may


pagkakahalintulad sa mga nakasanayang pananaliksik ng mga estudyante.
Ang mga bahaging ito ay nahahati sa limang kabanata:

Kabanat a I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Panimula

Ito ang naglalarawan sa paksang tinutukoy sa pananaliksik.


Maaaring talakayin dito ang kaligiran ng pananaliksik, layunin ng
pananaliksik, kahalagahan ng suliranin at mga katanungan nais
matugunan ng gagawaing pananaliksik.

Upang masabi na mahusay ang panimula ng isang pananaliksik,


nararapat lamang nitong taglayin ang tatlong mahahalagang bahagi. Ito
ay ang:

1. Rasyonale (batayang prinsipyo) – ito ay naglalaman ng


maikling paliwanag kung bakit mahalaga ang paksa ng
pananaliksik.

2. Layunin –ito ay tumutukoy sa tunguhin o obhektibo ng


pananaliksik

3. Mga Katanungan

Ang panimula ay karaniwang nagtatapos sa mga katanungan at


ito ay kailangang may kaugnayan sa layunin ng pananaliksik, may
pokus at malinaw.
Paglalahad ng Suliranin

Ang paksa ng pananaliksik ang batayan sa pagbubuo ng


paglalahad ng suliranin. Maliban sa pangkalahatang suliranin na
ilalahad, mag-uugat ang mga kasangay na suliranin upang lalong
matiyak na mabibigyang tugon ang suliraning nakaugnay sa paksa ng
pananaliksik.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang bahaging ito ay tumutukoy sa kontribusyon ng


pananaliksik sa

a) Bansa (tunguhin/plano)
b) Pambansang Polisiya
c) Nangingibabaw na katotohanan
d) Rehiyunal (lokal na tunguhin/plano)
e) Tunguhin/plano ng komunidad
f) Tunguhin/plano ng pamantasan
Kabanata II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa isang pormal na pangangalap ng


propesyunal na literatura na may kaugnayan sa isang partikular na suliranin
ng pananaliksik. Kailangan ding matukoy ng mananaliksik kung sinu-sino ang
mga may-akda ng naunang pag-aaral o literatura, disenyo ng pananaliksik na
ginamit, mga layunin at mga resulta ng pag-aaral. Mahalaga ang kabanatang
ito dahil ipinapaalam dito ng mananaliksik ang kasalukuyang estado ng
kaalaman kaugnayn ng kaniyang paksa.

Banyagang Pag-aaral

Lokal na Pag-aaral

Banyagang Literatura

Lokal na Literatura
Kabanata III: METODO NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa mga instrumentong ginamit


upang makakalap ng mga impormasyon na gagamitin sa pananaliksik.
Pamamaraang Ginamit

Mayroong limang uri na maaring pagpilian na maaring gamitin sa


pananaliksik.

1. Deskriptibong Pananaliksik (Decriptive-survey Research)


2. Pangkasaysayang Pananaliksik (Historical Research)
3. Case Studies
4. Project Feasibility Studies
Kabanata IV: PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA SA MGA
DATOS

Sa kabanatang ito ginagamit ang tabyuleysyon na kung saan ito ay


isang proseso ng paglalahad ng mga datos na nakalap upang dumaan sa higit
na pagsusuri.

Kabanata V: REKOMENDASYON

Rekomendasyon

Ang pagsasagawa ng rekomendasyon ay higit na madaling


gawain. Naglalaman ito ng mga mungkahing maaaring gawing paksa
ng mga susunod na mananaliksik.
PANANALIKSIK NA EKSPERIMENTAL

A. PAGTATAMPOK SA ARALIN

Ayon kay Dianggal (2017), ang pananaliksik na eksperimental ay paraan ng


pananaliksik na ginagamitan ng laboratoryo upang tuklasin ang kadalisayan at
katotohanang bunga ng mga datos na nakalap para sa isang mahalagang problema at
paksa. Binibigyang-diin dito ang hinaharap at kung ano ang mangyayari. Isinasagawa
upang makita ang bisa ng isang bagay o kaisipang maaaring gamitin sa ating
panghinaharap na buhay. Sa isang eksperimental na pag-aaral, ang mananaliksik ay
nakakamanipula kahit na isang malayang baryabol, makontrol ang iba pang may
kaugnayang baryabol, at sinusuri ang epekto sa isa o higit pang di malayang baryabol.

Ayon naman kay Javelosa, ang pananaliksik na eksperimental ay may


natatanging katangian na panghuhula sa maaaring kasagutan ng mga katanungan.
Haypotesis ang tawag sa hulang ito. Ang pamamaraang eksperimental ay ang
pagsubok sa isang haypotesis sa pamamagitan ng isang mapamaraang paggamit ng
may kaugnayang empirikal na mga salik, sa pag-asang matatamo ang katotohanan
kung ang haypotesis ay mapapatunayan ng bunga ng mga mapamaraang paggamit.

Ang pananaliksik na eksperimental ay binibigyang-prayoridad ng mga


institusyong pananaliksik sa pagbibigay ng grant-in-aid dahil ang resulta ng pananaliksik
ay maaaring mai-convert sa SMEs (small and medium enterprises). Kaya naman,
nakakatulong ito sa mga maybahay, mga tao sa rural na lugar, hindi nag-aaral na mga
kabataan, mga matatandang walang trabaho, at mga nagtapos upang dagdagan ang
kanilang kita, mapawi ang kahirapan, at mapabuti ang kanilang kalidad ng buhay. Bukod
pa rito, nakaka-ambag ito sa ekonomiya ng bansa. Ang pananaliksik na eksperimental
ay may naiibang limitasyon kapag ginamit sa edukasyon, sosyolohiya, at sikolohiya
(Calmorin, 2016).

Hindi gaya sa deskriptibong pananaliksik, ang mga resulta ng eksperimentong


pananaliksik ay maaaring maging patentado dahil maaaring negosiyohin, kaya naman
nakakatulong sa socioeconomic na pag-unlad ng bansa. Samakatuwid, ang mga
institusyong pang-edukasyon ay dapat tumuon sa pananaliksik na eksperimental upang
matugunan ng mga nagtapos ang pangangailangang socioeconomic ng bansa
(Calmorin, 2016).

Ilan sa mga halimbawa ng pananaliksik na eksperimental ay ang mga sumusunod:

1. Eksperimentong gagawin ng guro upang malaman niya kung aling paraan ng


pagtuturo ang gagamitin upang madaling matuto ang kaniyang mag-aaral.

2. Eksperimentong pag-aaral upang suriin kung gaano karaming fertilizer ang gagamitin ng
mga magsasaka upang mas mapabilis mamunga ang kanilang mga pananim.

B. PAGPAPALALIM SA ARALIN

Depenisyon ng Eksperimental na Pananaliksik

Isa sa mga uri ng disenyong pananaliksik ay ang eksperimental na pamamaraan.


Ito ay tumutukoy sa pagkuha ng datos gamit ang sayantipikong hakbangin. Ang lohikal
at sistematikong proseso ay may mahalagang gampanin upang maisakatuparan ito.
Nabibilang din ito sa uri ng pananaliksik ayon sa istatistikal na pamamaraan. Isa sa mga
kapunapunang katangian ng nabanggit ay ang pagkakaroon ng kakayahan ng mga
mananaliksik sa pagdiskubre ng sanhi at epekto ng isang bagay gawa ng pagkontrol sa
mga baryabol na nakapaloob sa pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay mayroong
haypotesis. Batay sa pahayag ni Nadunza (2016), ito ay isa sa mga hakbang sa
siyentipikong metodolohiya. Ang haypotesis ay tumutukoy sa isang mungkahing
paliwanag at ang paunang lugar para sa isang mas malalim pa na pag-iimbestiga.

Ang malalim na pagtalakay ukol sa haypotesis maging ang mga baryabol ay


nasa mga susunod na bahagi.

Kaugnay nito, nakasaad sa artikulong isinulat ni Luzzi (n.d.), isang educational


psychologist, sa pamamagitan ng eksperimental na pananaliksik ay nabibigyang linaw ang
sanhi at bunga ng isang bagay upang lubos na maintidihan ang mga kaugnay na pangyayari
nito. Ito rin ay nagiging daan upang makatuklas ng mga resultang kapakipakinabang. Ito rin
ang rason kung kaya nabibilang din ang pamamaraang ito sa mga uri ng pananaliksik batay
sa panahon. Ayon kay Sinoy (2016) isinaad ni Best (n.d.) na ang eksperimental na
pananaliksik ay may kakayayahang mailarawan ang hinaharap.
Patunay na rito ang mga imbensyon at tuklas na na nagbibigay kontribusyon sa araw-
araw na gawain ng tao.

Dagdag pa ni Luzzi, kung ihahambing ito sa ibang uri ng pananaliksik katulad ng


case study, sarbey at correlational studies mapapansin na ang mga ito ay naglalaman
ng mga salik na hindi maaring makontrol kung kaya ginagamitan ng obserbasyon bilang
pangunahing instrumento sa pagkalap ng pertinenteng impormasyon.

Dito pumapasok ang konsepto ng experimental validity. Ito ay tumutukoy sa


paraan kung paano binibigyang impluwensya ng independent variable ang resulta at
kawastuhan ng pagbibigay kongklusyon ukol sa pag-aaral. Ito ay nahahati sa dalawang
uri: ang internal at external validity

Samakatuwid, ang mga disenyo ng pananaliksik na isinasagawa sa labas ng


laboratoryo ay may mataas na external validity. Ito ay tumutukoy sa hangganan ng
pagbibigay ng konklusyon na maaring kumatawan sa isang populasyon (Generalize).
Sa kabilang dako, ang eksperimental na pananaliksik ay may mataas na internal validity,
isang katangian na sumusukat sa koneksyon sa pagitan ng baryabol na nakokontrol at
baryabol na nasusukat. Ito rin ang nagpapatunay na liban sa baryabol na nakokontrol ay
wala ng iba pang salik ang nakaapekto sa mga resulta ng pag-aaral (cause and effect
relationship). Maliban dito, sa kadahilanang malimit isinasagawa ang eksperimental na
pananaliksik sa laboratoryo o iba pang angkop na lugar, idagdag pa ang tiyak na
resultang nakukuha mula rito, limitado lamang ang kongklusyon nito sa piling
sirkumstansya, bagay at populasyon. Tandaang iba-iba ang maaaring epekto ng resulta
sa nakararami.

Layunin ng Eksperimental na Pananaliksik

Ang layunin ng eksperimental na pananaliksik ay ang makabuo ng “


sanhi-at-
bunga”na relasiyon sa mga baryabol sa siyang pinag-aaralang penomeno sa paraan ng
pag mamanipula ng isang baryabol, habang ang pangalawa ay sinusukat at ang ibang
baryabol pa ay kontrolado na siyang maari na maka sagot o hula ukol ditto.

Haypotesis ang tawag sa hulang iyon at ayon kay Gay (n.d.), ang haypotesis ay
pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan, bagay na
hindi pangkaraniwan, pangyayaring naganap na o magaganap pa lamang. Ang
haypotesis ay tumutukoy sa tiyak na pagpapahayag ng suliranin sa isasagawang aral.
Ayon kay Rezaei (2011), may apat na elements ang pagsagawa ng eksperimento
sa isang eksperimental na pananaliksik, ito ang mga sumusunod:

a. Manipulation – ang pag manipula ng isang baryabol sa pamamagitan ng


pagbabago ng sukat nito upang makabuo ng set ng dalawa o higit pang
treatment conditions.
b. Measurement –ang pagkuha ng mga score sa bawat treatment conditions.
c. Comparison –ang pagkokompara ng bawat score sa iba’
t-ibang treatment
conditions.
d. Control –ang iba pang baryabol ay kontrolado upang hindi maapektuhan ang
dalawang baryabol na siyang pinag-aaralan/pinag-eeksperimentuhan.

Sa isang eksperimento, ang baryabol na minamanipula ng mananaliksik ay


tinatawag na independent na baryabol habang ang dependent na baryabol naman
ang baryabol na inoobserbahan ng pagbabago mula sa pagmamanipula ng independent
na baryabol. Ang ibang baryabol naman maliban sa independent at dependent baryabol
ay tinatawag na extraneous na baryabol.

Uri ng datos na kinokolekta

Ang eksperimental na pananaliksik ay nahahanay sa mga pamamaraang


istatistikal kung kaya ang mga uri ng datos na kinokolekta ay nangangailangang
nasusukat o nabibilang. Sa madaling sabi, ito ay kwantitatibo. Ayon kay Harland (n.d.)
ang oras, laki, bigat, init maging ang bilis ng isang sabdyek ay ilan lamang sa mga salik
na maaaring tignan sa paggawa ng eksperimento. Ngunit, ipinaalala ni Harland na
nangangailangan ng kaayusan sa paglalahad ng datos. Aniya, may dalawang paraan
upang mailarawan ito. Una na rito ang paggamit ng mga salita at pangungusap, at ang
paggawa ng talahanayan o mga graph depende sa ilalahad na impormasyon.
Halimbawa na lamang ng bar graph na naglalarawan ng dami ng datos; line graph na
nagpapakita ng pagbabago ng datos sa loob ng tiyak na panahon; pabilog na chart na
naglalahad ng proporsyon o pagkakahati ng mga bahagi at iba pa. Kadalasang
ginagamit ang parehong paraan upang tiyakin na madaling maiintindihan ng
mambabasa ang resulta at mga implikasyon nito sa pananaliksik.
Paraan sa pagkalap ng datos

Ang mga kalahok na sabdyek ng eksperimento ay tinatawag na experimental


group. Ito ang inoobserbahan ng mga mananaliksik sa tuwing iniiba ang baryabol na
nakokontrol (independent variable) at ang epekto nito sa sinusukat na baryabol
(dependent variable). Ngunit, kung ang baryabol na nakokontrol ay hindi sinusuri pero
amg mga kalahok ay nasa parehong kondisyon katulad ng experimental group, ito ay
tinatawag na controlled group. Sa madaling sabi, nagsisilbing basehan ang controlled
group upang malaman kung may pagkakaiba sa resulta ng eksperimento at walang
ibang salik ang nakaapekto rito. (Helmenstine at Helmenstine, 2019)

Ang pagkakaroon ng dalawang grupo ay naglalayong matiyak na ang bunga ng


pag-aaral ay likha lamang ng baryabol na nakokontrol.

Nakapaloob sa eksperimental na pananaliksik ang isang paraan upang masiguro


ang obhetibo na resulta mula sa kalahok ng pag-aaral. Ito ay tinatawag na blinding.
Batay sa artikulo ni Crandon (2017), ang blinding ay isang proseso na kung saan ang
mga kalahok at/o ang tester o tagapagpadaloy ng pananaliksik ay walang ideya sa isang
partikular na aktibidad na bahagi ng eksperimento.

Nauuri ito sa dalawa. Kung ang tagapagpadaloy lamang ang nakaaalam kung
ang mga kalahok ay nakabilang sa experimental group o control group, tinatawag itong
single blinding. Samantala, double blinding ang tawag kung ang tagapagpadaloy ay
walang ideya patungkol sa uri ng kalahok (Lee,2015).

Klasipikasyon ng mga Desinyo sa Eksperimental na Pananaliksik

May tatlong pangunahing desinyo sa eksperimental na pananaliksik:

a. Pre-experimental Research Design – pinakasimpleng uri ng desinyo para sa


eksperimental na pananaliksik kung saan ang isang grupo o higit pa ay
inoobserbahan pagkatapos isaalang-alang ang ilang factors para sa sanhi-at-
bungang relasyon sa isa’
t isa. Ito ay ginagamit upang malaman kung kailangan pa ba
ng ibayong imbestigasyon o pag-aaral ang target groups. Ito ay may tatlong uri:
One-shot Case Study Research Design –isang experimental group
lamang ang nakasalang para sa treatment at ang mga obserbasyon ukol
dito ay ginagawa sa oras ng pagsagawa ng mismong treatment. Walang
random assignment sa mga sabdyek ng experimental group at wala ring
control group.
One-group Pretest-Posttest Design –ang pinakasimpleng uri ng Pre-
experimental research design sapagkat ang experimental group lamang
ang pag-aaralang sabdyek kung saan nagsasagawa ng pretest
observation sa dependent na mga baryabol bago ang pagsagawa ng
treatment sa selected group at isang posttest observation sa nasabing
baryabol pagkatapos ng pagsagawa ng treatment para malaman ang
epekto nito sa selected group.
Static-group Comparison

b. True experimental Research Design – ang desinyo kung saan ang mga
mananaliksik ay may kompletong control sa mga extraneous variables at kayang
mahula at masabi na ang naobserbahang epekto sa mga dependent na baryabol
ay sanhi ng pagmanipula ng independent na baryabol. Sa desinyong ito,
mahalagang ito ay binubuo ng mga katangian ng Manipulation, Control, at
Randomization. Ito ang desinyong may pinakawasto sapagkat ito ay nakasalalay
sa statistical analysis para pabulaanan ang haypotesis. Ang mga uri nito ay ang
sumusunod:
Post-test-only Control Design –binubuo ng dalawang randomly assigned
group (halimbawa, experimental at control group), ngunit wala isa sa mga
ito ang una nang na eksamen bago ang pagsagawa ng treatment sa
experimental group.
Pretest-Post-test-Only Design – ang mga sabdyek dito ay randomly
assigned sa experimental o control group kung saan ang epekto ng
dependent na baryabol ay makikita sa dalawang grupo bago pa man ang
treatment (pretest) at pagkatapos isagawa ang treatment sa experimental
group, isang after-treatment observation sa dependent na baryabol ang
isinasagawa sa parehong grupo (experimental at control) para
maeksamen ang epekto ng pagmamanipula ng independent na baryabol.
Solomon Four-Group Design –ito ay may dalawang experimental groups
at control groups kung saan may random assignment ng mga sabdyek sa
apat na grupong iyon. Sa apat na grupo, ang experimental group 1 at
control group 1 ang nakakatanggap ng pretest na sinusundan ng treatment
sa experimental group 1 at 2. At pagkatapos, ang apat na grupo ay
magsasagawa ng posttest kung saan inoobserbahan ang mga naging
epekto sa dependent na baryabol at ihahambing sa apat na grupo para
malaman at matantiya ang epekto ng independent na baryabol sa
dependent,
Factorial Design –ang mananaliksik ay minamanipula ang dalawa o higit
pang independent na baryabol nang sabay sa pag obserba ng epekto nito
sa mga dependent na baryabol.
Randomized Block Design –isang simpleng metodo na maaaring gamitin
sa pagbawas ng variability ng treatment groups sa pamamagitan ng mas
homogeneous combination ng mga sabdyek.
Crossover Design –ang mga sabdyek dito ay nakalantad sa higit sa isang
treatment kung saan ang mga sabdyek ay randomly assigned sa iba’
t
ibang order ng treatment. Ito rin ay kilala bilang ‘
repeat measures design’
.
c. Quasi-experimental Research Design –isinasagawa dito ang pagmamanipula ng
independent na baryabol para maobserbahan ang epekto nito sa dependent na
mga baryabol. Ang pagkakaiba nito sa true experimental design ay kulang ito ng
isa o higit pang katangian nito katulad ng Randomization at Control Group. Ang
dalawang uri nito ay:
Nonrandomized Control Group Design –kilala rin bilang ‘
non-equivalent
control group design’
. Ito ay may pagkakatulad sa pretest-posttest control
group design ngunit ito ay walang random assignment ng mga sabdyek sa
experimental at control groups. Ang dependent na baryabol naman ay
inoobserbahan din bago pa man ang pagmamanipula (pretest) at
pagkatapos naman maisagawa ang treatment sa experimental group,
magsasagawa naman ng posttest observation sa dependent baryabol ukol
sa mga naging epekto nito sa nasabing baryabol.
Time-series Design –ito ay may malaking pakinabang kung ang mananaliksik
ay gustong sukatin ang epekto ng treatments sa loob ng isang mahabang
panahon. Ito ay kadalasang single-subject na pananaliksik.

Gampanin ng etika sa riserts

Malaki ang importansya ng pagsunod sa etika o tamang gawi pagdating sa


pananaliksik. Ito ang nagsisilbing gabay upang makalikha ng pag-aaral na ligtas mula sa
panganib at hindi makalalabag sa kahit na ano man na karapatan. Ang kredibilidad ng
mananaliksik at kanyang gawain ay siya ring basehan upang masabing matagumpay
ang buong proseso.

Isa sa mga anggulo ng etika ay ang pakikiisa ng mga tao bilang paksa ng pag-
aaral. Ang kaniyang personal na impormasyon maging ang gampanin niya sa
pananaliksik ay nangangailangan ng kanyang pahintulot. Kaugnay nito, ang
eksperimental na pananaliksik ay tinitignan sa perspektibo ng agham at buhay ang
pangunahingusapinn dito.

Bilang pagpapatibay, ayon kay Walton (n.d.) ang pagkakaroon ng etika ay may
tatlong mithiin. Una ay ang bigyang proteksyon ang mga taong kalahok. Pangalawa ay
ang garantiya na ang pangunahing adhikain ng pananaliksik ay para sa nakararami at
hindi lamang sa personal na interes. At ang huli ay ang pagtiyak na nakaangkla ang
mga gawain sa tamang paraan katulad ng paghingi ng permiso mula sa kalahok. Ang
etika ay hindi lamang nakalaan sa tao kundi para rin sa mga hayop.

Maliban dito, ang usapin sa karapatang pang-intelektwal ay isa sa mga


pinagtitibay ng etika. Mahigpit na ipinagbabawal ang panunulad o plahiyo. Ito ay ang
ilegal na pangaangkin ng ideya o ginawa ng ibang tao. Nangyayari ito kung kokopyahin
ang ilang ideya at hindi ilalagay kung at saan ang pinagkuhanan at sino o kaninong
ideya ito. (Parra, 2017). Maiging igalang ang karapatang pang-ari ng may akda dahil
may kaukulang parusa ang sino mang lalabag dito.
Sa Pilipinas, ang R.A. 8293 o Intellectual Property Code of the
Philippines ang may saklaw upang bigyang proteksyon ang karapatang pang-
ari ng mga tao. Hindi lamang ito nalilimitahan sa akda kundi pati sa mga ibang
likha mula sa haraya ng mga mamayan nito.

Bagaman at isa sa mga hamon ang pagkakaroon ng kakaiba at


kapakipakinabang na tuklas ayon sa Enago Academy (2016), maiging
isabuhay ang tamang gawi.
Sanggunian

Walton, N.(n.d.). What Is Research Ethics? Retrieved on June 14, 2019.


Retrieved from https://researchethics.ca/what-is-research-ethics/

Enago Academy (2016). Research Ethics. Retrieved on June 14, 2019.


Retrieved from https://www.enago.com/academy/amp/research-ethics

Parra (2017). Ano ang Plagiarism? Retrieved on June 15, 2019. Retrieved from
https://brainly.ph/question/543009

The LawPhil Project(n.d.). R.A. 9283. Retrieved on June 15, 2019. Retrieved
from https://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra1997/ra_8293_1997.html

Luzzi, J.(n.d.). Experimental Research. Retrieved on June 12, 2019. Retrieved

from http://www.kean.edu/~jluzzi/classes/experim.doc

Sinoy, J.M. (2016). Mga Kahulugan ng Pananaliksik. Retrieved on June 15,

2019. Retrieved from


https://www.0.freebasics.com/https/jmsinoy.blogspot.com/2016/12/mga-
kahulugan-ng-pananaliksik.html?m=

Nadunza, K. (2016). Ano ang Haypotesis? Retrieved on June 15, 2019.


Retrieved from https://brainly.ph/question/321499
Harland, D.J. (n.d.). Introduction on Experimental Research. Retrieved on June
12, 2019. Retrieved from
https://cemast.illinoisstate.edu/downloads/hsrs/types_of_research.pdf

Helmenstine, T. (2019). What Is An Experimental Group? Retrieved on June 15,


2019. Retrieved on https://www.thoughtco.com/what-is-an-experimental-group-
606109

Helmenstine, A.M. (2019). What Is A Control Group? Retrieved on June 15,


2019. Retrieved from https://www.thoughtco.com/what-is-a-control-group-
606107
Crandon,S.(2017). Blinding: A detailed guide for students. Retrieved on June
15,2019. Retrieved from https://www.students4bestevidence.net/blinding-
comprehensive-guide-
students/?fbclid=IwAR16O4E_Ngp5KFhHEdj0dn_2qZMxCiJzbq4mrrWck5PZZ
- VMrHyLfMwTVWg

Lee, R.(2015). What is the difference between a single and a double blind?
Retrieved on June 15, 2019. Retrieved from https://www.quora.com/What-is-
the-difference-between- a-single-blind-and-a-double-blind-
study?fbclid=IwAR0RWvy4fL0FJ1b7IrYU38_N6cfszecKihLuqmqtPl1kUfrBFQB q-
s5XHF8

Dianggal, S.(2017). Deskriptib at Eksperimental na Pananaliksik. Prezi.


Retrieved from https://prezi.com/m/d1bpxtamzhws/deskriptib-at-
eksperimental-na-pananaliksik/
Pananaliksi k.
Javelosa, A. M.
from
https://www.slideshare.net/mobile/aliciamargaretjavelosa/pananaliksik-filipino

Calmorin, L. P. (2016). Research and Thesis Writing With Statistics Computer


Application. Rex Bookstore. Manila

Rezaei, A. (2011, February 06). Retrieved June 15, 2019, from


http://web.csulb.edu/- arezaei/EDP520/powerpoint/7-
%20Experimental%20research%20Strategy.ppt

Bhat, A. (2018, August 14). Experimental Research- Definition, Types of


Designs and
Advantages. Retrieved June 16. 2019,
from https://www.questionpro.com/blog/experimental-
researc
h/

Patidar, J. (2013, May 07). Experimental research design. Retrieved June 16,
2019, from https://www.slideshare.net/mobile/drjayeshpatidar/experimental-
research-design- 20769996

SlideShare.
Retrieved

You might also like