You are on page 1of 39

Epekto ng Paggamit ng Salitang Milenyal sa Wikang Filipino:

Isang Pagsusuri

Isang Papel Pananaliksik na ihaharap sa dalubguro ng

Filipino sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Mayapyap

Lungsod ng Cabanatuan

                                                           

Mga Mananaliksik:

Mary Joyce M. Trajano

Lhenard Angelo S. Aquino

Almario A. Escalicas

Jose S. Manahan

Melody M. Pangalinan

Gesiree G. Pilongco

Listean B. Portugal

Mary Joyce F. Reyes

Pebrero 9, 2018

1
MGA NILALAMAN

PAHINA

PAMAGAT............................................... i

MGA NILALAMAN......................................... ii

PAGKILALA............................................. iv

PAGHAHANDOG........................................... v

Kabanata I: ANG SULIRANIN AT BATAYAN NG PAG-AARAL

Panimula......................................... 6

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura........... 8

Paglalahad ng Suliranin.......................... 9

Kahalagahan ng Pag-aaral......................... 10

Pagbibigay Kahulugan............................. 11

Saklaw at Limitasyon............................. 12

Kabanata II: DISENYO NG PANANALIKSIK O METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik.......................... 13

Mga Kalahok...................................... 14

Pamamaraan ng Pagpili at Pangangalap ng Datos.... 15

2
Kabanata III: PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGBIBIGAY-

KAHULUGAN SA MGA NATUKLASAN

Mabuting epekto ng salitang Milenyal............ 16

Hindi mabuting epekto ng salitang Milenyal-

Sa Wikang Filipino.............................. 17

Maitutulong upang hindi matabunan ng Salitang- Milenyal

ang Wikang Filipino.................... 19

Kabanata IV: LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Paglalagom...................................... 21

Konklusyon...................................... 23

Rekomendasyon................................... 23

TALASANGGUNIAN.................................. 25

Apendiks A-Kasaysayan ng Wikang Filipino............. 26

APENDIKS B-Ang pag-usbong ng salitang milenyal....... 28

APENDIKS C-Mga dokumentado sa isinagawang-

. pagkuha ng datos..................... 30

Kurikulum Bitey...................................... 32

3
PAGKILALA

Taos-puso po ang pasasalamat ng mga mananaliksik sa mga

taong walang sawang sumoporta, tumulong at gumabay para sa

ikatatagumpay ng pag-aaral na ito. Gustong bigyan ng

pasasalamat ng grupo, sa mga inspirasyon at mga

naging bahagi ng pananaliksik na ito.

Una sa lahat, nagpapasalamat ang mga manunuri sa

Poong Maykapal na siyang nagbigay ng tatag at lakas

sa lahat.

Sa mga magulang ng mga mananaliksik na walang sawa

sa pagsuporta sa pag-aaral at pagbibigay sa lahat

ng suportang moral, maging pinansyal, upang

makapanaliksik ng maayos at para maipagpatuloy ang

pag-aaral.

At higit sa lahat, sa pinakamamahal, kagalang-

galang at mabait na guro ng mga mananaliksik, Gng. Amelia

Supian, na walang sawang gumabay sa mga manunuri sa

pag-aaral sa asignaturang Filipino. Gayundin sa bawat

kasapi ng pangkat na nagbigay at nagbuhos ng oras

at pagod upang ang pananaliksik na ito ay

maisakatuparan.

Mga Mananaliksik

4
PAGHAHANDOG

Buong puso at pagmamahal na inihahandog ng mga

tagapagsaliksik ang pag-aaral na ito sa mga taong tumulong,

gumabay at naging bahagi’t inspirasyon upang matagumpay na

maisagawa ang pananaliksik na ito.

Sa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng katatagan,

lakas, patnubay, at walang hanggang biyaya upang maayos na

maisakatuparan ang pag-aaral na ito.

Sa mga magulang ng bawat miyembro na kabilang sa grupo

na ito na walang sawang umuunawa at sumusuporta.

Sa aming dalubguro sa Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t

ibang teksto tungo sa Pananaliksik, Gng. Amelia C. Supian na

siyang naging gabay at isa sa mga naging daan upang ito’y

maging possible.

At sa lahat ng kabilang sa pangkat na ito na nagbuhos

at namuhunan ng oras atpagod upang ang pagsusuring ito ay

maisaganap nang matagumpay.

Mga Mananaliksik

5
KABANATA I

Ang Suliranin at Batayan ng Pag-aaral

Panimula

Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng

pagkakakilanlan ng kanyang pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing

daan para magkaintindihan at magkaunawaan ang mga mamamayan

sa isang bansa. Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng

isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa

pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at

pakikipagtalastasan ng bawat mamamayan. Ito ay talagang

napakahalaga dahil kung wala ito, ang ekonomiya ay hindi

lalago o uunlad kung ang mga tao ay walang pagkakaisa at

hindi nagkakaintindihan.

Sa pagbabago ng henerasyon, marami na rin ang nagbago

sa ating ekonomiya lalong-lalo na patungkol sa ating wika.

Nagkaroon na ng mas maraming barayti ng wika at marami na

ring nalikhang mga bagong salita isa na dito ang salitang

milenyal. Marami nang naidulot na impluwensya ang mga

pagbabagong ito lalong-lalo na sa mga kabataan na nagdudulot

ng kalituhan sa mga tao ukol sa orihinal na ibig sabihin ng

salita. Nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng

6
taong hindi gumagamit ng salitang Milenyal. Dahilan dito ang

Wikang Filipino ay tila natatabunan na, na kung hindi

mabibigyang pansin ay magiging balakid upang ang Wikang

kinagisnan ay mapayabong pa.

Nang dahil sa teknolohiya na nakapaligid sa ating

kabataan ngayon, lalo na ang paggamit ng Social Media,

nalipat na ang kanilang atensyon sa mga bagay na hindi dapat

mas inuuna o hindi naman mahalaga. Nakakalimutan na nila ang

pangunahing kaalaman kagaya ng wastong paggamit ng mga

salita at ang kahalagahan ng pagbibigay importansya at

pagtangkilik sa ating sariling wika; ang wikang Filipino.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na malaman ang mga

kadahilanan ng paglaganap ng salitang Milenyal at mabatid

ang mga konkretong epekto o naidudulot nito sa Wikang

Filipino. Nang malaman kung paano makisabay sa pagbabago ng

ating wika at makabigay ideya sa kung paano mapapaunlad o

mabubuhay ulit ang unti-unti na nating nakakalimutang wikang

Filipino.

7
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang bahaging ito ng pag-aaral ay naglalaman ng mga pag-

aaral at mga artikulong may kaugnayan sa aming napiling

paksa na makakatulongupang mas lalong maunawaan ang aming

ginawang pananaliksik

Ano ang Wika? Wika ang ginagamit natin sa

pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay naipapahayag

natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din

nito nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng

ating kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat

isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika. (thenzai, 2014)

Ang Wikang Filipino bilang Wikang Pambanasa. Itinatag

ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas

Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si

Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936. Ang pangunahing

layunin ng Surian ay piliin ang katutubong wika na

gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng

wikang pambansa ng Pilipinas.

Sa panahon ngayon, samu’t saring salita isa na rito

ang salitang Milenyal na umiiral sa bansa dahilan sa

8
modernong panahon, na nagdudulot ng kalituhan sa mga tao

ukol sa orihinal na ibig sabihin ng salita. (Diama, 2016)

Ang salitang milenyal ay isa sa mga salita na bagong

naidagdag sa diksyunaryong Pilipino. Ito ay nangangahulugan

na mga kabataang ipinanganak sa mga huling bahagi ng 1980s

at mga unang taon ng 2000s. Sila rin yaong mga kabataang

tumuntong sa wastong gulang sa mga unang taon ng 2000s.

(Silaabdabaw, 2016)

Laganap sa iba’t ibang uri ng media gaya ng mass

media, social networking sites at iba pa ang mga salitang na

kung tawagin ay terminong kabataan na tila palaisipan para

sa mga matatanda kung anu ang mga ito. Ang mga salitang ito

ay hindi pormal. At nagkakaroon din ng hindi pagkakaunawaan

sa pagitan ng taong hindi gumagamit ng modernong wika.

(Diama, 2016)

Paglalahad ng Suliranin

Dahil sa unti-unti ng natatabunan ang Wikang Filipino

sa kadahilanang pagtangkilik at paggamit sa Salitang

Milenyal nararapat lamang na mapag usapan at pagtuonan ng

pansin kung paano nakaapekto ang paggamit ng salitang

Milenyal sa wikang Filipino.

9
1. Ano ang mabuting epekto ng paggamit ng salitang Milenyal?

2. Ano ang hindi mabuting epekto ng paggamit ng salitang

Milenyal?

3. Bilang isang mag-aaral ano ang maitutulong mo upang hindi

tuluyang matabunan ang Wikang Filipino?

Kahalagahan ng Paksa

Ang papel pananaliksik na ito ay nagbibigay daan upang

mabigyang pansin ang Wikang Filipino. Makatutulong ito upang

hikayatin ang mga mambabasa na muling buksan ang kaisipan sa

paggamit ng wika ng bansa. Magkakaroon ng sapat na kaalaman

ang mga mambabasa lalo’t higit ang mga kabataan sa ngayon sa

kung ano ang magiging epekto ng paggamit ng salitang

Milenyal sa Wikang Filipino kung patuloy itong gagamitin.

Dahilan dito, inaasahan na ang adbokasiyang ito ay

magsisilbing daan upang muling gamitin ng mga Pilipino ang

pormal na wika ng bansa. Inaasahang magiging aktibo ang mga

mambabasa nito sa pagpapahayag ng kahalagahan ng wikang

Filipino. Gayundin, ang adbokasiyang ito ay magiging dahilan

upang magkaroon ng pagkakaisa sa wikang ginagamit.

10
Ang pagsusuring ito ay makatutulong sa mga sumusunod:

Sa mga Kabataan. Upang buksan ang kanilang isip na unti unti

nang natatabunan ang Wikang Filipino sa kadahilanang

pagtangkilik sa salitang Milenyal.

Sa mga Mag-aaral. Upang mas maging matalino sa paggamit ng

salita para hindi tuluyang matabunan ang Wikang Filipino sa

pag usbong ng salitang Milenyal

Sa susunod pang henerasyon. Makatutulong ito upang maging

basehan ng kanilang pananaliksik.

Pagbibigay Kahulugan

Salitang Milenyal. Salitang umusbong kung saan ito ay mas

pinaiikli at kadalasang ginagamit sa Social Media. Ito ay

kadalasang ginagamit ng mga Kabataan sapagkat ito’y sabay sa

uso at napapanahon.

Social Media. Isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring

magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang

binuo ng gumagamit.

Wikang Filipino. Ang wikang “Filipino” ang pambansang wika

at isa sa mga opisyal na wika ng ating bansa.

11
Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa paglikom ng iba-

ibang persepsyon ng kabataan sa pagkilanlan at paggamit sa

wikang Filipino sa makabagong panahon. Sa pagsusuring ito,

dito malalaman kung ano ang maganda at hindi magandang

epekto sa paggamit ng salitang Milenyal sa wikang Filipino.

Ang pagsusuring ito ay naka pokus sa Pambansang Mataas na

Paaralan ng Mayapyap na nasa ikalabing-isang baitang kung

saan ang bawat indibidwal ay gumagamit ng salitang Milenyal.

12
KABANATA II

Pamamaraan ng Pananaliksik o Metodolohiya

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng Disenyo ng

Pananaliksik, Mga Kalahok at Pamamaraan ng Pananaliksik at

Pangangalap ng Datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Pinili ng mananaliksik ang kwalitatib na pananaliksik

sapagkat ito ay naglalayong magmasid at magtala ng

obserbasyon ng kilos at asal ng mga nakikilahok ukol sa

kanilang karanasan sa paksa o layon ng pagsusuri. Nilalayon

nitong maintindihan ang paniniwala, pakiramdam, at kilos o

asal ng mga kalahok sa pagsusuri.

Ang isinagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong

metodolohiya ng pananaliksik. Ang nasabing uri ay ginamitan

ng talatanungan na pupunan ng mga kalahok at siyang

panggagalingan ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik

na ang disenyong ito ang pinakaangkop gamitin sapagkat mas

madaling kumuha ng mga kinakailangang datos mula sa maraming

bilang ng mga kalahok.

13
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng palatanungan na

naglalaman ng walong katanungan na ibinigay ng mananaliksik

bago interbyuhin ang mga kalahok at nang sa gayon ay

mapaghandaan ng mga kalahok ang mga katanungan na sasagutan.

Gumamit ng camera ang mananaliksik sa pagkuha ng datos upang

makuha lahat ng impormasyon inilahad ng kalahok. Gagamit

lamang ng camera ang mananaliksik kung ang kalahok ay

nagbigay ng permiso na ma-videohan ngunit kung hindi ay

gagamit ang mananaliksik ng voice record upang makuha parin

ang lahat ng impormasyon at datos na kakailanganin sa

pananaliksik.

Mga Kalahok

Ang mga kalahok ay nasa ikalabing-isang baitang ng mag-

aaral mula sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Mayapyap kung

saan ang bawat kalahok ay gumagamit ng salitang milenyal.

Ang mga mananaliksik ay kumuha ng tag-dadalawang kalahok sa

bawat pangkat. Ang pagpili ng kalahok ay ginamitan ng

purposive sampling kung saan sinadyang pinili ng

mananaliksik ang mga kalahok na gumagamit ng salitang

milenyal.

14
Pamamaraan ng Pananaliksik at Pangangalap ng Datos

Ang bawat kalahok ay hiningan muna ng permiso na

bigyang oras ang isasagawang pagsagot sa mga talatanungan at

interbyu pagkatapos makuha ang iskedyul ng bawat kalahok,

iniwan ang mga talatanungan upang mapaghandaan ng bawat

kalahok ang isasagawang interbyu. Pagkatapos maisagawa ang

interbyu, upang masuri ang mga datos at impormasyong nakalap

sa mga kalahok, pinili ng mananaliksik ang mga kasagutan na

magkapare-pareho at ang mga kasagutan na makakatulong sa

pananaliksik upang malaman ang epekto ng paggamit ng

salitang milenyal.

15
KABANATA III

Paglalahad, Pagsusuri at Pagbibigay Kahulugan sa mga

Natuklasan

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagsusuri at

pagpapakahulugan ng mga datos na nakalap tungkol sa antas ng

kaalaman ng mga mag-aaral. Ang pagtatalakay sa mga sagot ay

ibinatay sa pagkakaayos ng mga katanungan sa unang kabanata.

Paglalahad

Ang mga nakuhang datos ukol sa mabuting epekto ng

paggamit ng salitang Milenyal ayon sa piling estudyante ang

paggamit nito ay ang paggamit nito ay nakakasabay sa uso at

nakakatuwa itong gamitin sapagkat ang mga salitang dapat ay

mahahaba ay pinapaikli na lamang, nagiging magandang

pakinggan ang bawat salita sapagkat ito ay bago sa pandinig.

Nagkakaroon tayo ng iba’t ibang karanasan sa pagsasalita at

nagiging malaya ang mga kabataan sa pagpapahayag ng saloobin

sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong salita, ang

salitang Milenyal.

Pagsusuri

16
Lumabas sa ginawang pag-aaral na karamihan ang tumugon

sa kasagutang nakakasabay sa uso ang paggamit ng salitang

Milenyal at magkasing-dami ang tumugon ng mga sumusunod.

Una, maganda itong pakinggan. Pangalawa, nakakatuwang

gamitin at pangatlo, nagiging malaya ang kabataan sa

pagpapahayag.

Pagpapahalaga

Sa datos na nakalakap ng mga mananaliksik hinggil sa

pananaw ng mga piling mga estudyante ng MNHS, SHS ukol hindi

mabuting epekto ng paggamit ng salitang Milenyal, sa

pamamagitan ng paglikom ng mga datos mula sa kalahok,

nakatulong ito upang malaman ng mananaliksik ang iba’t ibang

persepsyon ng mga kalahok sa kung ano nga ba ang mabuting

epekto ng paggamit ng salitang Milenyal.

Paglalahad

Ang mga nakuhang datos ukol sa hindi mabuting epekto ng

paggamit ng salitang Milenyal sa Wikang Filipino ayon sa

piling estudyante ito ay nagdudulot ng hindi

pagkakaintindihan ng ibang tao na hindi nakakaintindi nito o

gumagamit ng salitang Milenyal at mas tinatangkilik na ito o

17
kadalasan nang ginagamit ng mga tao sapagkat ito’y sabay sa

uso, kung kaya’t dahil sa mga salitang ito, unti-unti nang

natatabunan ang wikang Filipino at ang pang huli ay ang

kapakinabangan o halaga ng ibang wika gaya ng Filipino ay

naisasantabi at hindi napauunlad.

Pagsusuri

Lumabas sa ginawang pag-aaral na karamihan ang tumugon

sa kasagutang nagdudulot ang salitang milenyal ng hindi

pagkakaintindihan ng ibang tao na hindi nakakaintindi nito

at ang nagsabing nakakalimutan nang bigkasin ang wikang

Filipino. Magkasing-dami ang tumugon ng mga sumusunod. Una,

unti-unti nang natatabunan ang wikang Filipino. Pangalawa,

ang kapakinabangan o halaga ng ibang wika gaya ng Filipino

ay naisasantabi at hindi napauunlad.

Pagpapahalaga

Sa datos na nakalakap ng mga mananaliksik hinggil sa

pananaw ng mga piling mga estudyante ng MNHS, SHS ukol sa

hindi mabuting epekto ng paggamit ng salitang Milenyal, sa

pamamagitan ng paglikom ng mga datos mula sa kalahok,

nakatulong ito upang malaman ng mananaliksik ang iba’t ibang

18
persepsyon ng mga kalahok sa kung ano nga ba ang hindi

mabuting epekto ng paggamit ng salitang Milenyal sa Wikang

Filipino kung saan naging mulat ang isipan ng bawat isa na

ang paggamit ng salitang Milenyal ay nagdudulot ng hindi

mabuting epekto sa ating wika sa kadahilanang ito’y mas

tinatangkilik na nagiging sanhi ng pagkalimot sa Wikang

Filipino.

Paglalahad

Ang mga nakuhang datos ukol sa katanungang, bilang

isang mag-aaral ano ang maitutulong mo upang hindi tuluyang

matabunan ang Wikang Filipino? Ayon sa piling kalahok,

bilang isang mag-aaral huwag palawakin ang salitang Milenyal

sa pamamagitan ng hindi pagtangkilik nito. Makakatulong din

sa pamamagitan ng paglilimita at pag-iwas sa paggamit ng

salitang Milenyal, kinakailangang panatilihing dinamiko o

umuunlad ang wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit nito

ng madalas lalo na sa pakikipagkomunikasyon sa araw-araw

kahit na may mga bago ng salitang nauso tulad ng salitang

Milenyal ay patuloy parin nating tangkilikin at gamitin ang

Wikang Filipino dahil ito ang nagiging instrumento upang mas

ma-preserba ang ating kultura bilang isang mamamayang

Pilipino.

19
Pagsusuri

Lumabas sa ginawang pag-aaral na karamihan ang tumugon

sa kasagutang hindi tatangkilikin ang salitang Milenyal.

Magkasing dami naman ang tumugon na mas papaunlarin ang

Wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit nito sa kabila ng

pag-usbong ng salitang Milenyal.

Pagpapahalaga

Sa datos na nakalap ay nalaman ng mananaliksik ang

pulso at opinyon ng mga estudyante ukol sa, bilang isang

mag-aaral ano ang iyong maitutulong upang hindi tuluyang

matabunan ang wikang Filipino sa pag-usbong ng salitang

Milenyal, sa pamamagitan nito nakatulong ang nakalap na

datos upang maipahayag ang mga paraan upang tayo’y

makatulong para hindi tuluyang matabunan ang Wikang Filipino

at patuloy na mapaunlad ang ating sariling wika.

KABANATA IV

Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon


20
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng Paglalagom kung

saan ito ay ang pagbuod ng mga datos, Konklusyon kung saan

pagbigay interpretasyon o pangkalahatang pahayag batay sa

mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik at ang

panghuli ay Rekomendasyon kung saan minungkahi ang solusyon

para sa mga suliraning natukoy o naatuklasan sa

pananaliksik.

Paglalagom

Sa pag-usbong ng salitang Milenyal ito ay nagdulot ng

dalawang epekto ito ay ang mabuti at di mabuting epekto sa

wikang Filipino. Ang mabuting epekto nito ay sa kadahilanang

ito ay kasalukuyang ginagamit nakakasabay tayo uso, nagiging

magandang pakinggan ang bawat salita sapagkat ito ay bago sa

pandinig. Nagkakaroon tayo ng iba’t ibang karanasan sa

pagsasalita at nagiging malaya ang mga kabataan sa

pagpapahayag ng saloobin sa pamamagitan ng paggamit ng

makabagong salita, ang salitang Milenyal. Sa kabilang banda

mayroon din itong hindi magandang epekto sa Wikang Filipino,

kung saan ito ay nagdudulot ng hindi pagkakaintindihan ng

ibang tao na hindi nakakaintindi nito o gumagamit ng

21
salitang Milenyal at mas tinatangkilik na ito o kadalasan

nang ginagamit ng mga tao sapagkat ito’y sabay sa uso, kung

kaya’t dahil sa mga salitang ito, unti-unti nang natatabunan

ang wikang Filipino at ang pang huli ay ang kapakinabangan o

halaga ng wikang Filipino ay naisasantabi at hindi

napauunlad.

Sa kabilang banda, kailangan natin maging matalino sa

paggamit upang hindi ito magdulot ng di mabuting epekto.

Upang hindi tuluyang matabunan ang Wikang Filipino nararapat

na hindi tangkilikin ang salitang Milenyal at huwag itong

palawakin. Kailangan din limitahan at iwasan ang paggamit ng

salitang Milenyal, kinakailangang panatilihing dinamiko o

umuunlad ang wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit nito

ng madalas lalo na sa pakikipagkomunikasyon sa araw-araw

kahit na may mga bago ng salitang nauso tulad ng salitang

Milenyal ay patuloy parin nating tangkilikin at gamitin ang

Wikang Filipino dahil ito ang nagiging instrumento upang mas

ma-preserba ang ating kultura bilang isang mamamayang

Pilipino.

Konklusyon

22
Sa makatuwid, hindi maiiwasan ang pag-usbong ng

salitang Milenyal marahil kailangan nalang natin itong

tanggapin ang tanging magagawa nalang natin bilang isang

mamamayang Pilipino ay maging matalino sa paggamit ng mga

salita upang sa gayon ang salitang Milenyal ay hindi maging

dahilan upang ang ating Wikang Filipino ay hindi mapaunlad

at tuluyang matabunan.

Rekomendasyon

Kaugnay ng mga konklusyon ay buong pagpapakumbaba na

mabigyang pansin ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

Sa mga Kabataan. Buksan ang kanilang isip sa pamamagitan ng

pagpapakalap ng impormasyon o datos gamit ang poster na

ipo-post sa social media sites na naglalaman ukol sa unti

unti nang natatabunan ang Wikang Filipino sa kadahilanang

pagtangkilik sa salitang Milenyal.

Sa mga Mag-aaral. Sa mga mag-aaral na may pag-aalala sa

bansa, hinihiling ng mananaliksik na sa mga susunod na taon

pang dadating sana ay matuto tayong gumawa ng mga bagay na

makakatulong sa ating bansa. Sana malaman natin sa ating

sarili na dapat mas maging matalino sa paggamit ng salita

23
upang hindi tuluyang matabunan ang Wikang Filipino sa pag

usbong ng Salitang Milenyal

Sa iba pang mananaliksik. Ipagpatuloy o palawakin pa ang

pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas ng mas marami at higit

pang kaugnay ng mga datos o impormasyon maaring makatulong

sa pagtuklas ng mga suliraning kaugnay ng pananaliksik na

ito.

24
Internet

http://thenzai-thenzai.blogspot.com/2009/06/kahalagahan-ng-

wika.html

http://filipinobwp.blogspot.com/2011/10/filipino-bilang-

wikang-pambansa.html

https://www.facebook.com/AngFilipinoNiJuanDelaCruz/posts/169

0875971124235

https://vjntwika16.wordpress.com/2016/11/08/ang-wikang-

filipino-sa-makabagong-panahon-isang-pananaliksik/

http://wika.pbworks.com/w/page/8021671/Kasaysayan

https://silaabdabaw.wordpress.com/2016/11/10/limang-

pangunahing-bagay-na-hangad-ng-kabataang-milenyal/

http://d1apagsilangngmakabagongwika.blogspot.com/2015/09/pag

silang-ng-mga-makabagong-wika-dulot.html

http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/171158/kasaysayan

-ng-wikang-filipino/story/

25
APENDIKS A

Ang kasaysayan ng Wikang Filipino

Isang arkipelago ang Filipinas kung kaya nagkaroon ito

ng maraming katutubong wika. Ang maganda sa penomenong ito

ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat

etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat na mga

kritiko katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing “isa sa

pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng

Filipinas."

Noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit

na ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo

14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang

tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang

pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika."

(Art. 14, Sek. 3)

Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang

Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang

pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik,

gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng

wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging

tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili

nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa."

26
Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang

Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan

ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa. Dahil sa

pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang

pagkakalilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa."

Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang

Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng

Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa.

Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa

lahat ng mga paaralan sa buong bansa.

Noong 1959 nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim

Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang

opisyal na tawag sa wikang pambansa.

Sa 1973 Konstitusyon noong kapanahunan ng diktador na

si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15

Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng

mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng

pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang

batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang

opisyal ng Pilipinas."

27
APENDIKS B

Ang pag-usbong ng salitang Milenyal

Sa pag-usbong ng makabagong henerasyon ay marami naring

pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Naging madali sa

atin ang makasagap ng impormasyon sa pamamagitan ng mga

social networking sites, text messaging, mass media at iba

pa. Halimbawa na lamang ang pagkakaroon ng impormasyon ukol

sa mga nangyayaring karahasan, kalamidad, at kasiyahan sa

bansa. Dahilan nga sa laganap na ang iba’t ibang uri ng

media mabilis tayong magkaroon ng komunikasyon sa ibang tao

sa loob at labas ng bansa. Ito rin ang nagbunsod upang

makagawa ng maraming bagong salita na hindi nararapat na

mabuo sapagkat ito’y hindi angkop sa lengwaheng nakasanayan.

Dahilan sa kagustuhan ng mga Pilipino na mapadali ang

komunikasyon sa ibang tao kaya pinaiikli nila ang mga salita

o “shortcut”. Ang pagnanais na makisabay sa kung ano ang

uso at pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan ng grupo ay

nagdudulot upang mabuo ang salitang Milenyal

Ang salitang milenyal ay isa sa mga salita na bagong

naidagdag sa diksyunaryong Pilipino. Ito ay nangangahulugan

na mga kabataang ipinanganak sa mga huling bahagi ng 1980s

at mga unang taon ng 2000s. Sila rin yaong mga kabataang

28
tumuntong sa wastong gulang sa mga unang taon ng 2000s –

kung gayon, isa pala akong milenyal! Hindi lamang iyon, sila

rin umano ang mga kabataang unang naging sanay sa paggamit

ng kompyuter at mga selpon. Dahil sa katangiang ito, ang mga

kabataang milenyal ay mas napapansin sa mundo ng internet at

nagiging impluwensyal sa pamamagitan nito. May mga

pagkakataon rin na ang mga kabataang milenyal ay gagawa ng

mga bagay na sabay-sabay at kalimita’y nagtatapos rin ng

sabay-sabay. Sa mga pag-uugali, ang mga kabataang milenyal

rin umano ay may konting taliwas sa mga konbensyonal na mga

paniniwala ng nakakatanda at mas praktikal ang iniisip para

sa ikabubuti ng mas nakararami.

Ang isyung ito ang lubhang makakaapekto sa kulturang

kinagisnan sa oras na hindi natin gamitin ang sariling wika.

Sa pagsilang ng makabagong wika hindi na napagtutuunan ng

pansin ang wikang Pilipino halimbawa na lamang ang mga wika

sa mga literaturang Ibong Adarna kung susuriin marahil wala

pa sa kalhati ng mga salitang naroon ang alam natin ang ibig

sabihin. Ito ay dahil nasakop na ang ating isipan ng

makamodernong salita. Ang isyung ito magdudulot ng kalituhan

sa ating pagkakakilanlan sa oras na ibaon natin ang wikang

kinagisnan.

APENDIKS C

29
Mga Dokumentado sa isinagawang pagkuha ng mga datos

PALATANUNGAN:

Pangalan:__________________________________________
Pangkat:___________________________________________
1. Ano ang salitang Milenyal?
____________________________________________________________
__________________________________________________________
2. Sa paanong paraan ka naimpluwensyahang gumamit ng
salitang Milenyal?
____________________________________________________________
__________________________________________________________
3. Kailan mo natutunang gumamit ng salitang Milenyal?
____________________________________________________________
__________________________________________________________
4. Gaano mo kadalas ginagamit ang salitang Milenyal sa pang
araw-araw na pamumuhay?
____________________________________________________________
__________________________________________________________
5. Ano ang mabuting epekto ng paggamit ng salitang Milenyal?
____________________________________________________________
__________________________________________________________
6. Ano ang hindi mabuting epekto ng paggamit ng salitang
Milenyal?
____________________________________________________________
__________________________________________________________
7. Sa pag usbong ng salitang Milenyal ano na nga ba ang
kalagayan ng Wikang Filipino sa panahon ngayon?
____________________________________________________________
__________________________________________________________
8. Bilang isang mag-aaral ano ang maitutulong mo upang hindi
tuluyang matabunan ang Wikang Filipino?
____________________________________________________________
__________________________________________________________

30
31
KURIKULUM BITEY

PANSARILING KABATIRAN:

Pangalan : MARY JOYCE M. TRAJANO


Petsa ng Kapanganakan : Abril 20, 2001
Lugar ng Kapanganakan : Buliran Cab. City, N.E.
Pagkamamamayan : Filipino
Kasarian : Babae
Relihiyon : Romano Katoliko
Magulang : Mario V. Trajano
Melanie M. Trajano
Tirahan : Buliran, Cabanatuan City
PINAG-ARALAN:

2008-2013 : ELEMENTARYA
Paaralang Elementarya ng Mayapyap
M Mayapyap Sur,Cab. City, N.E.

2014-2017 : SEKONDARYA
Pambansang Mataas na Paaralan ng Mayapyap
K Mayapyap Norte, Cabanatuan City, N.E

Kasalukuyang Baitang : 11-ABM


Paaralan : MNHS
Taong Panuruan : 2017-2018

32
KURIKULUM BITEY

PANSARILING KABATIRAN:

Pangalan : LHENARD ANGELO S. AQUINO


Petsa ng Kapanganakan : Oktubre 2, 2001
Lugar ng Kapanganakan : Dalampang Cab. City, N.E.
Pagkamamamayan : Filipino
Kasarian : Lalaki
Relihiyon : Romano Katoliko
Magulang : Lhemar C. Aquino
Nonata S. Aquino
Tirahan : Dalampang, Cabanatuan City
PINAG-ARALAN:

2008-2013 : ELEMENTARYA
Paaralang Elementarya ng Mayapyap
M Mayapyap Sur,Cab. City, N.E.

2014-2017 : SEKONDARYA
Pambansang Mataas na Paaralan ng Mayapyap
K Mayapyap Norte, Cabanatuan City, N.E

Kasalukuyang Baitang : 11-ABM


Paaralan : MNHS
Taong Panuruan : 2017-2018

33
KURIKULUM BITEY

PANSARILING KABATIRAN:

Pangalan : ALMARIO A. ESCALICAS


Petsa ng Kapanganakan : Setyembre 15, 2000
Lugar ng Kapanganakan : Caalibangbangan Cab. City
Pagkamamamayan : Filipino
Kasarian : Lalaki
Relihiyon : Romano Katoliko
Magulang : Mario M. Escalicas
Angela A. Escalicas
Tirahan : Caalibangbangan, Cab. City
PINAG-ARALAN:

2008-2013 : ELEMENTARYA
Paaralang Elementarya ng San Miguel na Munti
M San Miguel na Munti Talavera, N.E.

2014-2017 : SEKONDARYA
Pambansang Mataas na Paaralan ng Mayapyap
K Mayapyap Norte, Cabanatuan City, N.E

Kasalukuyang Baitang : 11-ABM


Paaralan : MNHS
Taong Panuruan : 2017-2018

34
KURIKULUM BITEY

PANSARILING KABATIRAN:

Pangalan : JOSE O. MANAHAN


Petsa ng Kapanganakan : Marso 25, 1998
Lugar ng Kapanganakan : Cruz Roja Cab. City, N.E.
Pagkamamamayan : Filipino
Kasarian : Lalaki
Relihiyon : Romano Katoliko
Magulang : Crispin C. Manahan
Lolita O. Manahan
Tirahan : Cruz Roja, Cabanatuan City
PINAG-ARALAN:

2008-2013 : ELEMENTARYA
Paaralang Elementarya ng Cruz Roja
M Cruz Roja,Cab. City, N.E.

2014-2017 : SEKONDARYA
Pambansang Mataas na Paaralan ng Mayapyap
K Mayapyap Norte, Cabanatuan City, N.E

Kasalukuyang Baitang : 11-ABM


Paaralan : MNHS
Taong Panuruan : 2017-2018

35
KURIKULUM BITEY

PANSARILING KABATIRAN:

Pangalan : MELODY M. PANGALINAN


Petsa ng Kapanganakan : Marso 24, 2001
Lugar ng Kapanganakan : Pula, Cabanatuan City
Pagkamamamayan : Filipino
Kasarian : Babae
Relihiyon : Edificada
Magulang : Rolando S. Pangilinan
Margarita M. Pangilinan
Tirahan : Pulo, Cabanatuan City
PINAG-ARALAN:

2008-2013 : ELEMENTARYA
Paaralang Elementarya ng Pula M
. Pula ,Cab. City, N.E.

2014-2017 : SEKONDARYA
Pambansang Mataas na Paaralan ng Mayapyap
K Mayapyap Norte, Cabanatuan City, N.E

Kasalukuyang Baitang : 11-ABM


Paaralan : MNHS
Taong Panuruan : 2017-2018

36
KURIKULUM BITEY

PANSARILING KABATIRAN:

Pangalan : GESIREE G. PILONGCO


Petsa ng Kapanganakan : Agosto 25, 2001
Lugar ng Kapanganakan : Spain U.S.A
Pagkamamamayan : American
Kasarian : Babae
Relihiyon : Iemilief
Magulang : Graciano S. Pilonco
Evangeline G. Pilonco
Tirahan : Caalibangbangan, Cab. City
PINAG-ARALAN:

2008-2013 : ELEMENTARYA
Paaralang Elementarya ng San Miguel na Munti
M San Miguel na Munti Talavera, N.E.

2014-2017 : SEKONDARYA
Pambansang Mataas na Paaralan ng Mayapyap
K Mayapyap Norte, Cabanatuan City, N.E

Kasalukuyang Baitang : 11-ABM


Paaralan : MNHS
Taong Panuruan : 2017-2018

37
KURIKULUM BITEY

PANSARILING KABATIRAN:

Pangalan : LISTEAN B. PORTUGAL


Petsa ng Kapanganakan : Abril 18, 2001
Lugar ng Kapanganakan : Pula Talavera, N.E.
Pagkamamamayan : Filipino
Kasarian : Babae
Relihiyon : Romano Katoliko
Magulang : Crispin A. Portugal
Lolita B. Portugal
Tirahan : Pula Talavera
PINAG-ARALAN:

2008-2013 : ELEMENTARYA
Paaralang Elementarya ng Pula Talavera
. Pula Talavera, N.E.

2014-2017 : SEKONDARYA
Pambansang Mataas na Paaralan ng San Ricardo
K San Ricardo Talavera, N.E

Kasalukuyang Baitang : 11-ABM


Paaralan : MNHS
Taong Panuruan : 2017-2018

38
KURIKULUM BITEY

PANSARILING KABATIRAN:

Pangalan : MARY JOYCE F. REYES


Petsa ng Kapanganakan : Disyembre 29, 2000
Lugar ng Kapanganakan : Mayapyap Sur Cab. City
Pagkamamamayan : Filipino
Kasarian : Babae
Relihiyon : Romano Katoliko
Magulang : Isidro C. Reyes
Soledad M. Fronda
Tirahan : Buliran, Cabanatuan City
PINAG-ARALAN:

2008-2013 : ELEMENTARYA
Paaralang Elementarya ng Padre Gregorio Crisostomo
M Aduas Sur,Cab. City, N.E.

2014-2017 : SEKONDARYA
Pambansang Mataas na Paaralan ng Mayapyap
K Mayapyap Norte, Cabanatuan City, N.E

Kasalukuyang Baitang : 11-ABM


Paaralan : MNHS
Taong Panuruan : 2017-2018

39

You might also like