You are on page 1of 25

TALASALITAAN NG PROBINSIYANG SORSOGON

BSED-4B FILIPINO MEDYOR

ISANG PROYEKTO NA INIHARAP BILANG BAHAGI NG


PAGTUPAD SA MGA KAILANGAN SA ASIGNATURANG
F116 (INTRO SA PANANALIKSIK-WIKA AT PANITIKAN)
SORSOGON STATE COLLEGE
KOLEHIYO NG EDUKASYON
LUNGSOD SORSOGON

MARSO, 2018
TALAAN NG NILALAMAN

NILALAMAN PAHINA

DAHON NG PAMAGAT 1

DAHON NG PAGTANGGAP1

DAHON NG PAGPAPATUNAY 1

PAGKILALA 1

ABSTRAK 1

TALAAN NG NILALAMAN1

TALAAN NG TALAHANAYAN 1

TALAAN NG PIGURA 1

KABANATA

I. ANG SULIRANIN 4

Kaligiran ng Pag-aaral 6

Paglalahad ng Suliranin 6

Kahalagahan ng Pag-aaral 6

Saklaw at Delimitasyon 6

Katuturan ng Talakay 6

II. TEORITIKAL, KONSEPTWAL AT OPERASYONAL


NA BATAYAN NG PAG-AARAL
Kaugnay na Literatura 6

Kaugnay na Pag-aaral 6
Sintesis ng Pag-aaral 6

Gap 6

Batayang Konseptwal6

III. DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik 6

Mga Kalahok sa Pag-aaral 6

Instrumento 6

Paraan ng Paglikom ng mga Datos 6

Paraan ng Pagsusuri ng mga Datos 6

IV. ANG SULIRANIN 4

Kaligiran ng Pag-aaral 6

Paglalahad ng Suliranin 6

Kahalagahan ng Pag-aaral 6

Saklaw at Delimitasyon 6

Katuturan ng Talakay 6

V. PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON 4

Paglalagom 6

Mga Natuklasan 6

Konklusyon 6

Rekomendasyon 6

TALASANGGUNIAN

APENDIKS 1
PANSARILING TALA 1
KABANATA I

ANG SULIRANIN

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang talasalitaan ay kalipunan ng mga salita. Ito ay binubuo

ng mga simbolo na may kalakip o katumbas na kahulugan. Ang

nalilikom na salita ng mga tao ay nagsisilbing instrumento sa

paglalahad ng damdamin, kaisipan, paniniwala, kultura at iba pa.

Sa kabila ng pagkakaroon ng maraming salitang ginagamit, ang

talasalitaan ang isang mabisang paraan upang higit na malaman at

matuklasan ang natatagong kahulugan ng isang partikular na

salita. Ito ang dahilan kaya’t patuloy na nagkakaisa at may

malayang pag-uugnayan ang mamamayan ng Sorsogon sa kabila ng

pagkakaroon ng iba’t ibang diyalekto nito.

Ipinapamalas ng iba’t ibang salita sa pag-aaral na ito ang

pagiging buhay at patuloy na paggamit sa mga diyalektong mayroon

ang probinsiyang Sorsogon. Habang napapanatili ang paggamit,

nananatili rin at napauunlad ang kulturang makikita sa araw-araw

na pamumuhay ng Sorsoganon. At habang napapanatiling buhay ang

mga salita, marami ding oportunidad na makikitaan at magsisilbing

katuwang sa pagpapaunlad ng wikang pambansa. Bukod pa rito,

maituturing na isang mabisang instrumento ang pagkilala sa mga

salitang gamit ng Sorsogon para sa inaasam na wikang

intelekwalisado ng bansa.
Ang kahalagahan ng mga salitang ginagamit ay tunay na

makapangyarihan sa pagpapagalaw sa iba’t ibang larangan sa

lipunan. Maging ito man ay sa larangan ng industriya, ekonomiya,

politika at higit sa lahat sa edukasyon. Sa probinsiya ng

Sorsogon, ang pagkakaroon ng kaalaman sa iba’t ibang diyalektong

gamit ay nakatitiyak na ang bawat mamamayang nakatira dito ay

tunay na nagkakaunawaan para sa iisang adhikain ng lahat ― ang

kapayapaan. Ang mga salitang ginagamit sa bawat munisipalidad ng

Sorsogon ay nagiging tulay para sa pagkakakilanlan ng iba’t ibang

lugar na sakop at mga taong naninirahan sa probinsiyang ito.

Sa Pilipinas, mayroon tayong pambansang wika na tinatawag na

Filipino na isinabatas batay sa Konstitusyon ng 1987, Artikulo

XIV, Sek. 6 na nagsasaad ng “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay

Filipino, samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at

pagyamanin pa, salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba

pang mga wika.” Tunay na kailangan nating pahalagahan at gamitin

ang iba’t ibang diyalekto ng ating bansa na magsisilbing batayan

sa pagpapayaman ng ating sariling wika.

Sa larangan ng edukasyon, alinsunod sa Batas Komonwelt Blg.

184, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa “na mag-aaral ng mga

diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at

magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral

na wika.” Kung kaya’t maituturing na napakahalagang sangkap ang


iba’t ibang diyalekto upang makabuo ng isang matatag at

sentralisadong wikang pambansa. Datapwat ang Tagalog ang naging

batayan ng wikang pambansa, hindi maitatatwa na napakahalagang

pagbatayan pa rin ang iba pang wikang katutubo na makatutulong sa

pagbibigay tumbas ng ibang salita na mahirap tumbasan gamit ang

ating sariling wika.

Ang Kautusan bilang 10533 o ang programang K-12 ay

naglalayon ding turuan ang mga mag-aaral gamit ang kanilang

katutubong wika. Ang layunin ng kurikulum na ito ay binigyang

katuparan ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 74, serye 2009 o ang

pagpapatupad ng Mother Tongue Based Multi-Lingual Education (MTB-

MLE) bilang midyum ng pagtuturo. Ayon sa proyektong katulad ng

Lingua Franca, una, ang mga mag-aaral ay mas mmabilis na

natututong bumasa gamit ang kanilang kinagisnang wika. Ikalawa,

ang mga mag-aaral na natutong bumasa at magsulat gamit ang

kanilang unang wika ay natututong magsalita, bumasa at magsulat

sa ikalawang wika nang mas mabilis kumpara sa mga natuto gamit

ang ikalawang wika. Ikatlo, mas mabilis na natatamo ng mga mag-

aaral na tinuruang bumasa at magsalita gamit ang kanilang unang

wika ang mga kasanayan sa paghubog ng kaisipan at ang iba pang

kasanayang pang-akademiko. Ayon kay Santos, delegado ng Komisyon

sa Wikang Filipino (KWF), “Malaki ang magiging tulong ng paggamit

ng panrehiyong wika sa [pagtuturo sa mga] paaralan dahil mas

maiintindihan at maisasapuso ng mga mag-aaral ang kanilang mga


natutuhan.” Makatutulong sa pagpapatupad nito ang mga kagamitang

pampagtuturo tungkol sa pagkilala sa mga salitang ginagamit o ang

mga Mother Tongue sa pang-araw-araw na pagtuturo-pagkatuto ng mga

mag-aaral at guro.

Ayon naman kay Ampil, ang paggamit ng panrehiyonal na wika

bilang midyum ng pagtuturo ay makatutulong hindi lamang para

mabilis na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga itinuturo sa klase,

kundi para mapanatili rin ang pagkakakilanlan ng mga kabataan sa

kanilang kinagisnan. Higit na maipapakita nito ang

pagpapahalagang moral ng ating lipunan sa kulturang

kinabibilangan ng bawat indibidwal. Sa pagpapahalaga sa

panrehiyonal na wika, naipapakita rin ang hindi paglimot ng bansa

sa kulturang ating kinalakhan at pinagyaman ng mga ninunong

nagnais ng pagkakakilanlan. Ang paggamit nito bilang midyum sa

pagtuturo ay nagpapakita lamang ng pagiging mulat ng ating

lipunan sa kinalakhang taglay ng mga mag-aaral. Kaisa ng wikang

pambansa ang mga panrehiyonal na wika sa pagkamit ng

pagpapayamang ninanais at pag-iwas sa paglimot ng madla.

At ayon sa kaalaman ng lahat, ang rehiyong Bikol partikular

ang probinsiyang Sorsogon ay mayroong iba’t ibang diyalektong

ginagamit na nagpapakilala sa bawat kulturang mayroon ang

munisipalidad na binubuo ng Barcelona, Bulusan, Bulan, Castilla,

Donsol, Casiguran, Gubat, Magallanes, Prieto Diaz, Sta.


Magdalena, Matnog, Pilar, Irosin, Juban, Sorsogon. At ang

pinakalayunin ng pag-aaral na ito ang malaman ang mga salitang

ginagamit sa Probinsiya ng Sorsogon.

Ang iba’t ibang diyalektong ginagamit sa pakikipagtalastasan

ng mga Sorsoganon na minsang nagpapalito ngunit masasabing

epektibong panukat sa kakayahang umunawa at magtumbas ng mga

hindi pa nakikilalang salita. Lalo na sa edukasyon, sa mithiing

makalikha ng isang kagamitang pampagtuturo na makatutulong hindi

lamang sa mga tagagawa ng polisiya at guro bagkus sa mga mag-

aaral o mamamayang Sorsoganon na nagnanais matuto ng iba pang

diyalekto. Kung kaya, ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa loob

ng isang buong semestre, taong 2017 hanggang 2018 ngunit

nilalayon ng mga mananaliksik na ang magiging kapakinabangan nito

ay mananatiling buhay at magagamit hanggang sa hinaharap.


Paglalahad ng Suliranin

Malaman ang mga salitang gamit sa Probinsiya ng Sorsogon.

Sinagot sa pag-aaral na ito ang sumusunod:

1. Ano-ano ang salitang gamit sa Probinsiya ng Sorsogon sa

a. Bilang

b. Pormularyong Panlipunan

c. Direksyon

d. Tanong at Sagot

e. Paglalarawan?

2. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga salitang gamit

a. Baybay

b. Bigkas

c. Ayon sa gamit?

3. Ano ang hinuhang awtput sa resulta ng pag-aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay inaasahang makatutulong upang

malaman ang mga salitang ginagamit sa bawat munisipalidad sa

probinsiya ng Sorsogon. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang


mga datos at impormasyong nakalap ay magiging ganap na produktibo

at kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Tagagawa ng Polisiya. Maaaring maging batayan nila ang magiging

bunga ng pag-aaral na ito sa pagpapaunlad ng kurikulum lalong-

lalo na sa pamprimaryang lebel. Ito ay magiging daan rin upang

mapaunlad ang pagbuo ng mga polisiyang pang-edukasyon, panturismo

at iba pa.

Guro. Ang awtput ng pag-aaral na ito ay magsisilbing kagamitang

pampagtuturo at batayan para sa layuning pang-edukasyon. Ang mga

salitang malilikom ay magpapalawak sa talasalitaan na maaaring

magamit upag mas lalong maging epektibo ang pagtuturo.

Mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay mas lalong

magpapayaman sa kanilang talasalitaan na maaaring makatulong sa

pang-araw-araw na pakikisalamuha sa kapuwa mag-aaral, ordinaryong

mamamayan at maging sino pa na naninirahan sa iba’t ibang

munisipalidad sa probinsiya ng Sorsogon.

Mamamayan. Bilang bahagi ng komunidad, matututuhan nilang

pahalagahan ang kinasanayang wika upang mas lalong magkaroon ang

bawat isa ng magandang ugnayan at mahusay na pagkakaunawaan.

Matutulungan din silang mamulat sa iba’t ibang salitang mayroon

ang probinsiya ng Sorsogon na tiyak na mas lalong magpapakilala

sa kultura o kung ano pa mang patungkol sa sariling probinsiyang

kinabibilangan.
Turista. Magsisilbing patnubay upang higit na makilala ang mga

lugar sa Probinsiya ng Sorsogon at mapapalagay sila kung

mauunawaan nila ang kultura at wika ng lugar.

Mananaliksik. Magsisilbing tulong ito sa mananaliksik bilang

sanggunian ng kanilang pananaliksik na may kaugnayan sa

kasalukuyang pag-aaral. Lalo pa, maaari itong magsilbing

inspirasyon upang makabuo pa ng mga paksang maaaring pag-aralan.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Tiyak sa pag-aaral na ito ay ang mga salitang ginagamit sa

bawat munisipalidad ng Sorsogon. Tuwiran at tiniyak dito ang

pagpapatibay ng mga salitang nakalap at kapakinabangan ng mga

tagagawa ng polisiya, guro, mag-aaral, mamamayan at maging

mananaliksik.

Pangunahing saklaw sa pag-aaral na ito ang labinlimang

munisipalidad ng Sorsogon, na kinabibilangan ng 3 respondente sa

bawat munisipalidad. Saklaw rin nito ang mga salitang ginagamit

ayon sa baybay, bigkas at gamit sa probinsiya ng Sorsogon.

Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang sa mga Sorsoganon.

Hindi saklaw ang mga salitang ginagamit sa iba pang karatig

probinsya tulad ng Albay.

KATUTURAN NG TALAKAY
Ang sumusunod na salita o parirala ay binigyang kahulugan

ayon sa pagkakagamit nito sa pananaliksik.

Talasalitaan. Ayon sa Anglo-Saxon, ang talasalitaan ay isang

imbakan ng mga salita na dapat angkinin at pahalagahan.

Ang kalipunan ng mga salitang ginagamit na maaaring magkatulad at

magkaiba sa paraan ng pagbaybay, pagbigkas at paggamit.

Ang talasalitaan ay talaan ng mga salitang-Filipino na tinumbasan

ng mga piling respondente batay sa kanilang dayalektong gamit.

Probinsiya ng Sorsogon. Probinsiyang kabilang sa rehiyong Bikol

na mayroong iba’t ibang ginagamit na salita sa bawat

munisipalidad. Ito rin ang pinagtuunan ng pokus ng pag-aaral.

Bilang

Direksiyon. Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino, ito ay ang

linyang sinusundan upang marating ang destinasyon o paroroonan.

Tanong at Sagot

Paglalarawan. Ayon kay (Garcia, 2015), ito ay isang anyo o paraan

ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay. Sa diskursong ito

ay napapagalaw ng isang tagapagpahayag ang kaniyang imahinasyon,

maging sa kanayng mambabasa at tagapakinig.


Ito ay isang uri o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan tungkol

sa isang tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari sa pamamagitan ng

makukulay, mahuhugis o maanyo at mapandamang pananalita.

Pormularyong Panlipunan

Pagkakatulad ng mga salitang gamit.

Pagkakaiba ng mga salitang gamit.

Baybay.

Bigkas.

Ayon sa gamit.

Awtput.Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino, ito ay ang resulta o

produkto ng isang proseso, lalo na sa produksyon at sa mental o

malikhaing paggawa.
Ayon kina Paz, et.al (2005) nagkakaintindihan ang

nagsasalita ng mga dayalek ng isang wika pero kinikilala nila ang

pagkakaiba-iba ng mga salita nila. Maaaring hindi pareho ang

pagbigkas nila ng isa o ilang tunog, o iba ang ginagamit na

salita para sa isang bagay o may ilang pagkakaiba sa pagbuo ng

ilang pangungusap, pero nagkakaintindihan pa rin sila.

Nagsasalita lang sila ng magkaibang dayalek ng isang wika.

Isa itong pagpapatunay na sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga

dayalektong wika partikular sa probinsiyang Sorsogon ay

nagkakaunawaan pa rin ang bawat mamamayan. May pagkakapareho man

sa mga salita subalit nagkakaiba -iba pa rin batay sa baybay at

bigkas ayon sa pagkakagamit nito sa pakikipagtalastasan.

Ayon kay Lydia B. Liwanag sa kanyang pag-aaral na patungkol

sa "Ang Papel ng Wikang Filipino sa Gitna ng Pagkakaiba-iba ng

mga Wika sa Bansa", maraming dahilan ang pagkakaiba o pagkakaroon

ng varayti ng wika. Inilahad niya ang mga ito sa tulong na rin ng

kanyang nakalap na impormasyon mula sa ilan sa mga dalubhasa sa


larangang ito. Kabilang na nga rito si Saussure (1916) na

nagsabing "nakabatay ang pagkakaroon ng varayti o varyasyon ng

wika sa paniniwala ng mga lingwist ng pagiging heterogeneous o

pagkakaiba-iba ng mga wika" at ayon naman kay Bloomfield (1918)

na nagsabing "ito'y hindi kailanman pagkakatulad o uniformidad ng

mga wika". Tahasang inilalahad ng dalawang dalubhasa sa pag-aaral

ni Liwanag na ang varayti o varyasyon ng wika ay nakabatay o sa

pagkakaiba nito at hindi kailanman sa pagkakatulad. Ilan pa sa

mga dahilang nabanggit ang lugar na kinabibilangan ng pangkat ng

mga tagapagsalita ng wika, katayuan sa lipunan at henerasyong

kinabibilangan. Nagkakaiba ang wika sa bigkas, tono, uri at anyo

ng salita. Ayon naman kay Cafford (1965), ang dalawang uri ng

varayti ng wika ay ang permanents at pansamantala. Ibinigay na

halimabawa dito ang tagalog na nahahati sa Tagalog-Bulacan,

Tagalog-Batangas, Tagalog-Laguna, Tagalog-Cavite, Tagalog-

Mindoro, Tagalog-Rizal at Tagalog-Palawan na nakabatay sa lugar

na kinabibilangan ng mga tagapagsalita.

Hindi lingid sa atin na isa na rin ang pagkakaroon ng

varyasyon ng wika sa mga nagiging suliranin ng mga mananaliksik

hindi lamang ng mga guro at mag-aaral sa paaralang gradwado kundi

pati na rin yaong mga nasa ibang antas pa ng pag-aaral. Ito ay

upang mapaunlad pa ang mga varayti ng wika maging ang ating

pambansang wika_ang Filipino. Sapagkat ayon kay Lydia, ang mga

varayti ng wikang ito ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng wikang


Filipino bilang wikang pambansa na nakatutulong din sa

pagpapaunlad ng iba't ibang varayting ito.

Kung pagtutuunan ng pansin ang pag-aaral o pananaliksik

patungkol sa Talasalitaan ng probinsyang Sorsogon, ang

dayalektong wika ay nahahati rin depende sa lugar na

kinabibilangan ng pangkat ng mga tagapagsalita. Sa pag-aaral na

ito hindi lamang ang pagkakaiba iba ng mga salitang gamit sa

Sorsogon ang pinagtuunan ng pansin bagkus ay ang pagkakatulad din

batay sa tono, bigkas at gamit.

Inilarawan ni Escalante ang mga pandiwa ng Timog Sorsogon

gamit ang variety na sinasalita sa Gubat bilang standard. Ang

Bikol-Timog Sorsogon na may pagkakahawig sa mga wikang Bisaya ay

sinasalita sa timog-timog-silangang bahagi ng probinsiya na

nakaharap sa isla ng Biri, Hilagang Samar. Dagdag pa rito,

bagama’t alam ng mga ispiker na may pagkakaiba sa variety na

ginagamit sa iba’t ibang lugar sa loob o sa labas ng probinsiya

ng Sorsogon, iisa lang ang tawag nila sa mga variety na

ito–‘Bikol’ (2). Idinagdag ni Escalante na ang katawagang ito ay

hindi angkop sa heograpikal o politikal na mga dahilan.

Ang pag-aaral na ito ay nagsasabing ang heograpiya ng isang

lugar ay isang salik na maaaring magpaliwanag kung bakit ang mga

mamamayan na naninirahan sa isang probinsya ay may iba't ibang

diyalektong sinasalita. Sa probinsya ng Sorsogon, iba't ibang


diyalektong wika ang umiiral na kung saan ay naiimpluwensyahan ng

karatig na pook sa labas ng probinsya.

Sintesis ng Pag-aaral

Ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral ay nakatuon sa

pagpapakita ng pagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng mga wika sa mundo

pero sa kabila ng pagkakaiba-ibang ito, nagkakaunawaan at

nagkakaintindihan pa rin ang mga tao sa partikular na lugar tulad

na lamang ng probinsiya ng Sorsogon.

Ayon kina Paz et. Al. sa kabila ng pagkakaroon ng ibang wika

o dayalek ng mga tao nagkakainitndihan pa rin sila. Iba man ang

paraan ng kanilang bigkas o tumbas sa isang salita, ginagalang pa

rin nila ang dayalekto ng bawat isa at nagkakaunawaan.

Ayon naman kina Lydia, Saussure, Bloomfield, at Cafford,

nagkaisa sila sa kanilang pag-aaral na maraming dahilan ang

pagkakaiba o pagkakaroon ng varayti ng wika. Ayon sa kanila ang

varayti ng wika ay nakabatay sa pagkakaiba nito at hindi

kailanman sa pagkakatulad. Sinabin rin nila na ilan sa mga

dahilan ng pagkakaroon ng pagkakaiba-iba ay ang lugar na

kinabibilangan ng pangkat ng mga tagapagsalita ng wika, katayuan

sa lipunan at henerasyong kinabibilangan.


Ang pag-aaral ni Escalante ay nagsasabing ang heograpiya ng

isang lugar ay isang salik na maaaring magpaliwanag kung bakit

ang mga mamamayan na naninirahan sa isang probinsya ay may iba't

ibang diyalektong sinasalita.

Gap

Ang kaugnay na literatura ay nagbigay ng sapat na batayan,

kaalaman, at impormasyon ukol sa suliraning nakalahad. Marami

nang pag-aaral ang isinagawa patungkol sa mga diyalektong wika.

May mga pag-aaral na ring isinagawa ukol sa pagkakaiba-iba at

pagkakatulad ng mga salitang gamit maging sa pagpapatupad ng

Mother- Tounge Based Multi-Lingual Education na nagpapatibay na

higit na madaling natututo ang mga mag-aaral gamit ang

kinagisnang wika subalit ang mga kasalukuyang pag-aaral na ito

ukol sa paggamit ng diyalektong wika sa probinsiyang Sorsogon, ay

wala pa ring tahasang pag-aaral na may tiyak na kaugnayan sa

isinagawang pananaliksik. Ito ngayon ang gap na nais punan ng

kasalukuyang pag-aaral.

Batayang Konseptwal

Makikita sa balangkas konseptwal na pag-aaral na ito ang mga

salitang gamit sa probinsyang Sorsogon sa bilang, pormularyong

panlipunan, direksyon, tanong-sagot at paglalarawan maging


pagkakaiba at pagkakatulad ng mga salitang gamit sa baybay,

bigkas at ayon sa gamit.

Batay sa resulta ng sinagutang talatanungan at

pakikipanayam, gumawa ang mga mananaliksik ng isang talasalitaan

na may pamagat na Talasalitaan ng Probinsyang Sorsogon.

Naglalaman ito ng mga nalikom na salitang gamit sa labinlimang

munisipalidad ng probinsiyang Sorsogon na makakatulong ng Malaki

sa larangan ng edukasyon, pag-unlad ng turismo at pag-usbong ng

ekonomiya.
INPUT PROSESO AWTPUT

1. Salitang gamit
sa Probinsiya ng
Sorsogon sa
a. Bilang
b. Pormularyong
Panlipunan
c. Direksyon
d. Tanong at PAKIKIPANAYAM MUNGKAHING
Sagot GAWAIN
e. Paglalarawan PAG-AANALISA NG
DATOS
2. Pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga
salitang gamit
a. Baybay
b. Bigkas
c. Ayon sa gamit
FIDBACK

Pigura 1. Batayang Konseptwal

KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito, inilahad ang mga pamamaraang ginamit sa

pananaliksik, ang disenyo ng pananaliksik, ang paglalarawan ng

kalahok, ang instrumenting ginamit, paraan ng paglikom ng mga

datos at paraan ng pagsusuri ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Mga Kalahok

Binubuo ng apatnapu’t limang kalahok na permanenteng

naninirahan sa mga sumusunod na munisipalidad: Sorsogon,

Barcelona, Bulan, Bulusan, Casiguran, Castilla, Donsol, Gubat,

Irosin, Juban, Magallanes, Matnog, Pilar, Prieto Diaz at Sta.

Magdalena.
Kumuha ng tigtatatlong kalahok sa bawat munisipalidad. Lahat

sila ay kinapanayam at pinasagot sa talatanungan upang matukoy

ang mgga salitang gamit. At nagsagawa ng balidasyon kung kaya’t

kumuha muli ang mga mananaliksik ng tigdadalawang respondente sa

mga munisipalidad na may iba-ibang tumbas sa ilang salita. Random

sampling ang ginamit sa pagpili ng mga kalahok.

Instrumento

Sa pagkalap ng mga datos, ang mga mananaliksik ay gumamit ng

talatanungan gamit ang hatirang pangmadla at ang pakikipanayam o

personal na interaksyon sa apatnaput walong (48) respondent ng

probinsyang Sorsogon. Gumamit din ang mga mananaliksik ng

pamamaraang pagsusuri upang bigyang-bisa ang bawat salin ng mga

piniling respondente.

A. Talatanungan

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan na

napagkasunduang buuin at gamitin sa pangangalap ng datos.

Ito ay binubuo ng mga salitang gamit mula sa labinglimang

munisipalidad ng probinsyang Sorsogon na ayon sa: bilang,

direksyon, tanong-sagot, paglalarawan at pormularyong

panlipunan na may kabuuang bilang na limampung (50) salita.

B. Panayam
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng panayam gamit ang

talatanungan sa pangangalap at pagsusuri ng mga salitang

isinalin ng mga napiling respondente gamit ang kani-kanilang

dayalekto.

Ang mga impormasyon at datos na nakalap sa araw na isinagawa

ang pagsusuri (panayam) ay pinagtibay sa paraang pagkuha ng

vidyo upang isaalang-alang ang tamang pagbigkas ng mga

salitang gamit hindi lamang bilang pruweba sa pagsalin ng

bawat respondente gamit ang kani-kanilang dayalekto.

Paraan ng Paglikom ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng interbyu at gumamit ng

survey questionnaire upang makakalap ng mga datos. Sa unang

pagkalap ng mga datos ay gumamit ang mga mananaliksik ng hatirang

pangmadla at pumunta sa bawat terminal ng dyip na patungo sa

iba’t ibang munisipyo ng Sorsogon. Doon ay naghanap ang mga

mananaliksik ng limang (5) respondente na sasagot sa kanilang

inihandang survey questionnaire. Ang limang respondente ay

kinapapalooban ng mga residente sa bawat munisipyo na may edad

labingwalo (18) pataas. Subalit ang ilan sa mga nakalap na datos

ay hindi magkakapareho ang ilan, kung kaya’t upang matiyak ang

“accuracy” ng mga datos ay pumunta mismo sa ilang munisipyo ang

mga mananaliksik at doon ay nagsagawa sila ng “validation of

data”. Sa kanilang pagtungo sa bawat munisipyo ay nakapagsagawa


sila ng interbyu at natuklasan ang pagkakaiba iba ng paraan ng

pagbigkas sa mga salita ng mga mamamayan. Lahat ng interbyu na

isinagawa ay nakarecord sa mobile phone.

Paraan ng Pagsusuri ng mga Datos

You might also like