You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

SORSOGON STATE COLLEGE GE 221 PANITIKAN


Bulan Kampus Ikalawang Semestre, T.P. 2019–2020
BUSINESS MANAGEMENT EDUCATION DEPARTMENT IBA’T IBANG PANAHON NG PANITIKANG FILIPINO

SIKLAB PANITIKANG FILIPINO SA KABILA NG PAGBABANYUHAY NG MUNDO


ni Ricky M. Hita Jr.

Sinaunang Filipino
Kilala sa pagsamba sa mga anito
Taglay ang mayamang kultura
Na lundayan upang makilala

Karamihan ng panitikan nila’y pasalindila


Gaya ng awiting bayan, bugtong at salawikain na anyong patula
Alamat, mito at kuwentong bayan na anyong tuluyan
Habang ang ilan nama’y naisulat sa mga piraso ng kawayan

Ngunit mananakop ay dumaong


Malalaking alon kanilang sinuong
Upang sangkap pampalasa’y mahanap
At nang Kristiyanismo’y mapalaganap

Sa ati’y marami silang pasalubong na ipinain


Tulad ng Kristiyanismo, panitikan at kulturang Kanluranin
Na naging tulay upang tayo’y maging alipin
At nang makamit kanilang mithiin

Kastila’y namalagi sa Pilipinas ng dantaon


Tangan ang krus kahit saan sila pumaroon
Ngunit pananakop at ginto pala ang intensiyon
Pilipino’y hinamak―sa hirap ibinaon

Subalit Panitikang Filipino’y nagbagong bihis


Katulad ng mga prayleng mapagmalabis
Mga paksa ng akda’y naging makarelihiyon
Gaya ng dulang senakulo at awiting pasyon

Ipinakilala rin nila sa atin ang awit at korido


Kung saan napabantog mga makatang Filipino
Tulad nina Francisco Baltazar sa awit na Florante at Laura
At Jose De la Cruz sa koridong Ibong Adarna

Kung ayaw mong mamura


Humalik ka lagi sa kamay ng kura
Kung hangad mo naman ay magkasupling
Sayaw ka sa Obando―matutupad iyong hiling

Pia Alba―kabiyak ni Kapitan Tiyago


Magkasupling, hiling nila sa mga Santo
Padre Damaso’y nagbigay payo
“Sayaw ka sa Obando, supling ay magkakatotoo”

Pia Alba’y agad na kumunday sa Obando


Sa pag-asang payo’y totoo
Ngunit Padre Damaso ang nagbigay milagro
Kawawang babae’y ginahasa’t inabuso

Pia Alba’y totoong nagdalantao


Galak ng kabiyak ay di maitago
Ilang araw matapos ang pagluwal―sakit ay dumapo
At siyang dahilan ng kanyang pagyao
HITA, Ricky Jr. M. #SIKLABPANITIKANGFILIPINO
O, Maria Clarang sakdal ganda―anak ni Pia Alba
Angkin ang yumi na animo’y Santa
Lumaki sa paglingap ng Tiya at ama-amahang si Kapitan Tiyago
At buhay niya’y alay kay Crisostomo

Noli Me Tangere at El Filibusterismo


Akdang pumukaw sa ating kamalayang nasyonalismo
Mga nobela ni Rizal na hangad ay reporma sa pamahalaan
At mitsa upang tayo’y magkaisa’t lumaban

Damdaming makabayan―namayani
Mga Pilipino namukod tangi
Buhay ay itinaya nang walang pasubali
Perlas ng Silanganan―di na nagpagapi

Pilipinas nilisan nga ng Kastila


At ganap na kalayaan ay inakala
Subalit kuko ng Agila ang bumungad
Bayang Pilipinas―ginawang sariling pugad

Mga Kano’y may imported na pasalubong sa atin


Na tuluyang nakaimpluwensiya sa ating adhikain
Tulad ng wikang Ingles at sistema ng edukasyon
Na tinatamasa natin hanggang sa ngayon

Panitikang Filipino’y tumanggap din ng regalo


Na agad binuksan at tinangkilik ng mga Filipino
Panitika’y nagkaroon ng bagong genre
Tulad ng oda, fairy tales, dula at pelikula

Filipinong manunulat―dula ang kinasangkapan


Upang ipahayag ang hangad na paglaya ng bayan
Kaya’t mga unang dulang itinanghal ay umusig
Sa kabuktutan ng mga Kanong mapanlupig

Kaya dulang imortal iniluwal sa mga tanghalan…


Juan K. Abad sa kanyang “Tanikalang Ginto”
“Kahapon Ngayon at Bukas” ni Aurelio Tolentino
“Walang Sugat” ni Severino Reyes

Pambobomba ng mga Kano sa Hiroshima


Nagdulot ng panibagong pangamba
Ganti ng mga Hapones―sa Pilipinas itinuon
Panibagong mananakop ano kaya ang misyon?

Ito…ito ang Ginintuang Panahon


ng kasayasayan…at Panitikang Filipino!
Higit na Malaya sa pagpapahayag ng saloobin
Itinaguyod ang katutubong wika upang panitika’y paunlarin

At Hapones pala’y mayroon ding pamana


Maikling tulang may tatlong taludtod
Ito ang tulang Haiku na may sukat na kakaiba
lima-pito-lima

Umusbong din mga manunulat na babae


Tulad nina Liwayway Arceo at Genoveva Edroza-Matute
Dahil sa maka-Feminista nilang atake
Sila’y kinilala at tinangkilik ng marami

HITA, Ricky Jr. M. #SIKLABPANITIKANGFILIPINO


Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe
Matayog ang pangarap ng matandang bingi
Umihip ang hangin, nawala sa paningin
Sigaw ng kahapon, nilamon na ng alon
Malabo ang tunog ng kampanilya ni Padre
Maingay ang taginting, rosaryo ng babae
Nay, nay, nay, nay
Nay, nay, nay, nay
Nay, nay, nay, nay…
Lumipas ang taon
Kalayaan sa ati’y ipinabaon
At dahil sa kalayaang natamo
Sumigla lalo ang panitikang Filipino
Filipinong manunulat lalong nagsisulat
Dahilan sa paglilimbag ng maraming aklat

Sa ikadalawampung siglo naman


Media―higit na nakaimpluwensiya sa panitikan
Dulang panradyo’t pantelebisyon ay kinagiliwan
Lalong-lalo ng mga matatanda’t kabataan

Puspusan din ang pagsasalin ng mga akda


Gaya ng maikling kuwento at nobela
Naging inspirasyon din ang awit, kasaysayan at tula
Upang makabuo ng maraming dulang pampelikula

Ngayon, Panitikang Filipino’y hi-tech


Dahil ‘yan sa internet!
Nagkaroon ng vlogging, video clipping at audio airing
Na patuloy na bumubuhay sa panitikan natin

Sa kasalukuyan, Filipinong manunulat―dumarami


Batayan ba ito sa pagsigla ng panitikan ng lahi?
Oo…subalit hindi lang nakasalalay sa pagdami ng manunulat
Dahil ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ay dapat kaakibat!

Kaya, tayong mga Milenyal kailangan na nating umaksyon


Tulad ng Pandiwa na laging may kilos anomang panahon
Tangkilin ang Panitikang Filipino!
Ipagmalaki at ibahagi ang yaman sa buong mundo

Halina’t Panitikang Filipino’y pasiklabin


Buksan ang mga puso’t isipang mapangarapin
Tayo’y Malaya tulad ng isang tula
Huwag manggagagad dahil hindi ito isang dula
Ito’y akdang nasa teoryang realismo
Mababakas ay di ganda kundi ang totoo.
Siklab Panitikang Filipino sa kabila ng Pagbabanyuhay ng Mundo!

Pagkilala:
“Saranggola ni Pepe” orihinal na awit ni Nonoy Gallardo at pinasikat ni Celeste Legaspi

HITA, Ricky Jr. M. #SIKLABPANITIKANGFILIPINO

You might also like