You are on page 1of 10

KASAYSAYAN NG PAMAHAYAGAN SA

PILIPINAS
Unang Panahon ng Pamamahayag
1593- nalimbag ang kauna-unahang aklat sa Pilipinas, ang “Doctrina
Christiana”. Ang imprentang ginamit sa paglilimbag ng aklat ay pag-aari ni
Juan de Vera. Ang aklat ay inilimbag mula sa inukitang kahoy at nilagyan ng
tinta.
1637- nagsimula ang kasaysayan ng pahayagan sa Pilipinas. Ang “Succesos
Felllices” ni Tomas Pinpin. Kinilalang unang pahayagan sa Pilipinas.
Agosto 8, 1811- nalathala ang Del Superior Govierno. Ang pinakaunang
regular na peryodiko sa Pilipinas, sa pamamahala ni Gobernador Heneral
Manuel Fernandez de Folgueras. Umiral lamang ito sa maikling panahon,
nagkaroon lamng ito ng labinlimang labas at kusang namatay.
Diyembre 1, 1846- unang nalathala ang La Esperanza, ang unang pang-arawang
peryodiko sa Pilipinas. Pinamatnugutan nina Felipe Lugorte at Evaristo Calderon.
Nagtagal ito ng tatlong taon.
1848- isinilang ang Diaryo de Manila na pinamatnugutan ni Felipe del Pan.
Tuloy-tuloy itong nalathala sa loob ng tatlong taon. Naging kalaban nito ang El
Comercio.
Abril 1, 1887- inilunsad ang pahayagang La Opinion na itinatag nina Julian de
Poso at Jesus Polanco. Sa pahayagang ito nagsimula ang pamamahayag na
pampulitika gayundin ang pahayag laban sa mga prayle at mga pagpapaalis sa
mga ito. Si Pablo Feced, na isang manunulat na Kastila ay nagtago sa sagisag na
“Quiaoquiap” ay kabilang sa patnugutan nito.
1890- lumabas ang El Resumen na itinatag ni Isidro delos Reyes sa tulong ng
isang kaibigang Kastila. Ito ay may pananaw na makabansa.
Hunyo 1882- itinatag ang Diaryong Tagalog, ang unang pahayagang Tagalog na
pinamatnugutan ni Francisco Calvo Muños. Sinikap nitong maging tulay ng
pagkakaisa ng mga Pilipino at Kastila. Ito ay namatay noong Oktubre 31, 1882.
1890- isinilang ang La Lectura Popular na pag-aari ni Jose de Jesus. Pinamatnugutan
ito ni Isabelo Reyes. Dalawang ulit sa dalawang lingo ang labas nito
1896- nalathala ang Pliegong Tagalog, maituturing na unang pahayagan tungkol sa
kalakal at komersyo gayundin sa libangan at pulitika.
Hulyo 15, 1899- nalathala ang “Kapatid ng Bayan”. Ito’y binubuo ng apat na pahina
at naglalarawan ng mga balita tungkol sa bayan.
Pebrero 15, 1889- nalathala ang unang sipi ng La Solidaridad. Itinaguyod ito ng mga
intelektwal na Pilipino.
Enero 18, 1896- inilathala ang pahayagang “Ang Kalayaan” na pinamatnugutan ni
Emilio Jacinto. Nakaisang labas lamang ito sapagkat natuklasan ng mga Kastila
ang lihim na kilusan ng Katipunan.
Enero 23, 1899- pagsilang ng Unang Republika sa buong Asya na ginanap sa
Malolos, Bulakan. Ipinahayag at inilathala sa mga pahayagang rebulosyunaryo
ang pagsilang ng isang bagong bansa. Ang Pilipinas ang tinaguriang Unang
Republika sa kasaysayan ng Asya at Africa.
Iba pang mga Pahayagang Mapaghimagsik
Setyembre 29, 1898- inilunsad ang El Heraldo Filipino bilang opisyal na pahayagan
ng Rebulosyunaryong Pamahalaan. Sa dakong huli’y pinalitan ito ng Indice Oficial
at sa huli’y Gaceta de Filipinas.
Setyembre 3, 1898- lumabas ang La Independencia na pinamatnugutan ni Heneral
Antonio Luna. Ito’y isang pribadong pahayagan ng mga rebulosyunaryo. Ang mga
manunulat ay gumagamit ng sagisag upang hindi matukoy ng pamahalaan ang
may-akda.
Setyembre 15, 1898- inilathala ang La Republika Filipina na itinatag sa
Mandaluyong ni Pedro Paterno.
Hunyo 20, 1898- lumabas ang La Libertad sa ilalim ng pamatnugot ni Clemente
Jose Zulueta.
Panahon ng Imperyalismong Amerikano

1900- itinatag ang “El Nueva Dia” ni Sergio Osmeña Sr. Ang pangunahin sa makabayang
pahayagan. Naging manunulat sina Rafael Palma at Jaime de Veyra. Dalawang beses
nasuspinde sa paglathala dahil sa makabagong paninindigan ng mga pahayagang
nasusulat sa wikang Ingles.
Setyembre, 1901- itinatag ang “El Renacimiento” ni Martin Ocampo at Teodoro Kalaw
na siyang editor.
Manila daily Bullletin- lumabas noong Pebrero 1, 1900 sa pamamantugot ni Carson
Taylor
Nailathala din ang iba pang pahayagan tulad ng Cable News, The Philippine Free Press,
Philippine Herald, Weekly Graphic, Manila Times at Tribune
Pananakop ng mga Hapones
Tatlong pahayagan lamang ang pinahuntulutan na mamayani tulad
ng Herald, Tribune at Bullletin.
Hindi nagtagal ang pagawaan ng Bulletin ay isinara at ang pagawaan
ng Herald ay winasak.
Ang Tribune ang napili ng mga Hapones bilang opisyal na
tagapagbalita ng pamahalaang Militar ng Hapon sa Pilipinas.
Noong Hulyo 24, 1942 inilathala ng peryodiko ang mga opinion nina
Jorge Vargas at Claro M. Recto na kumakatig sa pagtangkilik sa
Tagalog at Niponggo bilang mga opisyal na wika ng Pilipinas.
Panahon ng Pagpapalaya

Lihim na umusbong ang ibang mga pahayagan tulad ng Balita, Bagong Buhay, The
Philippine Press, The Manila Chronicle, The Comet, The Courier, The Express, The
Fil-American, The Filipino Observer, The Freedom, The Guerilla, The Liberal, The
Daily Mail, The Philippine Liberty News, The Manila Post, The Progress Vox de
Manila, The Victory News, The Evening Herald at marami pang iba.
Panahon ng Batas Militar

Tanging ang The Philippine Daily Express ni Roberto Benedicto, Times


Journal ni Benjamin Romualdez, Bulletin Today ni Hans Menzi at
Evening Post ni Kerima Polotan Tuvera ang pinahintulutang maglathala.

You might also like