You are on page 1of 5

4.

4 “ Panahon
ng Awtor”
laban sa
“Panahon ng
Tagapagsalin”
Ang problema tungkol sa “panahon” ay
lumilitaw lamang kapag ang isinasalin ay
mga akdang klasiko. Kung napakahirap
para sa isang tagapagsalin na pilitin ang
sariling ‘mapaloob’ sa katauhan ng
kanyang awtor, isa ring napakahirap na
gawain ang bagtasin ang panahong
namamagitan sa nakaraan (panahon ng
awtor) at sa kasalukuyan (panahon ng
tagapagsalin).
Dito sa Pilipinas ay nasa Summer
Institute of Linguistics ang mahuhusay
na mga linguist-translators. Nasa
kanila ang mga pangunahing teorista
at praktisyuner sa pagsasalin sapagkat
pagsasalin ng Biblia sa mga minor na
wika ng bansa ang isa sa kanilang
mahalagang gawain.
Ginamit na halimbawa ni Savory
sa kanyang aklat ang “Don
Quixote” na nalathala noong
1605.
ang tanong ay ito: Ang salin
kaya ng akdang ito ay dapat
manatili sa ‘Old English’ o dapat
na muling isalin sa
pangkasalukuyan o makabagong
Ingles?
Kung ang layunin ng ng tagapagsalin
ay upang lumikha sa isipan ng
mambabasa ng emosyon na tulad ng
emosyong nalikha ng orihinal na
nobela sa isipan ng mga mambabasa
nito, ang sagot ay malinaw.
Kailangang muling isalin sa
makabagong Ingles. Isa pa, halos
lahat ng mambabasa ay interesadong
mabasa ang isang akda sa
pamamagitan ng uri ng wikang
kanilang sinasalita.

You might also like