You are on page 1of 18

Halaw sa aklat ni Savory (The Art of Translation,

1968) ang naging kasaysayan ng pagsasaling-wika


sa daigdig noong mga dakong una upang tayo’y
magkaroon ng higit na malawak na pananaw sa
larangang ito.
ANG PAGSASALING-WIKA SA IBA’T IBANG PANAHON:

• Ang pagsasaling-wika ay sinasabing kasintanda na


rin halos ng panitikan.
• Sa Europe, ang kinikilalang unang tagasaling-wika
ayon kay Savory, ay isang aliping Griyego na
nagngangalang Andronicus. Isinalin niya nang
patula sa Latin ang Odyssey ni Homer na nasusulat
sa wikang Griyego noong 240 B.C.
• Ang unang pagsasaling ito ay sinundan pa ng ibang pagsasalin. Sina
Naevius at Ennius ay gumawa ng mga pagsasalin sa Latin ng mga
dulang Griyego, tulad ng mga sinulat ni Euripides. Si Cicero ay nakilala
rin bilang isang mahusay na tagasaling-wika.
• Sa pangkat ng mga tagasalin sa Toledo ay dalawa ang higit na
napatanyag – sina Adelard at Retines. Si Adelard ang siyang nagsalin sa
Latin ng mga sinulat ni Euclid na noon ay naisalin na sa Aracic; si
Retines naman ang nagsalin sa Latin ng Koran noong 1141.
• Sa panahong iyon lumabas ang naging dakilang salin ng Liber
Gestorum Barlaam et Josaphat. Ang orihinal na teksto ay nasusulat sa
Griyego.
• Barlaam at Josaphat – dalawang tauhang uliran sa pag-uugali at sa
pagiging maka-Diyos.
• Noong nagsimula ang pagsasalin sa Biblia. Ang salin ni Wycliffe
ay sinundan ni Tyndale at Coverdale.
• Martin Luther (1483-1646) – ang kanyang salin sa wikang
Aleman ay kinikilalang pinakamabuting salin. Dito nakilala sa
larangan ng pandaigdig na panitikan ang bansang Germany.
• Jacques Amyot – isang obispo sa Auxerre na siyang kinikilalang
“Prinsipe ng Pagsasaling-wika” sa Europa. Pinakamalaking
utang pandaigdig na panitikan kay Amyot ay ang pagkakasalin
noong 1559 ng “Lives of Famous Greek and Romans” ni
Plutarch
• John Bourchier – isang Ingles na nakilala noong 1467-1553. Karamihan
sa kaniyang mga salin ay mula sa wikang Kastila. Nakatala sa kasaysayan
ng pagsasaling-wika sa Alemanya bilang tagapagsalin ng Chronicles ni
Froissart.
• Ang panahon ng unang Elizabeth ang itinuturing ni Savory na unang
panahon ng pagsasaling-wika sa Inglatera, bagamat ang panahon ng
pangalawang Elizabeth ang kinilalang pinakataluktok.
• Thomas North – kinikilalang pinakadakila sa mga tagasalin sa Inglatera
nang panahong iyon.
• George Chapman – ang salin niya sa mga sinulat ni Homer ay nalathala
sa pagitan ng 1598 at 1616.
• John Florio – (1603) lumabas ang salin niya sa Essays ni Montaigne. Isa
itong babasahinn itinuturing na kasinghusay ng Plutarch ni North.
Ang ikalabimpitong siglo ay maituturing na tulad halos ng
dalawang nakaraang siglo na ang kinawilihan ay ang pag-aaral at
pagsasalin ng mga literatura sa ibang bansa.
• Hobbles – ang mga salin niya sa Thucydides at Homer ay hindi
gaanong nagustuhan ng mga magbabasa.
• John Dryden –nagsalin ng Juvenal at Virgil, gayundin ay hindi
gaanong nagustuhan ng mga mambabasa.
Subalit siya ay ibinilang sa isa sa mahusay na tagapagsalin
noong kanyang panahon dahil pinag-ukulan niya ng maingat na
paglilimi ang gawang pagsasalin. Siya ang kauna-unahang kumilala
na ang pagsasaling-wika ay isang sining.
Ang pagsasaling-wika ay masasabing kasinsigla pa rin ng mga nakaraang siglo nang
sumapit ang ikalabing-walong siglo.

• Alexander Pope – ang salin niya sa Ingles na akda ni Homer na Iliad ay lumabas sa pagitan
ng 1715 at 1720; ang kanyang Odyssey ay noong 1725.
• Homer - ay isang mala-alamat na unang Griyegong manunula at rapsodista, na binigyan ng
kredito, ayon sa tradisyon, sa pagkakalikha ng Iliad at Odyssey (dalawang dakilang epikong
Griyegong tumatalakay sa paglusob sa lungsod ng Troy at sa mga naganap pagkaraan),
bagaman maaaring dalawang magkaibang mga tao ang sumulat ng mga ito. Karaniwang
sinasabing nabuhay si Homer noong ika-8 siglo BK. Isa siyang bulag na mang-aawit,
manunula, at manunulat na nagbuhat sa Chios, isang pulo sa Gresya
• William Cowper – nagsalin din sa Ingles ng isa sa mga akda ni Homer na Odyssey at ito
lumabas noong 1791.
• A.W. von Schlegel– siya ay nagsalin ng mga gawa ni Shakespeare sa wikang Aleman.
• Alexander Tytler – (1792) nailathala ang isa kanyang
namumukod tanging aklat na “Essay on the Principles of
Translation”.
Tatlong panuntunan sa pagkilatis ng isang salin.
1. Ang isang salin ay kailangang katulad ng orihinal sa diwa
o mensahe.
2. Ang estilo at paraan ng pagkasulat ay kailangang katulad
ng sa orihinal.
3. Ang isang salin ay dapat na maging maluwag at
magaang basahin tulad ng sa orihinal.
• Sa kasalukuyan, lahat halos ng bansa sa daigdig ay
patuloy sa lansakang pagsasalin sa kani-kanilang wika
ng mga mahuhusay na akdang nasusulat sa iba’t ibang
wika sa layuning maihatid sa higit na nakararaming
bahagi ng mambabasa ang mga pagsasalin ay ang
pagsasalin ng mga pyesa ng literatura na nagtataglay ng
mga bagong kaalaman at karunungang buhat sa ibang
bansa na karaniwan ay sa higit na maunlad na wika
nasusulart na tulad ng wikang Ingles.
Mga Pagsasalin sa Bibliya
Ayon kay Savory, mayroong dalawang kadahilan kung bakit hindi
maiiwasang mabanggit ang pagsasalin ng Biblia?

• Una, sapagkat ang paksa sa Biblia, lalo na sa Matandang Tipan,


ay tumatalakay sa sa tao – sa kanyang pinagmulan, sa kanyang
layunin at sa knayang destinasyon.
• Ikalawa, kung bakit naiiba ang Biblia sa karaniwan sa larangan
ng pagsasaling-wika ay ang di mapasusubaliang kataasan ng uri
ng pagkakasulat nito.
Ang Bibliang kinagisnan natin, kahit sa anong wika
nasusulat, ay isang salin. Ang orihinal na manuskrito o teskto
nito ay sinasabing wala na.
• Wikang Aramaic ng Ebreo – sa wikang ito nasusulat ang
kauna-unahang teksto ng Matandang tipan. Naging
malaganap noong unang siglo A.D.
• Origen – buhat sa salin niya sa wikang Griyego noong
ikatlong siglo na nakilala sa tawag na Septuagint.
• Jerome – isa sa iilan-ilang kinikilalang pinakamahusay na
tagasaling-wika sa Biblia noong kanyang kapanahunan. Ang
kanyang Vulgate na salin sa Latin ng Biblia ay matagal ding
naging popular.
Ayon kay Savory, mayroong tatlong dinadakilang salin ng Biblia.
• Ang kay Jerome sa Latin.
• Ang kay Luther sa Aleman.
• At ang kay Haring James sa Ingles ng Inglatera na tinawag na Authorized
Version.
• John Wycliffe – sinasabing sa kanya nagmula ang kauna-unahang salin sa
Ingles ng Biblia, ayon kay Savory noong ikalabing-apat na siglo.
Nagkaroon ito ng Dalawang Edisyon.
• Una, noong 1382 sa tulong ng isang tagasalin na nagngangalang Nicholas.
• Ikalawa, noong 1390.
Tatlo ang dahilan kung bakit napagkaisahang muling isalin ang Biblia:

1. Marami nang mga natuklasan ang mga arkeologo na naiiba sa diwang


nasasaad sas maraming bahagi ng mga unang salin;
2. Nitong mga huling araw higit na naging masigla ang pag-aaral sa larangan
ng linggwistika. Di matatawaran ang naitutulong ng karunungan sa
linggwistika sa pagpapalinaw ng maraming malabong bahagi ng Biblia.
Ang mga nagpakadalubhasa sa mga wikang Ebreo, Aramaic at Griyero,
halimbawa, ay malaki ang maitutulong sa paglinaw sa maraming dapat
linawin sa mga kontrobersyal na bahagi ng Biblia; at
3. Ang sinaunang wikang ginamit sa klasikang English Bible ay hindi na halos
naunawaan ng kasalukuyang mambabasa, bukod sa kung minsan ay iba
na ang inihahatid na diwa.
Nagsasalungatang Paniniwala
sa Pagsasalin ng mga Akdang Klasika

• Gaya ng pagkakaalam natin, ang kalakhan ng kinikilalang mga akdang


klasika ay ang mga orihinal na nasusulat sa Griyego at Latin. Sa
pagpasok sa ika-20 siglo, ang daigdig ng pagsasaling-wika ay halos
umiinog lamang sa pagsasalin sa Ingles ng mga literatura ng Griyego
at Latin.
• Ayon kay Woolf, ang wikang Griyego ay isang wikang may pang-akit
na waring napakamakapangyarihan. Ito, aniya, ay maugnayin, mabisa,
tiyak, at waring may aliw-iw na nakaliligayang pakinggan.
• Mapapangkat sa dalawang ang tagasaling-wika sa Ingles ng
Panitikang Griyego.
Ayon kay Savory, Mapapangkat sa dalawang ang tagasaling-wika
sa Ingles ng Panitikang Griyego.

• Una, ang pangkat ng mga makaluma o tinatawag na


Hellenizers.
• Layunin ng mga makaluma na maging Matapat diumano sa
pagsasalin sa paghahanngad na mapanatili ang orihinal na
diwa at katangian ng kanilang isinasalin.
• Ikalawa, ang mga makabago o Modernizers.
• Naglalayon ang pangkat na ito ng makalikha ng mga salin sa
kanilang wika, mga saling nahubadan na ng mga katangian
at idyoma ng wikang isinalin at nabihisan na ng mga
katangian at idyoma ng wikang pinagsalinan.
Machine Translation:
Papalit sa tao?
• Kung mapapalitan ng makina ang tao bilang tagasaling-wika
ay hindi pa natin masabi sa ngayon. Napakabilis ng pag-
unlad ng syensya. Kung meron na ngayong mga robot na
parang mga taong nakapagsilbi sa mga restoran,
nakapagsasagawa ng operasyon sa mga ospital at mga
robot na nadidiktahan mula sa control tower sa daigdig kung
ano ang gagawin sa kanilang kinalululanang spaceship sa
kawalan.
Inihanda ni:

Bb. Desserie Mae E. Garan


Instruktor sa Filipino

You might also like