You are on page 1of 19

Ang

Sining at
Agham ng
Pagtuturo
Inihanda ni: Bb. Desserie Mae Garan
Instruktor sa Filipino
Ano ang Pagtuturo?
• Ang 'pagtuturo' ay isang paraan upang maibahagi o
maibigay ang kaalaman na nararapat malaman ng isang
indibidwal na kanyang magagamit upang maging isang
mas kapaki-pakinabang na indibidwal.
• Sa pamamagitan ng pagtuturo, naipapahayag ang tiyak
na gagawin na inaasahang maipakita ng mga mag-aaral.
• Ang pagtuturo ay isang gawaing masalimuot at may
maraming anyo.
Bakit Sining?
Bakit Agham?
Mga Baryabol na Nakapaapekto sa
Gagawing Pagpili, Implementasyon at
Ebalwasyon ng Kabisaan ng Isang
Pamaraan ng Pagtuturo:
• Layunin
• Paksa
• Mag-aaral
• Guro
• Kagamitan
• Kaligiran ng Paaralan
Paano masasabi na epektibo
ang isang guro?
Sa meta-analisis na nakapokus sa empirical na pag-
aaral ukol sa kalidad at kwalipikasyo ng mga guro,
natuklasan ni Rice (2003) ang limang malalawak na
kategorya ng epektibong guro:

• Karanasan
• Paghahanda ng programa at kursong tinapos
• Uri ng mga katibayan
• Mga gawaing natapos bilag paghahand sa profesyon
• Mga marka ng guro sa pagsusulit
“Maaaring maging guro siyang
qualified to teach subalit hindi
naman siya quality teacher.”
Mula sa mga datos na nakalap, lumabas sa
pag-aaral ang labindalawang katangian ng
epektibong guro:
1. Walang itinatangi
2. May positibong ugali
3. May kahandaan
4. May haplos-personal
5. Masayahin
6. Malikhain
Mula sa mga datos na nakalap, lumabas sa
pag-aaral ang labindalawang katangian ng
epektibong guro:
7. Marunong tumanggap ng kamalian
8. Mapagpatawad
9. May respeto
10. May mataas na ekspektasyon
11. Mapagmahal
12. Ipinadaramang kabilang ang bawat mag-aaral
Ang Epektibong
Guro at ang mga
Modelo sa Pagtuturo
• Eksperto sa lahat ng saklaw ng pagtuturo, gaya ng
paksang-aralin, pamamahalang pangklasrum,
pagtuturo at dayagnostiks sa pagtuturo.

• Isang may personal na pilosopiyag pang-edukasyunal


na nauukol sa mga paniniwala, mithiin at kumbiksyon
nang naayon sa kanyang papel bilang guro.
• May digring post-graduate at kung maaari ay may digring
masteral sa alinmang tiyak na larangan sa agham panlipunan,
at iba pang disiplina.

• May ‘magkahalong utak,’ yaong taong ang lohikal at


malikhaing hemisphere ng utak ay nagagamit ng sabay.

• Isang modelong tao na may personal na atribyut, virtues at


paraan sa pagtuturo na magbubuo sa sinasang-ayunang
relasyong guro-mag-aaral.
• Isang nagtataglay ng inspirasyon sa loob at labas
ng paaralan gaya ng mga miyembro ng pamilya

• Ang taong masayahin, maaasahan at naganyak


na maipagpatulog ang minimithing pag-unlad
propesyunal.
EPEKTIBONG GURO NG WIKA
• May kaaya-ayang katauhan, masayang disposisyon,
may diwa ng paluwag-tawa upang makalikha ng
positiong kaligirang sosyal na nag-uudyok ng kawili-
wili at epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral.

• May malawak na kabatiran sa


paksa/asignatura/wikang itinuturo at may sapat na
kakayahan sa pakikipagtalastasan sa wikang itinuturo
EPEKTIBONG GURO NG WIKA

• Gumagamit ng iba-ibang dulog at istratehiya sa


pagtuturo, mayaman sa mga kagamitang biswal,
awdyo-biswal na angkop at lapat sa uri ng aralin, sa
layuning nais matamo, at sa kaalaman, kasanayan at
kakayahang ninanais malinang.
EPEKTIBONG GURO NG WIKA

• Malikhain at mapamaraan upang maka-isip,


makapagbalak ng aralin, makagamit ng iba-ibang
gawaing pampagkatuto.

• Bukas ang isipan sa pagbabago.


EPEKTIBONG GURO NG WIKA

• May mataas na pagpapahalaga sa kanyang gawain, sa


kanyang mga mag-aaral at sa damdamin ng mga ito.
Pinupuri ang tamang sagot, iwinawasto o tumutulong
sa pagwawasto ng maling tugon sa maayos na paraan
EPEKTIBONG GURO NG WIKA

• Nagbibigay ng sapat na pagkakataon sa mga mag-aaral


sa partisipasyon sa mga gawaing pagkatuto.

• Ang mabuting guro ay mabuting facilitator, taga-


pamahala o manedyer, patnubay at tagasubaybay at
hindi isang diktador.

You might also like