You are on page 1of 3

ANG PAGTATAYANG TRADISYUNA O PORMAL NA PAGTATAYA

Ano ang Pagsusulit?


Ang pagsusulit ay isang panukat na ginagamit ng mga guro upang sukatin ang
paglalapat ng mga pagkatuto pagkatapos ng isang pagtuturuan.

Ang Pagsusulit vs. Pagtuturo

Ang pagsusulit ay nakapokus sa pagtataya ng produkto ng pagkatuto, samantalang ang


pagtuturo ay nakatuon sa epektibong pagbibigay ng patnubay sa mga mag-aaral upang
mapagtagumpayan ang mga proseso sa pagkatuto.
Ang Pagsusulit at Ang Guro
Ang pagsusulit ay napakahalagang bahagi ng pagtuturo at pagkatuto. Kaya’t nararapat
lamang na ang bawat guro ay hindi lamang dapat magaling sa pagtuturo kundi
marunong din siyang maghanda ng mga pagsusulit.

Ang Tatlong Panahon ng Pagsusulit Wika


1. Pre-scientific o Intuitive Stage
2. Communicative Stage
3. Scientific Stage

Kailan Ibinibigay ang Pagsusulit?

Pagsusulit bago simulan ang pagtuturo ng isang kasanayan (pre test)


Pagsusulit matapos maituro ang isang kasanayan (post test)
Maikling pagsusulit o quiz sa katapusan ng aralin (formative test)
Pagsusulit sa katapusan ng isang yunit o quarter (summative test)

Mga Uri ng Pagsusulit

Ayon sa Layon, ang mga pagsusulit ay mauuri gaya ng sumusunod:

Pagsusulit sa Natamong Kabatiran (Achievement test)


Panuring Pagsusulit (Diagnostic test)
Pagsusulit sa Kahusayan (Proficiency test)
Pagsusulit sa Aptityud (Aptitude test)

Ayon sa Dami ng kakayahang sinusubok ng bawat aytem:

Pagsusulit na Discrete Point


Pagsusulit na Integrative (a. Cloze b. Dictation test)
Ayon sa Kakayahang sinusubok:
Pakikinig
Pagsasalita
Pagbasa
Pagsulat

Ayon sa Gamit ng kinalabasan ng pagsusulit:

Pagsusulit na Norm-referenced
Pagsusulit na Criterion-referenced

Ayon sa Paraan ng pagmamarka at pagwawasto:

Pagsusulit na Obhektibo (Objective type)


Pagsusulit na Subhektibo (Subjective type)

Mga Uri ng Aytem ng Pagsusulit


1. Pagsusulit na Tama o Mali
2. Pagtukoy ng Mali o error recognition
3. Pagsusulit na may Pagpipilian o multiple choice
4. Pagsusulit na Pagpuno sa Patlang o completion test
Mga Simulaing Dapat Isaalang-alang sa
Pagbuo ng Pagsusulit na may
Pagpipiliang Sagot (Multiple choice)

A. Ang Stem
1. Ang pangunahing layunin ng stem ay mailahad sa kumukuha ng pagsusulit ang
suliranin ng aytem. Dapat maging maikli ngunit malinaw ang stem. Iwasan ang
paggamit ng maliligoy na mga salita.
2. Iwasan ang pag-uulit sa mga opsyon ng mga salitang maaaring ilagay sa stem.

3. Isulat ang stem sa anyong positibo. Kung hindi maiiwasan ang anyong negatibo o di
kaya’y isulat ito sa malalaking titik.

B. Ang mga opsyon

Hangga’t maaari, gawing halos magkakasinghaba ang mga opsyon. Huwag gawing
pinakamahaba o pinakamaikli ang wastong sagot. Kung hindi ito maiiwasan, may mga
padron na maaring sundin.

C. Ang mga distraktor

1. Ang bawat distraktor ay dapat maging kaakit-akit sa mga sasagot ng pagsusulit.


Dapat tanawinng mga eksameni na halos tamang sagot lahat ng opsyon.

2. Hindi dapat maging mas mahirap ang mga distractor kaysa tamang sagot.

D. Ang tamang sagot

1. Tiyaking isa lamang ang tamang sagot.

2. Pag-iba-ibahin ang posisyon ng wastong sagot.

3. Iwasang gawing pinakamahaba o pinakamaikli ang wastong sagot.

E. Ang buong aytem

1. Dapat sukatin ng bawat aytem ang layuning kinakatawan nito.

2. I-angkop ang bokabularyo at kayarian ng aytem sa mga sasagot nito


Ang Pangkasanayang Pagsusulit Wika
(Skill Testing)

A. Iba’t ibang Anyo ng Pagsusulit sa Pakikinig


1. Paglalahad o pahayag
2. Mga tanong
3. Maikling usapan
B. Pagtukoy sa Kayariang Pambalarila o Leksikal
C. Pagtatala ng mga Detalyeng Semantiko
D. Mga Tanong na Pang-unawa
E. Pagtukoy sa mga Salik na Sosyolinggwistik
Pagsasalita
a) Monologo
b) Pagsasatao o role playing
c) Interbyu
d) Pagtatalo o debate

Mga Halimbawang Pagsusulit


1. Pagsasalita

a. Pagbasa ng malakas
b. Pagkukwentong muli
c. Paggamit ng mga larawan
d. Pagbibigay ng mga angkop na tungkuling pangwika

2. Pagbasa

a) Pag-unawa at pagpapakahulugan ng salita

3. Pagsulat

a. Pinanutbayang pagsulat o guided writing


b. Pagsulat na ginagamitan ng pantulong na mga salita o parirala upang makabuo ng
isang talata.

Klasipikasyon ng mga Kasanayan sa Pagbasa/Panitikan


a. Literal

b. Pagpapakahulugan

c. Mapanuri/kritikal na
pagpapahalaga

d. Integratib
Mga Uri ng Pagtataya
Alternatibong Pagtataya
2.1 Mga Gawain
2.2 Mga Layunin

Anu-ano ang mga pormat ng alternatibong pagtataya?


1. Ang Pagtatayang product at performance
2. Process Assessment: Pagmamasid habang isinasagawa ang pagkatuto
3. Pagtatayang portfolio
Mga Uri ng PortFolio

1. Ang working portfolio


2. Ang showcase portfolio o best work
3. Ang process Portfolio
4. Ang cummulative portfolio o Archival

Ano ba ang Talahanayan ng Ispisipikasyon?


Layunin ng Talahanayan ng Ispisipikasyon
Ang layunin nito ay upang mailarawan ang nakamtang domeyn na sinusukat at upang
masigurado na patas ang bawat narepresentang halimbawa ng mga katanungang
lalabas sa pagsusulit.
Proficiency Test Examples
Aptitude Test Examples

You might also like