You are on page 1of 22

PAGHAHANDA NG

PAGSUSULIT-PANWIKA

Ulat nina:
Mildred Favia
Cherry Ann Mallorca
 Kailangan ng isang guro na malaman ang
kaalaman, kakayahan at pag-unawa ng
kanyang mga estudyante.
 Ang pagsusulit ang pinakamabisang paraan
para matamo ang pangangailangang ito
 Hindi lamang ito sumusukat sa kakayanan ng
isang estudyante, malaki rin itong basehan
kung naging maayos ba o hindi ang ang
ginawang pagtuturo.
 Para sa guro mahalaga rin ang pagsusulit. Ito’y
nagbibigay tugon sa mga sumusunod .
 Kung naging maayos ba ang pagtuturo?
Angkop ba ang aking aralin sa aking mga
estudyante? Alin ang mga kasanayan ang
dapat bigyang diin at alin ang kailangang ituro
muli.
 Ito rin ay mahalaga sa isang mag-aaral dahil
ito ay nakatutulong upang ang isang mag-aaral
ay magkaroon ng interes sa pag-aaral .
 Dahil sa pidbak na dulot ng pagsusulit
nagkakaroon ng katuparan ang mga
pagsisikap ng isang estudyante sa kanyang
pag-aaral.
Batayang simulain ng Pagsusulit
-Pangwika
1.Pagsusulit panwika sa makabuluhang
pakikipagbatiran.
2. Pagsusulit panwika sa mga bagay na
kinapapalooban ng suliranin sa pagkatuto
3. Kailangan maunawaan ang kaunlaran sa
pagkatuto at ang mga pamamaraang
sikolohiya ng mga batang gumagamit upang
maiangkop sa kanilang kakayahan ang
kahirapan ng tanong.
4. Kailangang may sapat na kabatiran tungkol sa
pamamaraan ng pagsusulat at pagbuo ng
tanong sa iba’t ibang uri at anyo ng mga
tanong upang madali niyang makita ang kaliit-
liitang kamalian sa paghahanda ng mga ito.
5. Kailangang mayroong sapat na panahon sa
paghahanda ng mga tanong upang matiyak
ang kahusayan ng pagsubok.
6. Kailangan ang angking ganap na pagtitiwala sa
sariling kakayahan at kabatiran sa paghahanda
ng pagsusulit at nakaunawa sa kakayahan ng
mahusay na pagsukat ng mga kaalamang pang
edukasyon .
7. Kailangan siya’y naniniwala na ang wika ay pinag-
aaralan upang magamit na mabisa sa
pakikpagtalastasan.

MGA SIMULAIN SA PAGHAHANDA NG


PAGSUSULIT PANWIKA

1. Iwasan ang paraang nagbibigay ng pagkakataong


manghula ang mga estudyante. Ang mga uring
tama-mali oo-hindi at iba pang dadalawa lamang
ang pagpipiliang sagot ay nakakaakit sa mga
estudyante
Subalit nagdudulot ng kinalabasang di naman
mapapaniwalan.
2. Gawing maliwanag ang mga panuto sa bawat
uri ng pagsasanay o pagsusulit nang sa gayon
ay masukat di lamang ang kanilang kaalaman
pati na ang kakayahang umunawa at gumamit
ng kakalamang natutunan.
3. Sikaping maghanda ng susi sa pagwawasto
bago ibigay ang pagsasanay o pagsusulit, ito ay
isang paraan upang lalong matiyak ang
kawastuhan ng sagot sa bawat tanong.
-Habang inihahanda ng guro ang gabay na
pagwawasto may pagkakataon siyang makita
Ang mumunting kamalian o mnga bagay-bagay
na maaaring makalito sa mga bata.
4. Gawing tiyak at malinaw ang mga sagot sa
bawat tanong.
5. Bumuo ng mga tanong na ang antas ng
kahirapan ay naangkop sa kakayahann ng
nakararami. Kapag lubhang mahirap ang
tanong at wala ni isang nakasagot masasabing
hindi balido ang pagsubok sapagkat hindi
sumusukat sa dapat sukatin nito.
6. Gawing tiyak at malinaw ang paglalahad ng
bawat tanong . Ang kaisipang napapaloob ay
kailangang maliwanag at mailahad upang
Maunawaan ng mga bata ang hinihingi sa bawat
tanong.
7. Ituon ang tanong sa mahalagang bagay na
dapat maitanim sa isipan ng mga estudyante at
hindi roon sa walang kabuluhan na kungt di
man masasaklaw ng pagsusulit ay hindi
magiging kawalan para sa mga bata.
PAMANTAYAN/KATANGIAN NG
PAGSUSULIT PANWIKA
1. Mabisa/Balido (Validity)

a. Criterion validty- pagsukat sa dapat bsukatin


b.Content validity-kahusayan sa paggamit ng
kalayaan ng lawak ng paksa sa paggawa ng
konklusyon.
c.Construct validty-antas ng paggamit ng mga
batayang theoritikal sa paggawa ng
pagsusulit.
MGA KATANGIAN SINUSUKAT
(Constancio at Abad)
1.Mabisa ang isang pagsusulit kung sinusukat
nito ang mga bagay na hangad sukatin.
2. Ang mga bagay na karaniwang itinuro ang
sinusukat nito.
3. May maingat na pagsasaayos na nilalaman ang
saklaw nito ay isang paraan ng pagiging
mabisa ng pagsusulit.
4. Kailangang ikinalat ang mga tanong ng
maayos.
5. Hindi sapat ang pagsusulit at sumusukat
lamang sa natamo ng mga estudyante. Kundi
pati sa pag-unawa at paggamit ng mga
kaalamang ito.
6. Nararapat na iangkop ang kakayanan ng
estudyante.
7. Hindi makatarungan ang isang set lamang ng
pagsusulit ang gagamitin.
8. Ang pagkamabisa ng pagsusulit ay nakasalig sa
layunin,paksa, at kakayahan ng mga
estudyante.
2. Mapanghahawakan ( reability)
-Ang pagsusulit ay mapagkakatiwalaan kung ito
ay may kaugnayan sa katangian sa isang antas
ng mag-aaral.
3. Pagiging Praktikal(practicality)
-Hindi magugugol sa salapi at panahon ,
masaling bagay,iwasto at bigyan ng
interpretasyon ang isang iskor.
Ang paghahanda ng pagsusulit (Badayos
1999)
1. Pagplano ng pagsusulit
a. Tiyakin ang layunin
b. Tukuyin ang mga kakayahan na susukatin ng
pagsusulit.
c. Itala ang mg layuning pangkagawian
(behavioral objectives) batay sa kasanayan at
kakayahang susukatin.
d. Ihanda ang talahanayan ng ispesipikasyon
.Makikita sa talahanayan ang kabuuang
saklaw ng pagsusulit.
2. Paghahanda ng pagsusulit
a. Ihanda ang mga aytem. Gawin ang
talahanayan ng ispesipikasyon bilang
patnubay hinggil sa kung ilang aytem ang
bubuuhin para sa bawat kasanayang sukatan.
b. Suriin ang mga aytem .Makatutulong kapag
ipinasuri sa isa o dalawang kaguro ang mga
aytem .Magagamit ang mga sumusunod na
tanong sa pagsusuri ng mga aytem.

1. Sinusubok ba ng bawat aytem ang isang tiyak


na kasanayang kasama sa talahanayan?
2. Akma ba sa sinusubok na kasama ang bawat
uri ng aytem sa pagsusulit?
3. Maliwanag bang nakasaad ang hinihingi ng
bawat aytem?
4. Wala bang mga di kailangan salita o ipahiwatig
ang aytem?
5. May sapat bang antas ng kahirapan ang aytem
para sa kukuha ng pagsusulit?
6. Ang mga distraktor o joker ba ay sadyang
mabuti at maayos ang pagbabalanse at hindi
magtutunton sa wastong sagot?
7. May sapat na dami ba ng aytem para sa bawat
layunin o kasanayan sa talahanayan ng
ispesipikulasyon ?
8. Hindi ba kakikitaan ng regular na panahon ang
paghahanay ng wastong sagot?
c. Ayusin ang mga aytem sa pagsusulit
1. Pagsamahin ang mga aytem na magkakauri
2. Isaayos ang mga aytem ayon sa antas
kahirapan. Ilahad muna ang madaling aytem
bago ang mahihirap.
d. Ihanda ang mga panuto
-Ang mga panuto ay dapat gawing payak at
At maikli. Ito ay dapat magbigay ng mga
sumusunod na impormasyon
a.Ang layunin ng pagsusulit
b. Ang panahon na nakalaan sa pagsusulit
c. Paano ang pagsagot sa pagsusulit.Titik lamang
ba ng tamang sagot ang isusulat o sisipiin pa
sa sagutang papel .
2. Kung higit sa isang uri ng pagsusulit ang
kabuuan ng pagsusulit ,kailangang
magkaroon ng isang pangkalahatang panuto
at may tiyak na panuto para sa bawat
partikular na uri ng pagsusulit.
3. Pagbibigay ng pagsusulit at pagwawasto ng
mga papel
4. Pagpapahalaga ng pagsusulit.

Pagsusuri ng Bawat Aytem upang malaman ang


pagkamabisa ng mga aytem.

1. Kahirapan ng aytem ( index of difficulty).


2. Kakayahang magtangi (discriminatory power).
3. Pagkamabisa ng distraktor.
5. Pagbibigay kahulugan sa kinalabasan
ng pagsubok.
Mga dapat isaisip ng guro sa paghahanda
ng isang mahusay na pagsasanay at
pagsusulit (Constacio at Abad)

-May mga bagay na dapat tandaan ang isang


guro sa paghahanda ng pagsasanay at
pagsusulit
1. Kailangang may ganap na kabtiran sa paksang
araling nasasaklaw ng pagsusulit na inihanda
nang sa gayo’y makabuo ng mahalaga at
makabuluhang tanong.
2. Ang sangkap at kasanayan sa wika ay dapat
subukin sa tunay na pakikipag-usap o
pakikipagbatiran .

3. Subukin ang mga kahirapan isa-isa lamang.


4. Subukin lamang maituro ng puspusan.
5. Hindi lamang ang batayang simulain ang
isaalang-alang gayon din ang pamantayan sa
pagpapahalaga sa pagsusulit.

You might also like