You are on page 1of 2

1. Paghambingin ang mga sumusunod na termenolohiya.

Sagot: Panukatan- ito ay tumutukoy sa sukatan sa gagawing pagsusulit depende sa lebel ng mga kakayahan at
mentalida ng mga mag-aaral. Kailangan dumaan muna gumawa ng table of specification upang matiyak ang
angkop at uri ng pagsusulit ang gagawin.
Ang pagtataya naman ay isang uri ng pagsusulit upang masukat ang natamong kaalaman ng mga mag-
aaral pagkatapos ng talakayan sa klase. Nagsisilbi itong ebalwasyon upang matiyak ng guro kung may natutunan
nga ba ang sila sa mga araling tinalakay upang aa gayoo’y makapagpasya ang guro kung muling ituturo aralin o
tumungo na sa susunod na aralin.
Pagtatasa ay isang proseso ng pagkalap at pagsusuri ng impormasyon mula sa iba’t ibang paraan
,estratehiya upang magkaroon ng malalim nap ag-unawa ang mga guro sa nalalaman , naiintindihan at
magagawa ng mga mag-aaral sa natutunan sa kanilang leksyon, paggawa ng gawain , proyekto at iba pa.

2. Magbigay ng tatlong panuntunan sa pagtataya. Ipaliwanag ang bawat panuntunan.

Sagot: Una: Ang pagtataya ay dapat ibase sa malinaw na panturong layunin.


-ito ay dapat naayon sa layunin ng paaralan at kurikulum . kailangang naituro ang bawat
paksang isasama sa bawat aytem ng mga tanong sa pagsusulit at matitiyak ito kung
gagamitan ng TOS at Item Analysis.
Pangalawa: Ang mga pamamaraan sa pagtataya ay dapat piliin ayon sa kanilang layunin.
- Nararapat na pumili ng pamamaraan ng pagsusuri base sa kanilang layunin. Maraming mga
uri ng pagsusulit na madaling sukatin ang kakayahan at lebel ng mga mag-aaral.

Pangatlo: Ang pagtataya ay dapat Komprehensibo

- Dapat nitong sakupin ang malawak nap ag-unlad ng mga mag-aaral . Dapat nitong suriin ang
progreso ng mga mag-aaral sa mga kanais-nais na kalalabasan sa edukasyon.
-
3. Anong kabutihan at di-kabutihan ng paggamit ng kagamitang objektib sa kagamitang subjektib?

Sagot: Ang kabutihanng dala ng kagmitang objektib ay nakapagbibigay ito ng totoong impormasyon,
nasasagot lamang ng literal ang bawat katanungan dahil nasa mababang antas lamang ito ng pagsusulit.
Konkreto lamang ang mga inaasahang sagot sa bawat tanong . Ang di-kabutihang paggamit lamang nito ay
hindi mabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na linangin ang kanilang mapunuring pag-iisip.
Ang subjektib naman ay tumutukoy sa masining na paraan ng mga tanong sa isang pagsusulit. Nasa
antas ito ng mataas na uri ng pagsusulit na malilinang ang mapanuring pagsagot ng mga mag-aaral. Nagiging
subjektibo ito sapgkat ang mga impormasyon ay may kalakip na damdamin at emosyon .

4. Ano ang pagtatayang pangklasrum? Bakit mahalaga ang pagtataya sa anumang gawaing pagkatuto? Ano-ano
ang layunin nito?

Sagot: Ito ay pangangalap , interpretasyon at paggamit ng mga impormasyon upang matulungan ang mga
guro na makagawa ng mabuting desisyon para sa mga kakulangang interbesyon upang mapabuti ang
pagtuturo at pagkatuto . Sa Kto12 Kurikulum layunin ng Edukasyon na inaasahang mababago ang pananaw sa
larangan ng pagtataya. Binibigyan diin rin nito na magkaroon ng pantay na pagmamarka sa larangan ng
pagtataya dahil ditto masusubok kung gaano din kaapektibo ag kagaling ang guro sa kanyang pagtuturo. Ang
magiging resulta nito ang makapagbibigay ng kaukulang desisyon kung paano baguhin ang mga estratehiyang
gagamitin ng mga guro sa pagtuturo .

5. Ano-ano ang mga pagsusulit na maaring ihanda sa kasanayan sa pagsasalita at pagsulat ? Magbigay ng maikling
paglalarawan kung paano ito maaaring isagawa.

Sagot: May dalawang uri ngayon ng pagsusulit ang pasalita at pasulat at malayang pumili ang mga mag-aaral
kung saan naayon ang kanyang kakayahan ,maaaring sa pasalita o performance task o pagsulat na kilala sa
tawag na paper-pencil test.
Sa Pasalitang pagtataya pwdeng gamitin dito ang mga pagtatanghal sa entablado tulad ng talumpate,
debate, dula, tula at maging demonstrasyon. Sa ganitong uri ng pagsusulit masusubok ang kahusayan ng mga
mag-aaral sa pagsasalita , pagkilos at pagpapahayag ng kanilang damdamin. Nagiging masining ito depende sa
kanilang pagpapahayag, hindi makontrol ang mga salitang kanilang mabibitawan sapagkat layunin lamang
nilang makapagsalita. Mabibigyan lamang ito ng puno kung hindi naisaktuparan ang rubriks na
pinagbabasihan sa pagmamarka.
Pasulat na pagtataya ay nakapokus naman sa sagutang papel, pagsulat ng mga katha tulad ng tula,
maikling kwento, sanaysay at iba’t ibang pyesa o teksto. Kailangan nitong isaalang-alang ang gagamiting salita
, simbolo at gamit ng pangungsap upang maiwasan ang anumang maging sagabal sa pag uunawa ng sinumang
makakabasa nito. Lilinangin nito ang kakayan ng mga mag-aaral na linlangin ang isipan ng mga mambabasa .

You might also like