You are on page 1of 2

Mansanero, Amajette A.

S-Fil 14

II-4 BSE-Filipino

Prop. Liwanag

ISKEMATANG PORMAL
(FORMAL SCHEMA)
Ayon kina Carell at Eisterhold (1980), tinatawag na iskimang pormal ang mga datring
kaalaman sa kayarian ng teksto. Nakatutulong sa pag-unawa sa isang teksto ang kaalaman ng
mambabasa hinggil sa organisasyon ng retorika at estruktura ng ibat-ibang uri o anyo ng teksto.
Ito ay tumutukoy sa kaalaman ng mambabasa hinggil sa kung anong uri ng teksto, o ano
ang genre ng teksto na kanyang binasa.
Halimbawa nito ay kung may dating kaalaman ba ang mambabasa kung anong uri ng
teksto ang kanyang binabasa. Maaaring ito ay narativ, deskriptiv, impormatib, prosijural,
argumentatib, ekspositori, at persweysiv. Sa akdang pampanitikan naman ay maaaring sanaysay,
maikling kwento, dagli, nobela, parabola, tula at iba pa.
Halimbawa:
Babasahin ng mag-aaral ang teksto na pinamagatang Ang mga Magagandang Tanawin
sa Pilipinas: Tekstong Persweysiv. Sa pamamagitan ng kaalaman ng mambabasa tungkol sa
anyo ng teksto (tekstong persweysiv) maiisip niyang ang kabuuan ng teksto ay maaaring
nanghihikayat.

PAMANTAYAN SA TEKSTO
Ang teksto ay isang uri ng babasahin na puno ng ideya ng ibat-ibang tao at
impormasyon. At sa pagbabasa ng teksto may ilang bagay tayong dapat isaalang-alang:

Malinaw/Tiyak ang paksa ng tekstong nabasa.


Maayos na paglalahad ng paksa.
Malinaw/Tiyak ang layunin ng tekstong nabasa.
Kaangkupan ng mga salitang ginamit sa teskto ayon sa kakayahang linggwistika ng mga

mambabasa mula sa pagbasa, pagsulat, pakikinig at pagsasalita.


May paglinang ng pagsulat ng mga mambabasa.
Kaangkupan ng pamagat ng teksto.
May kabuluhan ang teksto at maaaring iugnay sa bagong aralin o sa realidad ng buhay.
Napaiisip ng kritikal ang mambabasa sa pagkuha ng mensahe ng teksto.

Sanggunian:

http://www.jstor.org/
http://rizaweganofa.blogspot.com/2011/10/content-and-formal-schema-and.html

You might also like