You are on page 1of 4

Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan

na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipanang bugtong).[1] May dalawang uri ang bugtong:
mga talinghaga o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong, mga suliraning ipinapahayag sa
isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para
sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyong gamit sa
tanong o sa sagot.
Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong
paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong nagiging isang palaisipan sa tuwing naglalaro
ang mga bata.
Masarap gawin ang bugtong bugtongan o' pahulaan dahil masaya ito at nakakaaliw. Marami sa ating mga bugtong ay
naglalarawan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, kaisipan, pag-uugali, at katutubong

Halimbawa:

Buto't balat lumilipad. Sagot: Saranggola


Dalawang bangyasan, naghahagaran. Sagot: Binti
Tubo sa punso, walang buko. Sagot: Buhok
Limang puno ng niyog, isa'y matayog. Sagot: Daliri
Dalawang balahibuhin, masarap pagdaitin. Sagot: Mata at kilay
Isang bayabas, pito ang butas. Sagot: Mukha

Tigmu-tigmu agukoy,Ugma na mag-asoy. Sagot:Damgo.


(riddle is like a small crab,tomorrow i will share. Ans.dream
Sa ibabaw kadaruhan,sa ilawom kabatuhan. Sagot :kakaw
On top is rice field and the rocks within. Ans.cacao fruit

Baboy sa lasang, ang tunok puro lansang. NANGKA


Mga halimbawa ng bugtong sa panahon ng katutubong panitikan
1. Bugtong : Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo.
Sagot: Buwan
2. Nagtago si Pedro, labas ang ulo.
Sagot : Pako
3. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao
Sagot: Atis
4. Hindi prinsesa, hindi reyna. Bakit may korona
Sagot: Bayabas
5. Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.
Sagot: Saging
6. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy
7. May langit, may lupa, May tubig, walang isda.
Sagot: Niyog
8. Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman-loob.
Sagot: Alkansiya
9. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: Anino
10. Palda ni Santa Maria. Ang kulay ay iba-iba.
Sagot: Bahaghari
11. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: Banig
12. Sa liwanag ay hindi mo makita. Sa dilim ay maliwanag sila.
Sagot: Bituin
13. Hindi hari, hindi pari ang damit ay sari-sari
Sagot: Sampayan
14. Nagbibigay na'y sinasakal pa
Sagot: Bote
15. May binti, walang hita, May tuktok, walang mukha.
Sagot: Kabute
16. Bata pa si Nene, Marunong nang manahi
Sagot: Gagamba
17. Nagtago si pedro nakalabas ang ulo
Sagot: Pako
18. Kung kailan pinatay,saka pa humaba ang buhay
Sagot: Kandila
19. Magandang prinsesa,nakaupo sa tasa
Sagot: Kasoy
20. Hindi akin hindi iyo ari ng lahat ng tao
Sagot: Mundo

21. May puno walang bunga,may dahon walang sanga


Sagot: Sandok
22. Kay lapit sa mata hindi mo pa rin Makita
Sagot: Tenga
23. Baboy ka sa pulo ang balahibo'y pako
Sagot: Langka
24. Dalawang bolang sinulid abot hanggang langit
Sagot: mata
25. Buto't balat lumilipad
Sagot: Saranggola
26. Lumalakad walang paa lumuluha walang mata
Sagot: Bolpen o pluma
27. Dalawang magkaibigan Habulan ng habulan
Sagot: Paa
28. Hindi tao, hindi ibon Bumabalik pag itapon.
Sagot: Yoyo
29. Mataas kung nakaupo Mababa kung nakatayo.
Sagot: Aso
30. Bahay ni Tinyente Nag-iisa ang poste.
Sagot: Payong
31. Hayan na, Hayan na Di mo pa makita.
Sagot: Hangin
32. Iisa ang pasukan Tatlo ang labasan.
Sagot: Damit
33. Eto na si Kaka, bubukabukaka.
Sagot: Gunting
34. Isang magandang dalaga Di mabilang ang mata.
Sagot: Mais
35. May langit May lupa May tubig Walang isda.
Sagot: Buko
36. Bahay ni Mang Pedro, punong-puno ng bato.
Sagot: Papaya
37. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot: Kampana
38. Sa isang kalabit, may buhay na kapalit
Sagot: Baril
39. Isang balong malalim, Punong-puno ng patalim.
Sagot: Bibig
40. Nakatalikod na ang prinsesa, mukha niyay nakaharap pa
Sagot: Balimbing
41. Kung tawagin nilay santo, hindi naman milagroso.
Sagot: Santol
42. Nang maliit ay gulok Nang lumaki nay sandok.
Sagot: Niyog

43. Nang umalis ay lumilipad Nang dumating ay umuusad.


Sagot: Ulan
44. Bahay ni Mang Pedro, punung-puno ng bato.
Sagot: Papaya
45. Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.
Sagot: Saging
46. Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin.
Sagot: Duhat
47. Tiningnan nang tiningnan Bago ito nginitian.
Sagot: Mais
48. Butong binalot ng bakal, bakal na binalot ng kristal.
Sagot: Lansones
49. Ang manok kong pula Umakyat sa puno ng sampaka Ng umuwi ay gabi na.
Sagot: Araw
50. Isang suman, Magdamag kong tanuran.
Sagot: Unan

You might also like