Professional Documents
Culture Documents
Ang paborito kong kulay ay pula. Ang paborito kong prutas ay mangga. Ang paborito kong pagkain ay
spaghetti at pritong manok. Pero, alam ninyo bang may paborito rin akong oras sa isang araw? Ito ay
tuwing alas sais ng hapon.
Tinuruan ako ni Nanay kung paano ko malalaman ang alas sais ng hapon sa orasan. Ang mahabang
kamay ay nakatapat sa pinakamataas na parte at ang maliit na kamay ng orasan ay nakatapat naman sa
pinakamababang bahagi. Isang nakatayo at tuwid na linya. Parang poste sa kalsada.
Bago dumating ang oras na iyun, inihahanda ko na ang sarili ko. Kakain na agad ako ng hapunan.
Maglilinis na kaagad ako ng katawan. Maghihilamos at magsisipilyo.
Alam ninyo ba kung bakit paborito ko ang alas sais ng hapon? Dahil ito ay oras para makausap ko ang
Tatay kong nasa kabilang panig ng mundo. Abroad daw ang tawag sa lugar na iyun at chat daw ang tawag
kapag kausap namin siya, sabi ni Nanay.
Pagsapit ng ganitong oras, bubuksan ni Nanay ang laptop. Magkukuwentuhan sila ni Tatay. Tungkol sa
perang padala at mga gastusin. Mga kung anu-anong usapan at bilin. Ako naman ay paminsan-minsang
tumitingin kay Nanay habang naglalaro. Nakakatuwa siyang tingnan habang nakikipagkuwentuhan kay
Tatay. Hahalakhak. Iiyak. Tapos, tatawa na naman. Tapos, iiyak na naman. At muling hahalakhak. Para rin
akong nanonood ng telebisyon.
“Robert, anak, halika na. Maupo ka na dito. Kakausapin ka ng Tatay mo,” anyaya sa akin ni Inay
pagkatapos nilang mag-usap. Uupo ako sa harap ng kompyuter. Ako naman ang makikipag-usap sa Tatay
ko. At lalo akong mamamangha dahil kausap ko na naman ang Tatay ko nasa kabilang panig ng mundo.
Magaling ang Tatay ko. Kahit anong itanong ko sa kanya, parati siyang may sagot.
Tatay, bakit po kamay ang tawag sa kamay ng orasan? Wala naman po silang mga daliri?
Kasi, anak, para silang mga kamay na kumakaway at nag-aanyaya sa mga tao para gawin na ang mga
dapat gawin sa tamang oras. Kita mo, alam mo ang oras kung kailan tayo magkukuwentuhan.
Tatay, bakit po paa ang tawag sa mga paa ng mesa at upuan? Hindi naman po sila naglalakad at
tumatakbo?
Kasi, anak, paa rin ang ginagamit sa pagtayo. Gusto mo bang tumakbo at maglakad pa ang mga gamit
natin sa bahay?
Naku, hindi na po. At bubunghalit ako ng tawa kapag naiisip ko ang mga naglalakad na mesa at upuan.
E, kasi anak, para malaman ng mga tao na kailangan nilang magpahinga at matulog. Isipin mo na lang
kung puro araw, e di hindi ka na titigil sa paglalaro. Naku, pihadong pagod na pagod ka kapag nagkataon.
Naku, anak. Huwag kang maniwala sa sabi-sabi. Lahat ng puno at halaman ay may puso, kaya dapat
alagaan mo sila.
Kaya simula noon, paborito ko na ring alagaan ang mga alagang rosas ni Nanay sa bakuran.
Hangang-hanga talaga ako kay Tatay. Laging may handang sagot sa aking kakulitan.
Sabi niya, iyun daw ang pinakamainam na oras dahil magkaiba ang oras namin. Umaga daw dito, gabi
naman doon.
Sabi niya, bilog kasi ang mundo at umiikot daw ito sa araw. Matututunan ko rin daw iyun kapag nag-aaral
na ako.
Sabi niya, para marami akong matutunan at magkaroon ako ng magandang kinabukasan.
Sabi niya, naku, maraming pagtulog at paggising daw ang kinabukasan. Ang mahalaga, mag-aral akong
makabuti para makakuha ng mataas na marka.
Kailangan ang marka para malaman kung nakikinig daw ako sa paaralan.
Ngingiti si Tatay tapos biglang magpupunas ng mata. Hindi ako kasya sa kahon, anak.
Bakit ang tagal po ninyong umuwi? Iyung Tatay ng kalaro ko, nag-oopisina rin pero umuuwi po tuwing
gabi.
Mag-iisip ulit si Tatay. Ah, ganun ba. Kasi si Tatay, dito nga sa kabilang panig ng mundo nag-oopisina.
Mag-iisip ulit si Tatay. Dito ako nagtatrabaho kasi mas malaki ang suweldo. Para mas maganda ang
kinabukasan mo. Di ba gusto mong maging doktor? Tutulungan ka ni Tatay para maging doktor. Para
makapasok ka sa magagandang paaralan at mabili ko ang mga pangangailangan mo.
Di bale, Tatay, ako na lang po ang sasakay sa kahon. Tutal, kasyang-kasya ako roon.
Pero, kahit ilang beses akong sumuot at makatulog sa loob ng kahon, nagigising lang akong kinakagat ng
mga langgam. Naiwan siguro ako ng mamang nagdadala ng mga kahon papunta sa kabilang panig ng
mundo.
Marami pang alas sais ng hapon ang nagdaan. Ikinuwento ko sa kanya ang mga nakikilala at natututunan
ko sa paaralan. Marunong na akong bumasa, sumulat, gumuhit at magbilang. Hindi na lang alas sais ang
alam kong oras sa orasan. Mula ala una ng umaga hanggang alas dose ng gabi.
Minsan, may takdang-aralin kami kinabukasan. Pinapaguhit kami ng bahay at pamilya ng aming guro.
Alas sais na ng hapon, hindi ko pa tapos ang aking iginuguhit. Nagpaturo ako kay Tatay.
Naku, anak, parang may kulang sa iginuhit mo.
Hmm, tiningnan ko ang drowing ko. Alam ko na, kulang po ng mga puno. Nalimutan ko, napapaligiran
pala ng mga punong-kahoy ang bahay natin. At gumuhit ulit ako.
Hmm, tiningnan ko ulit ang drowing ko. Alam ko na, kulang po si Bantay. At iginuhit ko ang alaga naming
aso.
Hmm, tiningnan ko ulit ang drowing ko. May bahay, may bakod, may ulap, may bundok, may mga puno,
si Nanay, ako at si Bantay.
Hmm, tiningnan ko ulit ang drowing ko. Naku, tama, may nalimutan nga ako. Gumuhit ako ng isang
parihaba at pinatungan ko ulit ng isa pang parihaba. Nilagyan ko ng mukha ng tao ang isang parihaba. Si
Tatay, sa laptop, nasa kabilang panig ng mundo.
Napahalakhak si Tatay. Napatingin sa akin si Nanay. Tiningnan niya ang drowing ko. Napangiti rin siya.
Yinakap ako at nagwikang –
“Anak, kahit nasa kabilang panig ng mundo si Tatay, mahal na mahal niya tayo. Ginagawa niya ang lahat
para magkaroon tayo ng magandang kinabukasan. Hindi magiging kumpleto ang tahanang ito kung wala
ang bawat isa sa atin. Lagi mo iyang tatandaan.”
“Anak, may surpresa ako sa iyo. Uuwi na si Tatay sa Pasko. Uuwi na si Tatay sa Disyembre.”
Masayang-masaya ako sa narinig ko. Parang tumalon ang puso ko. Magkakaroon na naman ako ng
bagong paborito. Ang paborito kong buwan ng taon – ang Disyembre.
Uuwi ang mahal kong Tatay sa Disyembre. Mayayakap ko na rin ang aking ama.