You are on page 1of 80

ARALIN 1 :

MALIKHAING PAGSULAT:
ESENSIYA, KATANGIAN
AT KABULUHAN
“Sa pamamagitan ng pagsulat, napapalaya
natin ang ating mga pangarap, panaginip at
imaheng nakatahan sa ating puso at isip.
Anumang anyo ng sulating ito, nakakawing
dito ang isang bahagi ng ating pagkatao.”
MAY MGA HALAMAN SA AKING KATAWAN
Ni Rowena P. Festin
Puno ng kamatsili ang aking mga braso At sa aking mga paa
Matalim na tinik ang natutuyong balat Unti-unting gumagaapang
Habang paunti-unting nalalagas na Ang sanga-sangang ugat
kaliskis Pababa sa lupa

Puno ng bayabas ang aking mga binti At dahandahan


Namumuti, nangingitim, namamalat, Ako’y magiging pataba
Tila naglulugong balat ng ahas At malayang bababa sa lupa
Ang mga halamang namahay
Sa aking katawan
1. Sino ang nagsasalita sa tula?
2. Ano ang paksa ng tula
3. Ano ang mga imaheng binubuo ng tula?
4. Gamit ang karaniwang paglalarawan, ilarawan ang itsura ng isang
matanda. Ikumpara ang tula sa isinulat mong paglalarawan.
Paghambinigin ang dalawang paglalarawan. May pagkakaiba at
pagkakatulad ba? Ano ang mga ito?
5. Sa iyong palagay, ano kaya ang nag-udyok sa makata na sulatin
ang tula?
BAKIT TAYO NAGSUSULAT?
Nagsusulat tayo upang ipahayag ang ating mga
palagay at damdamin tungkol sa mga bagay na
nakikita natin, naririnig, nababasa o nararanasan.
Ang pagsulat ay biswal na paraan ng tao upang
ipakita ang kanyang mga iniisip o naiiisip.
MGA URI NG PAGSULAT
1. Reperensyal na pagsulat – isang paraan ng pagsulat na
nagpapaliwanag, nagbibigay ng impormasyon o nagsusuri.
Layunin nitong makapaglahad ng impormasyon at
kaalaamang nakabatay sa mga panaaliksik
2. Akademikong pagsulat – layunin ng pagsulat na ito na
makapaglahad ng kabuuang proseso hanggang sa resulta
ng mga pananaliksik at pagsusuri.
3. Journalistic na pagsulat – journalistic ang tawag sa pagsulat ng mga
balita. Kasama dito ang pagtatasa, paglikha, at presentasyon ng mga
balita at impormasyon.
4. Teknikal na pagsulat – uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng
impormasyong komersiyal o teknikal. Layunin nitong gawing magaan
ang mga komplikadong impormasyon, paliwanag o kaalaman tungkol
sa teknolohiya upang madali itong maunawaan ng mga mambabasa.
5. Malikhaing pagsulat – kaiba sa mga naunang anyo ng pagsulat, ang
malikhaing pagsulat ay mas lumalapit sa damdamin ng mga
mambabasa, layunin nitong maimpluwensyahan ang mga paniniwala
at damdamin ng mga mambabasa.
ANG WIKA NG MALIKHAING PAGSULAT
Mahalagang katangian ng malikhaing pagsulat ang pagiging matalinghaga. Ito
ay naghahatid ng kakaibang dating sa mga mambabasa. Nagiging
matalinghaga ang isang malikhaing akda sa pamamgitan ng paggamit ng mga
tayutay katulad ng metapora at personipikasyon.
Metapora – tuwirang paghahambing o paglilipat ng katangian ng isang bagay
patungo sa isa pang bagay.
Personipikasyon – pagbibigay ng katangian ng tao sa isang bagay o
konsepto. Gumamit din ng mga imahen ang malikhaing pagsulat upang
bigyang-diin ag mga bagay na nais nitong ipunto.
Mahalaga sa malikhaing pagsulat ang paggamit ng lahat ng mga
pandama sa paglalarawan at pagpapahayag ng damdamin.
Sa madaling sabi, sa pamamagitan ng sapat na kaalaman ng
manunulat sa paggamit ng mga angkop na salita, at sa kakayahan
niyang paglaruan ang mga salitang ito upang makalikha ng
matitingkad at makapangyarihang imahen, magagawa niyang
isama sa kanyang paglipad sa kalawakan o pagsisid sa kailaliman
ng karagatan nag imahinasyon ng kanyang mambabasa.
Indibidwal na Gawain:
1. Pumunta sa isang lugar kung saan makikita mo ang kalangitan
2. Pagmasdang mabuti ang langit at maghanap ng hugis sa mga ulap.
3. Ilarawan ang mga hugis gamit ang iba’t ibang pandama. Gamitin ang imahinasyon. Paliparin,
palakarin, pasayawin o palanguyin ang mga hugis sa himpapawid. Ilarawan ang lasa, amoy,
pakiramdam sa balat o tunog ng tupa, balyena, dinosaur o pating.
4.Ano ang pakiramdam kung kasabay mo ang balyena sa paglangoy o ang kambing sa pag-
akyat sa bundok ng mga ulap. Gamitin ang imahinasyon sa paglalarawan
5. Pumili ng isa sa mga nakita sa ulap, sumulat sa mga kahon sa ibaba ng tungkol dito sa
anyong balita at masining na paglalarawan.
TAKDANG ARALIN:
Balikan ang isinulat na masining na paglalarawan. Muli itong isulat at pakinisin. Maaring
pagsalitain ang ulap, kausapin o pagalawin sa pamamagitan ng mga pandiwa, pang-uri o
tayutay. Maaaring ipasabi sanakita mong hugis ng ulap ang mga bagay na gusto mong sabihin
ngunit hindi ka makahanap ng tamang anyo o paraan upang masabi ito.
Halimbawa, gusto mong ipaalam sa pinakamatalik mong kaibigan na lumipat na sa malayong
lugar kung gaano mo siya kagustong makita, na napapangiti kang mga bagay na nagpapaalala
sa iyo sa mga panahong magkasama kayo o kung ano pa man ang mga bagay na gusto mong
sabihin tungkol sa kung anumang karanasan mo o gusto mong gawin. Sabihin mo lahat ito sa
pamamgitan ng hugis ng ulap. Sa pamamagitan ng imahinasyon, gawin mo siyang totoong
nagsasalita at nakakausap mo.
RUBRIK
50 - may pokus at kaisahan ang isinulat
50 - ipinakita ang malalim at malawak na
kaalaman sa paggamit ng masining na
paglalarawan
DAONG PANITIK
Indibidwal na gawain:
Basahin ang front page ng isang pahayagan. Tungkol saan a ng headline? Sino
ang mga sangkot sa balita? Saan ito nangyari? Gupitin ang balita at idikit.
Pagkatapos, pumili ng isang detalye sa balita at ilarawan ito gamit ang
malikhaing pagsulat.

Halimbawa: Ilarawan mo ang pinangyarihan ng balita. Gamitin ang


imahinasyon sa paglalarawan. Maaaring magdagdag ng mga detalyeng wala sa
balita tungkol sa lugar o tungkol sa nangyari.
ARALIN 2:
ANG TULA BILANG
ISANG ANYONG
PAMPANITIKAN
ANG PAGTULA AY MAHALAGANG BAHAGI NG TRADISYON NG ATING MGA NINUNO.
SA PAMAMAGITAN NG PAGBIGKAS NILA NG MGA EPIKO , NAIPAPASA NIL
Isang masining na anyo ng panitikan na
naglalayong maipahayag ang damdamin ng
makata o manunulat nito. Nagpapahayag
ito ng damdamin at magagandang kaisipan
gamit ang maririkit na salita.
MAIKLING
KASAYSAYAN NG
TULANG PILIPINO
Ang pagtula ay mahalagang tradisyon ng
ating mga ninuno. Ito ang nagsisilbing
kasaysayan at talaan ng tradisyon ng isang
kultura o kasaysayang namayani o naganap
sa isang panahon. Maiksi at payak ang mga
katutubong anyo ng tula.
MGA
HALIMBAWA
1. TANAGA
Ay isang sinauna at maikling tulang
tagalog. Ito ay may istrukturang 4 na
taludtod, na binubuo ng pitong (7)
pantig sa bawat taludtod at naglalaman
ng isang diwa ng makatang Pilipino.
HALIMBAWA
Totoong sinungaling, Katitibay kang tulos
At talagang malihim, Sakaling datnan ng agos!
Pipi kung kausapin, ako ay mumunting lumot
Walang kibo’y matabil. Sa iyo ay pupulupot
2. AMBAHAN
Isang uri ng katutubong tula na nilikha ng mga
mangyan. Ito ay may sukat na pitong pantig sa bawat
taludtod maliban sa unang taludtod na maaaring higit o
kulag sa pitong pantig dahil may mga pagkakataong
ang nagsasalita ay maaaring may mahaba o maiksing
pangalan. Ang unang linya sa ambahan ay
nagpapakilala kung sino ang nagsasalita.
3. BUGTONG
Ay isang pangungusap o tanong na may doble o
nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang
palaisipan. Ito ay nabibilang sa pinakasimpleng
anyo ng tradisyonal na pilipino na maaaring
matagpuan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
HALIMBAWA
Di matingalang bundok
Darak ang nakakamot
(balakubak )
4. SALAWIKAIN
Bahagi ng panitikang pilipino na binubuo ng mga
salitang matatalinhaga at napalamuti. Ang mga
salawikain ay binubuo ng mga taludtod, mayroong
mga sinulat na magkakatugma at mayroon naming
hindi. Ito ay naaayon sa opinion at saloobin ng
indibidwal na gumawa o sumulat nito.
HALIMBAWA
Mansiyon man ang bahay mo aanhin pa ang damo
Asal ka naming hunyango kung patay na ang kabayo
Mabuti pa a ng bahay mo ay kawayan
Kung maaasahan ka sa lahat ng bayanihan
5. EPIKO
Mahabang tulang pasalaysay ng
karanasan ng isang bayan, kultura o lahi.
Ikinukuwento nito ang buhay ng isang
bayani at ng baying kaniyang
kinabibilangan.
MGA HALIMBAWA
Biag ni lam-ang – epiko ng iloko
Tuwaang – epiko ng mga manuvu
Darangen – epiko ng mga maranao
Tikum kadlum – epiko ng mga panay
Mahalagang maunawaan at matutuhan ang mga
tradisyonal na tulang pilipinodahil maliban sa ito ang
tradisyonal na paraan ng pagtula ng ating mga ninuno,
makikita rin natin ditto ang paraan ng kanilang
pamumuhay, ang kanilang paniniwala at ang kanilang
mga tradisyon at pagpapahalaga.
Ito rin ang kanilang talaan ng kasaysayan, kultura at
panahon.
8 ELEMENTO NG
TULA
1. SUKAT
Ito ang bilang ng pantig ng tula sa
bawat taludtod na karaniwang may
sukat na wawaluhin,
lalabingdalawahin, lalabing-animin.
2. SAKNONG
Ito ay tumtukoy sa grupo ng mga
taludtod ng tula. Ito ay maaaring
magsimula sa dalawa o higit
pang taludtod
3. TUGMA
Ito ang pagkakasintunog ng mga salita sa
huling pantig ng bawat taludtod ng tula.
Sinasabing may tugma ang tula kapag ang
huling pantig ng huling salita ng bawat
taludtod ay magkakasintunog.
4. ANYO

Tumutukoy sa kung paano


isinulat ang tula
ANYO NG TULA
1. Malayang taludturan – walang sinusunod na sukat, tugma
o anyo. Ito ay karaniwang ayon sa nais ng manunulat.
2. Tradisyonal – may sukat, tugma at mga matatalinhagang
salita.
5. KARIKTAN
Malinaw at hindi malilimutang impresyon na
natatanim sa isipan ng mga mambabasa. Ito ay
tumutukoy sa pagtataglay ng mga salitang
umaakit o pumpukaw sa damdamin ng mga
mambabasa.
6. PERSONA
Ito ay tumutukoy sa nagsasalita sa isang tula. Kung minsan,
ang persona at ang makata ay iisa. Sa pamamagitan ng
persona, naihahatid ng makata ang mensaheng gusto niyang
dalahin sa mga mambabasa o tagapakinig. At katulad din sa
iba pang anyong pampanitikan, ang persona ay maaaring tao
o bagay na pinagsasalita ng makata. Kung minsan, ang
persona ay isang karanasan, pangarap o lugar na bibigyan ng
makata ng buhay na tulad ng isang tao.
7. TALINHAGA
Kinakailangan dito ang paggamit ng
mga tayutay o matatalinhagang
pahayag upang pukawin ang
damdamin ng mga mambabasa.
8. TONO O INDAYOG
Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas
ng bawat taludtod ng tula. Ito ay
karaiwang pataas o pababa.
TAKDANG
ARALIN:

Magsaliksik ng mga
halimbawa ng bugtong
ARALIN 3:
ANG ESTRUKTURA
NG TULA
LUSONG
PANITIK
Flip-top – isang modernong paraan ng pagtula na
kahawig ng balagtasan, may mga sagutan at palitan
ng opinion tungkol sa isang paksa. Ngunit kaiba sa
balagtasan, binibigkas ito nang mabilis at may
kumpas na sinusunod. Kung minsan, sinasabayan
din ito ng instrumentong musikal,.
ESTRUKTURA NG TULA
1. Tulang may tugma at sukat - tradisyunal na
anyo ng pagtula. Ang bawat taludturan ng mga
tulang may tugma at sukat ay may
magkakaparehong bilang ng pantig sa bawat
linya, at ang huling pantig ng bawat linya ay
magkakatunog.
KASAYSAYAN NG ISANG PAG-IBIG
Gregoria de Jesus

Masayang sa iyo’y aking iaalay


Kathang tula ng ako’y dagat maglakbay
Sandaling basahin at wag kayamutan
Upang matanto mo dito’y nalalaman

May dalawang sinta sa pasig ng bayan


Ang babae’y nagisip dagat maglakbay
Kalesa’y tumawag pagdaka’y lumulan
At tinungo niya ang nayon ng bambang.
2. Malayang taludturan (free verse)
Mga tulang walang sukat at tugma. Naniniwala
ang mga makatang gumagamit ng malayang
taludturan na mas kaya nilang ilitaw ang
kanilang mensahe kung malaya ang kanilang
taludturan
SA BATANG LALAKING NAMAMALIMOS SA
KANTO NG AVENIDA’T CARRIEDO
Huwag sisihin ang mga magulang Tingnan mo ang mga gusaling sumisilip
Kung bakit ikaw ay isinilang pa sa dugo ng iyong manggagawang ama

Kung bakit naglalahad ka ngayon ng Tingnan mo ang mga damit na kumuba


palad sa iyong mananahng ina

Kung bakit walag sapin ang mga paa Tingnan mo ang mga sapatos na
umukab sa baga ang iyong kuya
Kung bakit butas-butas ang damit
Hindika ba nagtataka?Kung bakit nasa
Kung bakit ang bata ay tadtad ng sugat
lansangan ka bakit nakayapak bakit
Kung bakit ang buhok ay lagpas balikat nakahubad
3. Tulang Tuluyan (Prose Poem)
Ang anyong ito ng tula ay tila dagli, ngunit
kaiba sa dagli, ito ay puno ng mga talinghaga
na katulad ng isang tula. Sa madaling sabi,
ang tulang tuluyan ay mayroong pinagsamang
katangian ng prosa at tula. Prosa ang kanyang
anyo at tula ang kanyang esensiya.
SESTINA
Ang tawag sa anyo ng tulang inuulit ang iisang
salita sa dulo ng bawat saknong. Binubuo ito ng
anim na saknong na may tig-anim na taludturan,
at ang huling saknongay mayroon lamang
tatlong taludtod.
HAIKU

Isang tradisyonl na anyo ng tulang


hapones na binubuo ng tatlong (3) linya.
Limang (5) pantig ang bumubuo sa una at
huling linya at pito (7) naman sa gitnang
linya.
TANKA

Isa ring anyo ng tradisyonal na tulang


hapones na binubuo naman ng
limang (5) linyang may sukat na 5-7-
5-7-7
PERFORMANCE
POETRY
Ang mga tulang ito ay binibigkas na tila isang dula sa entablado o sa kung
saanmang tanghalan. Ang anyo ng tulang ito ay hindi nakatuon sa estruktura
kundi sa kung paano ito itinatanghal. Kaiba sa ordinaryong pagbabasa ng tula,
amg performance poetry ay gumagamit ng props, ilaw, costume at iba pang
karaniwang ginagamit sa pagtatanghal ng dula.

Ang mensahe o diwa ng tula ay naipaabot sa mga manonood sa pamamagtan ng


pagbigkas at sa kilos ng nagtatangahal.
ARALIN 4:
TUGMA, SUKAT AT TONO:
MGA ELEMENTONG
NAGBIBIGAY NG ANYO AT
INDAYOG SA TULA
Ang ganda ng tula ay nasa bigkas nito. Malakas
man o mahina o nasa isip lang ang pagbabasa.
Isang mahalagang katangian ng mahusay na tula
ang madulas na bigkas. Ibig sabihin, hindi
sumasabit ang dila o hindi nabubulol ang
nagbabasa sa pagbigkas dahil wasto ang hati ng
mga salita.
LARONG PABILISAN SA
TUGMAAN
ANG SUKAT NG TULA
* Taludtod o taludturan ang tawag sa bawat linyang
bumubuo sa tula.
* Saknong naman ang tawag sa isang pangkat ng mga
taludturan
* Caesura ang bawat taludtod na may hati sa gitna.
Ang bawat hating ito ay may tiyak na bilang ng pantig.
Paralumang sawimpalad
ni Vicenta Navarro

Si Celia ay paralumang mahinhin at sakdal yumi


Pusong kristal, gintong asal, diwang mahal, mutyang lagi
Sa sumpaa’y matimtima’t dangal nitong ating lahi
Uliran sa kabaitan at mayaman ang ugali
ANG TUGMA NG TULA
Ang tugma ay tumutukoy sa pagkakahawig o
pagkakatulad ng mga tunog sa dulo ng bawat
taludtod. Ang isang makatang may
kakayahang gumamit at sumupil ng mga salita
ay kailangang mahusay sa pagtutugma.
HALIMBAWA
CAMSCANNER
Magkakatugma naman ang mga salitang nagtatapos sa
katinig na b,k,d,g,p,s AT T. At ang mga salitang nagtatapos
sa mga katinig na m,ng,n,w,l,y at r kung
magkakaparehong pating ang sinusundan ng mga ito.

1. Talab, saksak, namukadkad, dalag, apahap, gapas, balat,


alab, palasak, lumakad, palag, ulap, tapyas, salat
ANG TONO NG TULA
Maliban sa tugma at sukat na nag bibigay ng ritmo sa tula,
mahalaga rin ang tono dahil ito naman ang nagbibigay ng indayog
sa tula. Tono ng tula ang tawag sa naiibang kalidad ng tunog na
nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga titik at
salitang bumubuo sa bawat taludturan. Ang pinakaepektibong
paraan upang mabuo ang tono ng tula ay sa pamamagitan ng pag-
uulit ng mga titik o salita o taludtod.
IBA’T IBANG PARAAN NG PAG-UULIT NG MGA SALITA NA
NAKATUTULONG NG MALAKI SA PAGLIKHA NG TONO NG TULA

1. Anapora – ang tawag sa paraan ng pag-uulit kung ang inuulit ay ang mga salita o pariralang
nasa unahan ng bawat taludtod.
2. Epipora – ang tawag sa pag-uulit ng salita kung ang mga salitang inuulit ay matatagpuan sa
dulo ng bawat taludtod.
3. Aliterasyon – tawag sa pag-uulit kung ang tunog o titik ng bawat salita sa bawat taludturan ay
nagkakapareho. Asonans ang tawag sa aliterasyon kung ang nauulit ay mga patinig at
konsonans kung ang nauulit ay mga katinig.
4. Onomatopeya – tinatawag ring paghihimig. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng
mga salitang ang tunog ay siya ring kahulugan.
GAWAIN
CAMSCANNER
ARALIN 5:
MGA TAYUTAY AT IDYOMA:
ANG TALINGHAGA NG TULA
Natatangi ang tula dahil sa gamit nitong wika. Nang-aagaw ng
pansin ang tula dahil sa kalagitnaan ng madawag na kgubataan,
bigla niyang ililitaw ang isang hardin, sa gitna ng disyerto, biga
niyang paaagusin ang bukal. Nagagawa ito ng tula kapag mahusay
gumamit ng mga talinghaga at tayutay ang makata. Kaya niyang
isalansan ang mga salita upang mlikha ang mga hardin at bukal na
ito. Isinisilang ng makata ang talinghaga sa kalaliman at kalawakan
ng kanyang pagkakaunawa at pagkakalubog sa lipunang kanyang
kinapapalooban.
Ang mga tayutay at idyoma ay mga
matalinghagang pahayag na ginagamit upang
mas maging magaan o makulay ang mga
pahayag. Ginagamit ang mga pahayag na ito
upang ilarawan ang isang bagay Sa mas magaan
at masining na pamamaraan.
MGA URI NG MATALINGHAGANG PAHAYAG
1. Metonomiya (Metonymy) – pagpapalit ng katawagan sa mga bagay na
tinutukoy.
Halimbawa:
Ang aking puting buhok na lamang ang kasama ko sa buhay
Kabisado ng aking talampakan ang mga eskinita
2. Pagbibigay-katauhan (Personification) – pagsasalin ng mga katangian ng tao
sa mga bagay.
Halimbawa: Iniluluha ng kalikasan ang kanyang kamatayan
1. Pagtutulad
• inihahambing ang magkakaibang bagay tulad ng tao,
bagay at pangyayari. Gumagamit ito ng mga salitang tulad
ng animo’y, parang, kawangis, gaya ng at iba pa.
• Halimbawa:
• Animo’y bulaklak kang nakatanaw sa aking daanan.
• Para kang lindol, sa isang iglap ay winawasak mo ang puso
ko.
2. Pagwawangis
• tiyakang paghahambing na hindi gmagamit ng mga
pariralang tulad ng kawangis, katulad, animo at
iba pa.
• Halimbawa:
• Ikaw ang pag-asa ng aking buhay
3. Pagmamalabis
• pinasosobrahan o kinukulangan ang kalagayan o
pangyayari tungkol sa isnag tao, bagay o pangyayari.
• Halimbawa:
• Bumaha ang luha sa balitang bibitayin ka sa dayuhang
bayan.
• Nilulusaw ako ng iyong titig.
4. PERSONIPIKASYON

• Gumagamit ng mga katangian ng tao na inihahalintulad


sa mga bagay na walang buhay.
• Halimbawa:
• Napangiti ang bulaklak sa aking pagdating.
• Sumasayaw ang mga bituin sa kalangitan
5. PAGTAWAG
-pakikipag-usap sa mga bagay na tila tao o pakikipag-
usap sa mga taong wala ngunit tila kaharap.
Halimbawa:
O bayan ko, samahan ako sa aking paglalakbay.
O maliwanag na buwan, nakikiusap ako.
6. Paghihimig (Onomatopeia)
– pagpapahiwatig sa kahulugan ng salita sa
pamamagitan ng paglalarawan sa tunog o himig nito.

Halimbawa:
Kasabay ng kanyang dalamhati ang paggulong ng
kulog.
7. METONOMIYA
– pagpapalit katawagan sa mga bagay na tinutukoy.

Halimbawa:
Ang aking mga puting buhok na lamang ang kasama ko sa
buhay.
Kabisado ng aking talampakan ang mga eskinita.
MGA IDYOMA
Isang pagpapahayag na ang
kahulugn ay hindi komposisyunal –
sa ibang salita, hindi binubuo ng
tumpak na kahulugan ang mga
kanya kanyang salita na nabuo.
Mga halimbawa
1. Anghel ng tahanan – mga batang nagbibigay kaligayahan sa isang tahanan
2. Durog na puso – hirap na hirap ang kalooban, bigo o napakalungkot
3. Mahabang dulang – kasalan
4. Lumalaki ang ulo – nagiging mayabang
5. Matigas ang puso – ayaw magpatawad
6. Nagbubuhat ng sariling bangko – nagyayababang
7. Nagkrus ng landas – nagtagpo pagkatapos ng mahabang panahon
8. Mukhang biyernes santo – malungkot na malungkot
9. Malalim ang bulsa – maraming pera
10. Butas ang bulsa – walang pera

You might also like