You are on page 1of 4

“Panahon ng Bagong Kalayaan at Republika”

Laging may Bituin ni GEMILIANO PINED


BITUIN
Sa bawat pahina ng buhay kong madilim,
ikaw ang nag sisilbing liwanag at ning-ning.
Mga mata mong kumikinang katulad sa mga bituin,
ang nagbibigay pag-asa sa mundo kong makulimlim.
Pero kagaya nga ng isang bituin,
napakahirap mong abutin.
Kasing taas mo ang mga ulap,
na hanggang tingin na lang at nangangarap.
Tinitignan ka hanggang sa mapagod ang mga mata,
at nakita kong may kasama kana palang iba.
Napakalungkot na isipin,
na ang bituin ko ay bituin na pala ng iba.
Ngunit kahit hindi ka napasaakin,
ikaw parin ang magiging habang buhay kong bituin.
Patuloy parin akong aasa
na balang araw tayong dalawa ay magnining-ning nang magkasama.

 PAG-ASA
 LIWANAG
 MAHAL SA BUHAY
 PANGARAP

GEMILIANO PINEDA
Isa sa maituturing na beterano ring manunulat at nobelista sa komiks noong dekada 50.
“Tulisang Pugot”
- kasaysayan ni President Ferdinand Marcos na pinamagatang “Dangal at Bayan”
Mga Haragan”
- nobela na katambal sa pagsulat si Fidel Angelo.
LAGING MAY BITUIN
Isang tala o malaking bituin ang nagsabog ng liwanag na naging patnubay ng tatlong Haring Mago
buhat sa Silangan upang matunton ang sabsabang sinilangan ng sanggol na magiging “Hari ng mga Hari”.
Sa paglalakbay sa disyerto, ang mga Arabe o Israelita ay tumitingala tuwi na sa mga bituin upang di
sila maligaw ng landas na patutunguhan.
Sa gitna ng karimlan, kung ang buwan ay sakmal ng mga ulap, waring ang mga bituin ang tanging
nagbibigay-liwanag at sa gayo’y pumapawi sa karimlang nakaambang maghari sa kalooban ng tao. Ngunit
may mga gabi ring maging ang mga bituin ay ayaw pakita o ikinukubli ng mga ulap. Gayunman, hindi
nawawala ang ating pananalig na ang mga bituin ay naroon parin - sa likod ng mga ulap.
Mula pa sa unang kapanahunan ng mga tao, ang mga bituin ay iniugnay na sa kapalaran ng mga
nilalang at ng mga bansa. Nagbuhat ito sa paniniwalang ang tao ay siyang sentro ng sanlibutan at sa
gayon, ang bawat pagkilos ng mga bituin ay may kahulugang personal sa kanya. Hangga ngayon, ang
sining o siyensya ng astrology- ang paghula sa kapalaran ng bawat kinapal sa pamamagitan ng mga bituin
- ay laganap sa buong daigdig. Hindi naglalaho ang paniniwalang kaugnay ng bawat buhay ang landas na
tinatahak ng mga bituin sa kalawakan.
Datapwa, naitatanong natin: lahat kaya ng taong isinilang sa isa sa 12 bahagi ng Zodiac ay
magkakaisa ng kapalaran, kahit sila’y isinilang sa iba’t ibang uri ng kapaligiran o nabibilang sa iba’t ibang
lahi? Kung tunay na ang mga isinilang, halimbwa, sa ilalim ng signos na Pisces (Isda) ay magkakatulad ng
ugali at kapalaran, bakit may sakuna, halimbawa’y sa eroplano at namamatay ang mga taong nabibilang
sa iba’t ibang signos nang magkakasama? Marahil, ang maipapaliwanag ng mga astrologo ay ito: na higit
kaysa mga bituin ay may Dakilang Lumikha na nagpapasya sa kapalaran ng mga tao at bansa.
Tunay na may Dakilang Lumikhang sumasaklaw sa pagkilos ng mga bituin at sa gayo’y higit na dapat
paniwalaang nakakasaklaw rin sa buhay ng bawat nilikha. Sa gayo’y ano ang kahulugan ng pagtitiwala sa mga
bituin o pagsangguni sa isang horoscope na kinatatalaan ng mga kapalaran ng bawat tao sa isang nabanggit na
araw?

Ang pananalig ay makapangyarihan. Kung wala ang pananalig, halimbawa nga’y sa mga bituing
napakalayo sa ating daigdig, ay mawawala rin kaipala ang pananalig sa iba pang bagay --- halimbawa’y sa
kabutihan, sa pagtulong sa kapwa, sa pagsugpo sa kasamaan at maging sa magagawa ng ating sarili.
Tunay na may Dakilang Lumikhang sumasaklaw sa pagkilos ng mga bituin at sa gayo’y higit na dapat
paniwalaang nakakasaklaw rin sa buhay ng bawat nilikha. Sa gayo’y ano ang kahulugan ng pagtitiwala sa
mga bituin o pagsangguni sa isang horoscope na kinatatalaan ng mga kapalaran ng bawat tao sa isang
nabanggit na araw?
Ang pananalig ay makapangyarihan. Kung wala ang pananalig, halimbawa nga’y sa mga bituing
napakalayo sa ating daigdig, ay mawawala rin kaipala ang pananalig sa iba pang bagay --- halimbawa’y sa
kabutihan, sa pagtulong sa kapwa, sa pagsugpo sa kasamaan at maging sa magagawa ng ating sarili.
At masasabi nating habang may mga bituing kung minsa’y kumikislap at mandi’y nagsasabing
naroon sila at nag mamatyag sa atin, ang isang bahagi ng mga tao sa daigdig ay titingala paminsan-
minsan sa kalawakan upang hanapin ang mga bituin, ngunit hindi mahalaga ang mapasakamay ang bituin
--- may magandang bagay na higit na mahalaga kung hindi mo sarili, kung maaari mo lamang hangaan at
maging bahagi ng iyong mga pangarap o panaginip.
Lalagi nga ang mga bituin pang ating hangaan at liwanag niyon ay laging magpapagunita sa atin na
kahit tayo’y nag-iisa, kahit tayo’y dukha at nabibigatan sa mga suliranin sa buhay, nasa itaas at kapiling
natin ang mga bituing walang paglalaho sa habang panahon.

BITUIN
“Gabay ng tatlong Haring Mago patungong Silangan upang malaman ang kinaroroonan ni Jesus.”

“Nagbibigay liwanag na pumapawi sa kasamaang nakaambang na maghari sa puso ng tao.”


“Iniugnay sa kapalaran ng mga nilalang at ng mga bansa.”
“Kahit nag-iisa, kahit dukha at nabibigatan sa mga suliranin sa buhay, nasa itaas at kapiling natin ang mga
bituing walang paglalaho sa habang panahon.”
“Ang bituing pinakamalapit sa ating daigdig ay ang araw”
“Higit kaysa mga bituin ay may Dakilang Lumikha na nagpapasya sa kapalaran ng mga tao at bansa.”
“Ang tao ay siyang sentro ng sanlibutan at sa gayon, ang bawat pagkilos ng mga bituin ay may kahulugang
personal sa kanya.”
“Ang light years ay bilang ng mga taon upang makarating ang liwanag sa ating daigdig.”
“Siyensya ng astrology - ang paghula sa kapalaran ng bawat kinapal sa pamamagitan ng mga bituin.”
“May 12 bahagi ng Zodiac na sinusuportahan ng horoscope na kinatatalaan ng mga kapalaran ng bawat
tao.”
MGA ARAL

 Ang pananalig ay makapangyarihan. Kapag may tiwala, makakamit ang anumang hangarin sa buhay.
 Higit sa mga bituin sa kalangitan, nandyan ang Diyos upang tayo ay gabayan sa araw-araw na
pamumuhay.
 Kahit ano pang deskripsyon ang naroon sa ating horoscope o zodiac sign, tayo parin sa huli ang pipili ng
ating mga desisyon sa buhay.
 Ang tao ay parang bituin at ang ulap ay ang mga problema sa buhay.
 Kahit gaano pa kakapal ang ulap, ang bituin ay magniningning parin kasama ng araw.

You might also like