You are on page 1of 23

PAGDULOG FEMINISMO at REALISMO : SIPAT-SURI SA AKDANG

SANDAANG DAMIT NI FANNY A. GARCIA

DONALD A. COGO, MAEd


Introduksiyon

Sa simula pa lamang ay nilalang na ng Diyos ang lalaki at babae. Noong

unang panahon ay itinuturing ang kababaihan na mahihinang nilalang ng

kalalakihan. Ginagawang alipin, sunudsunuran sa lahat ng bagay. Ngunit sa

paglipas ng panahon at sa bagong henerasyon ay unti-unti ng ipinamalas ng

kababaihan ang kanilang lakas, talento at kakayahan hindi lamang sa edukasyon,

panitikan at mismo sa realidad ng buhay.

Marami na ang mga pagbabagong nagaganap lalo na sa pagtingin ng lipunan

sa kababaian, naging mas malakas kagalang-galang at malakas din ang kanilang

pagsulong sa mga karapatang pangkababaihan. Di na mabilang sa mga daliri ng

kamay at paa ang mga babaeng tanyag at kilala sa kanilang mga kakaibang estilo at

gawain at pinasok na nila ang iba’t ibang disiplina tulad ng mundo ng pulitika,

edukasyon, negosyo at iba pang larangan.

. Sa pag-aaral ng kwento mababanaag ang buhay ng isang batang babae

kung paano siya umaangkop sa reyalidad ng buhay, paano niya nalagpasan ang

hamon, problema o panunukso bilang isang maralitang mamamayan ng lipunan.

Susuriin sa pag-aaral na ito ang. Kaya naman, ang pagsusuring ito ay nakatuon sa

pagsipat sa akda ni Fanny Garcia na pinamagatang sandaang damit. Uumiikot ang

kwentong ito sa pakikipagsapalaran ng isang batang babae sa kahirapan. Magiging

isntrumento ito upang masilayan ang realidad ng buhay ng libo-libong mga

kabataang lugmok sa kahirapan. Nakatuon ang pag-aaral na ito sa Elemento ng

kwento at pakikipagsapalaran ng bidang babae na nakapaloob sa akda .


Batayang teoritikal
Ang pag-aaral na ito ay pinagtibay ng mga ilang teorya sa iba’t ibang larangan

na nagbibigay impormasyon sa pagsusuri sa maikling kwento ni Fanny A. Garcia

Ang teoryang kinsasandigan ng pag-aaral na ito ay ang teoryang Realismo.

Ang teoryang ito ay akma sa maikling kwento ni Fanny A. Garcia, sapagkat hango

ito sa mga kaganapang panlipunan na kanyang nasaksihan o naoobserbahan,

naranasan. Ito ay hango sa totoong buhay sapagkat maraming mga kabataan sa

kasalukuyang panahon ang lugmok sa kahirapan hindi lang ito na oobserbahan

bagkus naranasan din ito ng mananaliksik.

Isa pang teorya ang naging batayan ng pag-aaral ay ang Feminismo, na

tumutukoy sa prinsipyo o paniniwalang dapat maging pantay ang mga babae at mga

lalaki sa pagtamasa ng mga karapang sosyal, ekonomiko, at politikal. Bilang isang

teoryang pampanitikan layunin nito na maunawaan at di-pagkapantay-pantay ng

mga lalaki at babae.

Iskematik Dayagram

Proseso
Input
Maikling Kwento na
Pangangalap ng mga
impormasyon o datos

Paglalahad ng Suliranin
Ang Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ilahad at suriin ang mga

nilalaman ngMaikling kwento ni Fanny A. Garcia.

Ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba ang ginawang basihan ng

mananaliksik upang matugunan ang pangangailangan ng pag-aaral.

1. Anong elemento ng kwento ang mababanaag ayon sa Feminismo o

Realismong pagdulog;

1.1 Tauhan

1.2 Tema

1.3 Simbolismo

2. Ano-anong kaganapan sa kwento na kinikitaan ng;


2.1 Feminismo
2.2 Realismo

Saklaw, Limitasyon at Delimitasyon ng Pag-aaral


Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay nakapokus lamang sa Maikling Kwento ni

Fanny A. Garcia. Sa pagsusuring ng maikling kwento ay matutuklasan ang kuro-kuro

ng manunulat hinggil sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan. Masasalamin dito

ang karanasan na dinanas ng ilang kababaihan o mga mag-aaral na lugmok sa

kahirapan. Suuriin nito ang una ay ang mga elemento ng kwento na tauhan, tema at

simoblosmo at ang pangalawa ay ang mga Ano-anong pakikipag sapalaran ang

ginawa ng bida sa kwento na kinikitaan ng ng Realismo at Feminismo.

Ang limitasuon ng pag-aaral na ito ay sa pagsusuri sa nilalaman lamang ng

Maikling Kwento ng Fanny Garcia na pinamagatang “Sandaang Damit”

Pinili ng mananaliksik ang manunulat ng kwento na si Fanny A. Garcia,

sapagkat isa ito sa mahusay at kilalang manunulat ng panitikan partikular na sa

larangan ng maikling kwento.

Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang nilalaman ng maikling kwento

na sinulat ni Fanny A. Garcia na tumatalakay sa isa sa mga isyung kinakaharap ng

ating lipunan, ang kahirapan at pakikipagsapalaran ng kababihan sa tunay na buhay.

Ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging kapaki-pakinabang sa mga

sumusunod:

Sa mg Mag-aaral. Ito ay nakakatulong upang mapalawak ang kanilang kaalaman

hinggil sa mga maikling kwento na na kinakitaan ng mga pakikipagsapalaran ng mga

maralitang mag-aaral, at magkaroon ng kabtiran hinggil sa mga mag-aral na dapat

walang diskriminasyon sa isa’t isa.

Sa mga Guro. Makatutulong ito sa mga guro upang magabayan nila ang mga mag-

aaral at maturuan ng tamang asal hingil sa tamang pag-uugali o pakikisalamuha sa

kapwa mag-aaral.
Sa mga Susunod na Mananaliksik. Ang mga malikom na impormasyon sa pag-

aaral na ito ay magiging basihan ng mananaliksik at maging sanggunian sa pag-

aaral. Ang pag-aaral na ito ay magpapalawak ng kanilang kaalaman hinggil sa mga

maikling kwentong pampanitikan at magkaroon ng kabatiran hinggil sa mga

kaganapan sa ating lipunan partikulkar na sa paaralan..

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Inilahad sa bahaging ito ang mga babasahin, aklat at mga akademikong pag-

aaral na may kaugnayan sa ginawang pag-aaral. Makatutulong ang bahaging ito

upang lalong maunawaan at mabigay linaw sa aspetong pinagtuunan ng pansin.

Kaugnay na Literatura

Para sa maikling kuwento na pinamagatang "Sandaang Damit" ni Fanny

Garcia, sa ginawang pagsusuri sa suliraning binigyang solusyon ay kakikitaan

kahalagahang-aral na makaimpluwensya sa mga kabataan. Ang suliraning

kinakaharap ng pangunahing tauhan ay amg palaging pambubuska ng mga kaklase

kaya gumawa ang batang babae ng estorya upang hindi na maranasan ang

panunukso ng mga kaklase. Nagkuwento na mayroon siyang maraming damit sa

bahay. Hindi nga lang maisusuot sapagkat pinag-iingatan ito ng kanyang ina. Malinit

nila siyang tuksuhin sapagkat ang kaniyang damit, kahit nga malinis, ay halatang

luma na.... ang panunukso ng mga kakalase ay hindi nagwawakas sa kaniyang mga

damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang kaniyang pagkain at sila'y

magtatawanan kapag nakita ang kaniyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na

karaniwa'y walang palaman. Mapagtanto sa siping nasa itaas, na laging binubuksa

ng mga kaklase ang batang babae sa kuwento dahil sa kanyang suot na damit na

pauli-ulit na lang at walang pinapalagpas ang kanyang mga kaklase pati ang pagkain

ng batang babae aypinakikialaman kapag kanilang makita ang kanyang baon ay

pagtatawanan at turukauhin siya ng mga ito dahil sa panunukso ay naisipan ng

batang babae na magkuwento na mayroon siyang maraming damit sa bahay upang

mawala ang panunukso ng mga kaklase sa kaniya. .....At nagsimula na nga

maglarawan ng kaniyang mga damit. Ayon sa kaniya'y may damit siya para sa iba-

ibang okasyon. May damit siyang pambahay, pantulog, pampaaralan, pansimbahan

at iba pa.
Mapapansin sa siping nasa itaas na nagsimula nang magkuwento ang batang

babae tungkol sa mga damit. Kinukwento kung ano ang mga itsura ng mga damit at

para sa kung ano ang gamit ng mga ito. Ito ang tanging naisip ng bata na maging

solusyon upang hindi na maranasan ang pambubuska ng mga kaklase na walang

alam kundi ang buhay ng mahirap na batang babae.

Totooo't naroon ang sinabi niyang rosas na damit pandalo sa pagtitipon.

Naroon din ang drowing ng kaniyang pantulog, ang kaniyang pansimba, ang sinabi

niyang pamasok sa paaralan na kailanma'y hindi masilayan ng mga kaklase dahil

ayon sa kaniya'y nakatago't iniingatan niya sa bahay. Batay sa talatang nasa itaas

mapagtanto na hindi talaga nagsisinungaling ang batang babae. Ang lahat ng

kanyang sinabi sa kanyang kaklase ay makikita sa kanilang bahay ngunit lahat ng

sinabi niyang mga damit ay pawang mga ginuhit lamang. Ang mga detalyadong

paglalarawan ng bata sa mga damit sa kung ano angtela, desinyo at iba pa any

nasilayan ng mga kaklase sa kanyang mga guhit na idinikit lamang sa dingding

(Inoc, 2017).

Ayon kay Tolentino (2002) ang publikasyon ng mga maikling kwento ay

limitado ngunitpatuloy pa rin ang produksiyon ng kwento. Sa kasalukuyan ang

publikasyon nito upang makahimok sa pagbasa at pagsuri ng maikling

kwento.Ipinaliwanag naman ni Tiempo (1995) na hindi biro ang pagsuri ng kwento.

Pinatunayan lamang ni Tiempo na kailangan ng masusuing pagkilatis sa mga

detalyeng nakalahad.Ayon kay Herb Leibacher (2010), ang pagbabasa ng maikling

kuwento ay nakakatulongsa kabataan dahil ito ay nagtuturo ng mga moral na

leksiyon sa isip nila na magagamit nila sakanilang pagtanda.

Ayon naman kay Villafuerte (2008), “sa pagsusuri ng maikling kwento,

naniniwala siya na dapat suriin ang mga elementong taglay nito : tauhan, tagpuan,
banghay, tunggalian, simbolo, pahiwatig magagandang kaisipan o pahayag at

maging ang paraan kung paano ito nagsimula at nagwakas. ”

Sa pag-aaral na nabanggit ay may pagkakatulad dahil binigyang pansin dito

ang pag-aaral ng mga lokal na literatura at banyagang literatura. Ayon kina

Strong, Gray, Hossain, Blain, Marquez, Flores at Gabriel, ang pagbabasa at pag-

aaral ng tula at maikling kweto ay nagkakaroon ng malinaw na pag-unawa at

pagkilala ng mga salita, pagsusuri sa kanilang mga kahulugan at pagkilala at

ideya sa ibang ideya at pagsanib ng mga kaisipan sa iba’t ibang paraan tulad ng

paglutas ng praktikal na problema. Ang pagbabasa ng tula at maikling kwento ay

isang gawaing may layon na maaaring magpabago ng katauhan ninuman,

magdagdag sa kanyang karanasan, magpasigla ng kanilang isipan at pandamang

kaunlaran, magpabago sa kanyang pag-uugali at sa pamamagitan

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Villafuerte, ang mabuhay sa daigdig ay isang kapagurang

pagkukumag sa isang saglit na pakikpagtipan sa panahon ay nakalilikha ang tao ng

ilang pangyayaring makapagbibigay kulay sa kanyang mga karanasan at

makapagluluwal ng kanyang mga pangarap at mithiin sa buhay (Sinipi kay Aguilar

16). Ang mabuhay ay isang walang katapusang pakikipagsapalaran.Sa paglipas ng

panahon ay maraming pangyayaring nararanasan ang isang tao. Ang mga

karanasan na mabuti at masama ay kapupulutan ng aral na bumabago sa buhay ng

isang tao. Ito ang nagsisilbing gabay at daan upang mabuo ang pangarap at mithiin

na nais makamtan. Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang “Ama ng Maikling

kuwento” na ayon sa aklat nina Montero, Godfrey G. et al. Retorika sa Masining na

Pagpapahayag. Ang maikling kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guni-


guni at bungang isip na hango sa isang tunay na pangyayari (Sinipi sa pananaliksik

nina Ngujo, et al 7).

Ang maikling kuwento ay bunga ng malikot na imahinasyon ng isang

manunulat na hango sa tunay na pangyayari sa buhay. Ang mga pangyayari sa

kuwento ay kadalasang nagaganap sa realidad na kapupulutan ng mahahalagang

aral na maaaring gamitin sa hinaharap. Ayon nina Arrogante, et al . Ang maikling

kuwento ay anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at

nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iwan ng

isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa (Sinipi kay Amores 15). Ang maikling

kuwento ay nagsasalaysay ng isang mahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao

na may aral na kakikintalan sa isip ng mga mambabasa. Ang maikling kuwento ay

nagtuturo ng mabuting kaugalian upang gabayan ang mambabasa at maipamulat

ang pag-iisip sa tama at maling gawi. Ang maikling kuwento ay may simpleng

banghay na kinasasangkutan ng ilang tauhan. Ito ay nag-iiwan ng isang impresyon

dahil ito ay isang maikling salaysay lamang ngunit hango sa tunay na buhay

Kakintalan ng aral dahil ito ay tumatalakay sa madulang pangyayari sa buhay ng tao.

Mahihinuha ng mambabasa ang tugon na ginawa ng tauhan sa pagharap ng

suliranin na maaaring maging gabay upang maunawaan ang dapat gawin sa

suliraning darating sa tunay na buhay.

Mapapansin sa titulo ng salitang “reaslismo” na kung saaan ay maiuugnay sa

mga salitang “isyung panlipunan” at ilalapat ng Maikling kwento ni Fanny A. Gracia

na tumatalakay sa mga pangyayari lipunan panlipunan. Narito ang

pagpapakahulugan ng teoryang Realismo. Ayon kina (Vilalfuertee, Bernales at

Protacio, 2006), ang Realismo ay isang malaking kilusang umusbong sa larangan ng

sining noong siglo 1990.


Layon nitong ipakita ang karanasan ng tao at sa lipunan sa isang

makatotohanang pamamaraan. Unang ginamit ang terminong realism noon 1826 ng

Mercure Francais du XIX siècle sa Pransya bilang paglalarawan sa doktrinang

nakabatay sa makatotohanan at wastong paglalarawan ng lipunan at buhay. Sinikap

ng mga realistikong Pranses na ipakita ang buhay ng mga panggitna at mababang

uri ng tao, mga pangkaraniwan, di kagila-gilalas ng mga mapagkumbaba at ng hindi

nakikita. Sa proseso na inilabas ng realism ang mga di-pinansin at kinakalimutang

bahagi ng buhay at lipunan. Nais ng mananaliksik na matuklasan at maisiwalat ang

katotohanang nakapaloob sa maikling kwento na tumtalakayu sa iba’t ibang isyu sa

lipunan at mga kuwento ng buhay ng bawat Pilipino na kung saaan ay may ilang

hindi nakakakita dahil sa ilang mga kadahilanan.

KABANATA III

PAMAMARAANG GINAMIT SA PANANALIKSIK


Sa kabanatang ito, makikita ang disenyo ng pag-aaral, lokal na pag-aaral at

ang pangkalahatang pamamaraan na ginawa ng mga mananaliksik, upang hgit na

maintidihan ang naging daloy ng pag-aaral.

Disenyo ng Pag-aaral

Kuwalitatibo ang ginamit na disenyo ng pag-aaral sa pamamaraang

deskriptibo dahil sinuri at inilarawan nito ang mga ideya, opinyon at kaalaman na

nakapaloob sa Maikling kwento ni Fanny A. Garcia na pinamagatang Sandaang

Damit. Ilalahad ng pag-aaral na ito ang mga nilalaman at mensahe ng Maikling

Kwento. Sa pagkalap ng datos, ginamit ang tuwirang pamamaraan sapagkat

direktang kinalap sa internet ang Maikling Kwento ni Fanny A. Garcia na sinuri.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng balangkas upang maging gabay sa

pagsusuri ng maikling Kwento ni Fanny A. Garcia. Ang balangkas na ito naka-ayon

sa mga tanong na nasa bahaging paglalahad ng suliranin upang mas maging

maayos ang pagsusuri sa maikling kwento.

Balangkas ng Pagsusuri

1. Anong elemento ng kwento ang mababanaag ayon sa Feminismo o

Realismong pagdulog;

1.1Tauhan

1.2Tema

1.3 Simbolismo

2. Ano-anong kaganapan sa kwento na kinikitaan ng;


2.1Feminismo
2.2Realismo
Ang mga sumunsuno ang ginawang hakbang ng mananaliksik, Ang unang

hakbang ay ang pagbasa ng paulit-ulit sa maikling kwento na pinamagatang


“Sandaang dami”. ang pangalawang hakbang ay ang pagsuri ang pag tukoy sa

elemento ng kwento na tauhan, tema at simbolismo at ang pangatlong hakbang ay

ang pagtukoy sa mga pangyayari sa kwento na may kaugnayan sa pagdulog

Feminismo at realismo. At pagkatapos nalikom ang mga datos ang mananaliksi ay

sumangguni mga eksperto.

KABANATA 4

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS


Ang bahaging ito ay naglalahad ng mga elemento na nakapaloob sa proseso

ng pag-aaral. Matatagpuan sa bahaging ito ang ginamit na pamamaraan sa pag-

aaral, ang mga materyales na ginagamit sa pagsusuri at pag-aanalisa ng mga

kosepto.

BUOD NG ISANG DAANG DAMIT NI FANNY A. GARCIA

May isang batang babaeng mahirap. Nag-aaral siya at kapansin-pansin ang

kanyang pagiging walang imik sa klase at madalas nanakaupo lamang siya sa isang

sulok. Siya ay madalas na tinutukso ng kanyang mga kaklase sapagkat pabalik-balik

lamang ang kanyang damit at kung oras na ng kainan ay nakikita nilang ang

kanyang baon ay kapiraso lamang ng tinapay na madalas pang walang palaman.

Sa tuwing siya ay umuuwi sa kanilang bahay ay sinasabi niya sakanyang ina

ang kanyang dinaranas. Totoong naawa ang kanyang ina sakanyang kalagayan.

Sinasabi na lamang nito sa batang babae na ibibili na lamang siya ng bagong damit

at masarap na baon kung makakakuha na ng trabaho ang kanyang ama.

Dumating ang araw na naintindihan na niya ang kalagayan ng kanilang

pamilya. Hindi na niya sinasabi sa kanyang ina ang kanyang nararanasang

panunukso mula sa kanyang mga kaklase at natuto na siyang sarilinin ang kanyang

nararamdaman.

Isang araw ay hindi na nagtiis ng bata ang panunukso ng kanyang mga

kaklase at natuto na siyang lumaban. Sinabi niya sa kanila na siya ay may sandaang

damit sa kanilang bahay. Hindi naniwala ang kanyang mga kaklase. Upang

mapaniwala sila, inisa-isa niya ang mga disenyo ng bawat damit niya at dahil dito ay

naniwala na sila sa kanya.Dulot nito, natanggap na siya ng kanyang mga kaklase.

Naging kaibigan na siya ng mga ito. Naging palasalita na siya at hindi na


siyamahiyain. Minsan nga ay binabahagian pa siya ng mga ito ng kanilang masarap

na baon.

Subalit, isang araw ay hindi nagawang pumasok sa klase ang batang babae.

Nang lumipas ang isang lingo ng kanyang pagliban ay nagpasiya ang kanyang mga

kaklase na dalawin siya sa kanilang bahay.Nang nakarating sila ay nadatnan nila

ang isang payat na babae at nakita nila ang isang bahay na tagpi-tagpi lamang,

luma at salat sa marangyang kagamitan. Sa isang sulok ay natagpuan nila ang

batang babae na nakahiga at may sakit pala.

Sa tabi ng papag ay nakita nila ang napakaraming papel nanakapaskil sa

dingding. Nakita nila ang mga larawang tulad ng binanggit ng batang babae.

Totoong naroroon ang sandaang damit na ni minsan ay hindi pa nila nasilayan.

Sandaang damit na pawang drawing lamang.

1. Anong elemento ng kwento ang mababanaag ayon sa Feminismo o

Realismong pagdulog;

Talahanayan 1.1

Tauhan Papel na ginagampanan

Batang babae Ang bida sa kwento, na nakaranas ng diskriminasyon,

panunukso at kahirapan ngunit walang makapitan at patuloy

na lumalaban sa kanyang mga pangarap.

Kaklase Ang mga mag-aaral na klasymet ng batang babae, sila ang

mga tauhan na kontrabida.sila ang manunukso,

nangungutya sa katauhan ng bidang babae. Ngunit

kalaunan ay naging kaibigan din sila ng bida sa kwento.


Ina Ang magulang ng batang babae sa kwento, ang

nagpapalakas ng loon ng bida sa kabila ng paulit-ulit na

panunukso at panlalait sa kanya.

Ama Ang naghahanap ng trabaho sa kwento at bumubuhay sa

kanilang pamilya.

Ang mga tauhan sa kwento ay nagpapakita ng kasalukuyang pangyayari sa

ating lipunan. Ang batang babae ay simbolo ng mga kabataang lugmok sa kahirapan

na patuloy paring nagsisikapa na maabot ang pangarap kahit nahihirapan. Ang mga

kaklase ay sumisimbolo sa mga tao nagiging hadlang sa iyong pangarap subalit sila

ang naging isntrumento upang malagpasan ang mga pagsubok sa buhay. At ang

mga magulang ang mga kakampi upang maabot ang mga mithiin sa buhay. Ayon

kay Matute, ang tauhan ang nagbibigay buhay sa maikling kwento. Ang tauhan ay

maaring mabuti o masama.

Anong elemento ng kwento ang mababanaag ayon sa Tema?

Talahanayan 1.2

Tema Kaganapan sa Kwento

Kahirapan Naglalarawan ng isa sa pinakamalaking suliranin sa isang

kwento ang kakulangan sa materyal na bagay na dinanas

ng bida .

Diskriminasyon Kadalasang nararansan ng bida sa kwento ang panunukso

ng mga ka klase na ang biktima ay ang mga kapus-palad

na mga mag-aaral.

Kalusugan Ang bida sa kwento ay nagpapakita ng kakulangan sa


nutrisyon sanhi ng kakulangan sa pagkain nagbungan ng

payat at sakitin na katawan ng Bida sa kwento.

Ang talahanayan 1.2 ay nagpapahiwatig ng mga tema ng maikling kwento na

base sa mga tunay na nangyayari sa ating lipunan. Ang kahirapan ay ang suliraning

kaylan man ay hindi pa nalulunasan. Ang diskriminasyon ay isa sa mga salot sa

ating lipunan na naging sanhi ng di pagkakaisa at ang Kalusugan ay isa sa mga

problemang kinakaharap ng ating bansa. Naglalarawan ang mga temang ito sa

kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan. Ayon kay Animoza (2006), ang diwa o

tema ay kaluluwa ng kaalaman, ang daloy ng walang patid na daloy ng kwento hindi

nakikita subalit nasusulat ang damdamin.

Anong elemento ng kwento ang mababanaag ayon sa Simbolismo?

Talahanayan 1.3

Simbolismo Kahulugan

Damit Simbolo ng katayuan sa buhay ng mga tauhan sa kwento

Tinapay na walang Nagpapahiwatig ng kahirapan o kaulangang pinasyal ng

palaman tauhan sa kwento.

Sandaang damit Naglalarawan sa pangarap ng batang babae sa kwento.

Payat Nagpapakita ng kakulangan sa pagkain o pagiging sakitin

ng tauhan sa kwento..

Ang talahanayan 1.3 ay naglalarawan ng mga simbolo na makikita sa

kasalukuyang panahon sa ating lipunan. Ang damit ay ang nagpapakilala sa

kasalukuyang estado ng buhay ng isang tao. Tianapay na walang palaman ay


nagpapahiwatig ng kahirapan o kasalatan sa buhay at ang sandaang damit ay

simbolo ng pangarap ng bawat Pilipino at ang payat ay naglalarawan ng

kakulanga ng pagkain o sakitin ng ibang mga Pilipino sa laylayan.

2. Ano-anong kaganapan sa kwento na kinikitaan ng Feminismo


Talahanayan 2.1
Feminismo Patunay

Isa siyang angkop na halimbawa ng katangian ng

kababaihan na kahit anong panunukso, pangungutya,

Batang babae diskriminasyon ay patuloy parin na lumalaban sa buhay

nagpapakita ng pagiging matatag sa buhay at

nagpapalakas ng tiwala sa mga kababaihan o batang babae

na mangarap at magpatuloy sa buhay anuman ang

sitwasyon.

Ang pagiging magulang ay isang mabigay na obligasyon,

salat man sa materyal na bagay bagkus naging instrumento

Ina parin siya upang mapatatag ang kanyang pamilya.

Nagpapataas ng moral ng kababaihan sa kasalukuyang

panahon.

Ang talahayan 2.1 ay nagpapatunay na ang batang babae at Ina ay

sumisimbolo ng dulog feminismo. Sapagkay nagpapakita ito ng kapangyarihan,

katatagan, lakas ng loob ng batang babae na lumalaban sa buhay maabot lamang

ang kanyang pangarap. Ang Ina naman ay kikikitaan ng pagiging matatag kahit na

sa hirap ng buhay na pinapalakas ang loob ng anak upang hindi mawalan ng pag-

asa. Ang mga katangiang iyon nagpapakita ng kapangyarin ng isang babae. Ayon
naman sa Teoryang Feminismo na tumutukoy sa prinsipyo o paniniwalang dapat

maging pantay ang mga babae at mga lalaki sa pagtamasa ng mga karapang

sosyal, ekonomiko, at politikal.

3. Ano-anong pakikipag sapalaran ang ginawa ng bida sa kwento na


kinikitaan ng Realismo
Talahanayan 2.2
Realismo Patunay

Ang kahirapan ay ang pinakamatagal na suliranin sa ating

bansa mula noon magpahanggang sa kasalukuyan. Ang

Kahirapan kwento ay nagpapakita ng mga tunay na kaganapan o

pangyayari sa buhay ng mga maralitang Pilipino na nasa

laylayan.

Halos lahat ng sulok ng mundo ay makikita ang

kaganapang ito, araw-araw may binubully may tinutukso,

Panunukso halos makikita ang mga pangyayaring ito sa loon ng

paaralan na naoobserbahan ng may akda na nagyayari

talaga sa tunay na buhay.

Masisilayan parin ang mga bahay na makikita sa reyalidad

ng buhay maraming bahay ang matatanaw

Bahay na tagpi-tagpi magpahanggang ngayon na hindi maayos ang pagkagawa

sanhi ng kakulangang pinansya at ito ay nanyayari parin

hanggang sa susunod na henerasyon kung hindi

matugunan ang kahirapan sa ating bansa.

Nagpapahiwatig ang payat at sakitin na batang babae ng

kakulangan sa pagkain dulot ng kahirapan. Naglalarawan

lamang ito ng kasalukuyang sitwasyon sa ating bansa na


Malnustrisyon marami parin ang mga Pilipino na may kakulangan sa

pagkain at nangangailangan ng tulong at suporta mula sa

ating pamahalaan.

Ang talahanayan 2.2 ay nagpapatunay ng dulog realismo, sapagkat kinikitaan

ng mga kaganapan sa kwento na nangyayari sa tunay na buhay. Ang kahirapan

ay laganap parin saan mang sulok ng Pilipinas. Ang panunukso ay laging

nababanaag sa mga paaralan. Ang bahay na tagpi-tagpi ay makikita sa tabing

daan o sa lansangan at ang malnustrisyon ay laganap sa kapuluan. Mga

pangyayaring tunay ay realidad sa buhay. Ayon sa Teoryang realismo na

naglalayong ipakita ang realidad sa mga karanasan ng tao sa lipunan sa isang

makatotohanang pangyayari sa isang akda.

KABANATA 5

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON


Lagom ng mga natuklasan

Batay sa lumabas na resulta ng pag-aaral ang akda ni Fanny A. Garcia na

Sandaang damit ay natuklasan ang mga sumusunod.

1. Ang akdang Sandaang damit ni Fanny A. Garcia ay naglalarawan ng mga

pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan sa ating lipunan. Ang pangyayaring

ito ay ang kahirapan, panunukso, Diskriminasyon at kalusugan. Ito ang

nangingibawbaw na suliranin sa ting bansa.

2. Napag-alaman na ang akdang maikling kwento ni Fanny A. Garcia ay

nagtataglay ng mga elemento ng maikling kwento gaya ng tauhan, tema at

simbolismo..

3. Natuklasan sa pag-aaral na ang teoryang Realismo at Feminismo ang ginamit

na pagdulog sa maikling kwento ng Fanny A. Garcia.

Mga Konklusyon

1. Napatunayan na may mga elemento ang ang maikling kwento na sinulat

ni Fanny A. Garcia ito ay ang tauhan, tema at simbolismo.

2. Napatunay sa pag-aaral na teoryang Realismo at Feminismo ang dulog

sa nasabing akda.

Mga Rekomendasyon

Mga mag-aaral. Magbasa ng mga maikling kwento upang mas palawak ang

kaalaman hingil sa mga pangyayaring may kaugnayan sa ating lipunan.


Mga guro. Gabayan ang mga mag-aaral hinggil sa mga pag-uugali na dapat

ipatupad sa loob ng klase upang maiwasan nag diskriminasyon.

Mananaliksik. Magsagawa ng mas malalim na pag-aaral hinggil sa mga

maikling kwento upang mas maunawaan natin ang mga pangyayari sa ating

lipunan at madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa panitikan.

Sanggunian

RTaghizadeh, A. (2014) A teory of literay realism. Theory and practic of language

studies. Finland: Academy Publishier. https://tinyur.com/rt8kda2a.

Acala, L. (2022)Katotohanan sa likod ng sandaang damit: sipat-suri sa mga isyung

pangkahirapan na nakapaloob sa akda ni Fanny A. Garcia.

Sanapo, M. (20170. when kids hurt Other kids: Bullying in Philippine Schools.

Psychology,8,24692484.https://doi.org/10.1111%2fj.1467954x.1977.tbo32

33

Escudero, M. (2019). Pamilya na nagsasabing mahirap sila, dumami-SWS. The

Philippine

star.https://www.philstar.com/pilipino-starngayon/bansa2019/07/21

Fleming, L. C., & Jacobsen, K.H. (2009). Bullying among middle school student in

low and middle income countries. Health promotion international.

https://doi.org/10.1093/heapro/dap046

Belves, P. M., Iliscupides, P.P (2006) Panitikan ng lahi. Sampaloc, Manila: Rex

Book Store, Inc.


Lalic E. D., Matic A. J. (2004) Ang ating Panitikang Filipino. National book store.

Trinitas Publishing house, Inc.

Balbacal, M. H (2013) Kakayahan sa Pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula ng

mga Piling Mag-aaral sa Ikatlong Antas ng mga Mataas na Paaralan ng

Lungsod ng Cabuyao. Panuruang Taon :2012-

2013https://dokumen.tips/documents/thesis-sa-filipino-taga-pnc.html?

page=34

Fanny.Garciabuodhttps://www.academia.edu/8731298/

Pagsusuri_sa_Sandaang_Damit_ni_Fanny_A_Garcia

Inoc (2017) https://pdfcoffee.com/pananaliksik-grop-6-finale-kapoy-pdf-free.html

You might also like