You are on page 1of 11

1

MODYUL I
Mga Batayang Kaalaman sa Panitikan

Aralin 1 Kahulugan at Kahalagahan ng


Panitikan, at Panunuring
Pampanitikan
Aralin 2 Mga Kaugalian at Tradisyong
Pilipino mula sa mga Kastila,
Tsino, Hindu, at Kaugalian at
Tradisyon ng mga Pilipino
Aralin 3 Kalagayan at Katangian ng
Panitikan ng Bawat Panahon

Modyul I
2

MODYUL II

PANIMULANG LINGGWISTIKA

 INTRODUKSYON

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa mga batayang kaalaman sa Panitikang


Filipino gayundin sa mga kaugalian at tradisyong minana natin sa mga Kastila, Tsino at
Hindu at ang kalagayan at katangian ng panitikan ng bawat panahon.

LAYUNIN

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang kahalagahan ng panitikan sa buhay ng mga Pilipino.
2. Nailalahad ang kahalagahan ng mapanuring pagbababasa sa pagpapaunlad ng
mga akdang pampanitikan
3. Natatalakay ang kahalagahan ng matalinong pamumuna
4. Naipakikita ang kaalaman sa mga kaugalian at kulturang namana sa mga
Kastila, Pilipino na nakatutulong at nakahahadlang sa pag-unlad ng bansa.
5. Naipakikita ang kaalaman sa pananaliksik sa mga kaugalian at tradisyong
namana sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, Tsino, Hindu, at kaugalian
at tradisyon ng mga Pilipino.
6. Nakapagsasaliksik sa mga sumibol na panitikan sa bawat panahon at nasusuri
ang kalagayan at katangian ng panitikan sa bawat panahon.

 PANUTO/PABATID SA PAGGAMIT NG MODYUL

Ang modyul na ito ay binubuo ng tatlong aralin. Basahing mabuti ang bawat aralin
pagkatapos ay sagutin ang mga pagsasanay/gawain upang mataya ang iyong pagkatuto.

Ang matagumpay na pagtatapos ng modyul na ito ay nakasalalay sa iyong mga


kamay. Ito ay inihanda upang matuto ka nang may taglay na kasipagan, katalinuhan at
kalayaan. Bilang mga magiging guro, makatutulong ito nang malaki upang maihanda ka
sa pagiging mahusay na guro sa hinaharap. Maliban sa pagtatamo ng mga inaasahang
bunga ng kursong ito ay matututunan mo rin ang mahahalagang kasanayan na

Modyul I
3

maipagmamalaki mo bilang isang responsableng mag-aaral. Ang mga sumusunod na


gabay at tuntunin ay makatutulong nang malaki upang matiyak na ikaw ay nasa tamang
landas, nang sa gayon ay masabi mo sa sarili mo pagkatapos ng modyul na ito na,
“nagawa ko nang maayos ang tungkulin ko!”
1. Maglaan ng panahon hinggil sa pagbabasa at pag-unawa sa nilalaman ng
modyul na ito. Basahin nang paulit-ulit hanggang maunawaan ang nakasaad
dito.
2. Magtakda ng iskedyul upang magawa ang lahat ng mga gawain sa modyul na
ito nang sa gayon ay mapagtuunan rin ng pansin ang iba pang modyul sa ibang
kurso o asignatura. Maging malay sa iyong itinakdang iskedyul. Maaaring
maglagay ng paalala sa mga lugar na madalas mapansin o makita.
3. Iwasang magtanong ng mga katanungang matatagpuan na sa modyul ang
kasagutan.
4. Kung hindi mo naunawaan ang iyong binasa gayundin ang iba pang mga
gawain, basahing muli ito. Tiyaking may pokus sa pagsasagawa ng mga
gawain. Kung medyo nahihirapan pa rin, gamitin ang lahat ng mga maaaring
mapagkunan ng impormasyon. Maaari kang humingi ng tulong sa mga kasama
mo sa bahay. Kung nahihirapan pa rin, maaari mo akong padalhan ng mensahe
nang sa gayon ay matulungan kita.
5. Iwasan ang pagpapaliban ng gawain. Tandaan na ikaw rin ang mahihirapan
kung hindi mo ito gagawin sa takdang panahon.
6. Maaari mong pasadahan ng basa ang iba’t ibang aralin sa modyul na ito bago
mo pa man gawin ang mga itinakdang gawain sa bawat aralin. Kinakailangan
mo lamang tiyakin na masasagutan mo lahat at walang malilibanang aktibiti
o gawain.
7. Iwasan ang maligoy na sagot sa mga katanungang nakalahad sa bawat aktibiti.
Mas mainam kung ang katugunan ay maiksi at direkta sa puntong nais bigyang-
diin.
8. Gawin ang lahat ng gawain nang may pagsisikap at katapatan. Ibigay ang
buong kahusayan sa pagsasagawa ng mga gawain. Alam kong kayang-kaya mo
ito!

Modyul I
4

Aralin 1

 Kahulugan at Kahalagahan ng Panitikan, at


Panunuring Pampanitikan

Kahulugan ng Panitikan

Ang panitikan ay buhay-buhay ng tao. Inilalarawan nito ang mga ugali, asal, gawi
at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa kani-kanilang kapanahunan. Kung ano ang
saloobin, naiisip at nadarama at mga nagaganap sa kanilang kapanahunan ay
naipahahayag ng mga makata at manunulat ng panitikan. Dahil dito, kaya nga
masasabing ang panitikan ay ang ekspresyon ng tao.

Ang salitang panitikan ay kinuha sa salitang “pang-titik-an“. Ito ay batay sa


salitang “titik” na nangangahulugang “literatura” (literature).

Ayon kay Ponciano B.P. Pineda, ang panitikan ay katipunan ng magaganda,


mararangal, masisining at madamdaming kaisipang nagpapahayag ng mga karanasan at
lunggati ng isang lahi. Sa pakahulugang ito ni Pineda ay maliwanag na hindi niya
itinuturing na anyo ng panitikan ang mga nasusulat na kulang sa ganda, sining at
damdamin. Hindi rin maituturing na panitikan ang nagpaparumi ng isipan at damdamin.

Ayon naman kay Maria Ramos, ang panitikan ay lakas na nagpapakilos sa alinmang
uri ng lipunan. Sa pahayag na ito ni Ramos ay masasabi ngang nakapagpapakilos ng tao
ang panitikan dahil kung babalikan natin ang ating kasaysayan ay sinasabing matapos
mabasa ng mga Pilipino ang dalawang nobela ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere at El
Filibusterismo, ito ang nag-udyok sa mga Pilipino upang maghangad ng kalayaan buhat
sa pananakop ng mga Kastila. Nahikayat ang bawat Pilipinong may opag-ibig sa kanilang
bayan na mag-isip, kumilos, at nagtanggol na nang lumaon ay humantong sa
pagtatagumpay.

Sinabi ni Simplicio Bisa (1987), ang panitikan ay salamin ng lahi. Tunay ngang
nasisinag o nasasalamin sa panitikan ang mga karanasan ng isang bansa, ang mga
kaugalian, mga paniniwala, mga tradisyon, mga pangarap at lunggati ng isang lahi.

Nagkakahawig naman ang depinisyon ni W. J. Long sa depinisyon ni Pineda, ayon


kay Long, ang panitikan ay ang nasusulat na tala ng pinakamabubuting kaisipan at
damdamin ng tao.

Sa pahayag naman ni Hon. Azarias sa kanyang aklat na “Pilosopiya ng Literatura”,


ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa
daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa
Bathalang Lumikha.

Modyul I
5

Para kay Paz N. Nicasio at Federico B. Sebastian (1985), ang panitikan ay kabuuan
ng mga karanasan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan at
pangarap ng isang lahi na ipinahahyag sa mga piling salita, sa isang maganda at masining
na paraan, nakasulat man o hindi.

Ayon kay Teresita P. Capili – Sayo (1987), ang panitikan ay lakas na nag-uugnay
sa damdamin ng mga tao upang makita ang katwiran at katarungan, dahil dito’y
masasabing lumilinang ang panitikan sa nasyonalismo ng mga mamamayan.

Iba naman ang pakahulugan sa panitikan nina G.K.R. Pineda at T.C. Ongoco
(1972), ayon sa kanila, “ang panitikan ay kapatid na babae ng kasaysayan. Ang
panitikan, tulad ng kasaysayan, ay nagtataglay ng mga ulat ukol sa mga naganap sa
isang lahi at mga naisip na dakila at marangal ng lahing ito.” Nagkakaiba lamang sa
paraan ng pagpapahayag ang dalawang ito. Habang ang kasaysayan ay nasusulat sa
anyong tuluyan at naglalahad ng pawang katotohanan,tulad ng isang lalaki; ang
panitikan ay nagagayakan ng magagarang damit ng pagpapahayag at nakukulayan ng
malikhaing guniguni ng may-akda tulad ng isang babae.

Mula kay Lydia Fer Gonzales, et al. (1982), “ Ang panitikan ay pagpapahayag na
kinapapalooban ng katotohanan at pagpapahayag sa paraang nagpaparanas sa bumabasa
ng kaisipan at damdamin ng manunulat sa paraang abot-kaya ng manunulat. Sa
panitikan, nakakatalamitam ng isipan ng mambabasa ang isipan ng manunulat ng iba’t
ibang panahon ng iba’t ibang bansa.”

Ayon naman kay Jose A. Arrogante (1983), “ang panitikan ay talaan ng buhay.”
Maituturing na talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito nailalahad ng tao ang
kanyang kaisipan at damdamin, ang kanyang mga kaugalian, saloobin at paniniwala; ang
bawat takbo ng pangyayari na nagaganap sa kanyang panahon ng pag-unlad, mula nang
siya’y binhiin, sumilang, kamusmusan, mamulat, matuto, gumulang at hanggang
mamatay; dito napangangatwiranan niya ang kanyang mga karanasan; dito niya
nabibigyang-katuturan ang sarili niyang kahalagahan ayon na rin sa sarili niyang
prinsipyo; ayon sa simulain at tradisyon ng kanyang lipunang ginagalawan; dito niya
napupuna, nasusuri, napapahalagahan ang katotohanan, ang kagandahan, ang
kabutihan ng lahat ng nakapaligid sa kanya gayundin ang kabaligtaran ng mga ito. Dito
niya nakikini-kinita ang mga maiilap na pangarap, ang malalayong pag-asa. Sa kabuuan
ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigidig, ang daigdig na kanyang
kinabibilangan at pinapangarap ay malikhain niyang maisisiwalat sa talang ito na
tinatawag na panitikan.

Modyul I
6

Kahalagahan ng Panitikan

Bakit nga ba mahalaga ang panitikan? Bakit nararapat natin itong pag-aralan at
pagtuonan ng pansin?

Nagbibigay ang panitikan ng isang magandang pagtakas sa realidad at


ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan para sa mga tao. Ang pagbabasa ng mga
akdang pampanitikan bilang isang urin ng libangan ay nagdadala sa atin sa ibang mundo
kaya’t pansamantala nating natatakasan ang realidad ng buhay.

Nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa paghulma ng lipunan dahil


tinutulungan nito ang mga mamamayan na bumuo ng opinyon sa mundo at
kwestiyonin ang kasalukuyang sistema. Ang mga akdang pampanitikan ay sumasalamin
sa mga nangyayari sa ating lipunan na nakatutulong upang maging mulat at malay ang
mga mamamayan sa kalagayan ng ating lipunan na nagbubunsod upang makibahagi at
magpahayag ng kanilang saloobin at pananaw; at magtanong sa umiiral na sistema sa
ating bayan.

Ang pag-aaral ng iba’t ibang uri ng panitikan ay nakapagpapalawak ng


imahinasyon at nakapagpapabuti sa paraan ng pagbabasa at pagsusulat. Dahil sa
pagbabasa at pagsusulat nalilikha ang magagaling na manunulat. Lampas sa mga
batayang benepisyo, and pag-aaral ng panitikan ay nakatutulong upang maranasan na
makita ang buong mundo.

Ang bawat akdang pampanitikan ay nagtatanghal ng moral sa mga


magkakaibigang mata sa pamamagitan ng paraan ng iba’t ibang pananaw. Sa
kwentong “Ang Mangingisda,” Ponciano B. P. Pineda ay mabisang nailahad ang tungkol
sa mga maaaring kahihinatnan ng paghahangad ng tagumpay gamit ang masamang
pamamaraan. Ipinakita ng may-akda na ang pagkakaroon ng mabuting ugali ay ang
tamang daan patungo sa tagumpay.

Ang pagkamulat ng kamalayan sa pag-aaral ng panitikan ay nakabubuo sa


paglikha ng sariling paniniwala, opinyon at pananaw ng isang tao. Ang mahuhusay na
akda ay tumutulong para mapalawak ang karanasan ng isang tao. Sa isinulat ni Emilio
Jacinto na “Ang Ningning at Ang Liwanag” ay mabisa niyang inilarawan kung paano
nakikita ng tao ang katotohanan sa kahuwadan; ang pagkahumaling ng tao sa panlabas
na kagandahan kaysa panloob.

Ang panitikan ay nagsisilbing salamin ng pagkakaiba at pagkakapareho ng


pamumuhay ng mga tao sa iba’t ibang lugar. Nagsisilbi itong tulay tungo sa mas
malalim na pag-unawa at pagpapahalaga ng kasalukuyang henerasyon sa pamana ng
ating lahi na siya nagsisilbing identidad nating mga Filipino. Dahil binibigyan tayo
nito ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang kultura, pinahuhusay din nito ang kakayahan
natin upang makipag-usap sa iba. Sa kwentong “Isang Matandang Kuba Sa Gabi ng
Caño” ay nagpapakita ng paniniwala ng isang tribo sa Pilipinas. Ang pag-alam sa iba’t
ibang paniniwalang ito ay makatutulong para maging bukas-isip tayo tungkol sa mga tao

Modyul I
7

kung sino ang mga naiiba nang sa gayon nakapagpapakita ang isang tao ng kanyang
paggalang sa mga paniniwalang ito. Daloy rin ng panitikan ang pakikipag-isang
damdamin sa iba at ang pagbibigay daan sa pag-unawa sa kung anuman ang kanilang
nararamdaman sa isang sitwasyon o pangyayari. Ang katotohanan, ito ay mahabang
tulay na nagdurugtong sa sangkatauhan.

Ang panitikan din ay nagsilbing instrumento upang gisingin ang damdaming


makabayan ng mga Pilipino. Ito ang nagsilbing dahilan upang maghimagsik ang mga
Filipino laban sa mga Kastila, gaya ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo

Ang panitikan ay naglalarawan sa mga karanasan, kultura, at tradisyon ng mga


sinaunang Pilipino. Dahil dito, maaari nating pag-aralan ang mga pangyayari sa ating
kasaysayan at magamit ang mga aral na hatid nito sa ating kasalukuyang pamumuhay.

Mga Uri ng Panitikan

May sariling panitikan ang bawat lahi na siyang kinasasalaminan ng kanyang


kultura, kaugalian, kabihasnan at tradisyon. Ang Pilipinas ay may sarili nang panitikan
bago pa man dumating ang mga Kastila. Dala ng mga ninuno na nanirahan sa ating bansa
ang mga bugtong, pamahiin, mga salawikain at mga kuwentong bayan tulad ng mga
alamat, mito, at iba pa. Ang mga uring ito ng panitikan ay nagpasalin-salin sa bibig ng
ating mga mamamayan sapagkat noon ay hindi pa naiimbento ang pag-iimprenta.

May ilang mga pag-aaral ang nagsabing natukoy ang panitikan ng bansa mula sa
mga larawang iginuhit sa mga kweba, gayundin sa mga talang nakasulat sa dahon at
sanga ng kahoy. Higit na naging tiyak ang mga pangyayari at karanasan sa isang akdang
nakasulat. Mula nang matutuhan ng mga katutubo ang pagsulat sa tulong ng Alibata na
dala ng mga Malay ay higit pang napaunlad ang panitikang pasulat. Bunga nito, ang mga
dating inaawit, ikinukuwento, at tinutula ay naisatitik.

Sa ngayon ang mga kaisipan, saloobin, mga pangarap, mithiin at hangarin sa


buhay ay naisatitik at naisaimprenta na rin.

Dahil sa pagsilang ng panahong elektroniko, ang lahat ng bagay ay pinadali sa


pamamagitan ng elektronikong kagamitan gaya ng kompyuter, maging ang paglaganap
ng panitikan ay nakisakay sa mga kableng tagapangalat nito. Sa isang pindot sa buton
ay maaaring makarating sa bansang nais tunguhin sa pamamagitan ng pagsesurf sa mga
websayt na nakakonekta sa internet saan mang sulok ng daigdig; o kaya’y
makipagkuwentuhan at makipagkumustahan sa mga mahal sa buhay na nasa ibayong
dagat maging sa mga dayuhan sa pamamagitan naman ng pakikipagtsat at e-mail.

Dahil dito, maaari nating mauri ang panitikan sa tatlo:

1. Pasalindila – ang anyo ng panitikang ang paglilipat ay naisasagawa sa


pamamagitan ng dila o bibig. Ang mga halimbawa nito ay alamat, mito,
awiting-bayan, salawikain, bugtong, at palaisipan.

Modyul I
8

2. Pasalinsulat – naisatitik ang ating mga sinaunang panitikan nang matutuhan


ng mga katutubo ang paraan ng pagsulat. Kung noong una ay mga konkretong
larawang may kwento ang matatagpuang nakaguhit sa mga kuweba, sa mga
balakbak ng kahoy at sa mga dahon; ngayon ay nakatitik na sa papel, o kaya
ay nakaimprenta na ang mga akdang pampanitikan.
3. Pasalintroniko – ang dating mga titik na nalilimbagg ng mga simpleng
makinilya ay napalitan ng mga sopistikadong kompyuter. Hindi na nasisiyahan
ang mga tao lalo ng mga kabataan sa paggamit ng makinilya. Higit na madali
at mabilis angg trabaho sa kompyuter kaysa sa makinilya; kaya nga mas pinili
itong gamitin ng mga manunulat. Ang maghapong pagmamakinilya ay
katumbas lamang ng isang oras na pagkokompyuter. Kaya nagkaroon ng
ikatlong uri ng panitikan, ang pasalintroniko.

Ang Panunuring Pampanitikan

Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang


pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog ng kritisismo para sa
mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.

Ito ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan.

Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng


buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na
pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ng
obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging
matapat.

Bakit nga ba kinakailangan ang panunuri at ano nga ba ang kahalagahan ng pagsusuri?

Ang isang mambabasa ay nararapat magsuri upang makatulong sa lalong


ikaliliwanag at ikauunlad ng panitikan at gayundin ng manunulat ng anumang likhang-
sining tulad ng maikling kuwento, nobela, tula, dula at marami pang iba.

Sa pagpapahalaga, ang manunuri ay dapat na:

1. Magkaroon ng likas na kuro-kuro. Hindi siya nadadala sa kabantugan ng may-


akda. Kailangan din an abukod sa pagiging matatag ay maging tiyak din sa
ginawang pagpapahalaga o pamumuna.
2. Ang pinagdadaanan at kasalukuyang buhay ng may-akda ay kailangang maliwanag
sa manunuri upang lubos niyang maabot ang mensahe, mga pangyayari at mga
damdaming taglay ng katha.
3. Ang manunuri ay kailangang maging tapat, nagtataglay siya ng obhetibong
pananaw – walang kinikilingan.

Modyul I
9

Kahalagahan ng Pagsusuri

Ang pagsusuri ay hindi madaling gawain ngunit ito ay mahalaga. Madalas na ang
manunuri ay nagtitimbang-timbang muna ng kanyang sasabihin o isusulat tungkol sa
tekstong nais niyang bigyang-pansin. Alam ng matalinong manunuri na nakasalalay
ang kinabukasan, kaunlaran ng akda at maging manunulat sa gagawing pagpapasiya.

Samaktuwid, lubhang mahalaga ang pagsusuri dahil sa mga sumusunod:

1. Ang bunga ng pagsusuri ay pantay na paghuhusga sa akda na kung saan ang


mambabasa ay nakalilikom ng higit na kaalaman tungkol sa likhang sining.
2. Naipaliliwanag ang mga mensahe at layuning napapaloob sa akda
3. Ang makatarungang pagsusuri ay magiging sandigan ng higit pang pagpapalawak
at pagsusulong ng manunulat at ng panitikan
4. Maging ang istilo ng manunulat ay natutuklasan sa pamamagitan ng pagsusuri

Mapanuring Pagbabasa

Ang anumang gawain ng tao sa araw-araw ay nangangailangan ng pagbabasa.


Marami ang pinanggagalingan ng binabasa tulad ng aklat, pahayagan, mga napapanood
sa telebisyon, mga nakikita sa iba’t ibang social media platform.

Ano nga ba ang pagbabasa?

Ayon kina Lapp at Flood (1978), ang pagbabasa ay paraan ng pagkilala ng


nakalimbag na sagisag at pagbibigay kahulugan nito.

Mula kay Dr. Lydia P. Lalunio (1985), ang pagbabasa ay isang proseso na
nangangailangan ng pag-iisip, pagpapahalaga, pagpapasya, pagwawangis at paglutas ng
suliranin.

Ayon naman kina Lorenzo et al. (1997), ang pagbabasa ay ang tiyak at madaliang
pagkilala ng ayos at pagkakasunod-sunod ng mga salita, pagsasama-sama ng mga salita
para makabuo ng ideya at kahulugan.

Si Dr. Paquito B. Badayos (1999), ay nagsaad na ang pagbasa ay isang proseso ng


pag-iisip at ito’y prosesong interaktibo.

Kung gayon, habang nagbabasa ang isang tao, siya’y nag-iisip, nagsusuri,
nagpapahalaga, nagiging kritikal na palatandaang siya’y gumagawa ng mapanuring
pagbabasa.

Ang mapanuring pagbabasa ay ang pagbabasa ng isang artikulo, pahina ng


babasahin, akdang pampanitikan na kung saan ay pinagliliming mabuti ang binabasa.
Pinag-iisipan ang nilalaman at mensahe na nais ipabatid ng manunulat. Tinitingnan ang

Modyul I
10

bawat detalye o bahagi ng isang akda at ang ibubunga nito sa mambabasa – kung ang
mga impormasyon, kaisipang nakapaloob sa akda ay magiging gabay o daan tungo sa
paglawak ng pang-unawa at pagtatagumpay.

Sa mapanuring pagbabasa ay maaaring ilahad ng mambabasa ang kanyang


pagsang-ayon o kaya’y pagtutol sa punto ng may-akda. Walang alinlangang pinag-
uukulan niya ng ibayong pag-iisip at lubusang pang-unawa ang anumang akdang
babasahin. Sa panunuri rin ay mabubuksan ang mga kritisismo hinggil sa akda, dito
makikita ang maaaring patlang o kakulangan sa isang likha dahil pinupuna nito ang mga
teknikal na kabuuan. Maganda na may panunuring pampanitikan dahil naiwawasto at
napapaunlad ang mga gawain.

Sa ganitong paraan, higit na makatutulong ang mambabasa sa lalong ikauunlad


ng panitikan.

Ang mapanuring mambabasa ay malayang nakapaglalahad ng mga reaksyon,


sariling pananaw tungkol sa nais ipabatid ng manunulat.

Ang isang akda ay mananatiling karaniwang akda lamang ngunit kung ang
mapanuring mambabasa ay naglalahad ng maganda at kapaki-pakinabang na reaksyon,
ang katha’y nagiging kanais-nais at katanggap-tanggap.

Matalinong Pamumuna

Sa tuwing tayo ay nagbabasa, may mga pagkakataong hindi natin maiwasan ang
pamumuna. Maaari natin itong gawin subalit nararapat na ito ay matalinong pamumuna.
Nakatutulong ang matalinong pamumuna tungo sa ikaliliwanag ng mga akdang
pampanitikan.

Paano ba masasabi na ang isang pamumuna ay matatawag na matalinong


pamumuna? Ang sumusunod ay ang paliwanag/ideya tungkol sa kung ano ang
tinaguriang matalinong pamumuna:

1. Ito ay ang pagbibigay ng mahusay na komento, opinyon o reaksyon sa nabasa at


ginagamitan ng talas ng pag-iisip.
2. Pagsusuri o pag-aaral ng bawat detalyeng binabasa.
3. Pagbibigay ng balanse at makatwirang pamumuna sa pamamagitan ng positibo at
negatibong punto sa binasa.
4. Walang kinikilingan; kung nararapat na sumang-ayon ay ipinahahayag ang
pagsang-ayon at kung nararapat na tumutol ay ipinahihiwatig ang pagtutol.
5. Pagtutuon ng pansin sa nais ipabatid ng manunulat.
6. Pagpapahalaga sa kalakasan ng isang akda.
7. Pagtukoy sa kahinaan ng isang akda at pagbibigay mungkahi para sa ikaliliwanag
at ikagaganda nito tungkol sa paghabi ng mahahalagang balyus (values).
8. Sining sa paggawa ng mga pagpapasya o paghatol at pagtuturo o pagsasabi ng
mga kanais-nais na katangian, kapintasan, kamalian o pagkukulang

Modyul I
11

PAG-ISIPAN

Sagutin ang sumusunod na mga katanungan:


1. Paano nakatutulong ang mapanuring pagbabasa sa pagpapaunlad
ng mga akdang pampanitikan?
2. Bakit mahalagang ang pamumuna sa tuwing tayo’y nagbabasa ay
matalinong pamumuna?

Modyul I

You might also like