You are on page 1of 76

ISANG MAPAGPALANG HAPON SA

LAHAT
ANG KANON NG PANITIKAN

• DIMENSYONG HISTORIKAL- pinatatag ng


panahon ang kahalagahan ng akda
• DIMENSYONG KULTURAL – pinalawak ng akda
ang pag-unawa sa ating pagkakakilanlan
bilang isang bayan.
ANG TEORYA SA PAG-AAKDA

• DIMENSYONG PANGKALIGIRAN- ano ang


puwersang bumuo sa akda?
• DIMENSYONG IDEYOLOHIKAL – ano ang
nakaimpluwensiya sa pagbuo at
pagpapakahulugan sa isang akda?
ANG PAGSASAPANITIKAN NG
DALUMAT NG BAYAN
• Kaninong pananaw ang ugat at kanino ang
bunga at sanga?
• Kaninong pananaw ang nagbubunsod ng
pagpapadaloy ng bagong pananaw?
PAIT NG KAHAPON , KALAKASAN NG NGAYON
ANG PAGLIKHA NG PANITIKAN

• Ano ang nagbunsod ng paglikha?


• Ito ba ay tanong, tugon, o tuklas?
• Ano ang anyo?
• Ano ang hatid na epekto?
• Pag-uusapan ba ito nang matagal?
ANG PAGLIKHA NG KARUNUNGAN
MULA SA PANITIKAN
• Ano ang tuon ng paglikha?
• Ano ang mga salik na nagbunsod sa tanong,
tugon, o tuklas?
• Bakit namumukod ang anyo?
• Paano ito makaimpluwensiya sa matagal? Na
panahon?
Ang Pagpapahalaga
at Pagsulat ng Tula
Ilang Usisa sa Tula

• Para sa akin, ang tula ay …

• Ang pag-aaral at pagtuturo ng tula ay …

• Sana, ang tula ay …


Ano ang kadalasang impresyon sa tula?
• Malalim
• Mahirap basahin
• Matalinghaga
• Gumagamit ng lumang wika
• May sukat at tugma
• Nakababagot at nakakatakot
• Malabo
• Palaisipan
• Kailangan ng diksiyonaryo habang binabasa
Mga Batayang Depinisyon
• Panitikan—isang uri sining na maaaring
nakalimbag, naklathala, isinasadula o itinatanghal
na malikhaing ipinapahayag ang saloobin at
mensahe ng isang awtor

• Malikhain—gumagamit ng mas espesyal na


pamamaraan ng pagpapahayag ng mensahe; kapag
sinabing espesyal, ito’y may estilo, di karaniwan,
musikal, at nagsusumikap na maging naiiba sa
karaniwan; gumagawa ng mayroon mula sa wala
• Teksto—Sa lumang depinisyon, ito’y isang
aklat o anumang nakalimbag at nakasulat na
bagay. Sa bagong depinisyon, ang teksto ay
ang anumang makikita na maaaring mabasa o
masuri.

Halimbawa ng teksto ay: pananamit, dekorasyon


sa jeep, gusali, pelikula, postcard, painting
• Konteksto—ang diskurso o mga pangyayaring
nakapaligid at nakakaimpluwensiya sa paglikha
ng isang teksto. Halimbawa nito ay ang personal
o sikolohikal, panlipunan o sosyolohikal,
historikal, at panglinggwistika.

• Subteksto—ang lihim o nakatagong mensahe sa


loob ng isang teksto.

• Interteksto—ang ugnayan ng isang teksto sa


uniberso ng mga teksto.
Pagsasanay sa Pagbabasa ng
Teksto
Ang bahay ni Ka Tale
Haligi’y bali-bali
Ang bubong ay kawali
Ang loob ay pusali

• Gabay na tanong: Anong uri ito ng teksto?


Ilarawan ang teksto. Malikhain ba ito? Bakit?
• May tugma ba ito? Ilan ang bilang ng pantig sa
bawat taludtod? Panitikan ba ito? Anong anyo ito
ng panitikan?
• Bakit kaya ito isinulat o nilikha?
• Ano ang pahiwatig ng bahay, haligi, bubong, at
loob?
• Ano ang sinasabi ng pusali?
• Ano ang pangkasaysayang konteksto nito?
• Paano ito maiuugnay sa “Bahay Kubo”?
Depinisyon ng Tula
• Ang tula ay isang anyo ng panitikan na
nagbibigay ng natatanging diin o pokus sa
pagpapahayag ng damdamin at ideya na may
kakaibang estilo at ritmo.
Mga Uri ng Tula

• Tulang Pasalaysay (narrative poetry)

Isinusulat ang tulang pasalaysay para


magkuwento o maglahad ng maikling
pangyayari, maglarawan ng isang sitwasyon, o
ibahagi ang isang tanging karanasan sa
mambabasa. Maaaring maikli ang tulang ito o
maaaring mahaba gaya ng epiko at pasyon.
Halimbawa ng Tulang Pasalaysay

Ako ay may lobo


lumipad sa langit
‘di ko na nakita
pumutok na pala
sayang ang pera ko
pambili ng lobo
sa pagkain sana
nabusog pa ako
Ang Payak na Tulang Naratibo

Ako ay
nagtanim,kapirasong
luya,tumubo ay
gabi,namunga ng
mangga;nang aking
pitasin,hinog na
papaya;bumagsak sa
lupa—magandang
dalaga!
Ang Tulang Liriko
• Tulang liriko (lyric poetry)—Ito ay nalilikha tulad ng
pagbubuo ng isang larawan. Tila ito pagkuha ng
larawan o pagpipinta ng mga partikular na imahen.
Ang tulang lirikal ay personal na pahayag ng makata
bilang tugon sa isang paksa, pangyayari, o larawan.
Hindi ito nagkukuwento kundi nagpapahayag ng
pakiramdam sa isang tiyak na sandali. Nakatuon ang
tagumpay ng tulang lirikal hindi sa daloy ng mga
pangyayari kundi sa katangiang musikal ng wikang
gamit ng makata.
• Halimbawa: haiku, tanaga, soneto, at konkretong tula
(tula na ang mga taludtod ay nagpapahiwatig sa hugis
ng bagay).
Tandaan: Ginagawang katangi-tangi ng
lirikal na tula ang ordinaryo.
haiku ni Rogelio Mangahas

Sa lawa, bibi’y (5 pantig)


payapa? Paa pala’y (7 pantig)
sagwan nang sagwan. (5 pantig)
haiku

Milyong paniki’y
Niluluwal ng bundok.
Hilot ng buwan?

-R. Mangahas
Higanteng hawla
ng haribo’y bubuksan—
nahan ang gubat?
-R. Mangahas

(haribon—lokal na pangalan
ng monkey-eating eagle)
Hiyaw ng kalaw
kasalit ng lagari’y
pula at itim.
-R. Mangahas

(kalaw—lokal na pangalan ng
ibong hornbill)
Sambasamba, ba’y
pagkadasal, sinakmal
mo’ng paruparo?
-R. Mangahas

(sambasamba—lokal na
pangalan ng praying mantis)
Sa lawa, masdan,
mukha nati’y nalukot
nang walang ingay.
-R.
Mangahas
Ang Kongkretong Tula
(Concrete Poetry o Calligram)

Ang kongkretong tula ay tulang nagpapahayag


sa paksa o sa larawan ng teksto sa kongkreto
at pisikal na paraan. Naisasagawa ito sa
pamamagitan ng maingat na pagsasaayos ng
taludtod at pagpili ng mga font sang-ayon sa
hugis ng paksa o sabjek.
Halimbawa ng kongkretong tula
Halimbawa ng kongkretong tula
Halimbawa ng kongkretong tula
Halimbawa ng kongkretong tula
Kongkretong tula na may
komentaryo sa kaligiran
Talinghaga at ang Kariktan ng Wika

• Isa sa pinakamahalagang elemento ng tula ang


talinghaga.Tinutukoy ng talinghaga ang tayutay
o iba’t ibang gamit sa salita. Tila ito paglalaro sa
potensiyal ng wika. Ito rin ang misteryo at
metapora ng isang akda.
• Sang-ayon kay Almario, ang talinghaga ang
“buod ng pagtula. Ito ang utka ng paglikha at
disiplinang pumapatnubay sa haraya at pagpili
ng salita.”
Mga Uri ng Tayutay

• metapora—naghahalintulad sa dalawang
bagay na walang pagkakatulad. (“Paru-paro
ang iyong ngiti kaninang bukangliwayway.”)

• pagwawangki o simile—pagtutulad ng
dalawang bagay sa pamamagitan ng mga
pang-abay na kapara, tulad, kawangis,
kagaya.
Halimbawa ng Pagwawangki

“(A)Lamat ng Alaala”

Tulad ng salamin
Ang (a)lamat ng alaala
Binubuo ng bubog
Bumubuo ng kutob
Sumusugat sa gunita

Sumasambulat ang hiwaga


-- Will Ortiz
Mga Uri ng Tayutay

• Simbolo—anumang bagay, tao, sitwasyon,


lunan, pangyayari na tumutukoy o
kumakatawan sa ibang abstraktong bagay o
obheto.
Halimbawa: piyesta ay karangyaan; kalapating
puti ay kapayapaan; libro at salamin ay
katalinuhan; nagbabagang ningas ay nag-aalab
na damdamin
Tandaan: ginagawang kongkreto
ng simbolo ang abstraktong ideya
Bigyan ng simbolo ang mga abstraktong ideya:

Kahirapan
Dalamhati
Bagong Pag-asa
Romantikong pagmamahal
Matinding gutom
Iba pang uri ng tayutay
• Personipikasyon—pagbibigay ng katangian ng isang
tao sa isang bagay (“humahagulgol ang silid”;
“umiindak ang mga puno sa pag-awit ng buwan”)
• Apostrope—pagtawag sa isang taong yumao o sa
isang bagay na animo’y buhay
• Hyperbole—pagmamalabis ng isang pahayag na hindi
dapat literal na intindihin (“napudpod na ang daliri
ko sa kakatext”; “nagkaugat na ako sa paghihintay”;
“puwede nang magtanim ng kamote”)
Ang Persona
• Ang persona ang nagsasalita sa loob ng tula o teksto.
• Maaaring ang persona at ang makata ay iisa. Ngunit
hindi laging iisa ang persona at makata. Maaaring
babae ang persona ngunit lalaki naman ang makata.
Maaaring daga o pusa ang persona, ngunit isang bata
ang makata.
• Maaaring maging persona ang isang buhay na
nilalang o kaya’y isang bagay na walang buhay.
Pagsasanay: Sumulat ng isang tula na mala-
bugtong (na itinatago ang pagkakilanlan ng persona).
Sino ang persona ng tekstong ito?
“Sana
hindi na ako
susukatin
sa pamamagitan ng kanta.

Sana
hindi nahuhulog
ang pagkatao ko
tulad ng
pagbagsak ng barya
sa lata.” --Elyrah Salanga
Basahin bilang modelo ang tulang ito:

Pinto akong walang silid.


Pinto ako tungo sa maraming mundo.
Lumilitaw ang iba’t ibang pinto
sa bawat pagbukas sa akin
upang makalaya kayo sa apat na sulok.
Paulit-ulit akong binubuksan
upang makapaghatid sa maraming lunan—
malayong nakaraan, malapit na hinaharap,
bagong-tuklas na planeta, at lihim na paraiso.
Nakatatak sa aking gulugod ang inyong pupuntahan;
nakaukit sa aking balat
at bawat himaymay ng aking laman
ang aking manlilikha.
May matutuklasang mumunting hiyas
kapag ginalugad ako ng isang manlalakbay.
Hindi ako nagsasara kaninuman,
bagong silang man o nasa dapithapon na ng buhay.
Makinis at malutong ako kapag bago;
marupok at nagpupulbos naman kapag luma.
Kaya akong ipaghele ng isang palad
o kaya’y yapusin ng mga braso.
Kasama ninyo ako sa pananaginip
at pangangarap.
Paulit-ulit akong dinadalaw
ng mga umiibig sa rikit ng mga salita.
Balang-araw, silang mga sumisinta
ay lilikha ng mga sariling pinto
mula sa maaabot ng kanilang haraya.
Ang Tugma at ang Sukat ng Tula
• Hindi kailangan ng tugma para maging tula ang isang
tula.
• Nabibilang ang sukat ng tula sa pantig ng bawat
taludtod.
• Ang tradisyonal na tula ay may takdang sukat at
tugma. Tradisyonal ito batay sa anyo o porma.
• Maaaring maging makabago ang tula batay sa
nilalaman kahit na may takdang sukat at tugma.
• Ang katutubong tula sa Pilipinas ay may sukat
na pitong pantig (pipituhing pantig).
Halimbawa nito ay ang tanaga at ang
ambahan.
• Ang mga tula naman sa panahon ng
kolonyalismo ay may sukat na 12 at 8.
Tinatawag na awit ang may 12 pantig at
korido ang may 8 pantig.
Magkatugma ba ang mga sumusunod?

• “kamay” at “balabal”
• “asin” at “aliw”
• “pusit” at “gilagid”
• “balak” at “alitaptap”
• “sisiw” at “hilahil”
• “hinahon” at “bulutong”
Pagsasanay sa Tugmaan

• l, m, n, ng, w, r, y

• b, k,d, g, p, s, t
Halimbawa ng Tanaga

Palay siyang matino


Nang humangi’y
yumuko
Ngunit muling tumayo:
Nagkabunga ng ginto!
--Ildefonso
Santos
Halimbawa ng Tanaga

Isang pinggang sinangag,


Isang latang tinapa,
Isang sarting salabat,
Isang buntunghininga.
--Virgilio Almario
Halimbawa ng mga tula noong
panahon ng kolonyalismong Kastila
“Florante at Laura” (awit) “Ibong Adarna” (korido)
May isang ibong maganda
ang pangalan ay Adarna,
cun marinig mong magcantá
Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad
ang saquít mo'i, guiguinhaua.
sa bait at muni't sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
Sa Tabor na cabunducan
habag ng magulang sa irog na anak. ang siyang quinalalaguian,
cahoy na hinahapunan
Piedras Platas ang pangalan.
Ang Malayang Taludturan

• Tinutukoy ng malayang taludturan ang isang


tula na walang takdang sukat at tugma.
Irregular ang bilang ng mga pantig sa bawat
taludtod.
• Gayunpaman, ang malayang taludturan (free
verse) ay dapat gumamit din ng mga tayutay
gaya ng aliterasyon, internal rhyme, at pag-
uulit para maging musikal ang tula.
• Kilala si Alejandro Abadilla sa bisa ng tulang
“Ako ang Daigdig” sa pagpapakilala ng malaya
at modernong tula sa panitikang Filipino.
Sinasabing ito ang panandang-bato ng
modernismo sa panulaan. Kinikilala siyang
Ama ng Modernong Panulaang Tagalog.
• Tinutukoy rin ng malayang taludturan ang
malayang paggamit ng wika, malayang pagpili
ng paksa, at mapagpalayang pananaw sa iba’t
ibang isyu.
“Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla
2.
ako
1.
ang daigdig ng tula
ako
ang daigdig
ako
ang tula ng daigdig
ako
ang tula
ako ang malayang ako
matapat sa sarili
ako
sa aking daigdig
ang daigdig
ng tula
ng tula
ang tula
ako
ng daigdig
ang tula
sa daigdig
ako
ang walang maliw na ako ako ang daigdig ng tula
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig ako
iv.
iii.
ako
ang damdaming
ako
malaya ang daigdig
sa tula
ako
ang larawang
ako
buhay
ang daigdig
ako ng tula
ang buhay
na walang-hanggan ako
ang daigdig
ako
ang damdamin
ang larawan ako
ang buhay ang tula

damdamin
daigdig
larawan
buhay tula
ako ako
Ang Larawan o Imahen sa Tula
• Ito ang pinakamahalagang elemento ng isang
tula.
• Kung walang larawan o imahen, pumpon
lamang ng salita ang isang teksto.
• Hindi lamang nito tinutukoy ang biswal o ang
nakikitang aspekto ng isang tula.
• Sa halip, ginagamit ang limang pandama
(biswal, pandinig, pang-amoy, panlasa,
pakiramdam) para mabuo ang imahen.
Ang biswal na imahen sa bugtong
Ega taw, ega ramu-ramu,
Magkasurat it C.D.O.
(Tagbanwa)

Hindi tao, hindi hayop


Nagsusulat ng C, D, O.
ang biswal sa 3 bugtong
Butones at butones
Butones ng peregrino
Hindi ito matatapos
Hanggang bukas

Maluwag na kapatagan
Tinatamnam ng purong bulawan

Sa gabi, ipinupunla ang mais


Sa araw, nauubos.

(bulawan—ginto)
Direktang Uri ng Imahen
Nabubuong larawan na likha ng mga salita ang una.
Tatlong pulang lobo ay nakikitang larawan.
Malambot na palad ay nahahawakang larawan.
Umaalingawngaw na alulong ay naririnig na larawan.
Bagong notebook ay pinagsanib na naaamoy at nasasalat na
larawan.
Naamoy naman na larawan ang binabalatang dalandan.
Mga buhay na hito sa batya ay gumagalaw na imahen at
nagpapakita ng kilos.
Katas ng dayap ay nagpapahiwatig naman ng lasa.
Di-direktang Uri ng Imahen

________- “tila kidlat ang kanyang ngiti na


umabot sa kabilang daigdig.”

________-“lumuluksong kabayo ang mga sanga


ng kaimito”

________-“nagluluksong-baka ang kaligayahan


at kalungkutan”
Ang Pagtula bilang Potograpiya
Sa paglikha ng mga larawan sa
tula, dapat gamitin ang 5
pandama.
Kung hindi ito magagawa, hindi
magiging buo ang larawan sa
isang negatibo. May parteng
malabo, mapusyaw, o kaya’y
madilim.
Tandaan: sa paggamit ng mga
pandama, nagiging poetiko
ang teksto.
Pagsasanay: Paano nabubuo sa inyong isipan ang
tulang “Tahimik” (1944) ni Gonzalo K. Flores?

tinitigan
ng palabang buwan
ang kuwago
sa kalansay na kamay
ng punong kapok
“Paksiw na Ayungin” ni Jose F. Lacaba
Ganito ang pagkain
umpisahan ang laman.
ng paksiw na ayungin: bunutin
Unti-unti lang, dahan-
ang palikpik
dahan, at simutin nang
(para sa pusa iyan
husto--kakaunti iyang
at ang matirang tinik),
ulam natin, mahirap
at ilapat sa labi
humagilap ng ulam.
ang ulo, at sipsipin
Damihan mo ang kanin,
ang mga matang dilat:
pagkatapos ay mismong paglawain sa sabaw.
ang ulo ang sipsipin hanggang At huwag kang maangal.
sa maubos ang katas nito. Payat man ang ayungin,
Saka mo pabigat din sa tiyan.
hitsura ng ayungin
Gabay na tanong tungo sa pag-unawa:

• Ano ang hitsura ng ayungin?


• Ano ang lasa ng paksiw?
• Magbabago ba ang mensahe kapag gumamit ang makata ng
ibang uri ng isda gaya ng salmon, tuna, o lapu-lapu?
• Ang ang lasa ng sinisimot at sinisipsip na ayungin?
• Ano ang pakiramdam sa daliri ng palikpik at tinik na
ibinubukod para sa pusa?
• Ano ang pakiramdam ng hapunang maraming kanin at sabaw
ngunit kulang sa ulam na protina?
• Gaano kahirap bagalan ang pagkain habang gutom na gutom
ka?
Ang Tono ng Tula
• Ito ang nagpapakita ng emosyon o damdamin ng
persona sa tula. Maaring maging tono ay galit,
pagkasuklam, kasiyahan, panunuligsa, sarkastiko,
sentimental, nagpapatawa, at iba pa.
• Malaking salik sa tono ang diksiyon o ang pagpili ng
mga salita.
• Makatutulong din sa paglikha ng tono ang pagpili ng
larawan, talinghaga, at pananaw sa paksa.
Pagkilala sa Tono
• Sino ang persona?
• Sino ang kausap ng persona? Ilarawan ang kanyang pisikal na
kaanyuan.
• Ano ang pokus ng persona sa katawan ng kausap?
• Kailan at saan nagaganap ang pangyayari sa tula? Ano ang pahiwatig
nito?
• Ano ang ginawa nila sa lunan? Ano ang pahiwatig nito? Ano ang
namamayaning pakiramdam?
• Pansinin ang huling apat na taludtod. Ano ang realisasyon ng
persona?
• Ano ang namamayaning larawan sa huling bahagi?
• Nagbago ba ang tono ng buong tula?
Pagsusuri ng 2 tula sa textbook
Halinang Maglaro
Sa paglalaro ating tandaan,
Dapat tayong maging mahinahon
Isaisip ng bawat manlalaro
Ang paglalaro’y isang kasiyahan.
 
May natatalo’t may nagwawagi
Sa mga larong ikaw ay kasali
Halina at maglarong mabuti
Tandaan lamang—wastong ugali.
Maging Malusog
Maging malusog, katawa’y ingatan
Upang mga sakit iyong maiwasan
Kalusugang angkin, isang kayamanan
Di makakatumbas ang kahit anuman.
 
Upang manatili iyong kalusugan
Lagi nang kainin ang sariwang gulay
Sitaw, kalabasa, upo at malunggay
Iba pang gulaying pandugtong ng buhay.
Pagsasanay: Math Haiku

• Ito ay pag-uugnay ng tula sa konsepto ng


matematika
• Halimbawa:
hawla dagat ÷ bagyo = mga alon
− ibon puno ng niyog × hangin = lumpiang ubod
----------
palay mais ipa 4 mais + 2 sisiw = 2 bundat na sisiw

ilog sa daan Setyembre = ¾ Pasko


parada ng mga payong Pasko = puto-bumbong + bibingka + parol
+ ulilang sampayan
------------------------------------
tag-ulan
Halimbawa ng Math Haiku
• Huwag lamang umasa sa textbook bilang
pagkukunan ng mainam na tula.
• Saliksikin ang yaman ng panitikang-bayan gaya
ng bugtong, tanaga, ambahan, awiting-bayan
para ipakilala sa mag-aaral ang sariling
panulaan.
• Maaaring sumulat ng sariling tula para
ipaunawa sa mga mag-aaaral.
• Huwag katakutan ang tula. Hindi ito malalim
na kailangang sisirin.
• Isakonteksto ang tula. Tuklasin ang historikal
at panlipunang konteksto ng pagkakalikha
nito.
• Iugnay ang tula (interteksto) sa iba pang mga
teksto gaya ng musika, iskultura, sining-biswal.
• Nasa paligid lamang ang tula, hayaan itong
tuklasin ng kapwa guro at mag-aaral.
Pamantayan ng Mahusay na Tula

• Nagpapamalas ng imahinasyon.
• May malinaw na persona.
• May malinis na taludtod.
• Makabago o sariwa ang gamit ng wika at anyo.
• May matalas na pandama at malinaw na
imahen (larawan).
• May epekto o ugnayan sa damdamin ng
mambabasa.

You might also like