You are on page 1of 7

Santiago City

Tel/Fax: (078)-305-3226 / 305-0897


www.northeasterncollege.edu.ph

KOLEHIYO NG EDUKASYON
Course Code : FIL 35
Course Description : Introduksiyon sa Pamamahayag
Schedule : 1– 2:30 PM (TTh)
Course Facilitator : Aileen Melody De Vera, LPT

Topic : Pagwawasto ng Orihinal at Pruweba

Reporter : Tani, Kimberly Claire E.


Garcia, Rene Boy C.

PAGWAWASTO NG ORIHINAL
Ito’y isang paraan kung saan ang isang tagapagwasto ng kopya (copyreader) ay inaayos mabuti
ang kopya, sipi, o manuskrito bago ito ipadala sa palimbagan. Ang kopya ay maaaring isang
balita, editorial o tudling, lathalain atbp. O isang pitak pampanitikan.
1. Maghanda ng isang pagdalaw sa isng palimbagan mg pahayagang pang araw-araw.
Isama sa liham-kahilngan na makikita ng mga mag-aaral ang buong proseso (kung
maaari) ng paglilimbag ng pahayagan, mula sa:

(1) Ginagawang pagwawasto sa city desk patungo sa


(2) Engkoding sa kompyuter, pagkuha ng unang pruweba
(3) Pagwawasto ng pruweba
(4) Pagpapasok ng pagwawasto sa kompyuter, at pagkuha ng ika-2 pruweba,
(5) Pagwawastong, muli kung mayroon pa,
(6) Paglalagay ng OK.
(7) Paglalagay sa dummy sheet,
(8) Pagkuha ng blue print,
(9) Pag-iimprenta nang maramihan ng pahayagan,
(10) Paglulupi, pagtabas kung kinakailangan, at
(11) Pagrerelease.
Humingi kayo, kung puwede, ng kahit isang kopya ng iniwastong orihinal, gayon din ng
iniwastong pruweba, pati na ng blueprint ng pahayagan, lalo na ng pahinang pangmukha.
2. Kopyahin ng guro ang nahinging orihinal na may pagwawasto. Ngunit sa pagkopya,
huwag nang isama ang mga pagwawasto, iyong mismong orihinal na manuskrito
lamang. Ipa-xerox ng kasindami ng mga estudyante sa pamahayagan. Ipawasto sa
kanila, pagkatapos, ihambing ang pagwawastong ginawa nila sa ginawang pagwawasto
ng mga editor ng pahayagang kanilang pinuntahan.
3. Kopyahin sa kompyuter nang doble espasyo sa coupon bond na 8.5’’x 11’’ ang
sumusunod. Ipa-xerox din nang sindami ng mga estudyante, ipawasto sa kanila.
Inupakan ni Sen. Jambi madrigal ang 10 linggong ultimatum na ibingay ng Pangulong Gloria
ma. Macapagal Arroyo sa PNP para mahuli ang mga salaring tumepok sa mga mamamahayag
at militante. Sinabi ni Senador na mas narapat na ipasa na lamang sa United Nations High
Comission on Human Rights ang pagsisiyasat sa extra judicial killings sa bansa, dahil sa ang
PNP at AFP ay siyang pinagbibintangan.
Pinupuna ng Senador kung bakit nagbigay ang Pangulo ng ultimatum na sampung linggong
palugit sa PNP, gayong sila ang pinaghihinalaang siyang gumagawa ng pamamaslang.
Lumilitaw daw, ayon sa kanya, na pakiytang tao lang ang ginagawang pahayag ng Pangulo at
walang awa sa familya ng pamamaslang.
4. Ipakopya sa kompyuter nang doble espasyo sa coupon bond na 8.5’’x 11’’ ang
sumusunod na orihinal na manuskrito nang walang pagbabago. Ipakaltas ang mga
salitang di mahalaga, at gawin ang iba pang pagwawasto sa pamamagitan ng paggamit
ng angkop na pananda.

a. Pambihira at kataka-takang pusa: may isang di-karaniwang ulo, ngunit may dalawang
nakakatawang katawan,anim na paang katamtaman ang haba at dalawang
mahahabang buntot. Ang pusang ito na para bang Siamese twins, ay alaga nina
Benjamin Regoondola at Luisito Torio, parehong nakatira sa 1791 tramo,, Pasay City, at
ipinanganak noong Pebrero 17, 1982. Magkapatid sila sa ama, at pareho silang
nagtatrabaho sa Manila Zoo.
b. Ang tanyag at bnatog sa buong mundong GermanMimist, si RolfScgarre ay gaganap na 2
tangi at namumukod na pagtatanghal ng An Evening of Pantomine sa mayo 16 at 17,
ganap na ika-8:00 ng gabi sa RajaSulaynam Theatre sa Fort Santiago sa lialim ng
pamamhala o pangangasiwa ng Philippine Educationla Theater Association (PETA).

5. Magpasipi sa mga estudyante ng pamatnubay na tatatluhing talataan ng isang balita sa


wikang Ingles. Ipasalin sa Filipino. Pagkatapos, pagpalit-palitinsila ng papel at ipawasto
sa kanila ang hawak nilang papel. Mahigpit na iutos ang paggamit ng angkop na
pananda.

6. Ipawasto ang mga mali ng sumusunod:


(a) Sa sunog
(1) …natupok na 4 na apartment…
(2) Umabot sa Php. 3M ang halaga ng nasuod…
(3) …ang natupok ay ipinalagay nila na nagkakahalaga ng…
(4) Malaking sunog ang tumupok sa..
(5) Walang tiyak na kaalaman ukol sa seguro ng mga…
(6) Mabilis na nawala ang kabayanan ng…unang ito’y masunog kahapon (retorika)

(b) Sa balitang panlipunan


(1) Isang salu-salo ang ibinigay ng…
(2) Sila ang magbibigay ng isang natatanging tugtugin…
(3) Sa ganap na ikaapat ng umaga…
(4) Ang unang panauhin niya ay si….

(c) Malabo o patay na pamatnubay


(1) Isang panayam tungkol sa counterfeiting o pagpapalsipika ang ginawa kahapon.
(2) May isang malaking sunog kagabi.

(d) Iba’t iba pa


(1) Ang pagdinig ay mag-uumpisa sa araw na ito.
(2) Matapos ang 47 na arw ma pagkalutang sa dagat wala man lamang namatay.
Ngunit ang mga naiwan…
(3) Si G. Trinidad ay nakipagkita sa kanyang tagalikha kahapon.
(4) Ang kanyang pagkamaty ay gawa ng pang-apat na atake sa kanyang puso.
(5) Ang kanyang maburting pagsisikap ay…
(6) Sa kaniyang paglipas ay naiwan niya ang…
TUNGKULIN NG TAGAWASTO NG KOPYA

1. Printer’s Direction
2. Errors in Fact
3. Errors in Grammar
4. Errors in Structure
5. Errors in Style
6. Mag-ayos ng pamatnubay upang maging mabisa ito at maikli.
7. Mag-alis ng di-mahalagang tala o paksa.
8. Iayos ang pagkabuo at pagkakasunod-sunod ng mga talaan sa artikulo.
9. Mag-alis ng mga salitang kuro-kuro o opinion kung ang winawasto ay balita.
10. Technical Terms
11. Verbal Dead-wood
12. Libelous Material
13. Magsulat ng ulo ng balita.
MGA KAILANGANG KAGAMITAN SA PAGWAWASTO NG KOPYA

1. Matulis na lapis na may malambot at maitim na tasa.


2. Kagamitang pang-opisina, makinilya, kompyuter, atbp.
3. Sanggunian, talasalitaan, thesaurus, almanac, aklat pamamaraan o istilong
pamahayagan (stylebook).
4. Aklat balarila.
5. Sipi ng dating isyu ng pampaaralang pahayagan.
MGA PAMAMARAAN SA PAGWAWASTO NG KOPYA

1. Ilagda ang pangalan o pirma sa dulong kaliwa ng papel.


2. Ilagay ang bilin printer (printer’s director specification) sa dulong kanang itaas ng papel.
Bilugan ito.
3. Basahin muna nang may pagkaunawa ang kabuuan ng artikulo.
4. Iwasto ang mali sa balarila, bantas, istilo, baybay at iba pang kamaliang mapapansin.
5. Ihambing ang iniwastong mali sa tala.
6. Basahin muli ang kopya upang tiyakin na:

a. Ang mahahalagang tala ay nakapaloob at ang di-mahalagang tala ay naalis na;


b. Ang muling pagsulat at pagbuo ay mahusay; at
c. Naipasok ng lahat ang pagwawasto.
7. Tingnan ang haba ng artikulo kung akma sa takdang espasyo.
8. Isulat ang ulo ng balita.
MGA PARAAN SA PAGGAMIT NG PANANDA

1. Sa paggamit ng pananda, maging malinis ang kopya at iwasan ang pagsulat ng


maraming salita.
2. Lahat ng pagwawasto ay ilagay sa ibabaw ng salitang iniwawasto.
3. Hindi naglalagay ng pananda o pagwawasto sa margin. Ito’y ginagawa lamanng sa
pagwawasto ng pruweba (proofreading).

PAGWAWASTO NG PRUWEBA
Ito ay isang paraan sa pagwawasto ng mga pagkakamali ng taga-linotipya o ng computer
encoder sa pagbubuo ng pruweba upang makapag-labas ng isang malinis at walang anumang
kamaliang pahayagan. Ang pruweba ay maaaring galing sa linotype machine o sa computer.
MGA KAMALIANG MAAARING MALIKHA NG TAGA-LINOTIPYA

1. Copy Error
2. Operator’s Error
3. Machine Error
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGWAWASTO NG PRUWEBA (sa Letter Press Printing)

1. Ilagay ang pagwawastong ginawa sa tabi o mardyin kung saan malapit ang mali.
2. Gawing patnubay ang orihinal na kopya o sipi higit na mainam kung dalawa ang
magwawasto ng pruweba.
3. Isulat nang malinaw ang ginawang pagwawasto. Huwag burahin ang nais palitan.
4. Suriin kung ano ang mga tipong ginamit sa ulo ay pawang magkakatulad.
5. Isulat ang lahat ng pagwawasto sa mardyin iwasang magkagulo ang mga guhit.
6. Lagdaan ng pruwebang iwinasto nang madaling mahanap kung sino ang tagawasto.
7. Ang mga iwinastong pruweba ay ibalik sa taga-linotipiya. Kumuha uli ng pruweba at
tingnan kung naipasok lahat ang mga koreksiyon.
PARAAN NG PAGWAWASTO NG PAHINA (Page Proofreading)

1. Tingnan ang mga may karugtong na linya, magkasunod na linya “windows” huling
salita sa pinulot na slag, polyo (pangalan ng pahayagan, petsa ng paglimbag at
bilang ng pahina). Lahat nabilang sa pares sa kaliwa, lahat nabilang na gansal sa
kanan.
2. Iwasto ang bawat Balita at lathalain.
3. Tiyakin na nasa tamang ayos ang mga tipong ginagamit.
4. Tiyakin din na tama ang tipograpiyang ginagamit sa mga ulo, tulad ng palugit ng
bawat titik, gitling o gatling.
5. Tingnan na hindi nagkapalit ang mga slags o letra at hindi nagbabaliktad ang mga
ito.
6. Tingnan din na mahusay ang palugit (leading) ng bawat linya sa teksto.
7. Tiyakin na walang maling tipo na nakasingit (wrong fonts) sa mga balita.
8. Dapat walang maiiwang mali sa mga pahina.
Hindi natatapos sa copyreader ang pagwawasto ng mga istorya sa pahayagan. Lahat ng
materyales na natapos sa city desk ay ipinadadala agad ng punong copyreader sa composing
room—silid-kompyuter—upang mai-enkod sa kompyuter. Ang kopyang naiprint ay siyang
magsisilbing unang pruweba (first proof) at ito naman ang iniwawasto ng mga proofreader.
Tinitingnan at iniwawasto lamang nila ang mga nasa orihinal ngunit wala o iba sa nasa
pruweba, ang wala sa orihinal ngunit nadagdag sa pruweba, at tinatanggal ang mga iyon; sa
madaling salita, kailangang mapanatili ng proofreader na kung ano ang nasa orihinal, kasama
angpagwawastong ginawa ng copyreader, ay siya lamang dapat nasa pruweba. Ang iniwastong
pruweba ay muling ibinabalik sat aga-kompyuter o encoder para maipasok na muli ang mga
pagwawasto.
Matapos maisagawa ang pagwawasto sa unang pruweba, ang kopya nito ay muling iwawasto
ng proofreader. Tinitingnan niya kung ang pagwawastong inilagay niya sa unang pruwebaay
naroon na sa ikalawang pruweba. Kapag naroon na ang lahat ng pagwawasto, ipadadala na ito
sa copyreader na naghahanda ng tinanatawag na ’dummy sheet’ upang maidikit na sa
kolumnang dapat kalagyan. Kapag naisaayos na sa mga pahina ang lahat ng mga balita,
artikulo, editorial, kolumna, at iba pa, ipagagawa na ang tinatawag na ‘blue print’ na muling
babasahin at isisingit pa ang mga pagwawasto kung mayroon pa kahit na kakaunti. Kapag ayos
na ang lahat, hand ana ito sa pagpapaimprenta.
Ang pinakamabisang paraan sa pagwawasto ng pruweba, lalo na sa mga baguhan ay ang
pagwawasto nang dalawahan—isang tagawasto ng pruweba isang tagabasa ng orihinal na sipi
(magaling ang tagabasang binabasa lahat, pati mga bantas, koma, kolon, semi-kolon, tuldok,
gitling, gatling, at iba pa.) dapat na kabisadong Mabuti ng tagawasto ng pruweba ang
kailangang mga pananda at kailangan naman sa tagabasa ang malinaw na pagabasa ng mga
salita, mga bantas at mga baybay ng mga sakitang di-karaniwan. Kailngang lahat ng nasa
pruweba ay naaayon sa orihinal na sipi, at kung mayroon namang pinag-aalinlanganan, gaya
nabanggit sa una, ay tungkulin nilang isangguni muna iyon sa kinauukulang editor o awtor,
bago isagawa ang anumang pagwawasto. Kung walang mal isa pruweba, nilalagyan ng
tagawasto sa itaas ng pahina ng OK, kasama ang kanyang lagda at petsa ng pagkakabasa, pati
na ang oras nito.
Ang tagawasto ng pruweba ang huling tagamatyag ng mali ng ano mang materyalrs na
ilalathala o ililimbag. Narito ang mga panandang gamit sa pagwawasto ng pruweba. Iniuugnay
ang mga panandang ito sa kinauukulang mal isa taludtod sa pamamagitan ng panandang caret
o kaya’y sa pamamagitan ng guhit, na nag-uugnay sa mali ng taludtod sa kaukulang pananda
sa gilid. Kalimitang ang isang dulo ng guhit ay ikinakabit sa mali at binabatak ang isang dulo sa
pinakamalapit na gilid para idugtong ang angkop na pananda. Samakatwid, kung ang salitang
may mali o mali ay malapit sa kanan, sa gilid sa kanan ito babatakin para iuugnay sa kaukulang
pananda.
Mapapansin, gaya ng makikita sa pahina 145ss, na ang mga pananda sa pagwawasto ng
orihinal ay nasa loob ng teksto, samantalang ang mga pananda sa pagwawasto ng pruweba ay
pawang nasa gilid. Ito’y sapagkat ang una, manuskrito ng orihinal, ay nakadoble kung hindi man
nakatatlong ispasyo na sadyang nakalaang malagyan ng pagwawasto, ikalawa, ito’y wala pa sa
forma ng kolumna ng pahayagan. Samantala, ang pagkaka-enkod ng iwinawastong pruweba,
una, nakisang ispasyo na, ikalawa, nakaforma na ito sa lapad ng kolumnang paglalagyan sa
pahayagan.
PAGWAWASTO NG PRUWEBA
Narito ang halimbawa:
Isa karaingan ng mangangalakal sa ating bayan laban sa ilang mga opisyal ng ating
Pamahalaan ay ang di-magandang hilig na panghihinggi na para bagang karapatan nila ang
tumanggap at obligayson naman ng mga may ari ng bahay kalakal ang magbigay sa kanila.
Dahil sa walang patawad na pangingikil, ang pag bibigay ng mga regalong pamasko ay
nawalan na ng katuruan.
Sa isang utso na nilagdaan ng pangulo di lang mangangalakal ang natuwa. Sa ilalim ng utos na
nasabi, magiging labag sa batas pamasko ang pagtanggap ng mag regalo, maging pamasko o
hindi man. Ang pagbabawal ay nilalaman ng “Presidential Decree no. 46”.
Narito na ang mga pagsasanay:
1. Kopyahin muli ang nahingi sa imprentang pruweba, alisin din ang mga pananda ng
pagwawastong ginawa, at ipaxerox nang kasindami ng kailangan ng mga mag-aaral, at
ipawasto iyon sa kanila. Ihambing ang nagawa ng mga mag-aaral sa ginawa ng mga
proofreader ng pahayagan.
2. Magsuri ng dalawa o tatlong pangunahing balita sa pahayagang tabloid sa Filipino.
Ipakita ang mga maling bunga ng kawalang-ingat ng tagawasto ng pruweba.
3. Ipahanap ang mga mali sa sumusunod na pruweba at ipasulat sa hiwalay na papel ang
mali at ilagay ang pagwawasto sa paggamit ng angkop na pananda.
Dahil sa tumitingin na labanan sa Lebanon ng Israeli army at mga militanteng Hezbolla, ipinag-
utos ni pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kahapon ang pagilkas ng mahipit na 30, 000
Pilipino na naiipit sa naturang bansa.
Iniutos ng Pangulo ang paglilikas sa bagong tatag na task force na pinamumunuan ni Vice
President Noli de Castro. Ayon kay Foreigh Affairs Undersecretary Esteban Conejos, mas
mahirap ang evacutation dahil simula na ang putukan sa mga kalye ng Beirut.
Sinabi ng opisyal na magiging mahirapang evacuation sa susunod na dalwang linggo dahil
lalong walang puknat ang pag-atake sa mga kuta ng Hezbolla.
“The maximum effort for evacuation will be in the next twoweeks,” sinabi ni Conejos. Ayon sa
kanya, ginagawa na ng pamahalaan ang master plan sa full evacuation.
Bukod sa eroplano, pinag-iisipan din ng task force kung maaripang gumamit ng mga barkopara
mailikasang mga Pilipino.
May utos din ang Pangulo kay Conejos na kumbinsihinang mga employer ng overseas Filipino
workers o (OFWs) napayagnng umalis ang kanilang mga katulong.

You might also like