You are on page 1of 15

FILIPINO 111-MODYUL

“INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG”

JOSHUA G. NACARIO
2ND YEAR BSED

MODYUL 1

1. KATUTURAN NG PAMAMAHAYAG, PAHAYAG AT PAHAYAGAN

PAMAMAHAYAG

Ang pamamahayag o peryodismo ay isang estilo ng pagsusulat ng tuwirang pag-uulat ng


mga kaganapan. Ang kataga ay ginagamit upang ilarawan ang mga gawain ng
mga pahayagan, mga palabas na pambalita sa telebisyon at radyo, at sa mga magasing
pambalita.

PAHAYAG

Ang pagsisiwalat ng tao ng kanyang mga nasasaloob, ng kanyang mga paniniwala, ng


lahat ng kanyang mga nalalaman

PAHAYAGAN

Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes, at kadalasan itong


inilalathala ng araw-araw o lingguhan. Ang pahayagan, diyaryo, o peryodiko ay isang
uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas, kadalasang na
imprenta sa mababang halaga.

Ang pahayagan ay may tatlong pangunahing tungkulin bilang isang uri ng


pangmadlang komunikasyon

1. . Magpaalam –Sa isang paghahayag ng balita ay hindi dapat magkaroon ng bias o


pabor sa isang panig lamang. Ang balita ay kailangang tapat at walang
kinikilingan
2. . Impluwensiya – Tungkulin ng peryodiko ang bigyan ng sapat na impormasyon
ang mga mambabasa upang sila'y makagawa ng sariling opinyon ukol sa mga isyu
na kinakaharap ng lipunan.
3. Pagpapalaganap ng Komersyo at Industriya -Ang advertising ang
nagsisilbing lifeblood ng mga pahayagan. Ngunit kailangang mag-ingat ng
tauhang editoryal ng isang pahayagan upang hindi maituring na balita ang
isang advertisement.
1) Ito ang napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na,
nagaganap at magaganap pa lamang.

a) Balita
b) Editoryal
c) Lathalain
d) Pampalakasan

2) Kahalagahan ng balitang maaaring makapag-iba sa kapasidad ng isang tao,


katayuan, estado at maging kabuoan nito.

a) Nagbibigay-impormasyon
b) Nagtuturo
c) Lumilibang
d) Nakapagpapabago

3) Katangian ng balitang naglalahad ng mga datos na walang kinikilingan sa


alinmang panig na sangkot.
a) Kawastuhan
b) Katimbangan
c) Makatotohanan
d) Kaiklian

4) Ito ay pumapatungkol sa paghahayag ng tapat at tunay na impormasyon ng batay


sa aktwal at hindi gawa-gawa lamang

a) Kawastuhan
b) Katimbangan
c) Makatotohan
d) Wala sa Pagpipilian

5) Uri ng balitang naghahayag ng tuwiran at hindi. Ginagamitan din ng


kombensyonal at makabagong pamatnubay

a) Istilo ng paglalahad ng datos


b) Batay sa pinagbabatayan
c) Ayon sa pinangyarihan
d) Pagkakaanyo sa pahina.

6) Sumasaklaw sa Lokal na pangyayari sa mga lalawigan, bayan, rehiyon, lungsod at


maging sa balitang abroad.
a) Istilo ng paglalahad ng datos
b) Batay sa pinagbabatayan
c) Ayon sa pinangyarihan
d) Pagkakaanyo sa pahina.

7) Ito ay balitang nakabatay sa aksyon, tala, talumpati o pakikipanayam


a) Istilo ng paglalahad ng datos
b) Batay sa pinagbabatayan
c) Ayon sa pinangyarihan
d) Pagkakaanyo sa pahina.
 
8) Uri ng balitang nakasandig sa mga tala, kinipil, daglian, pangkatnig at/o bulitin.
a) Istilo ng paglalahad ng datos
b) Batay sa pinagbabatayan
c) Ayon sa pinangyarihan
d) Pagkakaanyo sa pahina.

9) Tumatalakay sa interes ng tagapakinig o mambabasa sa kadahilanang ang balita


ay nangyayari sa kanilang paligid.

a) Kapanahunan
b) Kalapitan
c) Artipisyal at mga hayop
d) Kaibahan
 
10) Tumutukoy hindi lamang sa laban ng tao sa kapwa tao, maaari itong pakikibaka
ng tao laban sa kalikasan o sa kaniyang sarili.

a) Tunggalian
b) Kalamidad
c) Makataong Kawilihan
d) Pagbabago at Kaunlaran
SAGOT:

1) A 6) C
2) D 7) B
3) B 8) D
4) C 9) C
5) A 10) A
MODYUL 2

ANG MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG PAMAMAHAYAG

1) Ang mga dapat Tandaan sa pagsulat ng Pamamayhayag

Ilahad ang pinakamahalagang pangyayari sa unang talata

Huwag maging paligoy-ligoy

Isaad ang katangian at kahalagahan ng isinasalaysay

Tukuyin ang mga pangyayari:

a) Tungkol saan?
b) Sinu- sino ang mga kasangkot?
c) Saan naganap?
d) Kahalagahan sa mga mambabasa

Gumawa ng balangkas ng isusulat

Hindi dapat kalimutan ang pagkilala sa mga sangguniang ginamit

Huwag gumamit ng matatalinghagang salita

Huwag na huwag maglalagay ng sariling opinion

Isulat ang pawing katotohanan lamang

Siguraduhing ang balitang isusulat ay walang kinikilingan

2) Ipaliwanag kung anu-ano ang mga dapat gawin sa mga dapat tandaan kung
sumulat ng pamamahayag.
Isulat kaagad ang balita matapos makalap.

Itala ang mga datos ayon sa pababang kahalagahan.

Unahing itampok ang pinakamahalagang datos bilang pamatnubay.

Ibigay ang buong pangalan ng taong awtoridad o pinagkunan ng datos at


kaniyang katungkulan. Sa muling pagbanggit sa kanya ay gamitin na lamang
ang G. at apelyido ng lalaki at Bb. o Gng. at apelyido ng babae o anumang
titulo na angkop sa kanya.

Igumamit ng malabong larawan


Maging tumpak sa paglalahad ng datos.

Gawing maikli ang talata.


Gumamit ng mga payak na salita.

Gawing maiikli ang pangungusap at pag-iba ibahin ang haba nito.

Gamitin ang pangungusap na tukuyan kaysa sa balintiyak.

Isulat ang tuwiran at di tuwirang sabi sa magkahiwalay na talata.

Ilahad ang dalawang panig ng mga taong sangkot sa balita.

Gawing pasalita ang bilang 1 hanggang 9 at gawing tambilang ang 10 pataas.

Katangian ng Balita

Ganap na Kawastuhan – bawat pahayag, pangalan, edad, petsa, tirahan at


pangyayari ay tumpak

Timbang – naglalaman ng mahahalagang detalye hinggil sa tunay na


pangyayari

Walang Kinikilingan – hindi nagtataglay ng personal na opinyon ng


manunulat, dapat na isulat ang dalawang panig ng istorya

Kaiklian at Kalinawan – dapat maikli at malinaw dahil ang pangunahing


layunin nito ay magpabatid

Ang pananaliksik ay ang "sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa,


pangyayari, at iba pa. Ito ang proseso ng pangangalap sa mga totoong impormasyon
na humahantong sa kaalaman. Ito rin ang "malikhain at sistematikong gawaing
ginagawa para mapataas ang kaalaman. Saklaw nito ang pangongolekta, pag-
oorganisa, at pagsusuri sa mga impormasyon para mapalawak pa nang husto ang
kaalaman tungkol sa isang paksa o isyu. Ang isang proyekto sa pananaliksik ay
maaaring isang pagpapalawak sa napag-alaman na. Isinasagawa ang mga ito para
mapahusay pa lalo ang pag-intindi sa isang partikular na paksa, o maaaring para sa
edukasyon. Hinahanap ng pananaliksik kung de-kalidad ba ang isang instrumento,
mainam ba ang isang pamamaraan, tama ba ang eksperimento, o di kaya'y totoo ba
ang isang panukala at teorya.

Ang wika ay isang sistema na binubuo ng pag-unlad, pagkuha, pagpapanatili,


paggamit ng mga komplikadong sistema ng komunikasyon at isang bahagi
ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo,
tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan
- Ang Wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan ay
“dila”. Ito ay nangangahulugan ng paraan ng paghahatid ng ideya, opinion o
pananaw na maaring gawin na pasulat o pasalita.

Ang panitikan ay nagsasalaysay sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at


mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ngpag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at
pangamba.

- Ang Panitikan ay ang repleksyon ng buhay na nagsasabi o nagpapahayag ng mga


kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng tao. Ang
salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping
"pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay
nangunguhulugang literatura (literature), at ang literatura ay galing sa Latin na littera
na nangunguhulugang titik.

1. Balita ng isang pangyayari na pinaganda ang paghahatid ng impormasyon upang


maging higit na kawili-wili o kaya’y higit na makapagbigay-aliw sa mambabasa

a) Balita ng Pagkilala
b) Balitang may Pagpapakahulugan
c) Balitang Lathalain
d) Balitang Kinipil

2. Balita ng kahanga-hangang nagawa ng isang tao o ng isang pangkat

a) Bulitin
b) Balita ng Pagkilala
c) Balitang Pampublisidad
d) Dagliang Balita

3. Balita ng pangyayaring nagaganap pa o kagaganap pa lamang

a) Inaasahang Balita
b) Balitang Kinipil
c) Paunang Balita
d) Kasalukuyang Balita/ Balitang Di-inaasahan
4. Balitang bunga ng paggalugad at pagbubulatlat na may hangaring malaman ang
malalim na dahilan ng malulubhang pangyayari

a) Balitang Pampublisidad
b) Balitang Lathalain
c) Balitang Nagsisiyasat
d) Balitang may Pagpapakahulugan

5. Balitang ukol sa regular at inaasahang magaganap

a) Balitang Panubaybay
b) Inaasahang Balita
c) Dagliang Balita
d) Balitang Rutin

6. Binibigyang-diin sa balitang ito ang pagsusuri at pagpapaliwanag ng malalim na


dahilan ng mga pangyayari upang lalong madaling maunawaan ng mambabasa

a) Balitang Nagsisiyasat
b) Balitang may Pagpapakahulugan
c) Balitang Lathalain
d) Balitang Pampublisidad
 

7. Tumutukoy sa mga pangyayaring matagal nang naganap, at alam ng di-iilang


mambabasa bago pa malathala bilang isang balita

a) Inaasahang Balita
b) Tuwirang Balita
c) Balitang Di-inaasahan
d) Balitang Kinipil

8. Mahalagang balita na pinaikli upang mapagkasaya sa espasyo

a) Bulitin
b) Dagliang Balita
c) Balitang Kinipil
d) Paunang Balita

9. Nagsasalaysay ng pangyayaring naganap na

a) Dagliang Balita
b) Paunang Balita
c) Balitang Di-inaasahan
d) Tuwirang Balita
10. Pinakabuod ng bagong mahalagang balita na kailangang mailathala kaagad dahil huli
na para mailathala
ang buong balita
a) Dagliang Balita
b) Balitang Kinipil
c) Bulitin
d) Balitang Panubaybay

11. Ano-ano sa sumusunod ang mga uri ng balita ayon sa nilalaman?


(Tatlo ang hinihingi)

a) Balitang Pang-agham
b) Balitang Pangkaunlaran
c) Balitang Lathalain
d) Balitang Pampalakasan

12. Ano-ano sa sumusunod ang mga uri ng balita ayon sa anyo? (Apat ang hinihingi)

a) Balitang Iisang Paksa o Tala


b) Balitang Maramihang Itinatampok
c) Tuwirang Balita
d) Balitang Lokal
e) Balitang Lathalain

13. Balita ng isang pangyayari na pinaganda ang paghahatid ng impormasyon upang


maging higit na kawili-wili o kaya’y higit na makapagbigay-aliw sa mambabasa

a) Balita ng Pagkilala
b) Balitang may Pagpapakahulugan
c) Balitang Lathalain
d) Balitang Kinipil

14. Balita ng kahanga-hangang nagawa ng isang tao o ng isang pangkat

a) Bulitin
b) Balita ng Pagkilala
c) Balitang Pampublisidad
d) Dagliang Balita

15. Balita ng pangyayaring nagaganap pa o kagaganap pa lamang

a) Inaasahang Balita
b) Balitang Kinipil
c) Paunang Balita
d) Kasalukuyang Balita/ Balitang Di-inaasahan
TAMANG SAGOT

1. C 6. B 11. A, B, D
2. B 7. A 12. A, B, C, E
3. D 8. C 13. C
4. C 9. D 14. B
5. D 10. A 15. D

MODYUL 3

MAGSASALIKSIK AT ALAMIN ANG MGA SAKLAW NG PAMAMAHAYAG,


IPALIWANAG ANG BAWAT ISA

PAGSULAT- pagsulat ng mga pahayagn, magasin, aklat, pulyeto at iba pa.

PAGSASALITA- na karaniwang nagaganap sa radyo sa pamamagitan ng


pagbabalita at pamumuna o pagbibigay ng komentaryo.
PAMPANINGIN- pagbabalita sa television, ng mga on-the-spot-telecast na
pagbabalita, komentaryo, paanunsiyo, at iba pa
MGA TANONG

1. Nakasaad dito kung saan nakaburol at kung kailan ililibing ang namatay.

a) Libangan
b) Editoryal
c) Lifestyle
d) Obitwaryo

2. Mababasa dito ang mga artikulong may kinalaman sa pamumuhay, tahanan, pagkain,
paghahalaman.

a) Lifestyle
b) Obitwaryo
c) Ulo ng Balita
d) libangan
3. Naglalaman ang bahaging ito ng ,ga balitang may kinalaman sa larangan ng isports sa
loob at labas ng bansa.

a) Baltang Pandaigdig
b) Palakasan o Isports
c) Bahagi ng Pahayagan
d) Anunsyo Klasipikado

4. Dito mababasa ang mga balita tubgkol sa kalakahan, industriya at komersyo.

a) Balitang Komersyo
b) Pangulong Tudling o Editoryal
c) Balitang Pandaigdig
d) Balitang Panlalawigan

5. Dito mababasa ang kuro-kuro o punang isinulat ng patnugot hinggil sa isang


napapanahong paksa o isyu.

a) Balitang Pandaigdig
b) Pangulong Tudling o Editoryal
c) Pangulong Tudling
d) Wala sa pagpipilian

6. Ano ang tagalog ng Classified Ads?

a) Anunsyo Klasipikado
b) Libangan
c) Bahagi ng Pahayagan
d) Obitwaryo
7. Dito makikita and tungkol sa artista, pelikula, telebisyon at iba pang sining.

a) Anunsyo Klasipikado
b) Libangan
c) Bahagi ng Pahayagan
d) Obitwaryo

8. Ito ay naglalaman ng balit! impormasyon, at patalastas.

a) Anunsyo Klasipikado
b) Libangan
c) Bahagi ng Pahayagan
d) Obitwaryo
9. Anunsyo para sa mga taong namatay na.

a) Anunsyo Klasipikado
b) Libangan
c) Bahagi ng Pahayagan
d) Obitwaryo

10. Makikita ritoang mga anunsyo para sa iba't ibang uri ng hanapbuhay, bahay, lupa,
sasakyan, at iba pang kagamitang ipinagbibili.

a) Anunsyo Klasipikado
b) Libangan
c) Bahagi ng Pahayagan
d) Obitwaryo

SAGOT:

1. D 6. A
2. A 7. B
3. B 8. C
4. A 9. D
5. B 10. A

MODYUL 4
1 & 2.
IBIGAY ANG MGA LAYUNIN SA INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG,
IPALILIWANAG ANG BAWAT ISANG LAYUNIN NG INTRODUKSYON SA
PAMAMAHAYAG

PANANAGUTAN (RESPONSIBILITY)
Ang karapatan ng isang pahayagan na umakit sa mga mambabasa ay walang takda,
maliban sa pagsasaalang-alang nito ukol sa kapakanan ng publiko.

KALAYAAN NG PAMAHAYAGAN ( FREEDOM OF THE PRESS)

- Ang kalayaan ng pamahayagan ay dapat bantayan tulad ng isang totoong


mahalagang karapatan ng sangkatauhan.

PANSARILI (INDEPENDENCE)

Ang kalayaan sa lahat ng mga Gawain kasama ang katapatan sa kapakanan ng publiko
ay mahalaga.

KATAPATAN, KATOTOHANAN,GANAP NG KAWASTUHAN (SINCERITY,


TRUTHFULNESS, ACCURANCY)

Ang buong pagtitiwala ng mambabasa ay pundasyon ng lahat ng mahusay na


pamahayagan.

WALANG KINIKILINGAN (IMPARTIALITY)

Ang tumpak na pagsasanay ay nagbibigay ng malinaw na pagtatangi kung ang


talagang balita kaysa kuro-kuro lamang.

MAKATARUNGANG PAKIKITUNGO (FAIR PLAY)

Ang isang pahayagan ay hindi dapat maglathala ng di-opisyal napagbibintang na


makasasama sa reputasyon, o nauugnay sa di mabuting kaasalan nang di muna
nagbibigay ng pagkakataon sa nasasakdal nang marinig ang kanyang panig.

MAGANDANG KAASALAN (DECENCY)

Ang isang pahayagan ay hahatulang hindi tapat kung, habang naghahayag ng mataas
na
kaasalan ay nanghihikayat naman sa mababang katauhan ng mambabasa.

3. PAANO ITO NINYO ISAALANG- ALANG ANG MGA LAYUNIN SA


INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

Nararapat lamang na itoy isaalang alang sapagkat ito ang magiging basehan upang
magkaroon ng maayos at mapayapang pamamahayag, na may mabuting maidudulot
sa lipunan at sa bansa. Kung itoy ipapasawalang bahala ay maaring magulo at walang
pagkakaunawan ang mga tao dahil sa ibat ibang paniniwala na nakaklap sa mga
pahayagan.
4. SUMULAT NG 10 TANONG NA MAY 4 OPSYON O PAGPIPILIAN.

1. Layunin ng pamamahayag na ang karapatan ng isang pahayagan na umakit sa mga


mambabasa ay walang takda, maliban sa pagsasaalang-alang nito ukol sa
kapakanan ng publiko.

a) Pananagutan
b) Kalayaan ng pamahayagan
c) Pansarili
d) Katapatan, katotohanan,ganap ng kawastuhan

2. Layunin ng pamamahayag na ang kalayaan ng pamahayagan ay dapat bantayan


tulad ng isang totoong mahalagang karapatan ng sangkatauhan.

a) Pananagutan
b) Kalayaan ng pamahayagan
c) Pansarili
d) Katapatan, katotohanan,ganap ng kawastuhan

3. Layunin ng pahayagan na ang kalayaan sa lahat ng mga Gawain kasama ang


katapatan sa kapakanan ng publiko ay mahalaga.

a) Pananagutan
b) Kalayaan ng pamahayagan
c) Pansarili
d) Katapatan, katotohanan,ganap ng kawastuhan

4. Layunin ng Pahayagan na ang buong pagtitiwala ng mambabasa ay pundasyon ng


lahat ng mahusay na pamahayagan

a) Pananagutan
b) Kalayaan ng pamahayagan
c) Pansarili
d) Katapatan, katotohanan,ganap ng kawastuhan

5. Layunin ng pahayagan na ang tumpak na pagsasanay ay nagbibigay ng malinaw


na pagtatangi kung ang talagang balita kaysa kuro-kuro lamang.

a.) Walang kinikilingan


b.) Makatarungang pakikitungo
c.) Magandang kaasalan
d.) Wala sa pagpipilian

6. Layunin ng pahayagan na ang isang pahayagan ay hindi dapat maglathala ng di-


opisyal napagbibintang na makasasama sa reputasyon, o nauugnay sa di mabuting
kaasalan nang di muna nagbibigay ng pagkakataon sa nasasakdal nang marinig
ang kanyang panig.

a.) Walang kinikilingan


b.) Makatarungang pakikitungo
c.) Magandang kaasalan
d.) Wala sa pagpipilian

7. Layunin ng pahayagan na Ang isang pahayagan ay hahatulang hindi tapat kung,


habang naghahayag ng mataas na kaasalan ay nanghihikayat naman sa mababang
katauhan ng mambabasa

a.) Walang kinikilingan


b.) Makatarungang pakikitungo
c.) Magandang kaasalan
d.) Wala sa pagpipilian

8. Ito ay isang pahayagan na nahahatulang hindi tapat kung, habang naghahayag ng


mataas na kaasalan ay nanghihikayat naman sa mababang katauhan ng
mambabasa?

a.) kaisipan
b.) Katapatan, Katotohanan, Ganap na Kawastuhan
c.) magandang kaasalan
d.) d. makatarungang pakikitungo

9. Ito ay maaaring tumukoy sa demonstrasyon at peryodismo?

a.) Balita
b.) Wika
c.) Pamamahayag
d.) Pahayag

10. Ito ay sumasagot sa tanong na paano at bakit?

a.) Namamahayag
b.) Pahayag
c.) Pamamahayag
d.) pahayagan

TAMANG SAGOT

1. A 4. D
2. B 5. A
3. C 6. B
7. C 9. C
8. C 10. C

You might also like