You are on page 1of 2

JOSHUA G.

NACARIO
BSED-II

PRE-FINAL-FILIPINO 111
PUMILI NG 10 URI NG PANGULONG TUDLING LAMANG O EDITORYAL. SUMULAT
NG TAG IISANG HALIMBAWA.

1. PANGULONG TUDLING NA NAGPAPABATID

SUSPENSYON NG MGA PAGTITIPON; PINAGBABAWAL.

Noong ika 23 ng Abirl, 2021 ay nagpalabas ang mayor ng barobo na si


Mayor Joey S. Pama ng isang Memomorandum bilang 25 na naglalayon na
panandaliang pagsasara ng mga sabong, karaoke at iba pang klase ng aktibidad
na nagiging dahilan upang magtapok o magsamasama ang mga tao na una unang
rason kung bakit may roong kaso parin ng Covid 19 ang munisipalidad ng
Barobo. Ang nasabing memorandum ay ibinasi sa ibinigay na memorandum nang
Department of Interior and Local Government at Inter Agency Task Force noong
ika 21 ng Abril taong 2021 Ang lungsod ng Barobo ay mahigpit na nagbabantay
sa mga ganitong klase na pagtitipon upang mapangalagaan ang kaligtasan nang
mga taong nasasakupan nito.

2. PANGULONG TUDLING NA NAGPAPAKAHULUGAN


KAGANDAHAN NG PAGBABAKUNA
Ang mga bakuna ay isang napakalakas na kagamitan sa paglaban sa COVID-19.
Kasunod sa mga kamakailang ulat ay ang napakabihirang epekto gaya ng
pamumuo ng dugo mula sa dalawang bakuna, naiintindihan namin kung bakit
maaaring mag-alala ang mga tao sa mga panganib ng pagbabakuna. Ngunit
mahalaga din na tandaan ang mga panganib ng COVID-19. Ang peligro at
masamang reaksyon ng pagbabakuna ay mas mababa kaysa sa peligro ng
malubhang sakit o kahit na kamatayan bilang isang resulta ng impeksyon sa
COVID-19. Ito ang dahilan kung bakit masidhing inirekomenda ng WHO ang
pagbabakuna laban sa COVID-19, na nagsisimula sa mga taong nasa mga
prioridad na grupo - mga manggagawa sa kalusugan, matatandang tao at mga
taong may pinagbabatayan na mga kondisyon sa kalusugan - na mas nahantad sa
impeksyon, at sa mas mataas na peligro ng malubhang sakit at kamatayan kung
sila ay nahawahaan ng virus
Ang mga siyentipiko sa buong mundo ay nagtulungan sa pagsasaliksik at pagbuo
ng mga bakuna upang makatulong na makontrol ang pandemya. Gayunpaman,
ang mga bakunang COVID-19 na naaprubahan para sa paggamit ay dumaan sa
lahat ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan, at kalidad.

3. PANGULONG TUDLING NA NAKIKIPAGTALO

WALANG KAUNLARAN SA LABAN KONTRA DROGA


Ang kalunos-lunos na dami ng patay sa laban sa droga ay malaking balakid sa
paglago ng ekonomiya dahil nagdudulot ito ng masama at hindi kaaya-ayang
klimang pang-ekonomiya.

Inamin ito ng ilang matataas na kawani ng pamahalaan kamakailan. Sinabi ng


mga puno ng Department of Tourism at Pagcor na, dahil sa mga isyu ng pagpatay
at pagsikil sa karapatang pantao, hirap na ang Pilipinas na akitin ang mga turista
at mamumuhunan sa bansa. Sinabi rin ng kalihim ng DILG na nanganganib ang
ating trade deals sa Europa. 

Pahirap sa masa, Isang malaking pahirap din sa masang Pilipino ang laban kontra
droga.Sinabi ng Human Rights Watch sa isang pag-aaral na halos lahat ng biktima
ng war on drugs ay walang trabaho, maliliit ang kita , o nakatira sa mahihirap na
komunidad . Inamin mismo ng Pangulo na marami sa namatay ay mahihirap, pero
“wala talaga tayong magagawa,” sabi niya.Walang saysay ang paglago ng
ekonomiya kung hindi makikinabang dito ang mahihirap dahil sila ay pinapatay.
Hindi natin mapapalawak ang kanilang mga kakayahan, oportunidad, at kalayaan
kung sila naman ay walang habas na pinapaslang sa mga kalsada.

4. PANGULONG TUDLING NA NAMUMUNA

You might also like