You are on page 1of 7

Retorika at Panitikan ng Pilipinas

Pinal na Prokeyto

Salido, Maurren F. Abril 7, 2020

ISYU NG GOBYERNO: Travel Ban kasabay ng Covid-19 Nararapat ba? Ano Ang
Maaring epekto sa Turismo?

Panimula
Noong buwan ng Enero ay mayroong unang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas at sa
mga sumunod na buwan ito ay patuloy na tumataas. Kasabay ng pagpasok ng Abril at
ang pagakyat ng kaso sa 3,000. At ayon sa World Health Organization ito na ay
pandemia. Ang Covid-19 ay maaaring maihalintulad sa mga dating sakit tulad ng SARS
sapagkat nanggagaling sila sa iisang pamilya ngunit hindi ito kasing lala ng SARS. Ito
ay nagpapakita lamang ng sintomas ng flu pati narin ng normal na sipon at ubo.
Mayroong iba naman ay hindi nakakaranas ng ano mang sintomas. Kasabay ng
pagtaas ng kaso ng Covid-19 ay ang pag-implementa ng gobyerno ng code red sub-
level 2. Ang aksyong ito ay naglalayon na mapuksa ang Covid-19. Ang buong Luzon ay
sumailalim sa tinatawag na enhanced community quarantine. Nakapaloob dito ang mga
iilang bagay na dapat sundin ng mga tao. Isa sa mga solusyon ay ang pagpapatupad
ng travel ban simula ika-12 ng Marso hanggang ika-30 ng Abril. Sa pagpapatupad ng
travel ban upang mapigilan ang pagpasok ng mga turista sa Pilipinas. Sapagkat ang
sakit ay maaaring makuha sa iba’t ibang bansa at kasabay ng pagpasok ng turista ang
pagpasok ng Covid-19 sa Pilipinas. Sa pagpapatupad ng travel makikita ang malaking
epekto nito sa ating turismo lalo na at papalapit na ang bakasyon.

Tekstong Ekspositori
Ayon sa World Health Organization ang novel coronavirus o mas kilala bilang
Covid-19 (CO – Corona, VI – Virus, D – Disease) ay isang sakit na kumalat sa iba’t
ibang bansa. Konektado ito sa sakit na Sever Acute Resporatory Syndrome (SARS) at
ibang sintomas ng sipon kung saan inaatake ang baga ng isang tao, kaya ito na rin ay
tinawag ng Sars-CoV-2. Ayon sa artikulo ng Wired ang pinagmulan ng sakit na ito ay
ang Wuhan sa bansa ng China noong Ika-19 ng Disyembre 2019. Ang sakit na ito ay
nanggagaling sa mga hayop papunta sa tao at naipapasa sa iba pang tao. Ayon sa mga
eksperto ito ay nagmula sa mga mababangis na hayop tulad ng ibon, kuneho, paniki, at
ahas na kasama sa ilegal na kalakalan na nangyari sa Wuhan, ngunit wala pang tiyak
na detalye kung anong hayop ang nagdulot nito. Ito ay naideklarang pandemya ng
World Health Organization noong Ika-11 ng Marso 2020 sapagkat ito ay naka apekto ng
higit pa sa isangdaan at sampung (110) mga bansa at teritorya.

Ayon sa World Health Organization noong ika-30 ng Enero 2020 naitala ang
unang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas. Ito ay nag mula sa tsinong magkasintahan kung
saan nanggaling sa Wuhan. Kasabay ng pagdami ng kaso sa Pilipinas umaksyo ang
gobyerno na magkaroon ng travel ban sa mga bansang China, Macau at Hongkong
noong Ika-2 ng Pebrebro 2020. At noong ika-7 ng Marso 2020 naitala ang unang local
na kaso kung saan walang kasaysayan na ito ay nag ibang bansa. Kaya noong ika-12
ng Marso 2020 naideklara na ang Pilipinas ay Code Red Sub-Level 2. Ang nakapaloob
rito ay una isuspende ang mga klase hanggang ika-12 ng Abril 2020. Pangalawa ang
pagtitipon ng masa ay ipinagbabawal. Pangatlo nagdeklara ng community quarantine
sa buong Metro Manila at ito naman ay pinalawak noong ika-16 ng Marso 2020 at
ginawang buong luzon. Pang-apat ang Excutive Branch ng gobyerno ay sinuspende.
Panglima ang pag-anyaya sa mga pribadong sektor na magkaroon ng feasible work
schedule. Pang-anim ang transportasyong pang masa tulad ng LRT at MRT ay tuloy pa
rin ngunit may ka-akibat na patnubay ng Department of Transportation upang
siguradong maipatupad ang social distancing. At ang pang huli ay ang pagsuspinde ng
land, domestic air and domestic sea travel galing sa buong Luzon hanggang ika-30 ng
Abril, 2020.

Tekstong Deskriptibo
Sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine inaasahan ang malaking
epekto nito sa ekonomiya ng Pilipinas. Maraming establisiemento ang hindi muna
pinayagan magbukas para sa kaligtasan ng lahat. Kasama na rin dito ang mga
pasyalan katulad ng mall at iba pa. Kapag bibili ng pagkain sa restawran hindi na
maaaring mag dine-in, pwede lamang mag take-out o hindi kaya ay tumawag nalang
upang ipadala ito sa bahay.
Isa sa mga makakaapekto sa ekonomiya ng bansa ay ang turismo. Una rito ay
maging ang ibang bansa ay nagpatupad ng travel ban upang maiwasan at mabawasan
ang paglaganap ng sakit ito ay makaka apekto sa mga turista na nagbabalak
magbakasyon sa Pilipinas. Ayon sa isang balita ng PhilStar Global inaasahan nila na
dahil sa isang buwan na community quarantine ay babagsak ang turismo, industriya at
stakeholders. Ang Pilipinas ay kilala pagdating sa turismo at nangunguna sa listahang
pandaigdig na may magagandang lugar na humihikayat ng mga turista galing ibang
bansa. Ngunit upang labanan ang sakit na ito kinakailangan isuspinde ang iba’t ibang
klase ng transportasyon, at isang buwan hindi pwedeng mag opera ang mga paliparan
sa buong Luzon. Nangangahulugang kanselado rin ang mga plano upang mamasyal
lalo na at papalapit na ang tag-init at holy week. Ayon sa National Economic and
Development Authority (NEDA) base sa nakalap na impormasyon noong taong 2018,
ang kontribusyon ng internasyonal na turismo sa GDP ng Pilipinas ay nasa 1.5
porsyento. Ang bansang Tsina ay pangalawa sa may pinakamalaking numero ng turista
galing ibang bansa na dumadayo ng Pilipinas kung saan kumikita ang turismo ng
PHP110.8 bilyon. At nangunguna naman ang bansa ng Korea na kung saan kumikita
ang turismo ng 126.6 bilyon. Maliban pa rito marami ring mga turista na hindi na
makalabas ng bansa dahil sa travel ban. Niatala ng Department of Tourism na
mayroong higit 10,000 na turista galing internasyunal ang istranded sa kalagitnaan ng
enhanced community quarantine. Ayon sa isang balita ng ABS-CBN nagkaroon ng mga
recovery flights local at internasyunal upang makaauwi ng ligtas ang mga turista.

Argumentibo
Hindi biro ang sakit na Covid-19, lalo na ang Pilipnas ay mahirap na bansa. Hindi
katulad ng ibang bansa na may magandang pasilidad na pang medikal. Kung
mapapansin natin sa datos kulang na kulang ang mga pasilidad natin para sa
populasyon palang ng mga Pilipino, at hindi pa kasama ang mga turista na dumayo at
mayroong sakit na Covid-19. Kaya ang aksyon ng gobyerno na magpatupad ng travel
ban ay nararapat sapagkat:

Una, napigilan nito ang pagkalat ng Covid-19, dahil na limitahan ang pagkilos ng
mga Pilipino. Maging ang paglabas pasok ng mga turista sa Pilipinas lalo na yung mga
galing sa ibang bansa na naapektuhan ng Covid-19, lalo na at dayuhan ang nagdala ng
sakit na ito sa Pilipinas.

Pangalawa, ito ay para protektahan ang mga Pilipino sapagkat kailangan unahin
ang kapakanan at kaligtasan ng mga Pilipino bagama’t may kapalit na pagbaba ng
ekonomiya ng bansa. Sapagkat mawawalan ng saysay ang pagtatrabaho kung ang
kapalit nito ay ang kanilang kalusugan. Mayroon tayong kasabihan na ang kalusugan ay
kayamanan.

Pangatlo, hindi rin iminumungkahi ng mga eksperto na kung hindi naman


kinakailangan ay huwag ng bumyahe sapagkat ito ay delikado. Talagang matatamaan
ang turismo ng Pilipinas may travel ban man o wala. Ngunit mas makakabuti pa rin na
ipatupad ang travel ban upang maiwasan ang paglaganap ng sakit.

Pang-apat, hindi sapat ang mga kagamitan sa paliparan o sa daong sapagkat


may mga turista na walang sintomas na nararanasan ngunit mayroong Covid-19. Hindi
lahat ay nakakaranas ng sintomas at ang pagiging asymptomatic ng tao na
naapektuhan ng Covid-19 ay maaaring makahawa ng iba pa, at ang mga nahawaan
nito ay makakahawa rin ng iba pa.

Panghihikayat

Maliban sa Pilipinas maraming bansa ang nag-implementa ng Travel ban bilang


aksyon laban sa Covid-19. Ayon sa isang artikulo ng Medical News Today noong ika-23
ng Enero 2020 nag patupad ang gobyerno ng China ng travel ban sa buong bansa. Ang
pagpapatupad ng travel ban sa bansa ng China ay naging daan upang mapigilan ang
pagkalat ng kaso. At ayon sa eksperto ang aksyon na maagang pag implementa ng
travel ban ay nagdulot na mapigilan ang mahigit 700,000 kaso sa labas ng Wuhan. At
ayon sa artikulo ng Forbes pakonti-konti ng bumabalik ang Wuhan sa normal na
operasyon at mawawala na ang implementasyon ng travel ban sa ika-8 ng Abril 2020.
Ayon din sa isang artikulo ng ABC ang bansang Italy ay nagpatupad ng travel ban sa
buong bansa nito noong ika-10 ng Marso 2020 sapagkat umabot na sa mahigit 400 ang
naitalang namatay dahil sa Covid-19. Maging ang bansang Iran ay nagpatupad ng
travel ban sa buong bansa nito noong ika-26 ng Marso ayon sa artikulo ng Garda
World.

Nag-abiso na rin sa mga may plano mag bakasyon na huwag na itong ituloy.
Ayon sa artikulo ng Centers for Disease Control and Prevention nakasaad na hanggat
maari ay huwag ng magbyahe habang nakakaranas pandemia. Ito ay upang maiwasan
ang paglipat ng sakit sapagkat maaring mahawa sa mga tao na may karamdaman.
Maging ang isang artikulo ng Washington Post noong ika-26 ng Marso 2020 ay hindi
nirerekomenda na magbyahe. Sapagkat ito delikado lalo na at nasa 500,000 na kaso na
ang nakumpirma sa buong mundo. Maging ang mga eksperto ay nagbibigay babala sa
mga tao na may plano bumyahe kasabay ng pandemia kung hindi naman kinakailangan
ay huwag na. Dagdag pa sa artikulo sabi ni Hyzler na hindi ito panahon upang
magbakasyon dahil maari itong maging dahilan na pagiging stranded sa ibang lugar at
malaki ang persyento na ikaw ay mahawaan at makahawa. At parte ng artikulo sinabi ni
Sherman na sa panahon natin ngayon buhay natin ang nakasalalay, at siya ay umaasa
na hindi ito tatagal.

Kung patuloy na tatataas ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas ang medikal na


pasilidad sa Pilipinas ay mahina, ito ay ayon kay De Silva Raymund. Mayroong tayong
halos 109 milyon na populasyon ngunit ang bilang ng higaan sa ospital ay nasa 89,000
lamang at ang intensive care units (ICU) naman ay 1,000 lang. Mayroon lamang tayong
129,000 na doktor at 80,000 ang miyembro ng Philippine Medical Association (PMA)
kung saan nasa 50% lamang ang aktib. At ang naka laan na badget ng Department of
Health ay nasa 166.5 bilyon lamang.

Kongklusyon
Ang pagpapatupad ng travel ban ay nararapat na aksyon ng gobyerno sapagkat
ang tanging layunin nito ay maprotektahan ang mga Pilipino sa sakit na Covid-19.
Sapagkat ang mabuting lider ay ang pag-apply ng empatiya sa kanyang nasasakupan.
Ito ang aksyon na nakakabuti para sa nakakarami. Hindi lahat ng Pilipino ay may kaya
upang makabili ng mga bitamina at prutas upang palaksin ang kanilang resistensya,
hindi lahat ng Pilipino ay pribelihiyo. Ilagay natin ang sarili natin sa kalagayan ng iba na
hindi kaya labanan ang sakit na ito. Kaya hanggat maari ay mapigilan ang malawakang
pagkalat nito. Nararapat na unahin ang kapakanan ng mga Pilipino lalo na sa kalagayan
ng ating bansa. Sapagkat kung mas iisipin ang kita na mawawala sa ating ekonomiya
lalo na sa turismo ay hindi ito sapat na kapalit sa buhay na mawawala dahil sa sakit na
Covid-19. Aanhin natin ang pera kung hindi na natin kapiling ang mahal natin sa buhay.
Magtiis lamang sa ilang buwan na travel ban, at babalik din ang lahat sa normal nitong
operasyon. Babangon muli ang Pilipinas laban sa pandemia na ito. Pagkatapos ng
pandemia na ito nararapat pa rin magtulungan ang mga Pilipino upang maiangat muli
ang ating turismo. Tangkilikin natin ang sariling atin at magbakasyon sa iba’t ibang
pasyalan sa Pilipinas.

Sources:
https://www.who.int/health-topics/coronavirus#tab=tab_3
https://www.unicef.org/stories/novel-coronavirus-outbreak-what-parents-should-know
https://time.com/5791661/who-coronavirus-pandemic-declaration/
https://www.who.int/philippines/emergencies/covid-19-in-the-philippines
https://www.wired.co.uk/article/china-coronavirus
http://www.europe-solidaire.org/spip.php?article52772
https://www.cnnphilippines.com/news/2020/3/12/Philippines-expands-travel-ban-to-all-
countries-with-local-COVID-19-transmission.html
https://pcoo.gov.ph/OPS-content/on-code-red-sublevel-2/
https://wwwnc.cdc.gov/travel/notices/warning/coronavirus-global
https://wwwnc.cdc.gov/travel/notices/warning/coronavirus-global
https://wwwnc.cdc.gov/travel/notices/warning/coronavirus-global
https://www.medicalnewstoday.com/articles/wuhan-travel-ban-and-national-emergency-
response-may-have
http://www.neda.gov.ph/wp-content/uploads/2020/03/NEDA_Addressing-the-Social-
and-Economic-Impact-of-the-COVID-19-Pandemic.pdf

You might also like