You are on page 1of 1

Sanaysay

Ang pamamaraan ng pag-aaral bago ang kasagsagan ng COVID-19 ay pawang simple


lamang. Hindi kagaya ng bagong modo ng pag-aaral o mas kilalang New Mode of Learning, na
nararanasan ngayon ng mga estudyante. Ang simpleng paggising nang maaga, paghanda, at
pagpunta sa iskwelahan ay naging paghahanap ng signal o hindi kaya pagpupuyat sa
sandamakmak na module, kung saan ito ay higit na nakakaubos ng oras at higit na
nakakapagod. Kahit na may kakayahan ang mag-aaral na pumili kung online, modular, o
blended ang kanyang pamamaraan, sadyang mas mahihirapan ito sapagkat hindi ito ang
kinagisnan. Subalit anong hirap man ang mararanansan ng isang mag-aaral, ito ay patuloy na
magsisipag katulad ng dati upang makamtan ang kaniyang pangarap.
2019
Unang namataan ang COVID-19 sa Wuhan, China. Namataan ito sa naunang tatlong
indibidwal na may pneumonia na nasangkot rin sa mga may kaso ng acute respiratory illness sa
nasabing lugar.
2020
Ang unang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay naitala noong Enero 30, 2020. Noong Pebrero 1 rin
nang taon na iyon naitala rin na ang Pilipinas ang unang namatay na positibo ng COVID-19
maliban sa Tsina.
Noong March 2020, nagpatupad ang gobyerno ng lockdown upang maiwasan ang
pagkalat ng nasambit na virus. Noong March 24 din naisakatuparan ang batas ni Pangulong
Rodrigo Duterte ang Bayanihan Heals as One Act.
2021
Marami nang variant ang iniimbestigahan na maaaring dadapo o dumapo na dito sa
Pilipinas. Kabilang na dito ang UK variant. Ngunit ang Food and Drug Administration o FDA ay
nagpahintulot ng emergency use authorization o EUA sa Pfizer at AstraZeneca na mga bakuna.
Noong Hulyo, nagpatupad din ng travel ban ang Pilipinas sa mga flight na mula at papunta sa
Indonesia dahil sa Delta variant. Ngunit noong Hulyo 16, natagpuan na nagkaroon na ng 16 na
kaso ng nasabing variant dito sa bansa. Umabot sa mahigit dalawang milyon na ang kaso ng
COVID-19 noong Setyembre 2021. Nagkaroon din ng Omicron variant noong Disyembre 2021.
2022
Nagkaroon na ng community transmission ng Omicron variant sa Metro Manila.

You might also like